wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ASYA

Total questions: 40

Worksheet time: 45mins

Name
Class
Date
1.

Itinuturing ito bilang pinakamatandang kabihasnan na nabubuhay.

a)

Kabihasnan sa Indus

b)

Kabihasnan sa Huang-ho

c)

Kabihasnan sa Mesopotamia

d)

Kabihasnan sa Nile

2.

Bakit tinawag na "Pighati ng China" ang ilog Huang-ho?

a)

Dahil ang pagbaha nito ay nagdulot ng pagkasira ng pananim at pagkasawi ng mga mamamayan.

b)

Dahil dito naganap ang mga labanan ng bawat tribo sa China

c)

Dahil pinaniniwalaang dito nakatira ang pulang dragon na gumugulo sa buhay ng Tsino

d)

Lahat ay tama

3.

Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga pamayanang Neolitiko ng Yangshao?

a)

Pangingisda

b)

Pangangaso

c)

Pagsasaka

d)

Pagmimina

4.

Ano ang natuklasan ng mga arkeologo na nagpatunay na mas higit na maunlad ang pamumuhay ng Longshan kaysa sa Yangshao?

a)

Araro

b)

Seda

c)

Porselana

d)

Potter's Wheel

5.

Bakit itinuring bilang alamat lamang ang Dinastiyang Hsia (Xia)?

a)

Dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiyang arkeolohikal.

b)

Dahil kunti lamang ang tao sa dinastiyang ito

c)

Dahil nasakop ang dinsatiyang ito ng mga barbaro

d)

Dahil dayuhan ang nagtatag ng dinastiyang ito

6.

Bakit tinawag na "Dinastiyang Alipin" ang kabihasnang Shang?

a)

Dahil isang alipin ang nagtatag ng kabihasnang ito.

b)

Dahil sa mga nakagapos na labing nahukay ng mga arkeologo na naiwan ng panahong ito

c)

Dahil nasakop ng mga alipin ang kabihasnang ito.

d)

Lahat ay tama

7.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI gawain ng paring-hari ng kabihasnang Shang?

a)

Pinamumunuan niya ang seremonya at ritwal na pakikipag-ugnayan sa kanilang diyos.

b)

Pinamumunuan niya ang mga usaping may kinalaman sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan ng kaniyang nasasakupan.

c)

Pinamumunuan niya ang pakikidigma ng lungsod estado

d)

Wala sa mga pagpipilian

8.

Ito ang ginagamit ng kabihasnang Shang upang mabatid ang nais ipahiwatig ng kanilang namatay na ninuno na pinaniniwalaan nilang nakikipag-ugnayan sa kanilang mga diyos.

a)

Seda

b)

Porselana

c)

Oracle Bone

d)

Ginto

9.

Bakit nag-aalay ng dasal, pagkain at sakripisyong alipin ang mga mamamayan sa kabihasnang Shang?

a)

Upang mapanatili ang kasiyahan ng kanilang diyos sa kanila

b)

Upang makaiwas sa mga kalamidad

c)

Upang maging masagana ang kanilang ani

d)

Lahat ay tama

10.

Ano ang dinastiya?

a)

Ito ay pagsasalin-salin o pagpapamana ng kapangyarihan sa iisang pamilya o angkan.

b)

Ito ang iba't ibang panahon na matatagpuan sa China

c)

Ito ang panahon kung saan namuno ang mga emperador

d)

Ito at tumutukoy sa klasikong panahon ng China

11.

Tawag ng mga Tsino sa kanilang pinuno na pinaniniwalaan nilang taglay niya ang "Basbas ng Langit".

a)

Hari

b)

Paraon

c)

Emperador

d)

Presidente

12.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pag-unlad ng Dinastiyang Zhou?

a)

Pagpapatayo ng mga dike at irigasyon

b)

Pagkakaimbento ng ararong gawa sa bakal

c)

Paggawa ng kalsada at kanal o daanang barko

d)

Pagmimina ng ginto

13.

Bakit tinawag na "Age of Warring States" ang dinastiyang Zhou?

a)

Dahil humina ang ang kontrol ng mga pinuno ng Zhou sa mga lungsod-estadong sakop.

b)

Dahil sa kaguluhan at labanan sa pagitan ng mga lungsod-estado

c)

Dahil nilusob sila ng mga tribong Hun

d)

Dahil sa pagsalakay ng mga mongol sa China

14.

Itinaguyod niya ang limang bertud ng buhay at tamang asal, limang pangunahing relasyon ng bawat isa, at katangian ng isang mabuting pinuno at pamahalaan.

a)

Lao Tzu

b)

Confucius

c)

Mencius

d)

Han Feizi

15.

Siya ang naghain ng kaisipang makakamit lamang ang kaayusan sa lipunan kung mamumuhay ang tao batay sa daloy at batas ng kalikasan.

a)

Lao Tzu

b)

Confucius

c)

Mencius

d)

Han Feizi

16.

Siya ang nagtaguyod ng kaisipang legalismo.

a)

Lao Tzu

b)

Confucius

c)

Mencius

d)

Han Feizi

17.

Emperador na nag-utos na itatag ang Dakilang Pader sa China.

a)

Wu

b)

Liu Bang

c)

Shih Huang Ti

d)

Wang Mang

18.

Bakit itinatag ng dinastiyang Ch'in ang dakilang pader?

a)

Upang mapigilan ang pagbaha ng Huang-ho river

b)

Upang hindi makapasok ang mga dayuhan

c)

Upang ipakita ang kadakilaan ng China

d)

Upang maprotektahan ang China sa pananalakay ng mga barbaro sa hilaga.

