Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Pagsusulit (Kasaysayan ng Wikang Pambansa)

Total questions: 30

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

1. Ano ang dahilan ng mga misyonerong Espanyol sa kanilang ginawang pag-aaral ng mga wikang katutubo?

a)

A. Upang maikumpara nila ang wikang Espanyol sa mga wikang katutubo.

b)

B. Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

c)

C. Upang masuri nila ang istruktura ng mga wikang katutubo.

d)

D. Upang sundin ang ipinag-uutos sa kanila ng hari ng Espanya.

2.

2. Alin sa mga batas pangwika unang naisulat ang unang batas ukol sa wika na gagamitin ng ating bansa?

a)

A. 1935 Konstitusyon

b)

B. 1987 Konstitusyon

c)

C. Konstitusyon ng Biak na Bato

d)

D. Konstitusyon ng Malolos

3.

3. Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno na nagpapatunay na may sibilisasyon na bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol?

a)

A. Baybayin

b)

B. Alibaba

c)

C. Alibata

d)

D. Alibangbang

4.

4. Baybayin ang tawag sa kapaaraanan ng pagsusulat ng ating mga katutubo nuon, ilang titik o letra ang binubuo nito?

a)

A. 15

b)

B. 16

c)

C. 17

d)

D. 18

5.

5. Anong panahon ang tinaguriang “Gintong Panahon” sapagkat umunlad ang paggamit ng wikang Tagalog sa pagsulat ng mga tula o kahit ano pa mang uri ng literatura?

a)

A. Panahon ng Espanyol

b)

B. Panahon ng Amerikano

c)

C. Panahon ng Hapon

d)

D. Bagong Republika

6.

6. Ano ang pagbasa ng mga letra sa bagong alpabeto?

a)

A. Paabakada

b)

B. Bigkas-Kastila

c)

C. Bigkas-Ingles

d)

D. Papantig

7.

7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagsasaad ng kawastuhan hinggil sa kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol?

a)

A. Nagkawatak-watak ang mga Pilipino.

b)

B. Naging talamak ang paggamit ng Tagalog at iba pang mga wikang katutubo.

c)

C. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga Espanyol ang mga Pilipino.

d)

D. Maraming mga proyektong pangwika ang naipatupad na makatutulong sa mga katutubo.

8.

8. Bakit sumibol ang kaisipang “Isang Bansa, Isang Diwa” sa mga manghihimagsik noong panahon ng Rebolusyong Pilipino?

a)

A. Dahil lahat ng mga Pilipino ay naghimagsik laban sa mga Espanyol.

b)

B. Dahil gumamit sila ng dahas sa pakikipaglaban sa mga dayuhan.

c)

C. Dahil pinili nilang gamitin ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay, tula, kwento, liham, at mga talumpating punumpuno ng damdaming makabayan.

d)

D. Dahil iisa lamang ang kanilang hangarin na makapaghiganti sa mga kalaban.

9.

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?

a)

A. Panahon ng Katutubo

b)

B. Panahon Espanyol

c)

C. Panahon ng European

d)

D. Panahon ng Hapon

10.

10. Sino ang nagmungkahi na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang pambansa na sinuportahan naman ni Pang. Manuel L. Quezon?

a)

A. Lope K. Santos

b)

B. Virgillo Almario

c)

C. Almirante Dewey

d)

D. Marcelo H. Del Pilar

11.

11. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa. Nang dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ang mga ito sa anong kadahilananan?

a)

A.  Dahil ang mga ito ay gawa raw ng mga diyablo.

b)

B. Hindi kapaki-pakinabang ang mga ito.

c)

C. Hindi nila ito maintindihan.

d)

D. Mahirap itong matutunan.

12.

TAMA O MALI 12. Sa Panahon ng Rebolusyon, ang Wikang Tagalog ang ginamit na wika sa kanilang mga kautusan at pahayagan.

(a)  

13.

TAMA O MALI 13. Nagkaroon lamang ng sariling kaparaanan ng pagsulat ang Pilipinas nang dumating ang mga Espanyol.

(a)  

14.

TAMA O MALI 14. Naging matagumpay ang mga Espanyol hinggil sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Katutubo.

(a)  

15.

TAMA O MALI 15. Naging maningning ang panitikang Tagalog sa panahon ng Hapon.

(a)  

16.

TAMA O MALI 16. Nakasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng ating konstitusyon na dapat paunlarin ang wikang Filipino kasabay ng pagpapayabong ng iba’t ibang katutubong wika sa Pilipinas.

(a)  

17.

TAMA O MALI 17. Sa panahon ng Amerikano isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilikod sa Bagong Pilipinas. Na may layuning mapabuti ang edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan.

(a)  

18.

TAMA O MALI 18. Sa panahon ng Amerikano rin unang naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa na mag-aaral ukol sa pipiliing magiging WIkang Pambansa ng Pilipinas.

(a)  

19.

TAMA O MALI 19. Ipinakilala ng mananakop na Amerikano ang sarili bilang isang kaibigan at hindi kaaway o mananakop.

(a)  

20.

TAMA O MALI 20. Hindi maikakailang sa panahon ng mga Hapones nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa wika.

(a)  

21.

TAMA O MALI 21. Nang maupo naman si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, inutos niya sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96s. 1967, na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino.

(a)  

22.

22. Ilang PATINIG ang binubuo ng baybayin na kaparaanan ng pagsusulat ng ating mga ninuno?

(a)  

23.

23. Ano ang nais ikintal ng mga Espanyol sa isipan ng mga katutubo nuon?

(a)  

24.

24. Anong batas blg. ang nagtakda na ang gagamiting WIkang Panturo ay Ingles pampribado man o pampubliko.

(a)  

25.

25. Anong panahon masasabing namayagpag ang panitikang Tagalog?

(a)  

26.

26. Sino ang naglagda na sa simula sa taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang Pilipino.

(a)  

27.

27. Anong wika ang ipinagbawal gamitin ng mga Hapones sa anomang aspekto ng buhay ng mga Pilipino?

(a)  

28.

28. Ano ang tawag sa surian na magtatag o magsusuri sa pipiliing Wikang Pambansa ng Pilipinas?

(a)  

29.

29. Anong salita ang ginamit ng mga Espanyol para ilarawan ang ating mga ninuno nung sila ay kasalukuyang sinasakop? Magbigay ng isa.

(a)  

30.

30. Ano ang dalawang wikang opisyal na pinagtibay ng Komowelt bilang 570 na gagamitin sa pakikipagtalastasan nung nakamit na ng mga Pilipino ang Kasarinlan?

(a)