Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP FIRST PERIODICAL TEST

Total questions: 80

Worksheet time: 58mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga salitang ito ang hindi ugnay sa "katotohanan"?

a)

tiyak

b)

tumpak

c)

tiwala

d)

tapat

2.

Ano ang HINDI nagpapahiwatig ng katotohan?

a)

Ang katotohanan ay tumutukoy sa mga bagay at pangyayari na may patunay.

b)

Ito ay tumutukoy sa mga bagay at pangyayari na may dagdag na paglilinaw.

c)

Ang katotohanan ay tanggap sa lahat ng lugar at hindi nagbabago ang detalye nito.

d)

Ito ay sumasalamin sa prinsipyo ng katumpakan at katiyakan.

3.

Ang katotohanan ay ang pagiging tapat sa salita at gawa.

a)

Tama sa lahat ng pagkakataon.

b)

Depende sa sitwasyon.

c)

Hindi sa lahat ng pagkakataon.

d)

Wala sa nabanggit.

4.

Ano ang pagiging "TAPAT" sa katotohanan?

a)

Magsinungaling para sa kapakanan ng iba

b)

Mandaya para sa sariling interes

c)

Gumawa ng mabuti sa mga mabuti lang sa iyo

d)

Sabihin ang totoo para sa ikabubuti ng lahat

5.

Ipinagtapat ni Emy na pinalitan niya ang markang nasa kanyang card na ipinakita niya sa kanyang ina.

a)

Tama ang magsabi ng totoo, at hindi na uulitin ang maling ginawa.

b)

Depende sa sitwasyon ng kanyang puntos

c)

Mali ang ginawa dahil mapapagalitan lang siya

d)

Hindi naaayon ang mga sagot sa sitwasyon

6.

Ano ang ibig sabihin ng "kasinungalingan"?

a)

Ito ay ang pagtatangol sa katotohanan

b)

Ito ay para sa interes ng sarili lamang

c)

Ito ay nagpapahiwatig sa kasamaan

d)

Ito ay mga salita o pangyayaring sinasabi na walang katotohanan o hindi totoo.

7.

Isinumbong ni John ang isang kaklase sa kanyang titser dahil nangongodigo ito.

a)

Tama sa lahat ng panahon

b)

Sabihan muna nya ang kanyang kaklase bago magsumbong

c)

Hindi tama sa lahat nang pagkakataon

d)

Wala sa nabanggit ang naaayon sa sitwasyon

8.

Ang katotohanan ang magpapalaya sa ating kalooban.

a)

tama

b)

mali

9.

Sasabihin ko ang totoo kahit hindi maganda sa pakiramdam ang dulot nito.

a)

tama

b)

mali

10.

Hindi ko gusto na magtapat ng katotohanan sapagkat magdadala ito ng kahihiyan at hindi na pagkatiwalaan pagkatapos.

a)

tama

b)

mali

11.

Ang "White lies" ay katanggap-tanggap.

a)

tama

b)

mali

12.

Dapat bang paniwalaan kaagad ang mga palatastas na

nabasa o narinig?

a)

a. Oo, dahil ito ay maganda.

b)

b. Hindi, sapagkat dapat muna itong suriin.

c)

c. Hindi, dahil lahat ng narinig o nabasa ay

kasinungalingan.

d)

d. Lahat ng nabanggit.

13.

Maging bukas ang isipan sa lahat ng oras, sapagkat...

a)

ikaw lang ang tama at mali ang opinyon ng ibang tao.

b)

may kani-kaniyang opinyon at paniniwala ang mga tao sa mga bagay-bagay kaya nararapat nating silang unawain.

c)

wala dapat tayong pakialam sa sinasabi ng ibang tao.

d)

kailangan nating makuha ang loob ng tao upang sila ay pumanig sa atin.

14.

Tumawag ang iyong kaibigan at sinabing wala daw kayong pasok bukas. Ano ang gagawin mo?

a)

Matutulog ng mahaba at tanghali na magigising.

b)

Hindi sasabihin sa magulang ang nalamang balita.

c)

Aalamin ang totoo sa magulang o guro ang tungkol sa nakuhang impormasyon.

d)

Hindi maniniwala at at papasok kinabukasan.

