Font size
WorksheetsMidterm College 2021
Total questions: 100
Worksheet time: 1hrs 15mins
“Sa alinmang bagay ay wala nang napakamahalaga na tulad ng pagkakilala nila sa kanilang kaisahan bilang isang bansa; at bilang isang bayan ay hindi tayo magkakaroon ng higit na pagkilala sa bagay na ito hangga’t hindi tayo nagsasalita ng isang wikang panlahat”
Ang katagang ito ay nagmula kay?
Pres. Manuel L. Quezon
Pres. Ferdinand E. Marcos
Pres. Cory Aquino
Pres. Rodrigo Duterte
Wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit nito sa pamamahala at pakikipag-uganayan sa mga taong sakop nito.
Wikang Pambansa
Dayalekto
Balbal
Tagalog
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.
Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896)
Saligang-Batas ng 1935 ( Seksyon 3, Artikulo XIV)
Saligang-Batas ng 1937
Saligang-Batas ng 1987
Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa
Nobyembre 13,1936
Disyembre 30, 1937
Disyembre 13, 1939
Hunyo 4, 1946
Naiproklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.
Nobyembre 13,1936
Disyembre 30, 1937
Disyembre 13, 1939
Hunyo 4, 1946
Nakapagpalimbag ng kauna-unahang Balarilang Pilipino si Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Pilipino).
Nobyembre 13,1936
Disyembre 30, 1937
Disyembre 13, 1939
Hunyo 4, 1946
Nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
Nobyembre 13,1936
Disyembre 30, 1937
Disyembre 13, 1939
Hunyo 4, 1946
Ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino
Agosto 13, 1959
Abril 1955 (Proklamasyon Blg. 2)
Agosoto 13, 1959 (Kautusang Pangkagawaran Blg.7)
Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg.96)
Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang direktiba sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4 bilang pagpaparangal kay Balagtas.
Agosto 13, 1959
Abril 1955 (Proklamasyon Blg. 2)
Agosoto 13, 1959 (Kautusang Pangkagawaran Blg.7)
Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg.96)
Pinalitan ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika bilang pagpaparangal sa tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” noong Agosto 19.
Agosto 13, 1959
Abril 1955 (Proklamasyon Blg. 2)
Agosoto 13, 1959 (Kautusang Pangkagawaran Blg.7)
Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg.96)
Pagpangalan sa Pilipino ng mga gusali, episidyo at tanggapan ng pamahalaan.
Agosto 13, 1959
Abril 1955 (Proklamasyon Blg. 2)
Agosoto 13, 1959 (Kautusang Pangkagawaran Blg.7)
Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg.96)
Pagsasalin sa Pilipino maging ng mga letterhead,kaukulang teksto sa Ingles at pormulasryo sa mga kagawaran, tanggapan at sangay pampamahalaan.
Marso 27, 1968 (Kautusang Tagapagpaganap blg.96)
Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg.96) –
Saligang-Batas ng 1973
Agosto 7, 1973 – (National Board of Education Resolution No.73-7) -
Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.
Marso 27, 1968 (Kautusang Tagapagpaganap blg.96)
Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg.96) –
Saligang-Batas ng 1973
Agosto 7, 1973 – (National Board of Education Resolution No.73-7) -
Pinagtibay ng magkatuwang na ipinatupad ng Surian ng Wikang Pambansa at Ministri ng Edukasyon -- ang Patakarang Edukasyong Bilingguwal na nagbibigay-diin sa magkahiwalay na gamit ng Pilipino at Ingles sa mga piling asignatura at paksang-aralin.
Marso 27, 1968 (Kautusang Tagapagpaganap blg.96)
Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg.96) –
Saligang-Batas ng 1973
Agosto 7, 1973 – (National Board of Education Resolution No.73-7) -
Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Saligang-Batas ng 1987 ( Artikulo XIV, Sek 6-9)
Saligang-Batas ng 1987 ( Artikulo XIV, Sek 1)
Saligang-Batas ng 1935 ( Seksyon 3, Artikulo XIV)
Saligang-Batas ng 1935 ( Seksyon 4, Artikulo XIV)
Batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas.
Enero taong 1987
Agosto 14, 1991
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335
Hulyo 1997 (Proklamasyon Blg. 104)
Nalikha sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
Enero taong 1987
Agosto 14, 1991
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335
Hulyo 1997 (Proklamasyon Blg. 104)
Ipinag-utos ng Pangulong Aquino na gamitin ang Filipino sa lahat ng transaksyon at komunikasyon ng pamahalaan.
