wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GRADE 9-ARAL PAN WORKSHEET NO.1 FIRST QUARTER

Total questions: 25

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay

a)

pamamahala ng negosyo.

b)

pakikipagkalakalan.

c)

pamamahala ng tahanan.

d)

pagtitipid.

2.

Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat ________.

a)

pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.

b)

nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.

c)

pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.

d)

pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.

3.

Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?

a)

. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig.

b)

Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.

c)

Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito.

d)

May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig.

4.

Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay __________.

a)

may hangganan din.

b)

kaunti lamang kayat madaling tugunan.

c)

parami nang parami at walang katapusan.

d)

kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.

5.

Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat _________.

a)

lumiliit ang sukat ng daigdig

b)

nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito.

c)

nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito.

d)

pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan at hilig.

6.

Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay

a)

labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.

b)

kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.

c)

pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.

d)

pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.

7.

Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na

a)

luhong pangkatawan.

b)

pangunahing pangangailangan.

c)

hilig-pantao.

d)

sekundaryong pangangailangan

8.

Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang pinakaangkop na kahulugan?

a)

Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.

b)

Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.

c)

Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao.

d)

Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo at paraang pinakamatipid.

9.

Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kaniyang _________ na pinagkukunang yaman upang matugunan ang kaniyang __________ pangangailangan.

a)

sapat; walang hanggang

b)

limitado; walang hanggang

c)

sapat; may hangganan

d)

limitado; may hangganan

10.

Ang _________ at __________ ang sentro ng pag-aaral ng ekonomiks.

a)

Tao; lipunan

b)

Agham; Matematika

c)

likas na yaman; pangangailangan

d)

suplay; Demand

11.

Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat ___________.

a)

Pinag-aaralan ito kung paano nagtutylungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang material na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.

b)

Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang daigdig.

c)

Pinag-iisipan sa araling ito ang kung paano magkakamal ng salapi ang tao

d)

Pinag-aaralan dito kung paano mahihigitan ang kita ng kapuwa tao

12.

Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay ____________.

a)

Labis na pingakukunang yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig pantao.

b)

Kakapusan ng mga pinagkukunang yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig – pantao.

c)

Pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.

d)

Pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.

13.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng makroekonomiks

a)

Pagtaas ng employment rate ng bansa

b)

pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin

c)

pamimili ni Lea ng pagkain sa tindahan ni Ate Beng

d)

Pagtaas ng importasyon ng bigas ng bansa

14.

Alin sa mga sumusunod ang konsepto ng Ekonomiks

a)

Walang katapusang pangangailangan ng tao

b)

Hindi nauubusan ng likas na yaman ang kalikasan

c)

May hangganan ang pangangailangan ng tao

d)

Limitado ang pinagkukunang yaman

15.

Ito ay nakatuon sa galaw at desisyon ng bawat bahay kalakal at sambahayan. Ito ay sumusuri sa bawat indibidwal na yunit sambahayan, bahay-kalakal at industriya.

a)

Maykroekonomiks

b)

Makroekonomiks

16.

Ano ang pinaka-angkop na kahulugan ng ekonomiks?

a)

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng likas na yaman

b)

Ito ay may kinalaman sa tamang paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.

c)

Ito ay bahagi ng siyensiya na pinakamahalagang salik sa lipunan

d)

Ito ay pag-aaral sa tao at lipunan

17.

Ang hindi paggamit ng tamang pagpapasya sa pagkonsumo ng mga pinagkukunang yaman ay maaring magbunga ng

a)

kakapusan

b)

kasaganaan

c)

kaayusan

d)

kapayapaan

18.

Ang mga sumusunod ay konsepto sa pag-aaral ng ekonomiks maliban sa isa:

a)

tamang pagbabadget

b)

tamang pagpapasya

c)

tamang pagtitipid

d)

tamang pagboto

19.

Agham panlipunan na nakatuon sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

a)

Ekonomiks

b)

Kasaysayan

c)

Politika

20.

Bakit mahalaga ang ekonomiks sa mga tao?

a)

dahil sa maraming pwedeng ibentang kalakal o produkto

b)

dahil kulang ang yamang likas para sa walang hanggang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

c)

dahil maraming tao ang nais matuto ng trade off at gamitin ito sa araw-araw na pamumuhay

21.

Ang pag-utang ng Pilipinas sa world bank

a)

Makroekonomiks

b)

Maykroekonomiks

22.

Mayroon kayong maliit na negosyo sa palengke at nagpapasahod kayo sa inyong mga tauhan.

a)

Makroekonomiks

b)

Maykroekonomiks

23.

Ang pagpasok ng mga ilegal at pekeng produkto sa ating bansa ay binabantayan ng mga awtoridad.

a)

Makroekonomiks

b)

Maykroekomiks

24.

Sangay ng ekonomiks na naglalayong pag-aralan ang kabuuang paggalaw ng ekonomiya ng isang bansa.

a)

Makroekonomiks

b)

Maykroekonomiks

25.

Uri ng ekonomiks na sumasaklaw sa pag-aaral kung paano naitatakda ang presyo, demand, at suplay sa pamilihan.

a)

Makroekonomiks

b)

Maykroekonomiks