Font size
WorksheetsTED Fil. Majors
Total questions: 100
Worksheet time: 45mins
2. Ilang titik ang hiniram ng Alpabetong Filipino mula sa Alpabetong Ingles?
A. 6
B. 7
C. 8
D. 9
3. Ano salita ang may klaster?
A. palma
B. basta
C. pluma
D. basket
4. “Ang aking pag-ibig ay tanging sa iyo lamang.” Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
A. payak
B. tambalan
C. karaniwan
D. di-karaniwan
6. Ano ang tamang baybay ng 12?
A. labing-dalawa
B. labingdal-awa
C. labindalawa
D. labin-dalawa
7. Kung ang cilla ay silya o upuan sa Filipino, ano naman ang cebolla?
A. Sebo
B. sabon
C. sibuyas
D. sebolya
8. Sa awiting "Bahay-kubo," ano ang gulay na binanggit pagkatapos ng upo?
A. Kalabasa
B. Patola
C. Singkamas
D. Bawang
10. "Ang matapat kong alipin, sunod nang sunod sa akin."
A. Aso
B. anino
C. araw
D. buwan
11. Alin sa mga sumusunod na tambalang salita ang kasingkahulugan ng mahirap?
A. anak-araw
B. anak-maralita
C. balat sibuyas
D. taingang kawali
12. Anong pangunahing sanggunian ang kailangan kung ikaw ay naghahanap ng kahulugan ng isang salita?
A. Atlas
B. almanac
C. diksyunaryo
D. ensayklopidya
13. Ano ang antas ng wika ang "manong"?
a. Balbal
b. Kolokyal
c. Pampanitikan
D. Lalawiganin
14. Ito ang kabuuang bilang ng mga titik sa makabagong alpabetong Filipino.
a. 26
b. 28
c. 20
d. 31
15. Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng wastong baybay ng mga salita.
a. ortograpiya
b. morpolohiya
c. Sematika
d. ponolohiya
16. "Pa'no na ang kinabukasan ng ating mga anak? Anong antas ng salita ang salitang "Pa'no"?
A. panlalawigan
B. Pambansa
C. kolokyal
d. Balbal
17. Alin ang hindi sumusunod sa tuntunin ng gamit ng RIN AT DIN?
a. Baluktot rin ang kanyang katwiran.
b. Bata pa rin ang napiling lider.
c. Babae rin ang may kasalanan.
d. Pag-aralan din ninyo ang tamang gamit nito.
18. Ito ay uri ng panitikan na mahabang salaysay at nahahati sa kabanata.
A. Maikling Kwento
B. Dula
C. Alamat
D. Nobela
19. Ito ay uri ng panitikan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay.
a. alamat
b. sanaysay
c. Talumpati
d. Nobela
20. Alin sa sumusunod ang nararamdaman ng magpipinsan nang malaman nilang uuwi sila sa probinsya na matagal na nilang pangarap?
A. nanghihinayang
B. Nalulungkot
C. nanabik
D. nag-aalala
21. Paano naging paraiso sa isip ng mga bata ang lugar na sinilangan ng kanilang mga magulang?
A. Magaganda at masasaya ang kwento sa knila
B. Magaganda ang pinakitang larawan sa kanila
C. Masaya ang kanilang unang bakasyon
D. Maganda ang balitang kanilang naririnig
22. "Walang tubig". Ito ay pangungusap na____?