15.

Nakita mo sa Facebook na maaari ka na daw lumabas ng walang suot na mask. Ano ang iyong gagawin?

a)

Hind maniniwala, hindi i-share at hindi rin i-like.

b)

Sabihin kay nanay na maaari na kayong pumunta sa SM.

c)

Sabihin sa mga kalaro na maari na kayong maglaro sa paborito niyong parke.

d)

Ishare ang nakitang post sa Facebook.

16.

Manood lamang ng mga palabas sa sinehan o programa sa telebisyon na angkop sa iyong edad.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Lahat ng napapanuod at nababasa sa internet ay totoo

a)

Tama

b)

Mali

18.

Narinig mo sa iyong kaklase na ibinibida ang patalastas

na nabasa niya tungkol sa paraan upang maging artista.

Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong hakbang para

masigurado mo na totoo ang nabasang patalastas?

a)

a. Tatanungin ko ang aming guro tungkol dito.

b)

b. Makikipag-away ako sa kaniya dahil hindi ito totoo.

c)

c. Bubuksan ko ang pahina ng aming aklat para

tingnan at masuri ang patalastas.

d)

d. Bibili ng maraming klase ng pahayagan at titingnan

kung naroon nga ang patalastas.

19.

Kapag nabasa mo ang unang parte ng patalastas, maaari

mo ng ibahagi ito sa iyong kaibigan o kaklase. Sang-ayon

ka ba sa pahayag na ito?

a)

a. Oo, dahil nalaman ko na ang unang parte.

b)

b. Oo, maniniwala naman sila kaagad sa akin.

c)

c. Hindi, sapagkat nabitin ako sa aking nabasa.

d)

d. Hindi, dapat ko munang basahin ang buong

patalastas bago ibahagi sa iba.

20.

Kung ikaw ay pipili ng isang patalastas na iyong

ibabahagi sa iyong mga kaibigan, ano ang dapat mong

isaalang-alang?

a)

a. Kung maganda ang patalastas, maniniwala ako.

b)

b. Kung pangit ang patalastas, pagtatawanan ko ito.

c)

c. Susuriin ko muna ang patalastas at pinagmulan

nito.

d)

d. Hahanapin ko ang gumawa ng patalastas at

tatanungin kung totoo ito.

21.

Nabasa mo ang isang bastos na patalastas, ano ang

iyong gagawin?

a)

a. Babasahin ko pa rin ito.

b)

b. Titigilan ko ang pagbabasa.

c)

c. Isusumbong ko sa pulis ang nabasa ko.

d)

d. Tatawagin ko ang aking kapatid na magbasa rin.

22.

Nakita mong pinagkakalat ng iyong kaibigan ang

patalastas na wala namang idudulot na maganda sa

kapuwa kundi gulo lamang. Ano ang iyong gagawin?

a)

a. Makikisali ako sa kanila.

b)

b. Hahayaan ko lamang sila.

c)

c. Pagtatawanan sila nang malakas.

d)

d. Tatawagin ko ang aking kaibigan at pagsasabihan

siya na tigilan niya ito.

23.

Ano-ano ang mga hakbang sa pagsasagawa ng tamang desisyon?

a)

Mapanuring pag-iisip, katatagan ng loob, at sinusuri ang desisyon.

b)

Pag-iisip, pagtitimbang, at pagmamahal.

c)

Pagmamahal, pag-iisip, at desisyon.

d)

Pag-balanse, pag-iisip, at pangangatwiran.

24.

Bilang isang mabuting kasapi ng iyong pamilya, paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa pagpapasya sa iyong tahanan?

a)

Makinig lamang kung ano ang sasabihin ng iba at ipagpaliban ang sariling kapasyahan.

b)

Pag-isipan ang bawat desisyon sa pamamagitan ng mapanuring pag-iisip.

c)

Tutulong sa pag-iisip at sasang-ayon nalang sa iba.

d)

Pagsasapuso ng pasya at isagawa ito ng walang pag balanseng pag-iisip.

