WorksheetsPahuling Pagtataya
Total questions: 5
Worksheet time: 2mins
Ang pakikinig sa opinyon ng iba, maging ito man ay katanggap-tanggap o hindi ay pagkilala sa kanyang ____________.
a. karapatang pangkalusugan
b. karapatang pantao
c. karapatang makapag-aral
Kadalasan ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan at hidwaan ay ang ____________ sa karapatan ng iba.
a. pagsunod
b. pakikinig
c. kawalan ng paggalang
Hindi ka sang-ayon sa opinyon ng iyong kasamahan. Ano ang iyong dapat na gawin?
a. sabayan siyang magsalita
b. paalisin siya sa usapan
c. makinig at igalang pa rin ito
Hindi katanggap-tanggap ang sinasabi ng iyong kasapi sa grupo. Paano mo ito sasabihin sa kanya nang hindi siya masasaktan?
a. Ipaliwanag mong may mas higit pang mabuting gawin kaysa sa naisip niya.
b. Pagalitan at paalisin siya sa pulong
c. Ipahiya siya sa kasamahan
Madalas na napipili ang iyong opinyon kaya lalo kang nagiging _____________.
a. mayabang
b. mapagkumbaba
c. magagalitin