A. May paksa
B. Walang pandiwa
C. May panaguri
D. Walang paksa
23. Nasa anong kaganapan ng pandiwa ang pangungusap?
Naglaro ng basketball sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan.
a. Sanhi
b. Tagaganap
c.Kagamitan
d. Ganapan
24. Ito ay batayan sa pagsasaayos ng diskurso na tumutukoy sa pagbibigay ng malakas na punto sa pinakaimportanteng idea, ang paglalagay nito sa kapansin-pansing posisyon.
a. Kaisahan
b. Kaugnayan
c. Pagbibigay-diin
d. Paglilinaw
25. Alin ang halimbawa ng tahas na pangngalan
a. Grupo
b. batalyon
c. puno
d. pagkalinga
26. Alin sa mga salita ang halimbawa ng Lansakan
a. Lahi
b. panata
c. pagkain
d. katawan
27. Alin ang hindi halimbawa ng basal
a. Pangarap
b. panaginip
c. kaligayahan
d. langkay
28. Alin ang naiiba
a. Kulisap
b. Dr. Jose Rizal
c. Oppo
d. Ayala Mall
29. Alin ang HINDI kasama sa grupo
a. bata
b. Matt
c. prutas
d. bulaklak
30. Ano ang tawag sa salita o pahayag na nakatago ang kahulugan?
a. matalinghagang salita/pahayag
b. literal na kahulugan
c. denotasyon
31. Eupemismo ang tawag sa ipinapalit na salita upang di makapanakit ng damdamin ng kausap.
a. Tama
b. Mali
c. Ewan
“ Mahal pa ba”
paro-paru’y lumayo
minamahal kong sinta
luha ko’y tumutulo
di pa ba halata?
32.Ano ang ginamit na matalinghagang salita?
a. Sinta
b. paro-paro'y lumayo
c. tumutulo
“ Mahal pa ba”
paro-paru’y lumayo
minamahal kong sinta
luha ko’y tumutulo
di pa ba halata?
33. Ano ang kahulugan ng "paro-paro'y lumayo?"
a. insekto lumipad
b. kasintahang Nawala
c. hayop na nabugaw
“Ngunit ako ay bigla na lang namulat
Sa paligid kong punung-puno ng salat
Ang dami na palang halos buto’t balat
Sila ay naghihintay ng kabalikat”
34. Ano ang ibig sabihin sa huling taludtod?
a. naghihintay ng tutulong
b. naghhintay ng barkada
c. naghihintay ng kasabay
35. Buhay-alamang, ano ang kahulugan?
a. Madali
B. mahirap
c. katamtaman
d. marumi
36. "Manipis ang palad", ano ang kahulugan ng idyoma?
A. maraming alam na gawain
B. walang alam na gawain
c. mahilig magsulat
d. nagsusuot ng gwantes lagi
37. Sa eupemismong paraan paano mo sasabihing, nais mong mangutang?
A. Pinautang kita, kahapon,pautangin mo ko ngayon!
b. May naitabi ka bang sobra?
c. Ang tindi ng pangangailangan ko
d. Walang-wala talaga ako ngayon
38. Sa eupemismong paraan paano mo itatanong kung bolpen mo ang ginagamit niya?
a. Bolpen mo ba yan ?kasi nawawala yung akin.
B. Bolpen ko yan, magnanakaw ka talaga
c. Bakit di mo sinabi na wala kang bolpen?
d. Pakialamero ka talaga
39. Nagluto ang nanay mo tinanong niya kung masarap ba ang luto niya.Nalasahan mong hindi magandaang lasa. Paano mo sasabihin ng di siya masasaktan
A. Busog mo ako nay.
B. Medyo may kulang nay sa niluto mo e, anong pampalasa kaya iyon?
C. Ayoko pong kumain nay
d. Wag ka na magluluto nanay,sayang lang pera.
