Font size
Worksheets"Rebyu sa Pagbasa at Pagsusuri"
Total questions: 61
Worksheet time: 21mins
1. Ito ay binubuo ng kalipunan ng mga pangungusap na umiikot o tumatalakay sa isang kaisipan o ideya.
Kaisahan
Talata
Kaugnay
2. Ang talatang may kaisahan ay tumutukoy sa iisang paksa lamang.
Talata
Kaisahan
Tuon
3. Ang order na ito ay nakabatay paglalarawan.
Espasyo
lohikal
Panahon
4. Ito ay nakabatay sa pagmamatuwid at nakaayon ito sa pagtatalakay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari, ng ebidensya at konklusyon.
Espasyo
lohikal
Panahon
5. Ito ay tumutukoy sa haba o ikli ng pangungusap sa bawat talata.
Espasyo
lohikal
Proposiyon
6. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na nagpapaliwanag ng mahahalagang impormasyon o kaalaman na may taglay na lohikal na paghahanay ng ma kaisipan para sa lubusang pag-unawa.
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Naratibo
Tekstong Impormatibo
7. Ang ___________ay ulat o impormasyon hinggil sa mga pangyayari sa paligid.
Balita
Dagdag na Impormasyon ng Balita
Ulo ng Balita
8. Ito ay tumutukoy sa napapanahong balita.
Soft news
Hard news
Ulo ng Balita
9. Isa itong uri ng paglalahad na nagtitimbang at nagpapahalaga sa mga palabas sa telebisyon at sinehan.
Naglalahad ng Suring-Basa
Naglalahad ng Suring-Pelikula
Katawan ng Balita
10. Layunin nito na bigyang-depenisyon ang isang salita, bagay, o anumang ideya.
Naghahatid ng Balita
Nagpapaliwanag ng Sanhi at Bunga
Nagbibigay -Kahulugan
11. Layunin ng tekstong _______________na maipinta sa hiraya ng mambabasa ang hitsura, amoy, lasa, tono, at pakiramdam ng anumang bagay, tao, lugar, pakiramdam at/ o panahon na nais ibahagi ng manunulat.
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Impormatibo
Tekstong Argumentatibo
12. Ito ay tinatawag ding obhetibong paglalarawan.
Karaniwang paglalarawan
masining na paglalarawan
Pagwawangis
13. Ito ay mga pagpapahayag na di tuwiran na nangangilangan ng konotativing pagpapakahulugan.
Tayutay
Pagwawangis
Idyoma
14. Ito ay isang pahayag na sadyang masining at kaakit-akit. Naggpapahayag ito ng mabisang pagpapakahulugan.
Tayutay
Pagwawangis
Idyoma
15. Ito ay artistikong nagbibigay-deskripsyon sa inilalarawan.
Masining na paglalarawan
Karaniwang paglalarawan
Idyoma
16. Layon nito na maghambing ng dalawang magkaibang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
Pagwawangis
Pagtutulad
Pagmamalabis
17. Tahasan o tuwiran ang paghahambing.
Pagwawangis
Pagtutulad
Pagmamalabis
18. Ito’y mga tanong na sinasambit na hindi nangangailangan ng sagot
Paghihimig
Paglilipat-wika
Tanong Retorikal
19. Waring magkasalungat ang nais ipahayag nito, ngunit nagsasaad ng katotohanan.
Kabalintunaan
Paglilipat-wika
Tanong Retorikal
20. Layon nito na kausapin ang mga bagay o kaisipan na hindi maaring sumagot.
Pagtawag
Pagpapalit-tawag
Tanong Retorikal
21. Ano ang kahulugan ng matalas ang ulo?
tamad
matalino
pusong mamon
22. Ano ang kahulugan ng taingang kawali?
Nagbibingibingihan
bingi
bulol
23. Ano ang kahulugan ng bukas palad?
mayaman
matulungin
masipag
24. . Ano ang kahulugan ng kaliwa ang mga paa?
marunong sumayaw
hindi marunong sumayaw
pilay
25 . Ano ang kahulugan ng matang lawin?
malinaw ang mata
malabo ang mata
walang mata
26. Tumutukoy ito sa paninindigan ng mga nanghihikayat, at kung siya ba ay naniniwala sa kanyang inilalahad o hindi.
Pili, Maayos, at Epektibong Gamit ng mga salita
Matibay na Patunay
Disposisyon
27. Isinasaalang-alang nito ang target na mambabasa sa paggamit ng mga salita upang masiguro na mauunawaan nila ang teksto.
Pili, Maayos, at Epektibong Gamit ng mga salita
Matibay na Patunay
Disposisyon
28. Ito ay makikita sa pamamagitan ng mga datos ayon sa napatunayang pag-aaral, saliksik, o istatistika.
Pili, Maayos, at Epektibong Gamit ng mga salita
Matibay na Patunay
Disposisyon
29. Ito ay may kalakip na mga larawang nakatatawag ng pansin.
Radyo
Telebisyon
Pahayagan
30. Ito ay isang regular na patalastas na maaaring tumagal ng 10 hanggang 15 segundo.
Radyo
Telebisyon
Pahayagan
31. Ito ang tagapagsalaysay ng mga pangyayari. Maaring maging una, ikalawa, o ikatlong panauhan ang punto de bista.
Tauhan
Banghay
Punto de Bista
32. Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at kalikasan tulad ng pagdating ng napakalakas na bagyo at lindol, pagputok ng bulkan, at iba pa.
