wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PANITIKAN

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang pinakamahabang tula sa daigdig.

a)

Ramayana

b)

Iliad at Odyssey

c)

Mahabharata

d)

Uncle Tom.s Cabin

2.

Ito ay isang mabisa at kalugod-lugod na paraan ng pagbigkas na naglalayong ilahad ang kaisipan at damdamin hinggil sa paksa.

a)

sanaysay

b)

balagtasan

c)

talumpati

d)

lahat ng nabanggit

3.

Ang Sarong Banggi ay halimbawa ng tulang ______.

a)

pasalaysay

b)

liriko

c)

pandulaan

d)

patnigan

4.

Isinulat ni Homer at tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng mga bayaning Griyego noong kanilang kapanahunan.

a)

Iliad

b)

Mahabharata

c)

Book of the Dead

d)

FOur Classics and Four Books

5.

Alin sa sumusunod ang hindi tuluyang anyo ng panitikan?

a)

korido

b)

kwentong - bayan

c)

alamat

d)

maikling kwento

6.

Ito ay isang tulang romansa na may sukat na labindalawang pantig sa bawat taludtod

a)

Awit

b)

Korido

c)

Haiku

d)

Tanaga

7.

Ang panitikan na naglalaman ng mga di kapanipaniwalang pangyayari o mga opinion lamang ng sumulat.

a)

Kathang isip

b)

Di kathang isip

c)

Prosa

d)

Patula

8.

Ang akda na tumatalakay sa mga kakatwang pangyayari sa buhay ng isang tao na nagbibigay – aral.

a)

komedya

b)

talambuhay

c)

anekdota

d)

nobela

9.

Ito ay tulang pasalaysay ukol sa mga bayani at kanilang kabayanihan.

a)

Talindaw

b)

Diona

c)

Epiko

d)

kurido

10.

Layunin ang parabola na ____.

a)

Magbigay – aliw

b)

Mangaral

c)

Magbigay kabatiran

d)

Magpalawak ng kaalaman

11.

Ang aklat na ito ang naging inspirasyon ni Rizal para isulat niya ang kanyang obra- maestra.

a)

Isang Libo't isang gabi

b)

Uncle Tom's Cabin

c)

Canterbury Tales

d)

Mahabharata

12.

Karaniwang tauhan ng akdang ito ay mga hayop na ang layunin ay ipaalam ang mga kaugaliang dapat pamarisan.

a)

Maikling Kwento

b)

Anekdota

c)

Parabola

d)

Pabula

13.

Pumupuri sa pambihirang nagawa ng tao o grupo ng mga tao

a)

Elehiya

b)

Soneto

c)

Oda

d)

Dalit

14.

Uri ng akdang patula na binibigkas ng mga tauhan ang mga dayalogo sa paraang patula.

a)

pasalaysay

b)

liriko

c)

pandulaan

d)

patnigan

15.

Sa uring ito'y nagtatapos sa masaya sapagkat ang tauhan ay nagkakasundo.

a)

Melodrama

b)

Parsa

c)

Saynete

d)

Komedya

16.

Akdang nakatuon sa isang tanging paksa at naglalayong maglahad ng opinyon.

a)

talumpati

b)

balagtasan

c)

sanaysay

d)

balita

17.

Uri ng panitikang nakasulat sa mga balat ng punongkahoy o sa kawayan.

a)

Panitikang palipat-dila

b)

Panitikang Pilipino

c)

Panitikang nakasulat

d)

Panitikang katutubo

18.

Iliad : Homer ; _________ : Harriet Beecher Stowe

a)

Uncle Tom's Cabin

b)

El Cid Campeador

c)

Canterbury Tales

d)

Awit ni Rolando

19.

Ang karagatan, duplo at balagtasan ay anong uri ng akdang patula?

a)

tulang pasalaysay

b)

tulang liriko

c)

tulang pandulaan

d)

tulang patnigan

20.

Itinuturing na katutubong alpabetong Filipino.

a)

ABAKADA

b)

Baybayin

c)

sanskrito

d)

herogliphycs

21.

Ang Florante at Laura ay isang uri ng ________.

a)

Awiting-bayan

b)

Awit

c)

Pantasya

d)

Romansa

22.

Ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati at paggunita sa sumakabilang - buhay na.

a)

Pastoral

b)

Elehiya

c)

Oda

d)

Dalit

23.

Tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamamaraang patula

a)

Karagatan

b)

Duplo

c)

Balagtasan

d)

Talumpati

24.

Ang "Biag ni Lam-ang" ay epiko ng mga ___.

a)

Ilokano

b)

Ilonggo

c)

Bikolano

d)

Bisaya

25.

Alin sa mga ito ang nagpapahayag sa paraang organisado at artistiko at tuluyan o sa berso na nagmula sa imahinasyon?

a)

Panulaan

b)

Epiko

c)

Sanaysay

d)

Panitikan

26.

Ang mga sumusunod ay mga akdag nakaimpluwensiya sa daigdig maliban sa isa;

a)

Koran

b)

Aklat ng mga patay

c)

El Cid Campeador

d)

Romeo at Juliet

27.

Isang nobela mula sa Middle East kung saan inilalahad ang malaking koleksyon ng maiiksing istorya hango sa Islamic Golden Age.

a)

Koran

b)

Canterbury Tales

c)

Isang Libo't Isang gabi

d)

Aladin

28.

Ito ay naglalaman ng mga aral tungkol sa pamilya at pakikipag-ugnayan sa ibang tao.

a)

Mahabharata

b)

Uncle Tom’s Cabin

c)

Bibliya

d)

Analects

29.

Siya ang nagsalaysay ng mga kwento na pumapaloob sa akdang “Isang Libo’t Isang gabi”.

a)

Sharayar

b)

Vizier

c)

Antoine Galland

d)

Sharazarde

30.

Siya’y isang manunulat, makata at pilosopo mula sa Inglatera na naging tanyag sa kaniyang pagsulat ng The Canterbury Tales.

a)

Homer

b)

Dante

c)

Confucious

d)

Chaucer