40. Ito ay ang mga lugar, oras at panahon pinangyarihan ng kwento.
A. Tagpuan
B. simula
C. tauhan
D. wakas
41. Ang unti-unting pagbaba ng istorya.
a. Tunggalian
b. kakalasan
c. tauhan
d. saglit ng kasiglahan
42. Ito ay ang problemang haharapin ng tauhan.
a. Tunggalian
b. Kasukdulan
c. suliranin
d. kakalasan
44. Anong uri ng pang-uri ang salitang "mabuti"?
a. Pantangi
b. Panlarawan
c. pamilang
d. lansakan
45. Anong uri ng pang ang salitang "marami"?
a. Panlarawan
b. cardinal
c. nominal
d. pamilang
46. Anong uri ng pang-uring pamilang ang salitang "pangalawa"?
a. kardinal
b. ordinal
c. pantangi
d.panlarawan
47. Anong uri ng pang-uring pamilang ang salitang "isandaan"?
a. kardinal
b. ordinal
c. pamahagi
d.palansak
48. Ang Gintong Panahon ng Panitikan ng Pilipinas ay ang panahon ng __________.
A. Amerikano
B. Hapones
C. Kastila
D. Kontemporaryo
49. Sinong Filipino manunulat ang tinaguriang “Ama ng Zarsuelang Tagalog”?
A. Aurelio Tolentino
B. N.V.M. Gonzalez
C. Alejandro Abadilla
D. Severino Reyes
50. Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na “Kalipulako.”
A. Jose dela Cruz
B. Antonio Luna
C. Mariano Ponce
D. Severino Reyes
51 . Anong titulo sa panitikan ng Pilipinas ang ibinigay sa may-akda sa tulang pinamagatang “Isang Dipang Langit”?
A. Makata ng Pag-ibig
B. Makata ng Manggagawa
C. Makata ng Masa
D. Ama ng Wikang Pambansa
52. Isa sa pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles at kilala sa kanyang sagisag na panulat na “Doveglion.”
A. Jose Garcia Villa
B. N.V.M. Gonzalez
C. Alejandro Abadilla
D. Zulueta de Costa
53. Kinilala siyang “Makata ng Pag-ibig” at “Hari ng Balagtasan” ng kanyang panahon. Siya ang sumulat sa titik ng makabayang awitin ng “Bayan Ko.”
A. Jose Garcia Villa
B. Aurelio Tolentino
C. Jose Corazon de Jesus
D. Zulueta de Costa
54. Ang may-akda ng tulang “Ako Ang Daigdig”.
A. Alejandro Abadilla
B. Aurelio Tolentino
C. Jose Corazon de Jesus
D. Amado Fernandiz
55. Aling salita ang may diptonggo?
A. buwis
B. buhay
C. bayan
D. iwas
56. Ang Cebuano, Ilokano at Hiligaynon ay halimbawa ng anong barayti ng wika?
A. sosyolek
B. dayalekto
C. dyolek
D. jargon
57. “Nakulong si Janette.” Ibigay ang ayos nga pangungusap na ito.
A. payak
B. karaniwan
C. tambalan
D. di-karaniwan
58. “Meron akong nalaman. ‘Di ko sasabihin sa iyo.” Nasa anong antas ng wika ang mga salitang nakasalungguhit?
A. kolokyal
B. balbal
C. pampanitikan
D. lalawigan
59. 61. Ito ang pinakaunang Sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino.
A. Diona
B. Cuneiform
C. Abecedario
D. Alibata
60. Ito at isang epiko tungkol sa kasaysayan ng pag-iibigan ng mga bathala mula sa Iloilo, Antique at Aklan.
A. Hinilawod
B. Bidasari
C. Biag-ni-Lam-ang
D. Maragtas
61. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao?
A. Bow-wow
B. Ding-dong
C. Pooh-pooh
D. Yoheho
62. Ibigay ang mensaheng hatid ng sumusunod na pahiwatig mula sa akdang Cebuan na "Paalam na sa Pagkabata"
"ANG LANGIT AY NASA TAO, HINDI NAKIKITA, HINDI NAHIHIPO, HINDI NABOT"
A. Ang langit ay lagar ng tao na tinuturing na paraiso.
B. Ang langit ay nasa puso ng isang tao, ang kabutihang loob, kapayapaan ng isip at kalinisan ng budhi ang kaganapang ito.
C. Ang langit kailanman ay di makikita, mahihipo o maaabot ng tao.
D. A at Cd.Ang langit ay inihanda para sa tao at ito ay hindi makikita at maaabot lalo na ng mga yaong hindi nararapat dito.
63. Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?
