NEW
Font size
WorksheetsESP 6 Q4 A1
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ang mga sumusunod ay mga palatandaan ng isang taong may pangarap maliban sa:
Handang kumilos upang maabot ito
Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap
Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at nag aalangan siyang gawing totoo ang mga ito
Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap
Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:
S-smart, M-manageable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – actionoriented
S-smart, M-measurable, A-attainable, R- refreshing, T- time-bound, A – action-oriented
S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – actionoriented
S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – affordable
Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?
Makapasa sa Licensure Exams for Teachers
Maging guro sa aming pamayanan
Makatapos ng pag-aaral
Maging iskolar ng bayan
Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?
Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
Sabihin ang itinakdang mithiin sa mgakaibigan
Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin
Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin
Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?
Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
Wala sa mga nabanggit
Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?
Pangmatagalan at Panghabambuhay
Pangmadalian at Panghabambuhay
Pangmatagalan at Pangmadalian
Pangngayon at Pangkinabukasan
Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?
Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising
Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog
ang panaginip ay kathang isip lamang
ang panaginip ay nagiging totoo
Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin maliban sa:
suriin ang iyong itinakdang mithiin kung ito ay tiyak, nasusukat, naaabot, mahalaga, nasasakop ng panahon at may angkop na kilos
Isulat ang takdang panahon ng pagtupad ng iyong mithiin
Isulat ang mga inaasahang kabutihang maidudulot mula sa itinakdang mithiin at sa paggawa ng plano para rito
Ang pagsulat ng takdang panahon ay magbibigay sa iyo ng paalaala na kailangan mong kumilos upang maisantabi muna ang iyong mithiin
Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa paggawa ng wastong pasya maliban sa:
Magkalap ng kaalaman
Magnilay sa mismong aksiyon
Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya
pagsasawalang bahala sa lahat
Ano ang kahulugan ng bokasyon?
Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo
Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
Ito ay tumutukoy sa mga minimithing mga pangarap
Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod
Umiwas sa mga kasamahan sa grupo nang walang dahilan.
TAMA
MALI
Pagsikapang matapos ang gawaing walang halong pagmamadali.
TAMA
MALI
Ito ay pagpapahalaga sa pananaw ng ibang tao
paggalang sa opinyon
pakikipag away
pangangalaga
isapuso
Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang bagay bilang kapatid, Ano ang maari mong gawin?
pabayaan silang di-magkasundo
awayin mo silang dalawa
gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo
sigawan mo sila
Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?
magbigay agad ng pasya
iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya
magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan
pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya
Kaarawan ng kaibigan mo at inimbitahan ka para dumalo sa kaniyang party at nangako kang dadalo. Ngunit marami
kang dapat tapusin na gawain. Ano ang gagawin mo?
ipagwalang bahala ito
dadalo dahil nakapangako ka
hahanap ng “alibi”
ipagpapatuloy ang gagawin
Kumakain ka sa isang restoran. Lumapit ang isang batang gusgusin at nanghingi ng pagkain sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
kagalitan ang bata
bigyan ng pagkain ang bata
ipagtabuyan ang bata
murahin ang bata
Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano mo igagalang
ang karapatang ito?
kumain ng junk foods araw-araw
uminom ng softdrinks araw-araw
uminom ng gatas kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw
iwasan ang pagkain ng gulay at prutas
Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa darating na Sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketball tuwing araw araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano ang gagawin mo?
tutulong muna sa paglilinis bago manglaro
maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada
tutulong na nakasimangot
tutulong na magdadabog
Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa. Paano natin naipadama ang pagmamahal sa Diyos.
pagmamahal sa kapwa
pagbibigay ng pagkain sa mga kaibigan lamang
pagdarasal sa buong araw
pagbabale-wala sa kapwa
