Font size
WorksheetsSummative Test AP 9 - Ikatlong Markahan
Total questions: 50
Worksheet time: 2hrs 40mins
Sa pamilihang Monopsonyo, iisa lamang ang prodyuser o nagbebenta ng produkto o serbisyo.
Tama
Mali
Sa pamilihan na ito ay may nagaganap na collusion o sabwatan sa pagitan ng mga kompanya.
Monopolyo
Monopsonyo
Oligopolyo
Monopolistikong Kompetisyon
Sa isang pamilihan na may ganap na kompetisyon, ang isang negosyante ay may kalayaan sa pagpasok at paglabas sa pamilihan.
Tama
Mali
Sa pamilihang ito, may kakayahan ang prodyuser na hadlangan ang pagpasok ng ibang negosyante.
Monopsonyo
Oligopolyo
Monopolistikong Kompetisyon
Monopolyo
Hindi itinuturing na mga monopolista ang mga prodyuser sa isang monopolistikong kompetisyon na pamilihan.
Tama
Mali
Sa pamilihan na ito ay mataas ang lebel ng kompetisyon dahil magkakatulad ang mga produkto na ibinebenta ng mga prodyuser. Sa disenyo, patalastas at brand name ang kanilang labanan,
Oligopolyo
Monopolyo
Monopolistikong Kompetisyon
Monopsonyo
Sa pamilihan na monopolyo, may kakayahan ang prodyuser na magtakda ng presyo sapagkat siya lamang ang tanging nagbebenta ng produkto o serbisyo.
Tama
Mali
Ang mga oligopolista ay magkakaiba ang presyo ng mga magkakaparehong produkto na kanilang ibinebenta.
Tama
Mali
Ito ay tumutukoy sa isang lugar na kung saan may nagaganap na pagpapalitan at interaksiyon ng mamimili at nagbibili.
Pamahalaan
Pamilihan
Simbahan
Ospital
Anong estruktura ng pamilihan ang may iilan lamang na gumagawa ng halos magkakatulad na produkto tulad ng Petron, Caltex, at Shell?
Ganap na Kompetisyon
Monopolyo
Monopolistikong Kompetisyon
Oligopolyo
Ang monopolyo ay nagbebenta ng mga prdoukto na walang malapit na kapalit o kahawig. Karaniwang ito ay makikita sa anong uri ng produkto?
Industriyang Paliparan
Tagagawa ng gadyet
Tagasuplay ng kuryente o tubig
Industriya ng bakal
Anong estruktura ng pamilihan ang nagtitinda ng halos magkakatulad ngunit magkakaibang anyo ng produkto at gumagamit sila ng advertisement o trademark upang makilala ang kanilang mga produkto?
Ganap na Kompetisyon
Monopolyo
Monopolistikong Kompetisyon
Oligopolyo
Ano ang tawag sa proseso ng paglikha ng mga produkto at serbisyo o kaya naman isang proseso ng pagpapalit anyo ng raw materials para maging output?
Produksyon
Produkto
Serbisyo
Inobasyon
Ano ang tawag sa proseso na ginagamit sa pag gawa ng mga produkto?
Input, Process, Output
Kabayaran
Entrepreneurship
Blue Collar Job
Ito ay antas ng produksyon kung saan ang pagkalap ng mga hilaw na sangkap (raw material).
Input
Process
Output
Pamilihan
Ito ay ang pagsasa-ayos ng mga tapos na produkto (packaging, labeling and distributing) para mapakinabangan ng tao.
Input
Process
Pamilihan
Output
Ito ang bunga ng pagsasama ng salik ng produksiyon?
Output
Pamilihan
Input
Kita
Malaki ang epekto ng mga salik ng produksyon sa dami at kalidad ng produkto. Ano ang maaaring mangyari sa produksyon kapag ang lupa na pinagmumulan ng hilaw na sangkap ay kumunti dahil sa industriyalisasyon o pinatayuan ng gusali at pabrika?
Bibilis ang produksyon dahil dumami ang mga pabrika at paggawaan.
Mababawasan ang produksyon dahil kumunti ang mga hilaw na sangkap.
Madadagdagan ang produksyon dahil ang mga negosyante ay aangkat ng hilaw na sangkap sa ibang lugar.
Walang pagbabago sa dami ng produksyon dahil walang pagbabago sa mga salik.
Bakit kailangang makipagsabayan sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagproseso ng produkto?
Upang parating makasunod sa uso
Upang mabigyan ng kasiyahan ang sarili
Upang mapabilis ang proseso at mapanatili ang kalidad ng produkto
Upang mabawasan ang pagkainggit
Siya ang tagapagdesisyon sa produksyon. Nakabatay sa kanyang pangarap at kakayahan ang kinabukasan ng isang negosyo.
Yamang-likas
Yamang-kapital
Entrepreneur
Yamang tao
Maaari itong tumukoy sa mga gusali, kalsada, mga tulay, at iba pang mga imprastraktura na bakatutulong sa pagpapabilis ng transportasyon at paggawa. Maaari di itong tumukoy sa makinarya na nagpapabilis sa pagtratrabaho.
Entrepreneur
Yamang tao
Yamang likas
Yamang kapital
Ito ay isa sa uri ng sangkap sa produksyon na kung saan ito ay mga produktong intermediate na kinakailangang baguhin upang makabuo ng panibagong produkto.
Produktibong sangkap
Hilaw na sangkap
Variable Input
Fixed Input
Isa sa uri ng sangkap ng produksyon na kung saan ito ay binubuo ng paggawa, kapital, lupa, kakayahang mangasiwa na ginagamit bilang panghalo upang mapabago ang hilaw na sangkap.
