wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2- SUMMATIVE- AP- ILANG-ILANG

Total questions: 25

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Paano mo ilalarawan ang globalisasyon?

a)

Ito ay ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga bansa.

b)

Ito ay isang uri ng hidwaan ng mga bansa pagdating sa usaping teritoryo.

c)

Ito ay ang pakikipag-ugnayan at integrasyon ng iba't ibang bansa.

d)

Ito ay ang pagkakaroon ng komunikasyon at kalakalan sa pagitan ng mga Asyanong bansa

2.

Ang relihiyong Kristiyanismo na dala ng impluwensya ng mga Espanyol sa Pilipinas ay halimbawa ng anong aspekto ng globalisasyon?

a)

Edukasyon

b)

Relihiyon

c)

Pagkain

d)

Komunikasyon

3.

Ang mga pag-uugali ng mga Pilipino tulad pagtanaw ng utang na loob at pagiging matipid ay halimbawa ng anong aspekto ng globalisasyon?

a)

Kultura

b)

Edukasyon

c)

Pagkain

d)

Relihiyon

4.

Pag-aralan ang dayagram sa ibaba, ano ang tinutukoy nito?

a)

Globalisasyon ang dahilan ng lahat ng pag-unlad ng bawat salik

b)

Globalisasyon ang solusyon upang umunlad ang bansa

c)

Ang tatlong salik ng globalisasyon ay sosyo-kultura, ekonomikal at politikal

d)

Ang pakikipag-ugnayan ng tatlong salik sa globalisasyon ay nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao

5.

Bilang selebrasyon ng ika-50 kaarawan ni Tatay Diego, niregaluhan siya ng kanyang anak ng round ticket papuntang Singaore upang doon ito ipagdiwang. Anong sanhi ng migrasyon ang tumutukoy sa sitwasyon Tatay Diego?

a)

Magtungo sa pinapangarap na bansa

b)

Magkaroon ng hanapbuhay dahil walang oportunidad sa bansang pinanggalingan

c)

Panghihimok ng mga kakilala o kaibigan na nagmula sa bansang iyon

d)

Makaranas ng bagong buhay sa siyudad

6.

Si Daisy ay nagtapos sa kursong medisina. Siya ay nagtatrabaho sa America dahil nais niyang makatulong sa pamilya na nasa probinsya. Anong sanhi ng migrasyon ang tinutukoy sa pahayag?

a)

Magtungo sa pinapangarap na bansa

b)

Magkaroon ng hanapbuhay dahil walang oportunidad sa bansang pinanggalingan

c)

Panghihimok ng mga kakilala o kaibigan na nagmula sa bansang iyon

d)

Makaranas ng bagong buhay sa siyudad

7.

Naibalita sa telebisyon ang pagsugod ng mga teroristang Taliban sa bansang Afghanistan. Ano ang maaaring maging ugnayan nito sa migrasyon ng bansa?

a)

Maraming tao ang mawawalan ng hanapbuhay kaya magaganap ang migrasyon

b)

Magiging laganap ang suliraning pangkalusugan tulad ng malnutrisyon kaya magaganap ang migrasyon

c)

Maraming tao ang lilikas upang makahanap ng payapa at ligtas na lugar

d)

Maraming tao ang aalis upang makaiwas sa kalamidad

8.

Paano isinasagawa ng mga kapitalista ang mura at flexible labor?

a)

Limitadong paggawa at mababang sahod

b)

Limitadong paggawa at mataas na sahod

c)

May ekstensiyon sa paggawa at mababang sahod

d)

May ekstensiyon sa paggawa at mataas sahod

9.

Ito ang sector ng paggawa na sumasakop sa malaking porsyento ng mga manggagawa sa Pilipinas.

a)

Paglilingkod

b)

Agrikultura

c)

Pormal na sektor

d)

Industriya

10.

Si Elena ay nagtapos sa kursong Hotel and Restaurant Management ngunit ang trabaho niya ngayon ay isang call center agent sa isang kompanya. Anong suliranin sa paggawa ang nararanasan ni Elena?

a)

Iskemang Subcontracting

b)

Unemployment

c)

Kontraktuwalisasyon

d)

Job Mismatch

11.

Si Carlo ay isang manggagawa na pumapasok ng 4 na oras lamang sa isang araw bilang isang delivery boy. Wala rin siyang benepisyo na natatanggap sa kompanya na kanyang pinapasukan. Anong suliranin sa paggawa ang nararanasan ni Carlo?

a)

Iskemang Subcontracting

b)

Unemployment

c)

Underemployment

d)

Brain Drain

12.

Si Dominic ay nagtatrabaho sa isang kompanya at mawawalan din siya ng trabaho pagkatapos ng limang buwan. Siya ay wala ring benepisyo na natatanggap tulad ng SSS, PhilHealth at Pag-Ibig. Anong suliranin sa paggawa ang nararanasan ni Dominic?

a)

Flexible labor

b)

Underemployment

c)

Kontraktwalisasyon

d)

Undemployment

13.

Tinanggap ni Mr. Rosales ang manggagawang si Santi bilang kahera ng kanyang grocery kahit ito ay isang miyembro ng LGBT. Anong haligi ng disente at marangal na paggawa ang may kaugnayan sa sitwasyon na ito?

a)

Haligi ng Empleyo/ Employment Pillar

b)

Haligi ng Empleyo / Worker's Rights Pillar

c)

Haligi ng Panlipunang Kaligtasan/ Social Protection Pillar

d)

Haligi ng Kasunduang Panlipunan/ Social Dialogue Pillar

14.

