NEW
Font size
WorksheetsEsP 2
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Habang nakasilip ka sa labas ng inyong tahanan ay may napansin kang namamalimos. Ano ang iyong gagawin?
Magkunwaring hindi ito napansin.
Sisigawan ko ito.
Babatuhin ko siya upang umalis.
Bibigyan ko ng tubig at pagkain.
Si Roanna ay inutusan ng kaniyang Nanay na maglinis ng kanilang tahanan. Kung ikaw si Roanna ano ang iyong gagawin?
Hindi papansinin ang inuutos ni Nanay.
Ipagwalang-bahala ito
Magkukunwaring hindi narinig.
Gagawin nang buong giliw ang inuutos ni Nanay.
Ang pagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang ating tinatamasa ay maipakikita natin tuwing tayo ay____________.
umiyak
tumakbo
nagdarasal
kumakanta
Nalaman mo na lahat tayo ay may mga biyayang tinatanggap araw-araw. Ano ang dapat mong gawin sa mga biyayang ito?
ipagwalang bahala
itago
Huwag pansinin
Pahalagahan at ipagpasalamat
Oras na ng inyong online class at napansin mo ang iyong kaklase na kapitbahay mo na hindi naghahanda sa pagsisimula ng klase dahil wala silang pambili ng load para makasali sa online class. Ano ang maitutulong mo bilang bata?
Isasara ko ang aming pinto at mga bintana.
Sisilipin ko lamang siya para sabihin na matulog na lang siya.
Hindi ko siya papansinin.
Tatawagin ko siya upang mapakinggan niya rin ang aming aralin.
Si Athena ay nakatanggap ng regalo mula sa kaniyang Kapatid na si Lexi. Ano ang nararapat na sabihin niya sa kaniyang pinsan?
Huwag ka nang magbigay marami akong ganyang laruan.
Maraming Salamat, ang pangit naman nito!
Maraming salamat sa iyo ate, ang ganda naman nito!
Ano ba yan Ate Lexi, mumurahin naman nito!
Ano ang nararapat gawin sa mga biyayang nakakamit natin sa ating buhay?
Ang mga ito ay hindi dapat ipagpasalamat.
Ang mga ito ay kinalilimutan.
Ang mga ito ay dapat ipagwalang-bahala.
Ang mga ito ay dapat ipagpasalamat.
Pinaiwan ka ng iyong guro dahil hindi mo maintindihan ang aralin ninyo at tinuruan ka nito hanggang sa matutuhan mo ang aralin. Paano mo ipapakita ang iyong pasasalamat sa iyong guro?
Isusumbong ko siya kay Nanay para mapagalitan siya.
Sasabihin kong “Marami pong salamat sa pagtitiyaga nyo sa akin”.
Hindi ko papansinin ang aking guro.
Iiyak ako kasi wala na akong kasama.
Oras ng reses.Dahil wala kang baon, binigyanka ng iyong kaklase ng binili niya.Paano mo siya pahahalagahan?
Tatakbo na ako palayo pagkabigay niya ng pagkain.
Sasabihin kong “Maraming salamat sa iyo, napakabait mo.”
Magagalit ako sa kanya.
Sasabihin ko sa ibang kaklase naming na madamot siya.
Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagpapahalaga at pasasalamat sa mga biyaya ng Diyos
Ang batang wasto ang paggamit ng kakayahan at talino sa mabuting paraan ay kinalulugdan.
Sino sa mga bata ang nagpapakita ng pagbibigay halaga sa mga biyayang tinatanggap?
Si Juan na umiiyak kapag hindi naibili ng mamahaling laruan.
Si Alfred na itinatapom ang inayawang pagkain
Si Anita na sinisira ang mga halaman
Si Luisa na nagdarasal bago kumain
Sino ang dapat pasalamatan sa mga biyayang tinatanggap natin araw-araw?
guro
nanay
tatay
Diyos
Ano-ano ang mga biyayang tinatanggap mula sa ating Panginoon?
Mga talento
mga pagkain
magandang tanawin
lahat nang nabanggit
Dapat tayong magpasalamat sa mga talinong tinanggap natin. Paano maipapakita ang pasasalamat?
ikahiya ito
ipagyabang ito
gamitin ito
matakot dito
Alin ang tama?
Si Roy , gabi na siyang matulog dahil sa panonood ng TV.
Si Tony na nagbabasa ng leksiyon kahit walang assignment.
Si Dindo na buong araw maglaro dahil niyaya ng mga kaibigan
Si Moy na laging nasa barkada
Alin ang nagpapakita ng tamang pagagmit ng kakayahan?
batang walang ginawa kundi kumain.
batang laging tulog
batang nagsasanay gumuhit
batang mayabang
Ano naman ang nararamdaman mo nang naibahagi mo sa iyong kaibigan ang galing mo sa pagsasayaw?
namumusit
nagmamalaki
malungkot
masaya
Naghanda ang iyong mga magulang dahil sa iyong kaarawan . Dumalo ang iyong mga kaibigan at kamag-anak. Paano mo pasasalamatan ang iyong magulang?
tatalon ako sa tuwa
iiyak ako sa kanila
yayakapin ko sila
magtatampo ako sa kanila
Ano ang iyong mararamdaman sa kakayahan o talinong ipinagkaloob sa iyo ng Panginoon?
magagalit ako sa Panginoon sa ipinagkaloob niya.
Maiinis ako sa Panginonn sa ipinakaloob niya
Magpapasalamat ako sa Panginoon sa ipinagkaloob niya
malulungkot ako sa Panginoon sa ipinagkaloob niya
