Font size
WorksheetsAP 7 3rd Reinforcement
Total questions: 43
Worksheet time: 36mins
Anong kabihasnan ang unang umusbong sa Asya?
a. Harappa
b. Shang
c. Sumer
d. Mohenjodaro
Saan nakabatay ang mga pandigdigang pananaw ng mga Asyano?
a. bansang kabilang
b. estado ng pamumuhay
c. Katauhan
d. Relihiyon
1. Ano ang pinakamahalagang salik sa pagbuo ng sinaunang kabihasnan sa Asya?
a. Pang-ekonomiya
b. Panlipunan
c. Pisikal
d. Politikal
Ano ang tawag sa dilaw na banlik na nagpapataba sa lambak ng Huang Ho?
a. Ceramics
b. Kaolin
c. Loess
d. Murex
Paano nakaapekto ng mga pilosopiya, paniniwala at kaisipan sa paghubog at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya?
a. Nagkaroon ang mga Asyano ng mataas na moralidad at pamumuhay sa lipunan batay sa kanilang makatarungang paniniwala.
b. Nagdulot ito ng rehiyonalismo sa Asya.
c. Nakatulong ang mga ito sa paglinang ng kultura at pamumuhay ng mga Asyano.
d. Nagdulot ito ng mga labanan, pagmamalupit at pagkalahati ng mga sinaunang kabihasnan.
Paano nabuo ang paniniwalang sinocentrism ng mga Tsino?
a. Ang mga Tsino ay may kakaibang kulay ng balat.
b. Ang mga Tsino ay may kakaibang kaanyuang pisikal.
c. Ang mga Tsino ay may maunlad na kabuhayan.
d. Ang bansa ng mga Tsino ay nakahiwalay sa ibang bansa.
Ang mga paniniwala at pananaw ng mga Asyano ay nagbigay-daan sa paghubog at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Bakit dumami ang mga tagasunod nito at nanatili pa rin ito sa kasulukuyan?
a. Nasasaklawan ng mga pilosopiya at paniniwala ang buong aspekto ng pamumuhay ng tao.
b. Naipaliliwanag ng mga pilosopiya at paniniwala ang kaugnayan ng mga pangyayari sa buhay ng sangkatauhan.
c. Nasasagot ng mga pilosopiya at paniniwala ang mga tanong ukol sa layunin at katuturan ng tao sa daigdig.
d. Ipinalaganap ito ng mga sinaunang tao sa Asya.
Ang kaisipang sinocentrism ay nagmula sa bansang Tsina. Paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa Tsina?
a. Nang sinakop ng mga Kanluranin ang Tsina kaagad nitong tinanggap ang mga Tsino.
b. Tinaboy ng mga Tsino ang mga kanluraning mananakop.
c. Binigyan ng mga Tsino ang mga Kanluranin ng saklaw na impluwensiya sa kanilang bansa.
d. Madali para sa mga Tsino ang makipagsundo sa mga Kanluranin.
Ikaw ay isang lider ng isang barangay at naatasang maging tagapagsalita sa isang programa sa inyong barangay sa nalalapit na kapistahan na may temang "Nasa Ating mga Kamay ang Kaunlaran". Alin sa mga sumusunod ang nararapat na paghandaan sa iyong talumpati?
a. Ang mga halimbawang ipapakita ay nakakatawa upang hindi mawala ang interes ng mga manonood.
b. Ang mga larawang ipakikita ay makukulay upang ito ay maging kabigha-bighani sa mga manonood.
c. Magpapakita ng mga larawan na nagpapakita ng mga nagawa ng ating mga mga ninuno na naging kapaki-pakinabang sa kasulukuyan upang makapagbigay ng inspirasyon sa mga manonoood.
d. Gagamit ng makabagong teknolohiya upang maging kapani=paniwala sa mga manonood.