Enero taong 1987
Agosto 14, 1991
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335
Hulyo 1997 (Proklamasyon Blg. 104)
Pinahaba ang pagdiriwang ng pagdakila sa papel ng wikang pambansa, nagtagubilin si Pangulong Ramos sa iba’t ibang sangay o tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Enero taong 1987
Agosto 14, 1991
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335
Hulyo 1997 (Proklamasyon Blg. 104)
Nilagdaan ni Pangulong Ramos na nagtatadhana ng 9 na yunit ng Filipino sa kolehyo
CHED Memo blg. 59
CHED Memo blg. 61
CHED Memo blg. 25
CHED Memo blg. 19
Ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng tunog
Ponolohiya
Morpolohiya
Sintaks
Diskurso
Pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.
Ponolohiya
Morpolohiya
Sintaks
Diskurso
Ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas
Ponetiko
Pagbabagong Morpoponemiko
Asimilasyon
Artikulador
Ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika
Ponema
Morpema
Pagbabagong Morpoponemiko
Ponolohiya
Ang ponema ay nagmula sa salitang pinagsamang phone at eme, na ang ibig sabihin ng phone ay________________
tunog
letra
cellphone
makabuluhan
Ang ponema ay nagmula sa salitang pinagsamang phone at eme, na ang ibig sabihin ng eme ay________________
tunog
letra
cellphone
makabuluhan
Nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga
Enerhiya (Energy)
Artikulador (Articulator)
Resonador (Resonator)
Ito ang nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal)
Enerhiya (Energy)
Artikulador (Articulator)
Resonador (Resonator)
Ito ay nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na____________.
Enerhiya (Energy)
Artikulador (Articulator)
Resonador (Resonator)
Ang ponemang katinig ay binubuo ng _________ na ponema.
16
30
25
21
Ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita. Ang tawag sa ganitong pangyayari ay___________.
Allophone
Pagbabagong Morpoponemiko
Asimilasyon
Parsyal
Ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino. Ito ay:
/a/, /i/, at /u/.
/a/, /e/, at /u/.
/a/, /i/, at /o/.
Ito ay ang magkatabing tunog ng patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig (y, w) na nasa iisang pantig, gaya ng /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, /uy/.
Diptonggo
Klaster
Pares Minimal
Assimilasyon
Ang________________ay ang magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig, gaya ng /pw/, /py/, /pr/, /pl/, etc. Ito rin ang pinanggalingan ng mga digrapong salita.
Diptonggo
Klaster
Pares Minimal
Assimilasyon
Ito ay magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema sa magkatulad na posisyon
Diptonggo
Klaster
Pares Minimal
Assimilasyon
ch, ll, rr ay mga tambalang tunog na napasama sa lumang alpabetong pilipino na tinatawag na___________.
Digrapo
Klaster
Asimilasyon
Parsyal
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng salitang klaster?
tsinelas
maganda
Ina
Paaralan
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng salitang digrapo
Cordillera
Kwarto
Kubyertos
Pisara
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng salitang digrapo
Chavacano
Giliw
Galaw
Pisara
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng salitang pares minimal?
hari-pari
araw-araw
gabi-gabi
pares-pares
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng salitang diptonggo?
Reyna
Llanera
Maganda
pasa-basa
Ito ay sumisimbolo sa mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang salita o isang pahayag.
Ponemang Suprasegmental
Pagbabagong Morpoponemiko
Ponema
Morpema
Saklaw ng nito ang sumusunod; ang intonasyon, tono, punto, haba, diin at antala.
Ponemang Suprasegmental
Pagbabagong Morpoponemiko
Ponema
Morpema
Ang___________ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig ng tagapagsalita
intonasyon
punto
tono
Ayon kay________________ ang pagkakaiba ng intonasyon sa punto at tono. Sa ganang kanya, ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig ng tagapagsalita, maaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
Resuma (2002)
Shachter (1972)
Cubar (1994)
Ayon naman kina_______________, sa intonasyon, punto at tono,ang bawat pitch points ay may tatlong natatanging pitch levels; ang mataas (3), katamtaman (2) at mababa (1).
Resuma (2002)
Otanes at Shachter (1972)
Cubar (1994)
Ang __________o stress ay tumutukoy sa paglakas o paghina ng bigkas sa pantig ng isang salita.
Diin
Punto
Intonasyon
Tono
Ayon kay___________ ang antala o hinto ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid.
Santiago (2003)
Otanes at Shachter (1972)
Cubar (1994)
Ang____________ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid.
