Font size
WorksheetsLong Quiz #1.1
Total questions: 40
Worksheet time: 40mins
Maiksing pangungusap na makabuluhan, makahulugan at nagsisilbing batas at tuntunin tungo sa tamang pagkilos.
Bulong
salawikain
sawikain
Isang idyoma o matalinghagang pahayag na ang kahulugan ay hindi tuwirang nagbibigay kahulugan.
Bulong
salawikain
sawikain
Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos o gawi ng ibang tao. Ito ay mga pahayag na mababaw ang isinasaad na kahulugan.
Bugtong
Bulong
Kasabihan
Isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao. Ginagamit ito bilang pangontra sa kulam, engkanto o masasamangespiritu.
Bugtong
Bulong
Kasabihan
Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
Bugtong
Bulong
Kasabihan
Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.
Bulong
Kasabihan
Palaisipan
Tukuyin ang uri ng Karunungang Bayan:
" Hindi tao, hindi ibon,
Bumabalik kung itapon."
Bugtong
Bulong
Kasabihan
Tukuyin ang uri ng Karunungang Bayan:
" Huwag magalit kaibigan,
Aming pinuputol lamang
Ang sa ami’y napag-utusan"
Bugtong
Bulong
Kasabihan
Tukuyin ang uri ng Karunungang Bayan:
"Huwag kang magtitiwala sa di mo kilala."
Bugtong
Bulong
Kasabihan
Tukuyin ang uri ng Karunungang Bayan:
" May isang prinsesa sa tore ay nakatira. Balita sa kaharian pamnihirang ganda. Bawal tumingala upang siya ay Makita. Ano ang gagawin ng prinsipeng sumisinta?"
Kasabihan
Palaisipan
Salawikan
Sawikain
Tukuyin ang uri ng Karunungang Bayan:
" Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan."
Kasabihan
Palaisipan
Salawikan
Sawikain
Tukuyin ang uri ng Karunungang Bayan:
Balitang kutsero
Kasabihan
Palaisipan
Salawikan
Sawikain
Tukuyin ang kahulugan ng sumusunod na salawikain:
"Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo."
Gawin mo ang mga bagay na gusto mong gawin sa buhay mo.
Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang tao, pawang mga kabutihan lang mangyayari.
Tukuyin ang kahulugan ng sawikain na nakasalungguhit sa pangungusap:
"Alam mo naming ahas iyang si Andrea, bakit kinaibigan mo pa?"
kaibigang tunay
taksil o traydor
Tukuyin ang sagot sa bugtong:
Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
Mata
Yoyo
Bahagi ng pananalitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
Pang-abay
Pang-uri
Pangngalan
Kaantasan ng pang-uri na tumutulong sa payak o likas na katangian ng pangngalan o panghalip.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Kaantasan ng pang-uri na nagtutulad ng katangian ng dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Kaantasan ng pang-uri na nagpapahayag ng katangiang nangingibabaw sa lahat.
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap:
Pula ang bag na binili ni Monica.
(a)
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap:
Ilagay mo sa mesa ang mga sariwang prutas at gulay.
(a)
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap:
Malaki na pala ang butas ng uniporme ni Jay.
(a)
Tukuyin ang antas ng hambingan ng mga nakasalungguhit na pang-uri:
Ang panahon sa Mayo ay higit na mainit kaysa panahon sa Disyembre.
Magkatulad
Palamang
Pasahol
Tukuyin ang antas ng hambingan ng mga nakasalungguhit na pang-uri:
Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya na gaya ng pagdiriwang kung saan ay buo ang pamilya.
Magkatulad
Palamang
Pasahol
Tukuyin ang antas ng hambingan ng mga nakasalungguhit na pang-uri:
Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw.
Magkatulad
Palamang
Pasahol
Tukuyin ang antas ng hambingan ng mga nakasalungguhit na pang-uri:
Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.
Magkatulad
Palamang
Pasahol
Tukuyin ang antas ng hambingan ng mga nakasalungguhit na pang-uri:
Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa nakaraang taon.
Magkatulad
Palamang
Pasahol
Tukuyin ang antas ng hambingan ng mga nakasalungguhit na pang-uri:
Ang koponan namin ay di-masyadong handa na gaya ng koponan ni Coach Alex.
Magkatulad
Palamang
Pasahol
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit. Isulat ang L kung Lantay, PH kung Pahambing at PS kung Pasukdol:
Huwag kang lumapit sa mabangis na hayop sa kulungan.
(a)
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit. Isulat ang L kung Lantay, PH kung Pahambing at PS kung Pasukdol:
Napakalakas ng palakpak ng mga tagapanood ng cheerdance.
(a)
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit. Isulat ang L kung Lantay, PH kung Pahambing at PS kung Pasukdol:
Simbilis ng hangin ang pagkalat ng tsismis sa bayan namin.
(a)
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit. Isulat ang L kung Lantay, PH kung Pahambing at PS kung Pasukdol:
Ang manggagawa ay pagod na pagod dahil sa walang tigil na pagtatrabaho.
(a)
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit. Isulat ang L kung Lantay, PH kung Pahambing at PS kung Pasukdol:
Ang mabubuting asal at pagpapahalaga ay dapat ipakita natin sa mga kabataan.
(a)
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit. Isulat ang L kung Lantay, PH kung Pahambing at PS kung Pasukdol:
Di-hamak na malaki ang kuwarto ni Denise kaysa sala namin.
(a)
Piliin ang wastong kaantasan ng pang-uri na aangkop sa pangungusap:
_____________ ng mga palamuti sa mga bahay tuwing Pista ng Pahiyas!
Napakaganda
Mas maganda
Di-gaanong maganda
Piliin ang wastong kaantasan ng pang-uri na aangkop sa pangungusap:
Ang buhok ni Katrina ay ____________ kaysa sa buhok ni Sarah.
ubod nang haba
mahabang- mahaba
mas mahaba
Piliin ang wastong kaantasan ng pang-uri na aangkop sa pangungusap:
Huwag kayong pumunta sa lugar na ___________. Baka mapahamak kayo.
kasing mapanganib
hindi mapanganib
mapanganib
Piliin ang wastong kaantasan ng pang-uri na aangkop sa pangungusap:
____________ ang lolo ni Jose at lolo ni Pedro. Pareho na silang 65.
Magsintanda
Pinakamantanda
Matanda
Piliin ang wastong kaantasan ng pang-uri na aangkop sa pangungusap:
Si Jason ang _______________ na anak ni Ginang Rosario.
matangkad
pinakamatangkad
di- gaanong matangkad
Piliin ang wastong kaantasan ng pang-uri na aangkop sa pangungusap:
_______________ ang dalang bag ni Joshua na gaya ng kay Mon.
Mabigat na mabigat
Di- gaanong mabigat
Pinakamabigat