19.

Ano ang pagbabagong ginawa ni Emperador Liu Bang sa China sa panahon ng dinastiyang Han.

a)

Nilimitahan niya ang pagpataw ng mabibigat na buwis

b)

Binigyan niya ng pagkilala at intelektwal at iskolar

c)

Ginawang makatarungan at makatao ang batas

d)

Lahat ay tama

20.

Siya ang kauna-unahang babaeng naging pinakamataas na pinuno ng Imperyong Tsino.

a)

Empress Lu

b)

Empress Ki

c)

Empress Xi

d)

Empress Lang

21.

Bakit tinagurian ng kasaysayan bilang Martial Emperor si emperador Wu Ti?

a)

Dahil magaling siya sa Martial Arts

b)

Dahil maraming digmaang naganap sa panahon ng kaniyang pamumuno

c)

Dahil sinakop niya ang Korea at Japan

d)

Lahat ay tama

22.

Ito ang nagpabilis sa sistema ng pag-iimprenta kung kaya mabilis na lumaganap ang kaalaman ng Tsino sa iba't ibang larangan.

a)

Diamong Sutra

b)

Peking Gazette

c)

Code of T'ang

d)

Woodblock Printing

23.

Ito ang sumisimbolo ng pagkamaharlika ng isang babae sa panahon ng Dinastiyang T'ang.

a)

Sedang damit

b)

Footbinding

c)

Maraming alahas

d)

lahat ay tama

24.

Ito ang dinastiya kung saan Mongol ang namuno sa China.

a)

Dinastiyang Ming

b)

Dinastiyang Sung

c)

Dinastiyang Qing

d)

Dinastiyang Yuan

25.

Ano ang tawag ng mga Hapones sa bagyong pumigil sa mga Mongol upang masakop ang Japan.

a)

Air Bender

b)

Avatar

c)

Kamikaze

d)

Wind Bender

26.

Dayuhang naimbitahan ni Kublai Khan upang saksihan ang kadakilaan ng Dinastiyang Yuan.

a)

Ferdiand Magellan

b)

Marco Polo

c)

Jose Rizal

d)

Miguel Lopez de Legazpi

27.

Ano ang ibig sabihin ng salitang Gojoseon o Choson?

a)

Lupain ng maaliwalas na umaga

b)

Lupain kung saan unang sumisikat ang Araw

c)

Lupain ng mga immortal na emperador

d)

Lupaing tangway

28.

Bakit natalo ng kaharian ng Silla ang Goguryeo at Baekje?

a)

Dahil magagaling ang mandrigma ng Silla

b)

Dahil nakipag-alyansa ito sa mga Tsino

c)

Dahil mayaman at makapangyarihan ang kahariang ito

d)

Lahat ay tama

29.

Binubuo ng mga mandirigmang boluntaryong nag-aalay ng kanilang serbisyong militar sa kaharian ng Silla.

a)

Daimyo

b)

Hwarang

c)

Samurai

d)

Kuge

30.

Uri ng porselana na kulay asul at berde na may anyong makikintab.

a)

Celadon

b)

Cetadon

c)

Celaton

d)

Cilaton

31.

Ito ang pinakamahaba at huling dinastiyang naghari sa Korea.

a)

Goguryeo

b)

Baekje

c)

Silla

d)

Joseon

32.

Uri ng mga mamayan sa lipunang Koreano na binubuo ng mga aristokratang nagmamay-ari ng malalawak na lupain.

a)

Yangban

b)

Chung-in

c)

Yangmin

d)

Chonmin

33.

Uri ng mga mamayan sa lipunang Koreano na karaniwang naglilingkod sa pamahalaan bilang mga tagapagtala at tagasalin ng dokumento.

a)

Yangban

b)

Chung-in

c)

Yangmin

d)

Chonmin

34.

Uri ng mga mamayan sa lipunang Koreano na binubuo ng karaniwang mamamayan tulad ng magsasaka.

a)

Yangban

b)

Chung-in

c)

Yangmin

d)

Chonmin

35.

Itinuturing na pinakamababang uri ng mga mamayang Koreano tulad ng mahihirap na manggagawa.

a)

Yangban

b)

Chung-in

c)

Yangmin

d)

Chonmin

36.

Tawag sa maipluwensiyang aristokratang angkan tulad ng Fujiwara.

a)

Daimyo

b)

Hwarang

c)

Samurai

d)

Kuge

37.

Tawag sa aristokratang angkan na nagmamay-ari ng malalawak na lupain na pinagmulan ng kanilang kapangyarihan.

a)

Shogun

b)

Kuge

c)

Daimyo

d)

Sakoku

38.

Ang Srivijaya ay kilala bilang Jinzhou. Ano ang ibig sabihin Jinzhou?

a)

Baybayin ng Ginto

b)

Baybayin ng Pilak

c)

Baybayin ng Perlas

d)

Baybayin ng Tanso

39.

Ano ang kahulugan ng titulong Genghis Khan?

a)

Dakilang Hari

b)

Pinuno ng Mundo

c)

Magiting na Pinuno

d)

Matapang na Mandirigma

40.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI uri ng daimyo sa Japan?

a)

Shimpan Daimyo

b)

Fudai Daimyo

c)

Tozama Daimyo

d)

Sankin Daimyo