Habang nagtatrabaho si Francine ay aksidenteng natamaan siya ng bakal sa ulo. Agad siyang dinala sa ospital at sinagot ng kompanya ang lahat ng gastusin ng kanyang pagpapagamot. Anong haligi o pillar ng disente at marangal na paggawa ang may kaugnayan sa sitwasyon na ito?

a)

Haligi ng Empleyo/ Employment Pillar

b)

Haligi ng Empleyo / Worker's Rights Pillar

c)

Haligi ng Panlipunang Kaligtasan/ Social Protection Pillar

d)

Haligi ng Kasunduang Panlipunan/ Social Dialogue Pillar

15.

Isa sa problema ni Alma ang mababang pasahod ng kanilang amo sa kaniyang trabaho. Upang masabi ang kanyang hinaing, ipinarating niya ito sa kanyang amo. Anong haligi o pillar ng disente at marangal na paggawa ang may kaugnayan sa sitwasyon na ito?

a)

Haligi ng Empleyo/ Employment Pillar

b)

Haligi ng Empleyo / Worker's Rights Pillar

c)

Haligi ng Panlipunang Kaligtasan/ Social Protection Pillar

d)

Haligi ng Kasunduang Panlipunan/ Social Dialogue Pillar

16.

"Dahil sa globalisasyon, maraming tao ang nabigyan ng oportunidad na makahanap ng trabaho". Anong epekto ng globalisasyon ang tinutukoy sa pahayag?

a)

Epekto ng Pagkakaroon sa Pagkakasundo

b)

Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa

c)

Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya

d)

Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya

17.

Tumutukoy ito sa isang kasunduang internasyonal na kung saan ang mga nagsipagtapos ng kursong engineering sa bansa ay hindi nagiging ganap na engineer sa mga bansang pumirma rito?

a)

Kasunduang Washington

b)

Kasunduang Bologna

c)

Kasunduang Monroe

d)

Kasunduang Paris

18.

Si Jeraldine ay isang caregiver sa Kuwait. Ayon sa kaniyang pahayag, siya ay minamaltrato ng kanyang amo, hindi pinapakain at binibigyan ng tamang sahod. Palagi pa itong pinipilit na magtrabaho magdamagAno ang tawag sa sitwasyon na nararanasan ni Jeraldine?

a)

Slavery

b)

Forced Labor

c)

Human Trafficking

d)

Smuggling

19.

Paano nagaganap ang brain drain?

a)

Patuloy na pagtaas ng krimen sa bansa

b)

Ito ang pagdami ng bilang ng mga propesyonal na nangingibang bansa

c)

Ito ay kawalan ng hanapbuhay ng mga tao dahil sa pandemya

d)

Ito ay pagbili ng boto sa nalalapit na eleksyon

20.

Bakit ninanais ng ibang mga Pilipino na mangibang bansa upang doon ay maghanap ng trabaho at mawalay sa kanilang pamilya?

a)

Gusto nilang gamitin sa pamamasyal sa ibang bansa ang sobra nilang pera.

b)

Gusto nilang makaahon sa kahirapan at mabigyan ng magandang buhay ang naiwang pamilya

c)

Gusto nilang makapamasyal at makapgtrabaho sa pinapangarap nilang bansa

d)

Gusto nilang makapag-ipon ng mga mamamahaling bagay.

21.

Paano maipakikita sa mga pahayag ang epekto ng globalisasyon sa aspeto ng pag-unlad ng teknolohiya?

a)

Dahil sa globalisasyon, nagkaroon ng pakikipag-ugnayan at pagkakasundo ang mga bansa

b)

Dahil sa globalisayon, marami ang nagkaroon ng trabaho

c)

Dahil sa globalisasyon, laganap sa ating bansa ang iba’t ibang makabagong teknolohiya

d)

Dahil sa globalisasyon, tumaas at lumago ang ekonomiya ng bansa

22.

Ano ang maaaring maging epekto ng kontraktwalisasyon sa mga manggagawa?

a)

Pagkakaroon ng malubhang sakit ng mga manggagawa

b)

Biglang tataas ang estado o buhay ng mga manggagawa

c)

Tataas ang bilang ng mga OFW

d)

Patuloy pa ring mararanasan ang kahirapan ng buhay

23.

Ang Pamilyang Dimaculangan ay napagdesisyunang manirahan sa Maynila sa pagbabakasakaling uunlad ang kanilang buhay. Ano uri ng migrasyon ang nabasang sitwasyon?

a)

Panloob na migrasyon

b)

Panlabas na migrasyon

c)

Internasyonal na migrasyon

d)

Lokal na migrasyon

24.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa isang immigrant.

a)

Si Celine na galing sa Pangasinan at lumipat sa Davao City.

b)

Si Louie na isang OFW sa Canada at nagtatrabaho bilang isang waiter.

c)

Si Elena na permanenteng maninirahan na sa Switzerland kasama ang pamilya.

d)

Si Jerico na nagbabakasyon sa Japan.

25.

Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

a)

Iskemang Subcontracting

b)

Unemployment

c)

Kontraktuwalisasyon

d)

Job-mismatch