wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KOMFIL PRELIM/MIDTERM EXAM

Total questions: 77

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Tinatawag na klaster ang dalawa o higit sa dalawang katinig na matatagpuan sa loob ng pangungusap.

a)

Tama

b)

Mali

2.

(a)   ang tawag sa masistema at maagham na pag-aaral ng wika.

3.

(a)   ang mga taong may kakayahang umintindi at makipagtalastasan gamit ang iba't-ibang wika.

4.

Ang kasaysayan ng linggwistika sa Pilipinas ay may tatlong panahon ayon sa aklat ni Alfonso Santiago (2002).

a)

Tama

b)

Mali

5.

Upang mapalaganap ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa bansa, ginamit nila ang kanilang sariling wika.

a)

Tama

b)

Mali

6.

____________ ang unang nagpalaganap ng imprenta sa Pilipinas.

a)

Mga Hapon

b)

Mga Amerikano

c)

Mga Kastila

d)

Mga Intsik

7.

(a)   ang unang aklat na ipinalimbag noong 1593.

8.

___________ ang mga naunang guro ng dumating ang mga Amerikano sa bansa.

a)

Mga sundalong Amerikano

b)

Mga sundalong Thomasites

c)

Mga Doughboys

9.

Siya ang tinaguriang "Ama ng Linggwistikang Filipino" at siya rin ay produkto ng mga Amerikano.

Ibigay ang BUONG PANGALAN at APELYIDO.

(a)  

10.

Ito ay salitang Griyego na ang ibig sabihin ay TUNOG.

(a)  

11.

Ang malapatinig na "w" ay "y" ay tinatawag na __________.

a)

ponolohiya

b)

morpolohiya

c)

klaster

d)

diptonggo

12.

Ang wikang Filipino ay may _______ na ponemang segmental.

a)

24

b)

23

c)

22

d)

21

13.

Kailangan natin tumigil saglit sa pagsasalita upang malinaw ang mensaheng nais ipabatid.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Ang ____________ ay ang pagbuo ng salita o maka-agham na pag-aaral ng mga ponema.

a)

syntax

b)

ponolohiya

c)

morpolohiya

15.

May _______ na katinig ang Filipino.

a)

15

b)

16

c)

18

16.

______________ ay dalawang salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema sa magkatulad na posisyon, tulad ng


pala=/pa.la/= 'rake'

a)

Klaster

b)

Pares-Minimal

c)

Diptonggo

17.

___________ ay dalawang salita na katatagpuan ng magkaibang ponema sa magkatulad na ligiran ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang taglay ng mga salita.

Halimbawa: estruktura-istruktura

a)

Diptonggo

b)

Klaster

c)

Pares-Minimal

d)

Ponemang Malayang Nagpapalitan

18.

Ang mga salitang: apoy, langoy at giliw ay mga halimbawa ng ___________.

a)

pares-minimal

b)

diptonggo

c)

klaster

d)

ponemang malayang nagpapalitan

19.

_______ ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.

a)

Intonasyon

b)

Tono

c)

Punto

20.

________ ay tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent sa wikang Ingles.

a)

Intonasyon

b)

Tono

c)

Punto

21.

_________ ay nakatuon sa paraan ng pagbigkas o pagsasalita sa nagpapahayag ng matinding damdamin na maaaring pagalit, marahan at iba pa.

a)

Intonation

b)

Tono

c)

Punto

22.

Pang + paaralan = pampaaralan ay halimbawa ng ___________.

a)

asimilasyong parsyal

b)

asimilasyong ganap

23.

ma + dapat = marapat

ma + dunong = marunong

ay mga halimbawa ng ________________.

a)

pagkakaltas

b)

pagpapalit

c)

metatesis

d)

reduplikasyon

24.

Ang ____________ ay kapag ang salitang ugat na nagsisimula sa /l/o/y/ ay nilalagyan ng gitlaping -in-, ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng pusisyon.


Halimbawa: in + yaya = yinaya---- niyaya

a)

paglilipat-diin

b)

metatesis

c)

reduplikasyon

25.

A1: Ayon kay V. Almario, mas mabuting magsimula sa ________ ang pagtataguyod ng Filipino sa Mataas na Edukasyon.

a)

pababa-itaas

b)

sa magkatulad na lebel

c)

itaas-pababa

26.

