wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 8

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Kung ang sanaysay na nagsasalaysay ay nagkukuwento ng mga karanasan at pangyayari, ano ang tawag sa katangian ng sanaysay na nagbibigay-diin sa mga katangian ng tao, bagay, kapaligiran, o pangyayaring tinatalakay?

a)

Sanaysay na Naglalarawan

b)

Sanaysay na Nang-aaliw

c)

Sanaysay na Nagsasalaysay

d)

Sanaysay na Nagpapaliwanag

2.

Ano ang pangunahing layunin ng panitikang popular?

a)

Magpalumbay

b)

Magpaalala

c)

Magpaiyak

d)

Makapagbigay-aliw

3.

Kung ang tinutukoy sa pahambing na di magkatulad ay ang paghahambing sa ‘di parehong katangian ng pangngalan o panghalip, ano naman ang ipinakikita sa pasukdol?

a)

ang kasingkahulugan ng isang salita.

b)

ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa karamihan.

c)

paghahambing na magkatulad o magkaparehong katangian ng pangalan o panghalip.

d)

paglalarawan sa katangiang sarili ng isang pangngalan o panghalip.

4.

Ang radyo at telebisyon ang pinakamalakas magpalaganap ng kulturang popular. Ang Twitter, Facebook, Instagram at iba pang may kaugnayan sa digital media ay nagpapalaganap din ng kulturang popular. Sa anong media nakapaloob ang mga aklat, magasin, pahayagan at dagli?

a)

Entertainment Media

b)

Digital Media

c)

Print Media

d)

Broadcast Media

5.

Ang mga sumusunod ay kabilang sa Entertainment Media maliban sa isa. Tukuyin ito.

a)

24 Oras

b)

Hello Love Goodbye

c)

Rizal sa Dapitan

d)

Imagine You and Me

6.

Alin sa mga sumusunod ang magasin para sa kalusugan ng mga kalalakihan?

a)

T3

b)

Good Housekeeping

c)

Metro

d)

Men's Health

7.

Ito ay magasin para sa mga gadgets at ang mga paraan kung paano ang tamang pag-aalaga sa mga gadgets.

a)

Broadsheet

b)

Yes!

c)

T3

d)

Entrepreneur

8.

Ito ay mga palabas na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at sining na gumigising ng damdamin tulad ng KMJS, Matanglawin, Reporter’s Notebook at iba pa.

a)

Balitang Pangkalusugan

b)

Dokumentaryong Pampelikula

c)

Komentaryong Panradyo

d)

Dokumentaryong Pantelebisyon

9.

Ito ang dating pangunahing magasin sa Pilipinas na naglalaman ng maikling kuwento at seryeng mga nobela na ginawa ng mga tanyag na manunulat.

a)

Cosmopolitan

b)

Liwayway

c)

Daily Tribune

d)

Good Housekeeping

10.

Bakit kailangan ang pananaliksik o research bilang elemento ng dokumentaryong pampelikula?

a)

Upang mapagdugtong-dugtong muli ang mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na.

b)

Dahil sa pamamagitan nito naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.

c)

Upang mapanatili ang kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukwento.

d)

Dahil ito ang paraan at diskarte ng direktor kung paano patakbuhin ang kuwento sa telebisyon at pelikula.

11.

Ito ay pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.

a)

Pag-eedit

b)

Sequence Iskrip

c)

Sinematograpiya

d)

Disenyong pamproduksyon

12.

Panuto: Itayp sa malaking titik ang TAMA kung makatotohanan ang pahayag at MALI kung hindi ito makatotohanan at palitan ang salitang nakasulat sa malalaking titik sa pangungusap ng tamang salita para maging makatotohanan ang pahayag. Maglagay ng isang puwang (space) pagkatapos ng salitang MALI.

Halimbawa:

Ang kasalukuyang Punong guro ng Charis School ay si MARTIN MORILLO.

Sagot: MALI GRACE SAPIT


Ang BANGHAY ang pinakadiwa ng kuwento.

(a)  

13.

Ang nagbibilang ng poste at nagmumurang kamatis ay halimbawa ng TAMBALANG SALITA.

(a)  

14.

Ang isa sa mga halimbawa ng NOBELA NG ROMANSA ay ang “Florante at Laura” ni Francisco Baltazar.

(a)  

15.

Ang mudra, utol, OTW, at JAPAN ay halimbawa ng mga salitang BALBAL

(a)  

16.

Ginagamit ang impormal na komunikasyon sa araw-araw dahil MAHIRAP itong intindihin.

(a)  

17.

Sa elemento ng maikling kuwento, ang TAGPUAN ang gumaganap sa kuwento.

(a)  

18.

Ang NOBELA ay binubuo ng mga kabanata.

(a)  

19.

Ang TABLOID pinakamalaking pormat ng pahayagan. Class A at B ang mga target na mambabasa nito. Halimbawa nito ay ang Philippine Daily Inquirer at Manila Bulletin.

(a)  

20.

Ang PARABULA ay isang anyo ng panitikan na mas maikli pa sa maikling kuwento.

(a)