Haba o Diin
Antala o Hinto
Intonasyon
Tono
Ang_____________ay pag-aaral ng mga morpema ng isang wika. Ito ay sistema ng pagsasama-sama ng mga morpema sa pagbuo ng mga salitang isang wika.
Ponemang Suprasegmental
Pagbabagong Morpoponemiko
Morpolohiya
Ponolohiya
Ito ay ang pinakamaliit na bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan.
Ponemang Suprasegmental
Pagbabagong Morpoponemiko
Morpema
Ponema
Ito ay binubuo ng salitang walang kasamang pan-lapi. Ito ay mga salitang payak.
Morpemang salitang-ugat
Morpemang binubuo ng isang ponema
Morpemang panlapi
Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila– senado/ senadora; kusinero/ kusinera, sa mga salitang nagtatapos sa o na nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae
Morpemang salitang-ugat
Morpemang binubuo ng isang ponema
Morpemang panlapi
Ito ay may taglay na kahulugan sa sarili. Ngunit tina- tawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema.
Morpemang salitang-ugat
Morpemang binubuo ng isang ponema
Morpemang panlapi
Alin sa mga sumusunod salita ang halimbawa ng morpemang salitang-ugat.
maganda
pinakamaganda
kagandahan
gumanda
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng unlapi
ibig
umibig
ibigin
paibigin
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng gitlapi
ganda
gumanda
gandahan
maganda
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng hulapi
ganda
gumanda
gandahan
maganda
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng kabilaan
awit
mag-awitan
umawit
awitin
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng laguhan
magdinuguan
dinugo
dugo
duguan
Sakop ng uring ito ang pagbabagong nagaganap sa /ŋ /sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog
Asimilasyon
Parsyal
Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ / at ito’y ikinakabit sa isang salita o salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /ŋ / ang /m/ .
Asimilasyon
Parsyal
Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Sa pagbabagong ito, tinatanggal ang unang titik ng salitang-ugat.
Hal.
Pang+palo = Pamalo
Asimilasyon
Parsyal
Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Ang titik ay nagbabago sa pagbuo ng salita kapag patinig ang huling ponema sa unlapi.
a. /d/ → /r/
Hal.m a+ dunong = marunong
Asimilasyon
Parsyal
Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l / o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon.
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Pagpapalit ng Ponema
Asimilasyon
Ito ay nagaganap kapag ang ponemang patinig sa huling pantig ng salitang ugat ay nawawala sa sandaling ito’y hinunlapian tulad ng matutunghayan sa mga sumusununod.
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Pagpapalit ng Ponema
Asimilasyon
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.
Pakikinig
Pagsulat
Pagbasa
Pagsasalita
Ito ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe.
Pakikinig
Pagsulat
Pagbasa
Pagsasalita
Ang sensoring_____________ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli
Pakikinig
Pagsulat
Pagbasa
Pagsasalita
Sa pag-aaral na lumabas, ang tao ay:
___% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat
45
55
35
65
Sa pag-aaral na lumabas, ang tao ay:
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
___% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat
16
18
11
30
Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
Eager Beaver
Sleeper
Tiger
Bewildered
Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig.
Eager Beaver
Sleeper
Tiger
Bewildered
Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
Eager Beaver
Sleeper
Tiger
Bewildered
Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
Eager Beaver
Sleeper
Tiger
Bewildered
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.
Frowner
Relaxed
Busy Bee
Two-eared Listener
Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.
Frowner
Relaxed
Busy Bee
Two-eared Listener
Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
Frowner
Relaxed
Busy Bee
Two-eared Listener
Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.
Frowner
Relaxed
Busy Bee
Two-eared Listener
Komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong nakikita at naririnig mula sa tagapagsalita
Pakikinig
Pagsulat
Pagbasa
Pagsasalita
Tatlong Batayan sa Epektibong Pagsasalita
1. Kaalaman
2. ____________
3. Tiwala sa Sarili
Kasanayan
Kagalingan
Kahusayan
Tumutukoy ito sa pagiging rasyonal ng isang ispiker. Kadalasan, ang katotohanan ng mensaheng inilahad ng ispiker ay dulot ng pagiging likas na matanong niya kaugnay sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
Logos. (Lohikal)
Pathos. (Pathetic)
Ethos. (Ethical)
Tumtukoy naman ito sa emosyong hatid ng ispiker sa kanyang awdiyens. Nararapat maramdaman ng awdiyens ang sinseridad ng ispiker hindi lamang sa paraan ng pananalita, gayon din naman sa pagkamakatotohanan sa kanyang sinabi.
