wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

WORKSHEET 2 ARAL PAN - GRADE 10

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng Migrasyon?

a)

tumutukoy sa mga negatibong salik gaya ng kalamidad, kakulangan ng pagkain, hindi sapat na trabaho, at paghahanap ng kapayapaan kung saan ito ang nagtutulak sa tao o grupo ng tao upang umalis sa kasalukuyang lugar.

b)

ay ang mga positibong salik na humihikayat sa pandarayuan o paglipat ng mga tao sa ibang lugar. Ilan sa mga ito ay ang pagnanais na magkaroon ng magandang hanapbuhay at sapat na seguridad para sa pamilya.

c)

isang teritoryong pulitikal upang manirahan at maghanapbuhay kung saan maaaring ito ay panandalian o pangmatagalan.

d)

Ang dami ng tao sa lungsod ay nagdudulot din ng pagsikip ng trapik sa mga daan.

2.

Alin sa sumusunod na dahilan ng migrasyon ang tumutukoy sa paghahanap ng mas disenteng trabaho na may mas malaking kita at paghahanap ng sapat na kabuhayan na maaaring hindi maibigay o makuha sa kasalukuyang tinitirahan?

a)

Sosyal

b)

Heograpikal

c)

Pulitikal

d)

Ekonomikal

3.

Alin sa sumusunod na dahilan ng migrasyon ang tumutukoy sa karaniwang banta ng gulo, rebelyon, o digmaan?

a)

Heograpikal

b)

Sosyal

c)

Pulitikal

d)

Ekonomikal

4.

Alin sa sumusunod ang isa sa mga dahilan ng migrasyon?

a)

Heograpikal

b)

PAG-BIG

c)

PANRELIHIYON

d)

Laro

5.

Ano ang iyong karaniwang mararamdaman kapag ang iyong mga magulang ay kailangang magtrabaho at mapalayo sa inyong pamilya?

a)

Mag-aalala para sa gagastusing pera sa pag- aabroad

b)

Magagalak dahil makapagpupundar na kayo ng mga ari-arian at maiiangat ang pamumuhay

c)

Pagkalungkot dahil sila ay mapapalayo sa inyong pamilya.

d)

Kapanatagan dahil magkakaroon na kayo ng panggastos.

6.

Ano ang tunay na dahilan ng migrasyon?

a)

Kakulangan ng mapapasukang trabaho at mababang pasahod para sa manggagawang Pilipino

b)

Kagustuhang makapagpundar ng mga bahay at kagamitan

c)

Kagustuhang makarating at makapamasyal

d)

Maraming kamag-anak at kaibigan sa ibang bansa

7.

Alin sa mga ito ang positibong epekto ng migrasyon?Pumili ng dalawa(2).

a)
b)
c)
d)
8.

Alin sa mga ito ang negatibong epekto ng migrasyon? Pumili ng dalawa (2)

a)
b)
c)
d)
9.

Ano ang iyong nauunawaang mahalagang konsepto ukol sa migrasyon sa Pilipinas?

a)

Ito ay makasaysayan

b)

Ito ay pagpunta sa ibang lugar upang mag-aral sa mas malaking unibersidad.

c)

Ito ay pangingibang bansa upang makapagtrabaho para sa kanilang pagmamahal sa pamilya.

d)

Ito ay kinakailangan upang matugunan ang mga pangangailangan.

10.

Bakit mahalagang malaman at masuri ang mga epekto ng migrasyon sa Pamilyang Pilipino?

a)

May malaking epekto sa moral na pagpapahalaga ng mga kabataan

b)

Nababago ang pananaw ng mga Pilipino ukol sa konsepto ng pagpapamilya

c)

Nagkakaroon ng puwang at kakulangan ng makabuluhang komunikasyon at atensyon ng magulang sa anak at anak sa magulang.

d)

Lumalayo ang loob ng mga anak sa magulang na napalayo sa kanila.

11.

Halimbawa ng PUSH Factor sa Migrasyon

a)

Kawalan ng Seguridad

b)

Pagbagsak ng presyo ng bigas

c)

Kahinaan ng Pamilya

d)

Paglaki ng kita

12.

Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.

a)

Regular Migrants

b)

Labor Migrants

c)

Irregular Migrants

d)

Migration Transition

13.

Ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.

a)

Temporary Migrants

b)

Regular Migrants

c)

Irregular Migrants

d)

Labor Migrants

14.

Tumutukoy sa mga nandarayuhan sa ibang bansa na illegal dahil hindi sila dokumentado, walang pahintulot na magtrabaho o sinasabing overstaying na sa bansang nilipatan.

a)

ILLEGAL MIGRANTS

b)

TEMPORARY MIGRANTS

c)

PERMANENT MIGRANTS

15.

tumutukoy sa mga nandarayuhan na ang layunin sa pagtungo sa bansang pinuntahan ay hindi lamang magtrabaho o mag-aral na pansamantala kundi permanente nang manirahan sa piniling bansa. Kalimitang nauuwi ito sa pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship ng taong nandayuhan.

a)

ILLEGAL MIGRANTS

b)

TEMPORARY MIGRANTS

c)

PERMANENT MIGRANTS

16.

Kaguluhan o digmaan na nagaganap sa lupang tinubuan

a)

Sanhi

b)

Bunga

17.

Paglala ng suliranin sa trapiko sa lilipatang lugar

a)

Bunga

b)

Sanhi

18.

Kawalan ng trabaho o mababang kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa

a)

Sanhi

b)

Bunga

19.

Paglubha ng problema sa squatting sa mga syudad at pagsiksikan ng mga tao sa urban areas

a)

Sanhi

b)

Bunga

20.

Pag-aaral o usaping pangkalusugan

a)

Sanhi

b)

Bunga

21.

Pagkakaroon ng suliranin sa brain drain at brawn drain sa iiwanang bansa

a)

Sanhi

b)

Bunga

22.

Paglala ng problema sa basura o solid waste management

a)

Bunga

b)

Sanhi

23.

Pag-aasawa

a)

Bunga

b)

Sanhi

24.

Ito ay isa sa mga dahilan ng Migrasyon

a)

Hanapbuhay

b)

Sweldo

c)

Pamilya

d)

Paglilingkod

25.

Itinuturing rin itong isa sa mga dahilan ng migrasyon.

a)

Paglaki ng Hukbong Sandatahan

b)

Kahirapan

c)

Giyera

d)

Militarisasyon