WorksheetsEsP Quizz No. 2 (Q2)
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may karamdaman?
Pag-aalalay sa taong may sakit.
Pagtulong sa pagpapainom ng gamut.
Hindi pagbisita sa taong may sakit.
Pag-aalay ng panalangin.
Nagkasakit ang nanay ni Pedro kaya hindi ito makagawa ng mga Gawain sa loob ng bahay. Kung ikaw si Pedro, ano ang dapat mong gawin?
Gagawin ko po ang mga gawaing bahay.
Maglalaro lang ako.
Manonood ako ng TV.
Makikipaglaro ako sa mga kaibigan ko.
Ilang araw nang hindi pumapasok ang iyong kaklase dahil maysakit siya. Ano ang nararapat mong gawin para maipakita ang pagmamalasakit sa kanya?
Dadalawin at dadalhan ng pagkain.
Hahayaan na lang na absent ito.
Hihintayin na lang siya na pumasok.
Hindi ko na siya kakaibiganin.
Nakita ni Michael na may pilay na sasakay ng jeepney. Kung ikaw si Michael, ano ang iyong gagawin?
Hindi ko siya papansinin.
Tutulungan ko siya sa pag-akyat sa dyip.
Uunahan ko siya sa pagsakay.
Hayaan ko lang siya.
Niyaya ka ng kaklase mo na dumalaw sa may sakit niyong kaklase, ano ang iyong magiging tugon?
Pasensiya na, hindi ako sasama.
Sige, dalawin natin siya at dalhan ng prutas at pagkain.
Ayoko, maglalaro pa ako ng ML.
Sa susunod na lang.
Ang nakababata mong kapatid ay may bulutong. Ano ang dapat mong gawin?
Aalagaan ko po siya.
Hayaan lang siya na gumaling.
Ihahabilin ko siya sa kapitbahay.
Tutulungan ko po si nanay sa pag-aalaga sa kaniya.
Pag-uwi mo ng bahay, nakita mong nilalagnat at giniginaw ang iyong kapatid. Dahil wala pa sa bahay ang mga magulang mong naghahanapbuhay, ano ang gagawin mo?
Hihingi ako ng tulong sa kapitbahay na nakatatanda.
Paiinomin ko na agad siya ng gamot.
Hintayin na lamang ang magulang.
Hayaan ko lang siya.
Nakita mong napilayan ang iyong kaklase at di makatayo. Sa halip na tulungan, pinagtawanan siya ng mga kaklase mo. Ano ang dapat mong gawin?
Tutulungan ko siya na tumayo at sasawayin ko kaklase ko na tumatawa.
Makikitawa din ako.
Aalis na lang ako para di mapagalitan ni Teacher.
Pabayaan na lamang.
Nabalitaan mong may sakit ang iyong guro. Niyaya ka ng mga kaklase mo na dalawin siya at dalhan ng bulaklak at get well soon card. Anong nararapat mong gawin?
Magpapaalam ako sa magulang ko na sasama ako.
Hindi na lang ako sasama.
Sasama ako kahit di nagpaalam sa magulang.
Sasabihin ko sa mga kaklase ko na wag na dumalaw.
Umiiyak ang iyong kaibigan dahil sa sakit ng ngipin. Paano mo siya mapapakalma?
Pagagalitan ko siya para tumigil na sa pag-iyak.
Sasamahan ko siya pauwi upang makainom ng gamot.
Bibigyan ko siya ng pagkain.
iwanan ko na lang siya kasi ayoko ng maingay.
Naglalakad ka papauwi sa inyong bahay nang may nakasalubong kang mga bata na kinukutya ang isang pipi. Ano ang gagawin mo?
Lalampasan na lang at hindi papansinin ang nakita.
Makikisali at makikikutya na rin gaya ng mga bata.
Sasawayin ang mga bata at pagsasabihan na itigil ang kanilang ginagawa.
Panonoorin na lang ang ginagawa ng mga bata sa pipi.
May programa sa inyong paaralan., isa ka sa mga nanonood sa palatuntunan habang kumakanta ang isang bulag ay bigla itong napatigil dahil nakalimutan ang liriko ng kanta. Ano ang gagawin mo?
Pagtatawanan ang bulag.
Tatawagin na lang siya at paupuin.
Pababain na lang siya sa stage.
Tatahimik at magdadasal na maalala niya ang liriko.
Palabas ka na ng inyong paaralan para umuwi na nang makita mo ang iyong kamag-aral na pilay na nahihirapan sa pagtayo sa upuan. Ano ang iyong gagawin?
Lalapitan ko siya at tulungan sa pagtayo.
Mauuna na ako sa kaniya palabas ng paaralan.
Di ko siya papansinin.
Aalis na lang ako para di niya ako makita.
Ang pagbibigay ng get well soon card sa mga taong may karamdaman ay mahalaga. Alin sa mga dahilan ang hindi naaayon dito?
Upang magkaroon sila ng pag-asa sa buhay.
Upang mapasaya sila.
Upang maramdaman nila na mahalaga sila.
Dahil gusto mong magpabida sa may karamdaman.
Dapat bang tulungan ang mga taong may kapansanan? Bakit?
Opo, dahil sila ay bahagi din ng lipunan.
Opo, dahil kawawa sila.
Opo, kasi kailangan nila malaman na matulungin ako.
Opo, dahil hindi nila kayang tulungan ang sarili nila.
Dapat tayong magpakita ng malasakit sa taong may karamdaman.
TAMA
MALI
Ang kasabihang “Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili” ay kinikilala sa buong daigdig.
TAMA
MALI
Katangian ng mga Pilipino ang hindi dumalaw sa mga taong may sakit.
TAMA
MALI
Ang pagbibigay ng panalangin sa taong may sakit o karamdaman ay di nakakatulong.
TAMA
MALI
Sa mga simpleng gawain gaya ng pagbibigay ng get well soon card ay naipapadama natin ang malasakit at pagmamahal sa taong maysakit.
TAMA
MALI
Hindi ko pinapansin ang mga batang may Kapansanan.
TAMA
MALI
Hindi ko pinagtatawanan ang batang may kapansanan na nakikita ko.
TAMA
MALI
Nagsasabi ako palagi ng “po” at “opo” sa mga nakakausap ko lalo na sa nakakatanda.
TAMA
MALI
Kung meron man akong kaklase na may kapansanan, kakaibiganin ko siya at tutulungan.
TAMA
MALI
Maging mabait sa mga taong may karamdaman at may kapansanan dahil higit na mas kailangan nila ang respeto at pagpapahalaga.
TAMA
MALI