Logos. (Lohikal)
Pathos. (Pathetic)
Ethos. (Ethical)
Tumutukoy ito sa kredibilidad ng isang ispiker. Mahalaga ito upang paniwalaan siya ng kanyang mga awdiyens at makakatulong ito upang mas mapataas ang tiwala sa kanyang sarili.
Logos. (Lohikal)
Pathos. (Pathetic)
Ethos. (Ethical)
Ipinalalagay ni__________na ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game.
Goodman
Webster
Arrogante
Resuma
Ipinalalagay ni Goodman na ang____________ay isang psycholinguistic guessing game. Ito ay pagbuo muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa.
Pakikinig
Pagsulat
Pagbasa
Pagsasalita
Ayon naman kay____________ang pagbasa ay paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag.
Goodman
Austero et al.,
Arrogante
Resuma
Naniniwala ang teoryang ito na ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog.
Teoryang Bottom-Up
Teoryang Top-Down
Teoryang Interaktib
Teoryang Iskema
Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan mula sa kanyang karanasan at pananaw sa paligid. Ito ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
Teoryang Bottom-Up
Teoryang Top-Down
Teoryang Interaktib
Teoryang Iskema
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at sariling konsepto. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.
Teoryang Bottom-Up
Teoryang Top-Down
Teoryang Interaktib
Teoryang Iskema
Maikukumpara sa prior knowledge. Ito ang tawag sa dating kaalaman ng mambabasa. Mahalaga ang dating kaalaman para maikumpara sa binabasa. Kung makitang mali ang unang alam, papalitan ng panibago. Kailangan magdesisyon ang mambabasa kung dapat dagdagan , bawasan o hindi ang kanyang naunang kaalaman.
Teoryang Bottom-Up
Teoryang Top-Down
Teoryang Interaktib
Teoryang Iskema
Ito ay ang pinararaanang pagbasa. Ginagamit ito sa pagpili ng materyal na babasahin, sa pagtingin sa teksto bago tuluyang basahin, at sa paghahanap ng babasahing tutugon sa pangangailangan kaugnay ng paksang sinasaliksik.
Iskiming (Skimming)
Iskaning (Scanning)
Masinsinang Pagbasa
Masaklaw na Pagbasa
Ito’y ang paghahanap ng isang tiyak na informasyon sa aklat. Maari ring hinahanap dito ang mga sagot sa mga tiyak na tanong. Ito’y pag-iimbestiga o paghahanap sa mga pahina ng aklat upang ganap na makuha ang tinatarget na informasyon.
Iskiming (Skimming)
Iskaning (Scanning)
Masinsinang Pagbasa
Masaklaw na Pagbasa
Ito’y ang maingat na pag-aaral at puspusang pag-unawa sa isang aralin na maaaring dalawa o hanggang limang pahina ang haba.
Iskiming (Skimming)
Iskaning (Scanning)
Masinsinang Pagbasa
Masaklaw na Pagbasa
Ginagawa ito sa labas ng klase at itinatakda ng guro nang mas maaga. Maaaring ito ay isang buong maikling kuwento, kabanata ng nobela o isang drama at nakatuon ang pag-unawa ng bumabasa sa mga tauhan at pangyayari sa halip na sa tamang detalye ng alin mang akda.
Iskiming (Skimming)
Iskaning (Scanning)
Masinsinang Pagbasa
Masaklaw na Pagbasa
Tinatawag din itong reader-based, inside-out o conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan o impormasyon ay nagmula sa mambabasa patungo sa teksto.
Teoryang Bottom-Up
Teoryang Top-Down
Teoryang Interaktib
Teoryang Iskema
Tinawag ni___________ na ang pagbasa ay text-based, outside-in o data-driven sa dahilang ang impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa kung hindi sa teksto
Santiago (2003)
Otanes at Shachter (1972)
Cubar (1994)
Smith (1983)
Ayon sa pakikinig kapag tayo ay tulog nanatiling aktibo ang__________ at ____________na nagiging dahilan ng paggising.
pandinig at pang-amoy
paningin at pandama
panlasa at paningin
pandinig at pandama
Pinalitan ni Lope K. Santos ang middle initial niyang C na naging K dahil sa pagmamahal niya sa dayalektong Tagalog. Ano ang gitnang pangalang C?
Canseco
Cruz
Corona
Cubao
Ama ng Wikang Pambansa
Manuel L. Quezon
Amado C. Banasihan Jr
John Renzo I. Molinar
Aldius A. Lopez
