NEW
Font size
Worksheets4th Quarter Summative Test in AP
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay dito dahil malawak ang lupain.
A. Antipolo City
B. Santa Cruz
C. Quezon.
D. Laguna
2. Dito ang pinakamainam na kapeng barako.
A. Batangas
B. Laguna
C. Rizal
D. Quezon
3. Pinakamaliit sa lalawigan.
A. Laguna
B. Cavite
C. Rizal
D. Quezon
4. Kabisera ng Laguna.
A. Santa Cruz
B. San Pablo
C. San Pedro
D. Santa Rosa
5. Nag- iisang Lungsod sa Rizal.
A. Antipolo City
B. Angono
C. Taytay
D. Tanay
6. Ang lalawigan ng ______ ay parang saranggola na may dalawang maliit na buntot sa magkabilang bahagi nito.
A. Laguna
B. Rizal
C. Quezon
D. Cavite
7. Sinasabing walang kasing ganda ang mga produktong nagagawa mula sa niyog.Kaya naman ito ang nagpapatanyag sa lalalwigan ng Laguna at _____.
A. Rizal
B. Quezon
C. Batangas
D. Cavite
8. Maging ang malalawak na burol na matatagpuan sa ____ at Cavite ay ginagawang pastulan ng mga kabayo at baka.
A. Laguna
B. Rizal
C. Quezon
D. Cavite
9.Ang lalawigan ng _____ ay kilala rin sa paggawa ng tsinelas na matatagpuan sa Liliw.
A. Cavite
B. Quezon
C. Laguna
D. Batangas
10. Lalawigan kung saan mapagkukunan ng likas na yamang mineral kagaya ng limestone o batong apog.
A. Rizal
B. Laguna
C. Cavite
D. Quezon
11. Ang lalawigang ito ayTinaguriang Garments Capital of the Philippines.
A. Cavite
B. Rizal
C. Quezon
D. Batangas
12. Ang isang lalawigan ay isang kapatagan na napapalibutan ng bulubunduking lugar.Saan ito mag-aangkat ng produktong dagat?
A. Sa karatig lalawigan na nasa tabi ng dagat
B. Sa karatig lalawigan na nasa tuktok ng bundok
C. Sa malayong lalawigan na nasa tabing dagat
D. Sa malayong lalawigan na nasa tuktok ng bundok.
13. Maraming lungsod ang nag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura katulad ng palay at mais sa karatig na mga lalawigan. Alin kaya ang maaaring dahilan nito?
A. Tamad ang mga taga-lungsod kaya hindi ito nagtatanim.
B. Walang sakahan ang lungsod dahil pinatatayuan ito ng mga gusaling pangkomersyo.
C. Maraming sakahan sa lungsod ngunit walang gusting magtanim ng palay at mais.
D. Maraming anyong-lupa at anyong-tubig ang mga lungsod.
14. Saan maaaring mag-angkat ang mga taga-lungsod ng mga produktong tulad ng isda.
A. Sa mga lalawigan na nasa tabing dagat.
B. Sa mga lungsod na maraming modernong opisina.
C. Sa mga lalawigan na maburol
D. Sa mga lalawigan na madaming minahan.
15. Saan maaaring iluwas ng mga lalawigan na sagana sa yamang dagat ang kanilang mga produkto.
A. Sa mga lalawigan sa tabing dagat.
B. Sa mga malalayong lungsod.
C. Sa mga malalayong lalawigan sa kabundukan.
D. Sa mga karatig na lungsod.
16. Ito ay mahalagang istraktura upang mas madali ang pagdadala ng mga pangunahing
produkto mula sa mga probinsiya patungo sa mga pamilihan.
A. Tulay at daan
B. Irigasyon
C. Waterdam
D. Palengke
17. Ito ay isang maayos na lugar kung saan maaaring makabili ng mga pangunahing produkto
ang mga mamamayan.
A. Palengke
A. Piyer
A. Bukid
A. Tindahan
18. Ang namumuno sa isang barangay ay tinatawag na ______________.
A. Alkalde
B. Kagawad
C. Punong barangay/ kapitan
D. Gobernador
19. Ano ang tawag sa namumuno ng isang bayan o lungsod?
A. Alkalde/ mayor
B. Punong barangay/ kapitan
C. Kagawad
D. Gobernador
20. Ang mga lalawigan ay pinamumunuan ng isang _____________.
A. Alkalde/ mayor
A. Gobernador
A. Kapitan
A. kagawad