Ang Kabihasnang Sumer ay mahalaga sa paghubog at pag-unlad ng kasalukuyang kabihasnan sa Asya. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalahagang ambag ng Kabihasnang Sumer?
a. Ang Kodigo ni Hammurabi
b. Ang paglikha ng mga kanal at dike
c. Ang sistema ng pasulat na cuneiform
d.Ang templong ziggurat
Alin sa sumusunod ang wastong pagpapakahulugan sa kolonyalismo?
a. Ito ay ang pagtatamo ng mga teritoryo upang matugunan ang layuning komersiyal ng mananakop na bansa.
b. Ito ay ang pagtatamo ng mga lupain upang mapatunayan ang kadakilaan ng isang bansa
c. Ito ay ang pagtatamo ng mga teritoryo upang matugunan ang layuning kultural
d. Ito ay ang pagtatamo ng lupain upang ipalaganap ang kaunlaran
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangunahing dahilan ng kolonyalismo ng Kanluranin?
a. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
b. Pagnanais na mapaunlad ang ibang bansa
c. Paghahangad ng kadakilaan
d. Paghahangad ng kayamanan
Paano tuluyang nasakop ng mga Kanluranin ang mga bansang Arabo?
a. Sa pamamagitan ng paggamit ng puwersa ng mga kanluranin upang matuldukan ang kalayaan ng mga Arabo.
b. Sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa ng mga bansang kanluranin sa imperyong Ottoman.
c. Sa pamamagitan ng boluntaryo at tuluyang pagpapasailalim ng mga bansang Arabo sa mga bansang kanluranin.
d. Sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng mga kanluraning bansa na nagtatakda ng kanilang impluwensiya sa mga bansang Arabo.
Ano ang naging pangunahing epekto ng pag-aalsang Sepoy sa pamamahala sa kanila ng pamahalaang Ingles?
a. Hindi na lamang pinagtuunan ng pansin ng pamahalaang Ingles ang naganap na pag-aalsa
b. Naging higit na maluwag ang pamamahala ng mga Ingles
c. Napagkalooban na ng kalayaan ang mga Indian sa higit na madaming bagay
d. Higit na naghigpit ang mga Ingles sa pamamahala sa mga Indian
Ano ang naging tunay na layunin ng mga Ingles sa McMahon-Hussein Correspondence?
a. Pangalagaan ang interes ng mga bansang Arabo
b. Pabagsakin ang imperyong Ottoman
c. Maitaguyod ang personal nilang interes sa Kanlurang Asya
d. Linangin ang yaman ng mga bansa sa Kanlurang Asya
Makatuwiran ba ang naging pag-iral ng Kasunduang Sykes-Picot para sa mga mamamayan ng mga bansang Arabo?
a. Hindi, dahil pinakinabangan lamang ng kanluranin ang mga bansa sa Kanlurang Asya para sa kanilang pansariling interes
b. Oo, dahil natupad ang naisin ng kanluranin na patatagin ang mga bansa sa Kanlurang Asya
c. Oo, dahil higit na napangalagaan ang mga bansa sa Kanlurang Asya laban sa ibang mananakop
d. Hindi, dahil tuluyan nang nawalan ng kalayaan sa pagsasarili ang mga bansa sa Kanlurang Asya.
Bakit ganoon na lamang ang higpit ng kontrol ng mga Kanluranin sa mga bansa sa Kanlurang Asya?
a. Dahil sa kagustuhan ng mga kanluranin na ganap na maging Kristiyanong rehiyon ang Kanlurang Asya
b. Dahil sa pagnanais ng mga kanluranin na mapangalagaan nito ang Kanlurang Asya laban sa iba pang mananakop
c. Dahil sa pagtutulungan sa pagitan ng kanluranin at mga bansa sa Kanlurang Asya sa paglaban sa imperyong Ottoman
d. Dahil sa labis na pagnanais ng mga kanluranin na matugunan ang pulitikal at komersiyal na interes nito sa Kanlurang Asya
Anong pangkat ang naglayong bumuo ng sariling bansa para sa mga Muslim?
a. All Indian Muslim League
b. Indian National Congress
c. Awami League
d. Tamil United Liberation Front
Sino ang nagtataglay ng damdaming makabayan?
a. Gusto ni Nika na manatili na sa kanilang bansa ang mga dayuhan.
b. Nais ni Mel na mapalayas na ang mga dayuhan sa kanilang bansa
c. Mas pinili pa ni Osmel na manirahan sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan.
d. Kakaibang damdamin ang nadarama ni Pia tuwing naglalakbay sa Asya.