25.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagiging matiyaga?

a)

Araw-araw ginagawa ang mga atas sa online class para makapagpasa ng hindi late.

b)

Palaging paglalaro ang inaasikaso ni Jan sa bahay pagkagising sa umaga.

26.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagiging matiyaga?

a)

Pagkatapos ng on-line class ay gagawin ang assignment at magbabasa ng modules para mas madaling matuto sa susunod na klase.

b)

Ayaw pumasok sa on-line class ang aking kapatid kapag wala siyang kasamang yaya.

27.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagiging matiyaga?

a)

Palaging lumiliban si Renee sa on-line class at hinihintay pa si nanay bago magsagot ng modules..

b)

Masipag na pumapasok si Jenee sa on-line classes at ginagawa kaagad ang atas sa modules.

28.

May pangkatang gawaing binigay ng iyong guro at ikaw ang napiling lider o tagapamuno. Sa kabila ng iyong pagkamahiyain ay malugod mo itong tinatanngap sapakat nainiwala ka na makatutulong ito sa iyong paglago bilang tao at mag-aaral.

a)

tama

b)

mali

29.

Ang paggawa ng takdang-aralin sa bahay ay nagpapatunay ng katiyagaan sa pag-aaral.

a)

tama

b)

mali

30.

Hindi ako nangongopya ng mga yaring gawa sa internet,

a)

matiyaga

b)

matapat

c)

pakikiisa

31.

Naghahanap ako ng paraan kapag wala akong baon.

a)

matiyaga

b)

pakikiisa

c)

pagkamatapat

32.

Ito ay ang pagkakaroon ng tibay at tatag ng paninindigan sa paggawa ng kung ano ang mas mabuti at tama.

a)

Katatagan

b)

Pagtitiyaga

c)

Pagpapasensiya

33.

Piliin ang dapat mong gawin na nagpapakita ng lakas ng loob.

Inutusan ka ng iyong nanay na kunin ang kanyang bag sa kanilang kwarto. Pag bukas mo ng kanilang kwarto, sobrang dilim dahil napundi pala ang ilaw.

a)

tatakbo ako at hindi ko na kukunin ang kanyang bag

b)

sisigaw ako sa takot para si nanay nalang ang kukuha

c)

iiyak ako ng malakas hanggang sa puntahan ako ni nanay

d)

hindi ako matatakot at kukunin ko ang bag ni nanay para maibigay ito sa kanya

34.

Ito ay katangian na nagpapakita ng kakayahang harapin ang anomang gawain o sitwasyon nang walang takot o alinlangan.

a)

A. tatag ng loob

b)

B. katapangan

c)

C. pagka-matiyaga

35.

Masasabing matatag ang iyong kalooban kung:

a)

A. nakikinig ka kapag pinagsasabihan at nagsisikap magbago

b)

B. hindi ka humihingi ng tawad kapag nagkakamali

c)

C. nagtatampo ka kung pinagsasabihan sa maling nagawa

36.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban, maliban kay:

a)

A. Carl, na tinanggap ang pagkatalo sa laro nang nakangiti

b)

B. Glen, na nakipag-usap ng mahinahon sa sumisigaw sa kanya

c)

C. Claire, na nagmukmok sa silid nang nahirapang magbasa

37.

Palatandaan ng katatagan ng kalooban ang

a)

A. pagpigil sa sarili na makipag-away

b)

B. pag-amin sa nagawang pagkakamali

c)

C. lahat ng nabanggit

38.

Si Mark ay transferee mula sa Paaralang Elementarya ng San Bartolome. Isa-isang tinawag ng guro ang mga bagong mag-aaral para magpakilala. Ano ang nararapat niyang gagawin?

a)

Magkunwari na hindi nadinig ang pagtawag ng guro sa kanyang pangalan

b)

Tatayo sa harap at magpakilala ng sarili

c)

Sasabihin sa guro na nahihiya siyang magpakilala

39.

