wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kritikal na Panunuring Pampanitikan

Total questions: 15

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Ginagamit ito upang masuri ang wika at kaisipan bilang mga pangunahing tagapaglahad ng moda ng kilos o aksyon na inilalahad sa isang akdang pampanitikan nang sa gayon ay mabigyan ito ng mas malalim na pagpapakahulugan.

a)

Dramatismo

b)

Pormalismo

c)

Dekonstruksyon

d)

Reader-Response Criticism

2.

Ito ang paglikha ng mga wika sa estitikong pamamaraan at mas binibigyang-tuon ang anyo at istilo ng isang akda kaysa sa nilalaman nito.

a)

Differance

b)

Logocentrism

c)

Defamiliarization

d)

Meta-teksto

3.

Ang dekonstruksyon ay unang naipakilala sa aklat na Of Grammatology bilang ugnayan ng wika at pagbubuo ng kahulugan nito. Sino ang pangunahing tagapagsusog ng banggit na pananalig pampanitikan?

a)

Kenneth Pike

b)

Jacques Derrida

c)

Stephen Greenblatt

d)

Raymond Williams

4.

Alin sa mga sumusunod na tuon ng kritisismo sa mga akdang pampanitikan ang angkop na tumutukoy sa paggamit ng Post-istrukturalismo?

a)

pagtukoy sa mga kultural na patunay na nakapaloob sa akda.

b)

pag-analisa sa pagsasalungatan ng mga diskurso.

c)

pag-unawa sa interpretasyon ng mambabasa sa akda.

d)

pagsusuri sa pagbabago at pagkakabuo ng kahulugan sa loob ng akda.

5.

Ito ay kumakatawan sa pansariling danas ng isang indibiduwal bilang sentro ng lahat ng bagay na naghahantong sa pagkakabuo ng interpretasyon sa mga akdang binabasa.

a)

logosentrismo

b)

ostranenie

c)

egosentrismo

d)

free play

6.

Nakatuon ito sa konspigurasyon ng kapangyarihan, lipunan at ideolohiya sa bawat panahon na mababakas sa isang genre ng panitikan.

a)

Critical Discourse Analysis

b)

New Criticism

c)

Bayograpikal

d)

Psychoanalytic Analysis

7.

Tinalikwas niya ang puntong naglalayong mailahad ang sikolohikal na karanasan ng mambabasa ay may kaugnayan sa isang teksto.

a)

Sigmund Freud

b)

Siegfried Jager

c)

Carl Jung

d)

Michael Foucault

8.

Ito ang pinakamalapit sa pinagmulang nosyon ng diskurso lalo na ang ma-istrukturang paliwanag sa penomenang paglalahad.

a)

Dispositive Analysis

b)

Sociocognitive Approach

c)

Corpus Linguistic Approach

d)

Dialectal-Relational Approach

9.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay-turing sa Discourse-Historical Approach (DHA) bilang isa sa mga teoretikal na batayan ng Critical Discourse Analysis?

a)

pagbibigay-tuon sa konsepto ng kaisipang Markismo at paglalapat ng manipetasyon ng mga katangiang panlingguwistika.

b)

panlipunang representasyon na nabubuo sa pagitan ng diskurso, kaisipan at lipunan.

c)

pagbibigay ng karagdagang lingguwistikal na pagsusuri sa wika batay sa konteksto ng pagkakagamit nito.

d)

paglalapat ng mga panlipunang gampanin gaya na lamang ng aspektong politikal o diskursong pampolitika sa pagsusuri ng isang akda.

10.

Sa uri na ito ng Reader-Response Criticism ay tinutukoy ang mga epekto ng istruktura at istilo ng teksto sa pagbibigay ng interpretasyon ng mambabasa rit.o.

a)

Transaksyunal

b)

Istaylistikong Apektibo

c)

Sikolohikal

d)

Sosyal

11.

Hindi matutukoy ang mga kultural na artifacts sa paggamit lamang ng mga salita bagkus kailangan itong pag-aralan sa panlipunan at materyal na perspektibo.

a)

Istruksturalismo

b)

Post-colonialism

c)

Pormalismo

d)

Cultural Studies

12.

Kinabibilangan ito ng mga pagtalakay sa etnisidad pangkultura, kasarian, nasyonalidad, lahi, wika at kapangyarihan na maaaring dulot ng konsepto ng pananakop na mababakas sa mga akdang pampanitikan.

a)

Cultural Studies

b)

Post-Structuralism

c)

New Criticism

d)

Post-Colonialism

13.

Mahalagang tuon ng pananalig pampanitikan na ito ay maunawaan ang umuusbong na kontradiksyon sa kalagayang pang-ekonomiya ng isang tao na maaaring mababakas sa tunggalian na nakalahad sa isang teksto.

a)

Psychoanalytic Criticism

b)

Reader-Response Criticism

c)

Moral Criticism

d)

Marxist Criticism

14.

Isa sa mga konsepto na iniugnay sa Moral Criticism ay ang "pathetic fallacy" o pagbibigay ng perspektiba at damdamin ng tao sa mga bagay o likhang-isip na karakter. Ang pangunahing tagapanguna sa konsepto na ito ay si ______________.

a)

Matthew Arnold

b)

Thomas Carlyle

c)

John Ruskin

d)

John Stuart Mill

15.

Kung ikaw si Northrop Frye, alin sa mga sumusunod na konsepto ang iyong ilalapat sa pananalig pampanitikan na Structuralism o Semioticsi?

a)

teorya ng moda

b)

transcendentalist

c)

true symbols

d)

egosentrismo