A. Pilipino
B. Filipino
C. Tagalog
D. Wikang Pambansa
64. Isang awiting bayan na ginamit sa pagpapatulog ng bata ay ang _______.
A. diona
C. soliranin
B. oyayi
D. umbay
65. Ang “Maupay na Aga!” ng mga taga Samar ay halimbawa ng anong antas ng wika?
A. kolokyal
B. balbal
C. pambansa
D. lalawigan
66. Isang kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng iba’t-ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa ay ________.
A. pabula
B. parabula
C. mitolohiya
D. anekdota
67. “Umiiyak si Ana habang siya ay nagbasa ng isang sulat.” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?
A. pasalaysay
B. padamdam
C. hugnayan
D. tambalan
68. Alin sa mga sumusunod ay HINDI uri ng pangungusap ayon sa gamit/
A. padamdam
B. langkapan
C. pautos
D. patanong
69. Sinabi ni Carlos P. Romulo sa isa niyang akda, “Ang Pilipino ay may dugong maharlika.” Ano ang kahulugan nito?
a. Ang Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi
b. Ang Pilipino ay sadyang mabuti ang budhi.
c. Ang Pilipino ay galing sa mayamang lahi
d. Ang Pilipino ay madaling maipagbili
70. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan.
b. Ang kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtatakbuhan sa lansangan.
c. Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.
d. Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.
71. Piliin ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makitang kayo’y nagmamahalan.
a. Pangarap
b. Pagkontrol ng kilos
c. Pagkuha ng impormasyon
d. Pagbabahagi ng damdamin
72. Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino ay
a. Nanatiling masigla ang diwang Pilipino
b. Nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
c. Natutong lumabag sa batas at lumaban sa may kapangyarihan ang mga Pilipino
d. Naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino
73. Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taon-taon. Higit na marami ang maralitang nangangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay
a. Kuripot
b. Matipid
c. Maramot
d. Praktikal
74. Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpipilitang si Rose ang nakabasag ng pinggan?
Hindi si Rose ang nakabasag ng pinggan.
a. Rose
b. Hindi
c. Nakabasag
d. Pinggan
75. Mag-aalas-singko na _____ umaga _____ magising siya.
a. ng – ng
b. nang – nang
c. ng – nang
d. nang – kapag
76. Ang butong tinangay ng aso, walang pagsalang nalawayan ito. Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa katotohanan ng ______.
a. Pagnanakaw
b. Pagtatanan
c. Pagpapakasal
d. Pakikipagkaibigan
77. 16. Anong uri ng pagbigkas ang salitang “dambuhala”?
a. Malumi
b. Mabilis
c. Maragsa
d. Malumay
78. Ang katawagan sa pangngalan, pang-abay, pang-uri at pandiwa ay?
a. Palabuuan
b. Pangkayarian
c. Pangnilalaman
d. Palaugnayan
79. Kami ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan. Paano ginamit ang salitang may salungguhit?
a. Pagtukoy
b. Pagpuri
c. Panghalip
d. Pagmamalaki
80. Walang tubig kahapon. Ito ay pangungusap na:
a. May paksa
b. Walang pandiwa
c. May panaguri
d. Walang paksa
81. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Binili ni Angelo ang bagong sasakyan”?
a.Pokus sa direksyon
b. Pokus sa kagamitan
c.Aktor Pokus
d. Gol Pokus
82. Sabihin ang gawi ng pananalitang ito: “Bawal tumawid, may namatay na dito!”
a. Pananakot
b. Pagtukoy
c. Babala
d. Paalala
Si Linda ay naglilinis ng bahay habang si Jose ay naglalaro sa bakanteng lote.
Ang salitang may salungguhit ay___
Pang-uri
Panghalip
Pangngalan
Pandiwa
Ang mga bata ay pumunta sa Mall upang mag-grocery.
Ang may salungguhit ay_____
Pangawing
Pang-ukol
Panghalip
Pantukoy
Ipinahanda ni Regine ang pagkain kay Angeline.