Si Myrna ay may kakayahang sumayaw at nais ng kanilang guro na ipakita niya ito sa palatuntunan sa Buwan ng Wika. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Magdadahilan sa guro para hindi makasali sa palatuntunan

b)

Kakausapin ang guro at sasabihin na hindi niya kayang sumayaw

c)

Tatanggapin ang alok ng guro at ipapakita ang kakayahan sa pagsayaw

40.

Ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang magandang kinabukasan lalo na kung ang bata ay may _______ sa kanyang pag-aaral.

a)

Tiyaga

b)

Pagpapahalaga sa pag-aaral

c)

Lahat ng nabanggit ay tama

41.

Nais mong bumili ng usong laruan ngunit kulang ang pera mo, ano ang iyong gagawin?

a)

Hihingi ng pera sa magulang

b)

Maghihintay na makompleto ang perang pambili mula sa inipon

c)

Manghihiram ng pera sa kaibigan

42.

Oras ng rises, mahaba ang pila sa kantina ng paaralan, gutom na gutom ka na. Ano ang gagawin mo?

a)

Maghihintay habang nakapila.

b)

Makikisingit sa pila

c)

Magpapabili sa mga nauna sa pila

43.

Mainit ang sikat ng araw, subalit oras ng pagpila para sa seremonya sa watawat ng Pilipinas. Ano ang gagawin mo?

a)

Gagamit ng payong para hindi mainitan

b)

Hindi sasama sa pila at magtatago na lamang sa silid

c)

Dadalo sa seremonya bilang paggalang sa Watawat ng Pilipinas

d)

Makikipagunahan sa pila upang makakahanap ng malilim na lugar

44.

Kulang ang ibinigay na perang baon ng nanay mo sa iyo, ano ang iyong gagawin?

a)

Pagkakasyahin ang pera pambili ng pagkain

b)

Manghihingi ng dagdag na baon sa lolo o lola

c)

Pupunta sa ninong o ninang upang humingi ng pandagdag sa baon

d)

Manghihingi ng baong pagkain sa kaklase kasi hindi sapat ang pera pambili.

45.

Bata pa lamang si Andres ay kinailangan na niyang magtiis upang maalagaan ang kanya mga nakakabatang kapatid. Alin sa mg sumusunod ang maaring niyang gawin?

a)

Mamalimos sila sa kalsada

b)

Magnakaw ng pagkain sa palengke upang may makain sila

c)

Maari siyang gumawa ng pamaypay at itinda ito

d)

Humanap ng mag-aampon sa kanila upang mabuhay sila

46.

Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng katatagan ng loob?

a)

Ayoko gawin ang isang bagay kung alam kong ito ay mahirap.

b)

Tuloy-tuloy lang, ano man ang dumating, hindi ako susuko sa aking mga pangarap.

c)

Hanggat kaya kung tapusin ang ginagawa ko hindi ako sususko. Pero pag nahirapan na ako hindi ko na ito itutuloy.

d)

Wala sa nabanggit

47.

Bakit mahalaga na hindi agad sumuko sa iyong mga ginagawa?

a)

Para maging matagumpay at matapos ang gawain na may pakinabang.

b)

Para sumikat lang.

c)

Upang hindi ka mapagod at makapagpahinga ng maaga.

d)

Para makita ang tama at mali sa iyong ginagawa.

48.

Lilipat na sa Maynila si Joselyn upang mag-aral sa kursong pinakagusto niya. Alam ni Joselyn na kapag matapos niya ang kursong ito hindi siya mahihirapang maghanap ng trabaho dahil sa in-demand ito.

a)

a. katatagan ng loob

b)

b. mapanuring pag-iisip

c)

c. pagkamahinahon

d)

d. kahinaan ng loob

49.

Piliin ang mga gawaing isinasagawa

a)

Hindi nagpapadala sa mga sabi-sabi ng iba

b)

Pinag iisipan muna ng mabuti ang gagawing hakbang bago magdesisyon

c)

Nagpapakita ng katatagan ng loob sa pagdedesisyon

d)

Madaling mapaniwala sa narinig at sinabi ng iba

e)

Pinipili at tinitiyak ng mabuti ang samahang kinakaibigan

50.