Variable Input
Hilaw na sangkap
Fixed Input
Produktibong sangkap
Ito ay tumutukoy sa kita ng isang entreprenur mula sa naibentang produkto
Interes
Profit o tubo
Sahod
Kapital
Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
Kita at gastusin ng pamahalaan
Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal
Katuwang ng bahay-kalakal at sambahayan sa mga desisyong panghinaharap
Pamilihang Pampinansiyal
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Pamilihan ng mga salik sa produksiyon
Pamilihang Panlabas
Tagapaglikha ng pampublikong paglilingkod para sa sambahayan at bahay-kalakal mula sa buwis na nakolekta nito
Panlabas na sektor
Negosyo
Pamahalaan
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Ginagamit ng bahay-kalakal upang maihatid sa sambahayan ang mga nalikha nitong produkto at paglilingkod
Pamilihang Pinansiyal
Pamilihan ng salik sa produksiyon
Pamilihang panlabas
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Tanging may kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkod
Sambahayan
Bahay-kalakal
Pamahalaan
Panlabas na sektor
Nakikipag-ugnayan sa bahay-kalakal at sambahayan sa pamamagitan ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ng produkto.
Pamahalaan
Panlabas na sektor
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Pamilihang panlabas
Dito natutugunan ng bawat bansa ang kani-kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa
Pamilihan ng Salik sa produksiyon
Pamnilihan ng kalakal at paglilingkod
Pamilihang Pinansiyal
Pamilihang Panlabas
Nagmamay-ari at tagatustos ng mga salik sa produksiyon
Sambahayan
Bahay-kalakal
Pamahalaan
Panlabas na sektor
Katuwang ng sambahayan upang maihatid ang mga salik sa produksiyon sa bahay-kalakal
Pamahalaan
Pamilihang Pinansiyal
Pamilihan ng mga Salik sa Produksiyon
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay maaaring isisi sa
Sambahayan dahil sa kanya nagmumula ang mga salik ng produksiyon
Sa bahay-kalakal dahil siya ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng lahat
Sa pamahalaan dahil siya ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang-ekonomiya
Sa lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay na gampanin sa isa’t-isa
Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproses ng bahay- kalakal
Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal
Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal
Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa bahay-kalakal
Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang makatulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang nagbabayad ng buwis
Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store
Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis
. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader
Ang mga sumusunod ay batayan ng paglago ng ekonomiya maliban sa:
Pagtaas ng produksyon
Paglaki ng populasyon
Produktibidad ng pamumuhunan
Produktibidad ng pamahalaan.
Ito ay isang pamamaraan na tumutukoy sa kitang itinabi para gamitin sa hinaharap.
Pag-iimpok
Pamumuhunan
Subsidiya
Aggregated Demand
Ang _______________ ay ginagamit na panukat upang malaman ang kabuuang halaga o kita ng mga produkto at serbisyo na nilikha sa loob at labas ng bansa sa isang taon.
Gross Domestic Product
Gross National Product
Gross Profit Product
Gross Income Product
Dahil ang impok o savings ay kadalasang inilalagak sa mga institusyong pampinansiyal, itinuring itong cash outflow o kitang lumalabas sa ekonomiya. Anong gawain ang muling magbabalik nito sa ekonomiya?
Paggasta
Pagtitipid
Pamumuhunan
Pagkonsumo
Ano-ano sa mga sumusunod na sektor ang kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income gamit ang Industrial Origin Approach?
Panlabas
Industriya
Agrikultura
Personal
Serbisyo
Ito ay tumutukoy sa halaga gastusin ng pamahalaan para sa sahod ng mga empleyado.
Consumption
Net exports
Investments
Government purchases
Ang halaga ng mga teknolohiya para mapabilis produksiyon sa bahay kalakal ay bahagi ng...
Consumption
Net Exports
Government purchases
Investments
Sa pagkompyut ng halaga ng Gross National Income, isinasama ang halaga ng mga produkto na hindi natapos gawin sa loob ng taon na iyon.
Tama
Mali
Ang bawat salik ng produksiyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. Ang bawat salik kapag ginamit ay may kabayaran tulad ng
Upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, at interes para sa entreprenyur
Upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur
Sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur
Tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista, at interes sa entreprenyur
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa kabuuang yunit ng ekonomiya.
Makroekonomiks
Maykroekonomiks
Ekonomiks
Ekonometriks
Siya ang "Ama ng Makroekonomiks"
John Maynard Keynes
David Ricardo
Adam Smith
Karl Marx
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?
Hindi ganap na maipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng GDP.
Kapag pinag-uusapan ang kaunlaran, kaakibat nito ang pagnanais ng pamahalaan na matamo ang pambansang kaunlaran. Ano ang ibig sabihin ng pambansang kaunlaran?
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng bansa na pagbutihin ang panlipunang kapakanan ng mga mamamayan tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastruktura, at ibang serbisyong panlipunan.
Ito ay tumutukoy sa sektor ng bansa.
Ito ay tumutukoy lang sa edukasyon at imprastruktura.
Ito ay tumutukoy sa pambansang kita lang.
Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay may hinaharap na malaking pandemya na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao. Nagsasara ang mga paggawaan at humina ang ekonomiya. Bilang mamamayan ng bansa, ano ang dapat nating gawin para manumbalik ang sigla ng ating ekonomiya?
Hayaan ang gobyerno na lumutas sa problema ng bansa.
Magkaroon ng lockdown hanggang limang taon.
Pumunta sa ibang bansa para magbakasyon pagkatapos ng quarantine.
Tangkilikin ang sariling produkto para makatulong sa mga Pilipinong negosyante.
