Worksheets2-Isip at Kilos-loob
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.
Tama
Mali
Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.
Tama
Mali
Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.
Tama
Mali
Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
Tama
Mali
Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.
Tama
Mali
Pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakauunawa
kamalayan
instinct
panloob na pandama
memorya
Kakayahang makaramdam sa isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran.
instinct
panloob na pandama
memorya
imahinasyon
Kakayahang lumikha ng larawan sa sa isip at palawakin ito.
memorya
kamalayan
instinct
imahinasyon
Kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan.
kamalayan
panlabas na pandamdam
memorya
panloob na pandama
Ito ang paningin, pandinig, pangamoy, at panlasa
panloob na pandama
instinct
panlabas na pandama
kamalayan
Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan?
Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
Kamukha ng tao ang Diyos.
Kapareho ng tao ang Diyos.
Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.
Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
isip
kilos-loob
pagkatao
damdamin
Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili.
isip
kilos-loob
pagkatao
damdamin
Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
isip
kilos-loob
emosyon
karunungan
