WorksheetsKABUUANG PAGSUSURI AP 10 Q2M1M2
Total questions: 25
Worksheet time: 25mins
lto ang pangyayaring lubusang nakapagbabago sa buhay ng tao sa kasalukuya.
Paggawa
Ekonomiya
Migrasyon
Globalisasyon
Aling salita ang naglalarawan sa mga kaganapan ngayon sa ating buhay bunsod ng globalisasyon?
Mabagal
Madali
Magaan
Mabilis
Ito ang isang salik kung bakit bumubilis ang Globalisasyon.
Sakit
Terorismo
Internet
Teknolohiya
Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng tao at mga “perennial” na institusyon na
matagal ng naitatag.
Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspeto.
Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaudnlad ang mga malaking industriya.
Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang Globalisasyon?
Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
Dahil dito nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.
Makikita sa globalisasyon ang paghihiwahiwalay ng mga bansa sa daigdig.
Bakit pinaniwalaang ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa?
Dahil naghahangad ang tao sa maalwan o maayos na pamumuhay
Dahil binabago ng tao ang mga pangyayari
Dahil magagaling ang mga tao
Dahil sa tao nagsisimula ang pagbabago
Kaakibat ng magandang epekto ng pag-usbong ng multinational at transnational companies ay ang mga suliraning nakaaapekto sa maraming bilang ng mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mga suliraning ito?
Di-patas na paglikaha ng mga produkto at serbisyo
Pagkalugi ng mga mamimili at konsyumer
Pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan
Pagkaroon ng kompetisyon ng lokal at dayuhang namumuhunan
Isa ito sa mga hamong pandaigdig kung bakit bumabagal ang pag-angat ng Globalisasyon.
Internet
Teknolohiya
Terorismo
Sakit
Ayon kay Scholte, bakit mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang Globalisasyon?
Dahil ang nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo
Sapagkat nagbabago ang panahon at ang kakayahan ng tao
Dahil sa siklo ng pag-unlad, ang antas ng teknolohiya ay nagbabago
Dahil hindi pa napapaigting ang ugnayan ng tao noon kaysa ngayon
Kung ating pagnilayan ang kahulugan na ito ng globalisasyon - “Ito ay pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang malayang makakaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa.” Ano ang nakakubling hangarin ng mga bansa sa nasabing kahulugan?
Pagtutulungan ng mga bansa
Pagdaloy ng mga kalakal sa iba’t-ibang bansa
Pagtutulungan ng mga bansa para maipakalat ang kanilang kalakal
Pagbebenta ng mga kalakal at serbisyo
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting epekto ng Globalisasyon?
Isinulong ng Coca-cola company ang programang “plastic bottle of coke saved, a river to clean for.”
Ang World Trade Organization ay naglunsad ng trade fair sa bansa para sa mga dayuhang produkto.
Nagduda ang Amerika sa Pilipinas ng pumunta ang Pangulong Duterte sa Russia upang bumili ng armas.
Ang dengvaxia ay isa sa makabagong vaccine laban sa dengue ngunit naging depektibo ito.
Suriin ang bawat sitwasyon o kaganapan at tukuyin kung alin sa mga sumusunod na anyo ng Globalisasyon ang ipinakikita ng bawat sitwasyon.
"Nang hinambalos ng bagyong Yolanda ang Western Samar, maraming bansa ang nagpadala ng kanilang tulong sa nasabing lugar sa ating bansa."
Globalisasyong Pulitikal
Globalisasyong Sosyo- Kultural
Globalisasyong Ekonomiko
Globalisasyong Teknolohikal
Suriin ang bawat sitwasyon o kaganapan at tukuyin kung alin sa mga sumusunod na anyo ng Globalisasyon ang ipinakikita ng bawat sitwasyon.
"Agad namang binigyang puri ng mga netizen ang isang batang estudyante na nagpakita ng kagandahang gawi sa pagtulong niya sa matandang tumawid sa kalsada habang paroo’t parito ang mga sasakyan sa lugar ng Iloilo."
Globalisasyong Pulitikal
Globalisasyong Sosyo- Kultural
Globalisasyong Ekonomiko
Globalisasyong Teknolohikal
Suriin ang bawat sitwasyon o kaganapan at tukuyin kung alin sa mga sumusunod na anyo ng Globalisasyon ang ipinakikita ng bawat sitwasyon.
"Sa pagpasok at pagpapakilala ng KPOP at K-dramas sa Pilipinas ay unti-unti nang nahuhumaling ang ang mga kabataan sa mga gawi at kasuutan ng mga Korean artist na kanilang iniidolo."