Ang may salungguhit ay_____
Pantukoy
Pangngalan
Panghalip
Pang-angkop
Si Joshua ay mas maganda kaysa kay Ian.
Ang salitang may salungguhit ay _____
Pang-uri
Pangngalan
Pang-uri
Pandiwa
Si Rogen ay naglalaro ng basketball habang si Jefferson ay naglalaro ng cellphone.
Ang may salungguhit ay ____
Pang-abay
Pang-angkop
Pangatnig
Pang-ukol
Ang mga Atleta ay maglalaro para sa kanilang tagumpay.
Ang may salungguhit ay ____
Pangatnig
Pantukoy
Panghalip
Pang-ukol
Ang taong sinungaling ay pinagalitan.
Ang salitang may salungguhit ay____
Pang-uri
Pangngalan
Pandiwa
Pangatnig
Bakit (madilim) ang iyong mukha?
Ang madalim ay nangangahulugang____?
Nakasimangot
Nakanguso
Malungkot
Masaya
(Aayusin) ko ang inyong bakuran.
Ang aayusin ay nangangahulugang____?
Pagagandahin
Ikakabit
Sisirain
Kukumpunihin
Kapag ang panaguri ay nasa unahang bahagi at and simuno ay nasa hulihang bahagi ng pangungusap.
Karaniwang ayos
Di-karaniwang ayos
Ang magkapatid ay nakatira sa bahay ng kanilang lola.
a. Karaniwang ayos b. Di-karaniwang ayos
Karaniwang ayos
Di-karaniwang ayos
Gawing nasa karaniwang ayos ang pangungusap.
Si Loleng ay mapagmahal na kapatid.
Mapagmahal na kapatid si Loleng
Kapatid na mapagmahal si Loleng.
Gawing nasa di-karaniwang ayos ang mga pangungusap Masarap kausap ang dalagitang si Loleng.
a. Di masarap kausap ang dalagitang si Loleng. b. Ang dalagitang si Loleng ay masarap kausap.
Di masarap kausap ang dalagitang si Loleng
Ang dalagitang si Loleng ay masarap kausap.
Ang tawag sa pangungusap na nagkukukwento o nagbibigay ng impormasyon. Ang pangungusap na ito ay nagtatapos sa tuldok.
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Pakiusap
Mga (hukbo) ng mga Pilipino at Amerikano ang lumaban sa mga Hapon.
Anong uri ng pangngalan ang nasa loob ng panaklong?
pantangi
panlarawan
lansakan
Ang mga (timawa) ay may pag-aari at hindi naglilingkod bilang alipin.
Anong uri ng pangngalan ang timawa?
pantangi
pambalana
lansakan
Ako at ang mga kapitbahay namin ang nagtutulungan upang mapaganda ang aming barangay.
Palitan ng angkop na panghalip ay mga salitang nakasalungguhit.
Ako at sila
Kami
Sila
Nila
Lilibutin namin ang buong Tagaytay sa bakasyon.
Nasa anong aspekto ang pandiwa sa pangungusap?
perpektibo
imperpektibo
kontemplatibo
Maliit na maliit na ang damit na yan para sa iyo.
Nasa anong antas ang pang-uri sa pangungusap?
lantay
pahambing
pasukdol
Nagpupunta dito sa Pilipinas ang mga Koreano upang matuto ng wikang Ingles.
Nasa anong uri ang pang-uri sa pangungusap?
panlarawan
pamilang
pantangi
Naging bansang malaya na ang Pilipinas dahil sa mga Amerikano.
Ano ang dalawang salita na pinagdugtong ng pang-akop?
naging at bansa
bansang at malaya
malaya na at ang
mga Amerikano
Sunud-sunod na nagmano ang mga inaanak ni Mang Ben.
Ang ang pang-abay sa pangungusap at ang tinuturingan nito?
inaanak at ni Mang Ben
nagmano at ang mga anak
sunud-sunod at ni Mang Ben
sunud-sunod na at nagmano