Pinagbubuti ni Sam ang kaniyang talento sa pagpipinta upang matupad ang kaniyang pangarap na maging tanyag na pintor.

a)

mabuting katangian

b)

hindi mabuting katangian

51.

Naging mayabang si Buboy simula nang palagi siyang nananalo sa mga paligsahan sa kanilang bayan.

a)

mabuting katangian

b)

hindi mabuting katangian

52.

Sumasali sa mga business seminar at workshop si Limuel upang patuloy niyang mapaunlad ang kaniyang negosyo.

a)

mabuting katangian

b)

hindi mabuting katangian

53.

Matiyagang pinagsasabay ni Mutya ang pag-aaral at pagtatrabaho upang maiahon niya sa kahirapan ang kaniyang pamilya.

a)

mabuting katangian

b)

hindi mabuting katangian

54.

Ito ay makatutulong sa tao upang mapaunlad ang kaniyang pagtugon sa kaniyang gawain at sa kaniyang kapuwa.

a)

A. Kasipagan

b)

B. Pag-iimpok

c)

C. Pagpupunyagi

d)

D. Pagtitipid

55.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng palatandaan ng kasipagan kung saan ginagawa ang gawain ng may pagmamahal?

a)

A. Laging mag-aral si Hans. Sa tuwing siya ay nag-aaral, ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras ng buong husay.

b)

B. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.

c)

C. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng may pagkukusa.

d)

D. Si Waren na hindi pa man din nauumpisahan ang kanyang gawain ay nagrereklamo, na parang umaayaw na at nawawalan na ng pag-asa.

56.

Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa isa:

a)

A. Ito ay pagtingin ng may kasiyahan at positibo sa isang gawain.

b)

B. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.

c)

C. Nakatutulong ito sa pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapuwa at lipunan.

d)

D. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, at disiplina.

57.

Si Rony ay sadyang masipag. ilarawan ang katangian ni Rony?

a)

A. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal

b)

B. Hindi nagrereklamo sa ginagawa

c)

C. Hindi umiiwas sa anumang gawain

d)

D. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa

58.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng palatandaan ng kasipagan kung saan ibinibigay ang buong kakayahan sa paggawa?

a)

A. Masipag mag-aral si Hans. Sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras ng buong husay.

b)

B. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.

c)

C. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng may pagkukusa.

d)

D. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne, hindi niya ito ginagawa basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksiyon.

59.

Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?

a)

A. Masipag mag-aral si Hans; sa tuwing siay ay nag-aaral ay ibinibigay niay ang kaniang panahon sa at oras dito ng buong husay.

b)

B. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.

c)

C. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng may pagkukusa.

d)

D. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksiyon.

60.

Mula sa saknong ng isang tula, “Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay, araw-araw ay paggawang tila rin walang humpay; datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.” Anong ang nais nitong ipahiwatig?

a)

A. Kahit mahirap ang buhay, dapat na maging marangal.

b)

B. Mahirap ang buhay kaya’t kinakailangan na magtiis.

c)

C. Mahirap man ang buhay, hindi dapat mawalan ng pag-asa.

d)

D. Sa kabila ng kahirapan, kinakailangan na maging masipag.

61.

Lahat ng napapanood, nababasa, at naririnig sa social media ay tama.

a)

Tama

b)

Mali

62.

Ang hindi pagsasabi ng totoo ay pagiging tapat sa anumang gawain.

a)

Tama

b)

Mali

63.

Nakita mo na may itinatago ang kapatid mo na magasin na hindi angkop basahin ng mga bata. Ano ang iyong gagawin?

a)

Sasabihin ko sa aking nanay upang mapagsabihan siya.

b)

Hahayaan na lamang ang magasin at magkukunwaring hindi ko ito nakita.

c)

Kukunin ang magasin at babasahin.

64.