Globalisasyong Pulitikal
Globalisasyong Sosyo- Kultural
Globalisasyong Ekonomiko
Globalisasyong Teknolohikal
Suriin ang bawat sitwasyon o kaganapan at tukuyin kung alin sa mga sumusunod na anyo ng Globalisasyon ang ipinakikita ng bawat sitwasyon.
"Ang Emperador Brandy at San Miguel Corporation ng Pilipinas ay nakipagsabayan na rin sa ibang korporasyong nagmula sa ibang bansa."
Globalisasyong Pulitikal
Globalisasyong Sosyo- Kultural
Globalisasyong Ekonomiko
Globalisasyong Teknolohikal
Para maiangkop sa globally standard na paggawa ang mga Pilipino, isinusulong ng DepEd na linangin ang tinatawag na 21st Century Skills sa mga mag-aaral nito. Alin ang hindi kabilang?
Media and Technology Skills
Mass Communication Skills
Learning and Innovation Skills
Life and Career Skills
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na "binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino?”
Pag-angat ng mga manggagawang Pilipino
Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa
Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ng Automatic Teller Machine (ATM)
Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa bansa
Bakit isinakatuparan ng Department of Education sa panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na na tinatawag na Senior High School?
Lilinangin ang kakayahan o kasanayan na maiangkop sa globally standard na paggawa
Lilinangin ang kakayahan ng mga mag-aaral para pagkatapos ng Senior High School ay pwede nang magtrabaho
Lilinangin ang kasanayan para kaya nang mabuhay ng mga mag-aaral pagkatapos ng Senior High School
Lilinangin ang kasanayan para sa hinaharap at kinabukasan
Binago ng Globalisasyon ang workplace ng mga manggagawa. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng pagbabagong ito?
Mawawalan ng trabaho si Alemar dahil sa wala nang nagpapadala ng sulat sa post office.
Ang kalabaw pa rin ang ginagamit ni Jolo sa pag-aararo sa kanyang sakahan.
Napakabagal ng pagpila ni Jolo sa bangko dahil sa maramng tao ang nagwithdraw ng pera.
Maghapon na binabayo ni Aling Hanna ang palay na kanilang naani noong isang linggo.
Basahin ang mga kalagayan sa ibaba at alamin kung anong karapatan ng mga manggagawa ang ayon sa Inernational Labor Organization ang nilabag. Piliin ang sagot sa pagpipilian at isulat ang titik lamang.
"Nagtatrabaho si Aling Meding bilang isang mananahi sa pabrika ng damit. Madalas, sinasabihan siya ng kanyang employer na magtrabaho nang lampas sa karaniwang walong oras na trabaho. Dahil madalas na kailangan nilang tugunan ang itinakdang araw ng kanilang mga kostumer. Ngunit hindi nakakatanggap si Aling Meding ng bayad sa sobrang oras na pinagtatrabahuan niya."
Karapatang sumali sa mga unyon
Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho
Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho
Sapat at karapat-dapat na sahod ng manggagawa
Nang magsimulang magtrabaho sa isang kompanya ng sigarilyo ang magkapatid na sina Lourdes at Mila, pinapirma sila ng employer ng isang kasunduan na hindi sila sasapi sa alinmang organisasyon sa paggawa.
Karapatang sumali sa mga unyon
Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang
Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho
Sapat at karapat-dapat na sahod ng manggagawa
Anong sektor ng mga manggagawa ang labis na naaapektuhan ng patuloy na pagpapatayo ng subdibisyon, malls, at iba pang gusaling pangkomersyo?
Sektor ng Industriya
Sektor ng Serbisyo
Sektor ng Konstruksyon
Sektor ng Agrikultura
Isa sa lumalaking serbisyo at industriya sa bansa ay ang BPO o Business Processing Outsourcing ngunit isa ito sa mga dahilan na trabaho kung bakit marami ang mga manggagawang Pilipino ang nagkakasakit. Ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng perwisyo sa kalusugan ang mga manggagawa dito?
over-worked
stress
hindi normal na oras ng trabaho
overtime
Isa sa dahilan ng Globalisasyon ay ang pag-angat ng industriya na nagbunsod ng pagkakaroon ng pamantayang pangkasanayan, pagpili, pagtanggap at pasahod sa mga manggagawa na nagkakaroon ng pang- aabuso sa katapatan ng mga manggagawa. Alin sa mga ito ang hindi kasama sa mga iba’t-ibang anyo ng pang-aabuso?
Mababang pasahod
Walang seguridad sa trabaho
Mahabang oras ng trabaho
Pantay na oportunidad
Ano ang maaring maidulot sa patuloy na pagkonbert ng mga lupaing pansakahan?
Paglago ng sakahan
Kakulangan sa suplay ng pagkain
Pagdami ng mga produktong agrikultura
Kasaganaan ng mga nagpapaupa ng lupa
