Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

BSHM 1A-QUIZ NO.2 PRELIM

Total questions: 25

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

I. TAMA O MALI

PANUTO: Piliin ang Tama kung wasto ang pahayag. Piliin naman ang Mali kung hindi wasto ang pahayag.

Ang impormasyon ay mga bagong kaalaman na natanggap mula sa mga nababasa, naririnig at napapanood na napoproseso ayon sa sariling karanasa.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Sa pagpili ng impormasyon ay kailangang isaalang-alang ang masusing pagpili ng mga makabuluhang datos at kaalaman.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Ang datos ay mga kaisipang natutuhan bunga ng pagpoproseso ng impormasyon na maaaring natamo o natanggap mula sa maraming naging karanasan.

a)

TAMA

b)

MALi

4.

Ang kaalaman ay mga kinolekta, sinuri, inunawa at pinaglaanan ng sapat na panahon kaya nakabuo ng impormasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Ang batis ng impormasyon ay nahati sa tatlong hanguan: ang hanguang primarya, hanguang sekondarya, at hanguang elektroniko.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Ayon kina Bernales, et al. (2012) na ayon kina Mosura, et al. (1999), ang hanguang primarya (primary sources) ay ang mga indibidwal o awtoridad.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Mahuhulog sa hanguang sekondarya (secondary sources) ang mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-kautusan, kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, journal at talaarawan.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Ganoon din na mahuhulog sa hanguang sekondarya ( secondary sources) ang mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Ang hanguang elektroniko (internet) ang sa ngayon ay itinuturing na pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos. Sa isang klik lamang ng daliri ay may mayamang impormasyon ka nang makukuha.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ang salitang impormasyon ay kasingkahulugan ng salitang "katotohanan". Ang mas matibay na impormasyon ay mas pinaniniwalaan.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

II. MAY PAMIMILIAN

Panuto: Tukuyin kung ano ang binabanggit sa bawat aytem. Piliin ang titik ng iyong sagot.

Ang sumusunod ay mga pamantayan sa pagbubuod maliban sa isa.

a)

Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.

b)

Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng talata

c)

Isulat ang buod sa paraang madaling unawain

d)

Gumagamit ng mga salitng mula sa may-akda

12.

Si Liza ay nagbabasa sa harap ng kaniyang mga kamag-aral ukol sa kaniyang ulat. Ang paraan ng kaniyang pagbasa ay

a)

malakas

b)

tahimik

c)

maingay

d)

walang gana

13.

Sa pagbasang ito ay binubusisi muna ng mambabasa ang kabuoan ng aklat bago tuluyang basahin.

a)

Skimming

b)

Scanning

c)

Analytic

d)

Oral

14.

Tawag sa uri ng pagbasa na palaktaw-laktaw.

a)

Skimming

b)

Scanning

c)

Analytic

d)

Oral

15.

Bilang ng salita na kayang basahin ng isang naglilibang lamang.

a)

300-700

b)

400-500

c)

400-600

d)

400-700

16.

PAGSASALIN, PAGPAPARAPREYS AT PAGBABALANGKAS

TAMA O MALI

PANUTO: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat aytem. Kung ang pahayag ay wasto, piliin ang tama. Kung ang pahayag ay hindi wasto, Mali ang piliin.

1. Ang parapreys ay pagsasabing muli ng nakuhang idea mula sa ginamit na sanggunian gamit ang sariling pangungusap.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Ang pagbabalangkas ay sistema ng isang maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan, kaalaman at datos ayon sa tataluntuning lohikal na pagkakasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsusulat.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Ang parapreys ay tinatawag ding hawig.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Ayon kay Sauco (2009), ang parapreys ay direktang pagsipi.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Ginagawa ang pagpaparapreys kapag nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Ang parapreys ang pinakakalansay ng isang sulatin na nagsisilbing hulmahan na kalalabasang porma ng isang katha.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ang parapreys ay nagsisilbing gabay sa matalinong pag-abante ng bawat puntong tatalakayin.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Kung tapos nang gawin ang balangkas, huwag na itong irebisa kahit pa may mga bagong kabatirang natuklasan dahil magugulo lamang ang pagsulat.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Nababahagi sa tatlong kategorya ang balangkas: dibisyon, antas at sub-dibisyon.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Mapapasimulan lamang ang pagbabalangkas kung naumpisahan nang mangalap ng materyal sapagkat ang mga deskripsyon nito mismo ang magagamit na mga pangunahing punto at mga pansuportang detalye sa paghahat-hati ng mga paksain mula sa pangkalahatang pagtalakay tungo sa mga espisipikong detalye.

a)

Tama

b)

Mali