Anong pangyayari ang tuluyang nagpasiklab sa nag-aalab na damdaming makabayan ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya?
a. Ang pagpapahayag ng mga Ingles ng suporta sa pagtatatag ng estado ng mga Hudyo sa Palestina.
b. Ang paghahati-hati sa mga bansa ayon sa sphere of influence.
c. Ang pagpapatupad ng hindi makatarungang Rowlatt Act at Salt Act.
d. Ang hindi pagtupad ng mga Ingles sa pangakong kasarinlan matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Anong taon Humiwalay ang Silangang Pakistan para maging Bangladesh?
(a)
Republika na itinatag ni Mustafa Kemal noong 1923, ito ang unang republika sa Kanlurang Asya.
(a)
Tumutukoy sa mga dating gobernador ng mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Imperyong Mughal.
(a)
Ang kasulatang ito ay patungkol sa paghikayat ng Britanya sa mga bansang Arabo sa Kanlurang Asya na labanan at wakasan ang pamamahala ng Imperyong Ottoman.
(a)
Ang tawag sa panahon kung saan ang tuon sa mga gawaing agrikultural ay napalitan ng mga gawaing industriyal na bunsod ng pag-usbong ng mga bagong kaalaman at kasanayan sa teknolohiya, na higit na nakatulong sa mga gawaing pangkabuhayan ng mga tao.
(a)
Uri ng Nasyonalismo na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan o bansa sa mapayapang paraan.
(a)
Sa ilalim ng batas na ito ay winakasan ang kapangyarihan atpamamahala ng British East India Company sa India at inilipatang pamamahala sa ilalim ng British Raj.
(a)
Tawag sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng sapilitang pananakop at pagkontrol sa ekonomiya at pulitika ng mga nasakop na lugar.
(a)
Ito ay ang sistema ng pagsulat sa basang tabletang luwad gamit ang stylus panulat na kadalasan ay gawa sa pinatulis na tangkay ng damo.
(a)
Sa batas na ito, ang pamahalaan ng Britanya ay pinagkaloobanng karapatang supilin at ikulong nang dalawang taon na walangpaglilitis ang sinumang tututol sa patakaran ng Pamahalaang Ingles.
(a)
Si Muhammad ang propetang nagturo at nagpalaganap ng Islam.
Ang pamumuno ng emperador ng Tsina ay sang-ayon sa tinaguriang basbas ng kalangitan, o "blessing of heaven" , kung kaya’t ang pinuno ay nagkaroon ng malaking responsibilidad sa pagpapanatili ng kaayusan sa kaniyang nasasakupan.
Ang mamamayan ng kabihasnang Shang ay sumambasa kataas-taasang diyos na si Shang Di, na diyos nglangit at ninuno ng mga hari.
Ang Hieroglyphics ay ang sistema ng pagsulat sa basang tabletang luwad gamit ang stylus panulat na kadalasan ay gawa sa pinatulis na tangkay ng damo.
Ang Pari/Hari ang nasa pinakamataas na posisyon sa lipunang Sumerian, bilang pagsasalamin ng mataas at pantay na pagpapahalaga nila sa mga pinunong pulitikal at espirituwal.
Ang All Indian Muslim League, ay itinatag ni Mohammed Ali Jinnah noong 1903.
Ang Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin ay sinasabing bunga ng tatlong dahilan – God, Gold, Glory o “3Gs”.
Nagtagumpay ang Lebanon na humiwalay sa Pransya attuluyang lumaya noong 1946, gayundin ang karamihan sabansa sa rehiyong ito.
Noong 1853, ikinagalit ng mga sundalong Sepoy ang ginawangpaglalagay ng selyo ng taba ng baboy at baka sa kartutso.
Noong 1932, ang Saudi Arabia at Iraq ay naging monarkiya.
Paano kaya nakamit ng mga Asyano ang mataas na antas ng kabihasnan ng Asya sa kasalukuyan?
Bakit mahalagang masuri at maunawaan nang lubos ang naging pagpapatuloy at takbo ng pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya?
Sa iyong pananaw, paano nakaapekto sa iyo bilang mag-aaral ang pagbabalik-tanaw sa kaganapan sa Timog at Kanlurang Asya?