A1: Ayon kay V. Almario (2009), ang mga aksyon upang maitaguyod ang Filipino sa Mataas na Edukasyon ay__________.

a)

magmula sa elementarya

b)

magmula sa administrasyon ng Mataas na Edukasyon

c)

magmula sa kolehiyo/unibersidad.

27.

A1: Ayon pa kay V. Almario,, mabilis ang paglaganap ng anumang wika mula sa sentro ng karunungan tungo sa _____________.

a)

mataas na paaralan

b)

sektor ng pamahalaan

c)

mababang antas

28.

A1: Bagamat nabibilang sa makapangyarihang domeyn o larang pangwika ang kolehiyo/unibersidad o ang mataas na antas ng edukasyon, ang domeyn na ito ay may suliranin at ito ang ______________.

a)

paggamit at di paggamit

b)

pagpapatupad at di pagpapatupad

c)

pagtanggap at pagpapatanggap

29.

A1: Marami ang naniniwalang kailangan ang Filipino sa kapakanan ng larang ng Lalong Mataas na antas ng edukasyon.

a)

Tama

b)

Mali

30.

A1: Noong 2013, ang CHED Memorandum Order (CMO) 3 na tungkol sa General Education Curriculum ay inilabas kung saan ________________.

a)

lahat ng asignaturang Filipino ay mawawala na sa lahat ng paaralan (mababa man o mataas) sa bansa.

b)

walang tiyak na kurso sa Filipino sa Mataas na Edukasyon.

c)

ang wikang Filipino ay hindi kumpolsori sa lahat ng pamantasan sa bansa.

31.

A1: Ang CMO 3 ay nagpapahayag na ang mga asignatura sa bagong General Education (GE) Curriculum ay maaaring ituro sa Filipino at Ingles.

a)

Tama

b)

Mali

32.

A1: Sa pananaliksik ni San Juan noong 2015 sa mga prospektus sa mga unibersidad sa maraming bansang Europeo sa Estados Unidos at Timog-Silangang Asya at iba pa na ang pag-aaral ng wikang pambansa bilang isang disiplina ay mahalaga tulad ng sa mga unibersidad sa ____________ at ____________.

a)

Singapore at Thailand

b)

Indonesia at Malaysia

c)

Indonesia at India

33.

A1: Ang pagtatangkang burahin ang Filipino sa kolehiyo ay nagbigay-daan sa pagkakatatag ng (a)   .

34.

A1: Ang adbokasiya ng samahan ng nagtatanggol na maibalik ang Filipino sa Mataas na Edukasyon ay nagtagumpay sa kanilang adhikain.

a)

Tama

b)

Mali

35.

A1: Noong Abril 2018, ipinalabas ang ___________ na may paksang Policy on the Offering of Filipino and Panitikan Subjects in all Higher Education.

a)

CMO 38

b)

CMO 4

c)

CMO 5

36.

A1: Alin sa dating kurso sa Filipino ang pinalitan ng Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL)?

a)

Masining na Pagpapahayag

b)

Philippine Literature of the Region

c)

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

d)

Komunikasyon sa Akademikong Filipino

37.

A1: Alin sa dating kurso sa Filipino ang pinalitan ng Dalumat ng/sa Filipino (DALUMFIL) ?

a)

Philippine Literature of the Regions

b)

Master Works of the World

c)

Masining na Pagpapahayag

38.

A1: Alin sa dating kurso sa Filipino ang pinalitan ng Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panlipunan (SOSLIT)?

a)

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

b)

Masining na Pagpapahayag

c)

Philippine Literature of the Region

39.

A1: Ayon sa pahayag niya, hindi nababatay ang kaalaman sa Ingles ang globalisasyon.

a)

Almario

b)

San Juan

c)

Constantino

d)

Miclat

40.

A1: Binanggit niya (sagot sa 39) ang kaunlaran ng mga bansang hindi gumagamit ng Ingles tulad ng ilang bansa sa Asya at Europa. Samakatuwid, _______________________________________.

a)

napakahalaga na matutunan at gamitin ang Ingles sa layuning Globalisasyon.

b)

hindi Ingles kundi iba pang wikang banyaga ang kailangan sa Globalisasyon.

c)

hindi Ingles lamang ang makapagpapaunlad at makapagpapasabay sa isang bansa sa Globalisasyon.

41.

A2: Ayon sa mga panig sa wikang Ingles, dito (Ingles) nakatuon ang wika at globalisasyon.

a)

Tama

b)

Mali

42.

