NEW
Font size
WorksheetsBirtud at Pagpapahalaga
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Nasira ng bunsong kapatid ang proyektong pinagpuyatang gawin ni Harvey. Pinigilan niya ang kanyang galit dahil batid niyang hindi alam ng kanyang maliit na kapatid ang ginawa nito. Napaiyak nalang siya.
paggalang sa buhay
pag-asa
katarungan
pagtitimpi
Nawalan ng trabaho si Daniel dahil sa pandemya, pero hindi siya nawalan ng pag-asa dahil alam niyang malalagpasan din ng pamilya niya ang pagsubok na ito. Lahat ng pwedeng pagkakakitaan sa mabuting paraan ay ginawa na niya, sinamahan pa niya ng tiwala sa sarili at pananalig sa Diyos.
paggalang sa buhay
pag-asa
katarungan
pagtitimpi
Si Marielle ay isang frontliner. Lakas loob siyang humaharap sa laban araw-araw. Tanging dobleng pag-iingat at pananalangin lang ang kanyang dala-dala tuwing humarap sa mga pasyente.
paggalang sa buhay
pagtitimpi
katarungan
katatagan
Si Milmar maagang nagigising. Pagkatapos magligpit ng higaan at manalangin, diretso sa kusina para maghilamos at magsipilyo. Nag-ehersisyo, kumain ng masustansiyang pagkain at higit sa lahat hindi siya nagpupuyat. Inaalagaan niya ang kanyang kalusugan dahil ang sabi niya ang katawan daw ang ating puhunan upang maging masaya sa buhay.
paggalang sa buhay
pagtitimpi
katarungan
katatagan
Para kay Nanette ang pag-aaral ang pinakamagandang pamana sa atin ng ating mga magulang. Kaya ganoon na lamang ang kanyang pagsusunog ng kilay para makapagtapos ng pag-aaral.
paggalang sa buhay
pagtitiyaga
katarungan
pag-asa
Si Jane ang panganay sa magkakapatid. Gusto niya na kung anong meron siya ay meron din ang dalawa niyang kapatid. Sinisikap niyang maramdaman ng mga kapatid na pantay lang silang tatlo at walang lamangan.
paggalang sa buhay
pagtitiyaga
katarungan
pag-asa
Si Paul ay bago lamang sa pagmamaneho. Maingat, maayos at sumusunod sa batas trapiko. Ayon sa kanya dapat daw ay igalang at sundin ang batas sa kalsada para na rin sa kabutihan ng lahat.
pagtitimpi
pagtitiyaga
katatagan
maingat na paghuhusga
Maalaga sa hayop at halaman si Tita Pops. Ayon sa kanya kung paano natin tratuhin ang ating buhay sana ganon ang pagtrato natin sa mga hayop at halaman dahil katulad natin sila din ay may buhay.
pagtitimpi
paggalang sa buhay
katatagan
maingat na paghuhusga
Tiniis ng isang amang frontliner na hindi makasama ang pamilya sa loob ng ilang araw dahil sa covid. Kuntento na lamang siyang makita sa malayo ang mga ito, hindi man lang niya makarga ang kapapanganak pa lamang na sanggol. Ayaw nya kasing magkasakit ang mga mahal niya sa buhay.
pagtitimpi
pagmamahal sa pamilya
katatagan
maingat na paghuhusga
Ngayon palang ay nag-iisip na si Bianca kung anong track sa Senior High School ang kanyang kukunin. Mahilig siyang magbake at magluto na sinusundan lang ang recipe book. Pero gusto rin niyang maging doktora. Nalilito sya kung ano ba dapat ang pipiliin nya.
pagtitimpi
pagmamahal sa pamilya
katatagan
maingat na paghuhusga