Nabasa mo sa Internet ang mga salitang hindi angkop na gamitin sa paaralan. Pero narinig mo ang isa mong kaibigan na nagsalita nito, Ano ang gagawin mo?

a)

Gagayahin ko ang ginawa niya.

b)

Pagsasabihan ko sya na hindi tama ang sinabi niya.

c)

Sasabihin ko sa aking guro upang mapagsabihan siya.

65.

Araw-araw naglalako ng paninda si Aling Ester nang sa gayon ay matustusan niya ang pag-aaral ng kaniyang mga anak. Lagi rin niya itong pinapayuhan na magsipag sa kabila ng kahirapan sa buhay. Anong positibong impluwensiya ang ipinakita ni Aling Ester?

a)

Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.

b)

Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda

c)

Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong.

d)

Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa buhay.

66.

So, my dear brothers and sisters, be strong and steady, always enthusiastic about the Lord's work, for you know that nothing you do for the Lord is ever useless. (memory verse)

a)

I CORINTHIANS 15:58

b)

MATTHEW 25:29

c)

I JOHN 2:27

d)

I THESSALONIANS 5:23-24

67.

When you obey me, you remain in my love, just as I obey my Father and remain in his love.

a)

JOHN 2:27

b)

JOHN 15:16

c)

JOHN 15:10

d)

JOHN 6:44

68.

Now may the God of peace make you holy in every way, and may your whole spirit and soul and body be kept blameless until that day when our Lord Jesus Christ comes again. God, who calls you, is faithful; he will do this.

a)

I THESSALONIANS 4:11

b)

I THESSALONIANS 4:12

c)

I THESSALONIANS 5:23-24

d)

I THESSALONIANS 4:11

69.

To those who use well what they are given, even more will be given, and they will have an abundance. But from those who are unfaithful, even what little they have will be taken away.

a)

MATTHEW 5:21-22

b)

MATTHEW 5:23-24

c)

MATTHEW 24:35

d)

MATTHEW 25:29

70.

Above all else, guard your heart, for it affects everything you do.

a)

PROVERBS 4:23

b)

PSALMS 119:86

c)

PROVERBS 4:25

d)

PSALMS 119:88

71.

Dear children, keep away from anything that might take God's place in your hearts.

a)

JOHN 15:16

b)

I JOHN 5:21

c)

I JOHN 2:27

d)

JOHN 15:10

72.

These were his instructions to them: "You must always act in the fear of the LORD, with integrity and with undivided hearts.

a)

II CORINTHIANS 5:20

b)

II CORINTHIANS 5:19

c)

II CHRONICLES 19:9

d)

I CORINTHIANS 4:5

73.

I command you--be strong and courageous! Do not be afraid or discouraged. For the LORD your God is with you wherever you go."

a)

I CORINTHIANS 15:58

b)

JOSHUA 1:9

c)

MATTHEW 25:29

d)

PROVERBS 4:23

74.

Si Ben ay isang mag-aaral sa ika-limang baitang. Bago siya gumawa ng isang desisyon ay pinag-iisipan niya muna ito ng maraming beses. Anong katangian ang kaniyang ipinapakita?

a)

Mapanuri

b)

Matapat

c)

Masipag

75.

Ang taong masipag at may positibong pananaw ay may mararating sa buhay.

a)

Tama

b)

Mali

76.

Lahat ng napapanood, nababasa, at naririnig sa social media ay may katotohanan o totoo.

a)

Tama

b)

Mali

77.

Ang hindi pagsasabi ng totoo ay nagdadala ng alalahanin.

a)

Tama

b)

Mali

78.

Si Julian ay gumagawa ng kanyang takdang-aralin. Tinawag siya ng kanyang ina upang ipaligpit ang kanyang mga laruan. Agad naman siyang tumayo at nagtungo sa kanyang ina. Si Julian ay isang ____________________ na bata.

a)

masipag

b)

masunurin

c)

matulungin

79.

Ang mga Pilipino ay matiisin kahit anumang hirap ang kanilang nararanasan.

a)

TAMA

b)

MALI

80.

Pagsasawalang-bahala kahit nakikita mo na nagtutulungan ang iyong mga kabarangay sa paglilinis.

a)

TAMA

b)

MALI