A2: Sa kasalukuyan, sabay-sabay na pinauunlad ang pandaigdigang wika, rehiyonal na wika, at lokal na wika upang makasabay sa globalisasyon, ayon sa mga tagapagtanggol ng wikang Pambansa.

a)

Tama

b)

Mali

43.

A2: Ayon kay Almario, bilang isang estratehiya sa pagsabay sa globalisasyon, ang Wikang Pambansa ay dapat na gamitin sa lahat ng sektor ng kapangyarihan sa lipunan sa ika-21 siglo, sa pamamagitan ng tinatawag niyang simulaing (a)   .

44.

A2: Ang Ingles ay kalaban natin upang makamit ang intelektwalisasyon.

a)

Tama

b)

Mali

45.

A2: Hindi Ingles kundi ang ugali at pagtanaw ng Pilipino hinggil sa papel ng Ingles sa Intelektwalisasyon ang tunay na suliranin.

a)

Tama

b)

Mali

46.

A2: Anumang wika ay potensyal upang matamo ang intelektwalisasyon.

a)

Tama

b)

Mali

47.

A3: Ang pagkilala sa Filipino bilang isang disiplina ay usapin lamang ng paggamit nito bilang medyum ng pagtuturo.

a)

Tama

b)

Mali

48.

A3: Ang Filipino ay itinuturing na mahalagang batis ng talino.

a)

Tama

b)

Mali

49.

A3: Ang "batis" na tinuturing sa Aralin 3 ay tumutukoy sa ____________.

a)

sariwang paliguan mula sa kabundukan

b)

pinagmumulan ng wika

c)

pinagmumulan ng katalinuhan o impromasyon

50.

A3: Ang layong intelektwalisasyon ay gawaing _______ at hindi lamang sa instruksyon.

a)

politikal

b)

sosyodad

c)

institusyonal

51.

A3: Ang "saliksik" ayon sa vocabulario nina Noceda at Sanlucar ay nangangahulugan ng ____________.

a)

pagpipilit na makita ang impormasyon

b)

imbestigasyon ng impormasyon

c)

hanapin sa lahat ng sulok ang impormasyon

52.

A3: Ang pagproseso ng imposmasyon ay mahalagang pag-ingatan sa tulong ng pananaliksik.

a)

Tama

b)

Mali

53.

A3: Ang pagpapakalat ng kultura ng pananaliksik ay mahalagang gampanin ng _______.

a)

simbahan

b)

pamahalaan

c)

paaralan

54.

A3: Ang (a)   ay mula sa panghalip na "tayo" at perspektiba na magpapakilala ng mula sa Pilipino at para sa Pilipino o maka-Pilipino at maka-Pilipinong pamumuhay.

55.

A3: Ang (a)   ayon kay Salazar (1968) ay may isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan, at ugali.

56.

A3: Ayon kay _________, sa pamamagitan ng sariling wika, nakagagamit ng isang paraan ng pagkakaintindihan na kilalalakihan at kinalahukan ng lahat.

a)

Almario

b)

Sepeda

c)

De Mesa

57.

A3: Sa paglalagom at pag-uugnay-ugnay ng impormasyon, kailangang ilahad lamang ang mga konseptong may mahalagang kaugnayan sa pag-aaral bago _________________ ang nakaraan mula sa panahon ng pagsasagawa ng saliksik.

a)

dalawampung taon

b)

sampung taon

c)

isang aton

58.

A3: Ang pagsusuring _____________ ng isang teksto ay kung ang tuon ay nilalaman at elementong bumubuo rito.

a)

kontekstuwal

b)

tekstuwal

c)

subtekstuwal

d)

intertekstuwal

59.

A3: ____________ ang pagsusuri sa pagbasa kung ang binibigyang -diin ay ang kontekstong (lipunan at kasaysayan) namamayani sa teksto.

a)

kontekstuwal

b)

tekstuwal

c)

subtekstuwal

d)

intertekstuwal

60.

__________ ang pagbasa na kung saan nakatuon sa mga detalyeng hindi hayagang sinasabi ng teksto.

a)

intertekstuwal

b)

tekstuwal

c)

subtekstuwal

d)

kontekstuwal

61.

A3: Ang pagsusuring __________ ay ang pag-uugnay ng teksto sa iba pang anyo ng teksto.

a)

tekstuwal

b)

intertekstuwal

c)

kontekstuwal

d)

subtekstuwal

62.

A3: Ayon kay ________________, ang pagkritiko sa ating bayan ay tulad ng pagtawid sa kalye sa Maynila.

a)

Cruz (2003)

b)

Song ( 2010)

c)

Layoc et al ( 2015)

d)

Bosque et al (2015)

63.