Tao laban sa Tao
Tao Laban sa Sarili
Tao Laban sa Kalikasan
33. Isinasalaysay nito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Tinatawag din itong kronolohikal na ayos.
Pagbabalik-Tanaw
Linyar
Sorpresa
34. Binabalikan at inaalala ng punto-de- bista ang mga naganap sa isang tauhan o sa isang lugar.
Pagbabalik-Tanaw
Linyar
Sorpresa
35. Ang __________ naman ang yugto ng kontradiksyon sa kuwento.
Resolusyon
Rurok
Pababang aksyon
36. Layunin nito na isalaysay ang pinagsimulan ng isang bagay.
Pabula
Alamat
Parabula
37. Ito ay salaysaying may sala-salabat na ugnayan ng mga tauhan, lugar, at pangyayari.
Nobela
Anekdota
Maikling kwent
38. Ito ay mga salaysayin ukol sa mga totoong nangyari sa isang bansa, lalawigan, o sa ibang panig ng mundo.
Nobela
Anekdota
Kasaysayan
39. Ito ay may bersong nagsasalaysay ng buhay ng isang tauhan, o kaya ay nagbibigay-diin sa isang pangyayari o lugar.
Patulang Naratibo
Anekdota
Kasaysayan
40. Salaysayin ito ng mga pangyayari sa personal na buhay ng manunulat o buhay ng ibang tao.
Patulang Naratibo
Anekdota
Talambuhay
41. Ito ay mga salaysaying kawili-wili tungkol sa isang kilalang tao, na maaaring totoo o hindi.
Patulang Naratibo
Anekdota
Talambuhay
42. Ang argumento ay inilahad sa pamamagitan ng paglalahad muna ng mga halimbawa o maliliit na ideyang tumatayong pangsuportang kaisipan, at nagtatapos sa isang pangunahing kaisipan.
PARAANG LOHIKAL
PARAANG PASAKLAW O DEDUKTIBO
PARAANG PABUOD O INDUKTIBO
43. Ito ay nagsasagawa ng estilong paghambingin ang dalawang bagay na magkatulad.
PARAANG LOHIKAL
PARAANG PASAKLAW O DEDUKTIBO
PARAANG PABUOD O INDUKTIBO
44. Ang argumentong pasaklaw ay kabaliktaran naman ng paraang pabuod.
PARAANG LOHIKAL
PARAANG PASAKLAW O DEDUKTIBO
PARAANG PABUOD O INDUKTIBO
44. Layunin nitong patunayan ang isang nosyon, konsepto, o ideya na nagsisilbing paraan para umangat sa iba.
Tekstong Naratibo
Tekstong Impormatibo
TEkstong Argumentatibo
45. Ito ay maaring dulot ng mga asersyong ipinalagay lamang na tama subalit hindi naman napatunayan.
Maling Konklusyon ( fallacy )
Minadaling Konklusyon ( hasty conclusion )
Tekstong Argumentatibo
46. Ito ay isang uri ng pangangatwiran na nakabatay ang konklusyon sa dalawang panukalang pahayag.
Maling Konklusyon ( fallacy )
Minadaling Konklusyon ( hasty conclusion )
Silohismo
47. Ang tekstong ______________ay nagbibigay panuto. Naglalahad ito ng proseso kung paano isinasagawa o binubuo ang isang bagay. Ang paglalahad ay nagpapaliwana ng mga hakbang-hakbang na paraan sa paggawa o pagbuo ng anuman.
argumentatibo
prosidyural
impormatibo
48. Ayon kay __________“Ang karaniwang hakbang sa pagpapaliwanag ay sa paraang kronolohikal. Maingat na inilalahad ang bawat hakbang mula una hanggang sa pagtatapos ng gawain.
Badayos ( 2001 )
Badayos ( 2000 )
Badayos ( 1995 )
49. Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalaman ng komento ng isang tagabasa tungkol sa aklat, artikulo, o iba pang lathalain na kanyang binasa.
Tekstong Impormatibo
Suring- Basa
Suring- Pelikula
50. Ito ay uri ng paglalahad na nagtitimbang at nagpapahalaga sa mga palabas sa telebisyon at sinehan.
Tekstong Impormatibo
Suring- Basa
Suring- Pelikula
51. May tao namang kapag napintasan ay nagiging suspetsoso sa lahat ng mga pagkakataon.
spy
bye
bye
52. May taong kapag iyong pinintasan o pinuna ay hindi mo na muli pang makikita o makakasama.
spy
bye
bye
53. May tao ring tumatanggap ng kritisismo at ginagamit ito upang maiangat ang sarili sa kinalalagyan.
lie
fly
cry
54. May taong sumasabog sa galit kapag napintasan, o kaya ay nagsasawalang-kibo ngunit nagngangalit ang kolooban.
fry
fly
cry
55. May taong namang idinadaan sa pagbubuntong- hininga ang natatanggap na puna.
lie
sigh
bye
56. May taong sensitibo at napakanipis ng damdamin. Idinadaan sa di-matapos-tapos na iyak at pagpapaawa ang mga kritisismong naibato sa kanya.
cry
sigh
bye
57. May mga tao namang mabilis gumawa ng dahilan o alibi kapag nagkamali.
cry
sigh
lie
58. Tinatawag na _________ kapag ang pagsasaliksik ay nakatuon sa paghahanap ng mga kaalamang nasusulat na tungkol sa isang paksa.
thesis
report
survey
59. Tumutukoy naman ang ___________ sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman gamit ang mga impormasyong dati nang napatunayan.
thesis
report
survey
60. Ano ang kumpletong pangalan ng iyong guro sa asignaturang Filipino?
(a)