A3: Sinabi niya (sagot sa 62) na ang pagkritiko sa ating bayan ay tulad ng pagtawid sa kalye sa Maynila sapagkat ______________.

a)

napakaraming sanga-sanga ang pagkritiko tulad ng kalsada

b)

napakaraming sikolohiya ang maaaring ilapat tulad ng mga maraming sasakyang maaaring sampahan o kabanggain ng manunuri habang tumatawid sa kalsada.

c)

masalimuot at maraming sagabal ang pagkritiko tulad ng magulo, masalimuot na mga kalsada sa Maynila.

64.

A3: Ang isang awit ay maaaring gawaan ng papel sa Pagsusuri.

a)

Tama

b)

Mali

65.

A3: Ang rebyu ng tisis ay maaaring gawaan ng Papel sa Pagsusuri.

a)

Tama

b)

Mali

66.

A3: Ang (a)   ay inilalahad para sa layuning mailathala sa journal o artikulo sa mga publikasyon.

67.

A3: Sinabi ni (a)   (2017), responsibilidad ng mananaliksik na tiyaking mapagkakatiwalaan ang kanyang sinasangguni kahit pa tinagurian ang kasalukuyan bilang panahon ng impormasyon.

68.

A3: Ang mag-aaral sa _____________ ay nararapat na magtaglay na ng kasanayan sa pagkalap ng mga datos at iba pang paraan ng pag-aaral.

a)

elementarya

b)

sekondarya

c)

tersarya

69.

A3: Ang sosyal media tulad ng Facebook, Twitter, at iba pang websites ay 100% mapagkakatiwalaan bilang batis ng impormasyon.

a)

Tama

b)

Mali

70.

A3: Alin sa mga sumusunod na tanong ang hindi maaaring gawing sanggunian sa panunuri?

a)

Ano ang sinabi/ sinasabi ng teksto?

b)

Paano ito sinabi/sinasabi?

c)

Kailan ito nabuo?

d)

Ilang taon ang may-akda?

71.

A3: Alin sa sumusunod ang hindi maaaring sanggunian ng impormasyon sa pananaliksik?

a)

Ensayklopedia

b)

Blog

c)

Aklat Pang-akademiko

d)

Papel mula sa panayam

72.

A4: Ang (a)   ay bunga ng proyektong Lubuagan, Kalinga Mother Tongue/First language Education Experiment.


Ibigay ang buong sagot, HINDI AKRONIM.

73.

A4: Ang MTBMLE ay paggamit ng isang wika para sa hangaring literacy at pagtuturo.

a)

Tama

b)

Mali

74.

A4: Sa MTBMLE, ang pangalawang wikang Ingles ang gagamitin bilang medyum sa pagtuturo simula sa pre-school hanggang sa ikatlong baitang kasama na rin ang Alternative Learning System (ALS), habang itinuturo ang Inles at Filipino bilang mga asignatura.

a)

Tama

b)

Mali

75.

A4: Ano ang layunin ng multilinggwalismo sa akademya?

a)

matuto ng mahigit pa sa isang wika ang mga mag-aaral

b)

palakasin sa simula ng pag-aaral ang unang wika upang magkaroon ng matibay na pundasyon sa paggamit ng wikang pambansa (Filipino) at ng iba pang wika (tulad ng Ingles o yaong mga ikalawang wika.

c)

maihanda ang mga mag-aaral sa globalisasyon sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagkatuto ng iba't-ibang wika hindi lamang ng wikang Filipino at upang makasabay sa kurikulum ng malalaking bansa.

76.

A4: Ano ang naging batayan sa paglinang ng multilinggwal na pagtuturo dito sa Pilipinas?

a)

Kurikulum ng mga bansa sa Kanluran

b)

Pag-aaral na isinagawa ng Virgilio Almario at kanyang mga kasama sa KWF.

c)

Isinagawang pag-aaral nina Tomas at Collier sa Estados Unidos noong 1997.

77.

A4: Ang programa ng PAGASA na __________________________ ay naglalayon na maipaliwanag ang mga termino sa paraang nauunawaan ng mga Pilipino nang makatulong sa pagharap at pag-iwas sa banta ng mga sakunang maaaring idulot ng nagbabagong panahon.

a)

Patnubay sa Lagay ng Panahon

b)

Patnubay sa KPampansang Lagay ng Panahon

c)

Patnubay sa Weder Forkasting