wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 9, Modyul 14: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng PPMB?

a)

Personal na Pagsulat ng Misyon sa Buhay

b)

Pansariling Pahayag ng Misyon sa Buhay

c)

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

d)

Pansariling Pagsulat ng Misyon sa Buhay

2.

Kanino dapat makabubuti ang mga ginagawang pasya?

a)

sarili, kapamilya at lipunan

b)

sarili, kapuwa at lipunan

c)

sarili, pamahalaan at paaralan

d)

paaralan, pagamutan at simbahan

3.

Sa paggawa ng PPMB, makatutulong ang pansariling pagtataya. Ito ay ang mga sumusunod, MALIBAN sa:

a)

Suriin ang iyong ugali at katangian.

b)

Hingiin ang payo ng malalapit na kaibigan.

c)

Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.

d)

Tipunin ang mga impormasyon.

4.

"Begin with the end in _________". Quote mula sa aklat ni Stephen Covey na Seven Habits of Highly Effective People.

a)

might

b)

future

c)

life

d)

mind

5.

Ang PPMB at makatutulong sa tao upang maging mapanagutan sa pakikibahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Ang pangungusap ay:

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Ang _____________ ay tumutukoy sa hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kanya tungo sa kaganapan.

a)

Propesyon

b)

Bokasyon

c)

Misyon

d)

Hanapbuhay

7.

Ang bokasyon ay mula sa salitang Latin na "vocatio", nangangahulugan ito sa ingles na ___________.

a)

Vocation

b)

Calling

c)

Purpose

d)

Reason

8.

Ito ang trabaho na ginagawa ng tao upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan.

a)

Propesyon

b)

Bokasyon

c)

Mithiin

d)

Misyon

9.

Ang bokasyon ay katulad din ng propesyon ngunit mas kawili-wili ang paggawa nito sapagkat nakakapagdulot ng kasiyahan sa kanyang buhay. Ang pangungusap ay:

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ayon kay Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang _____________.

a)

maglingkod

b)

kaligayahan

c)

kapayapaan

d)

kayamanan

11.

Kung isa sa iyong mga misyon ang pagkakaroon ng matatag na pananampalataya, alin sa mga sumusunod ang maaari mong isagawang hakbang patungo rito?

a)

Palagiang pagdarasal

b)

Pagsisimba/ Pagsamba

c)

Pagbabasa ng Bibliya

d)

Lahat ng nabanggit

12.

Kung iyong misyon ang maging isang inhinyero at makatulong sa iyong mga kababayan, ang mga sumusunod ay mga hakbang na maaari mong isagawa, MALIBAN sa:

a)

Pagsasanay sa pagguhit

b)

Pagsasanay sa matematika

c)

Magboluntaryo sa mga gawain sa pamayanan

d)

Mag enjoy sa mga party kasama ang mga kaibigan

13.

Sa paggawa ng PPMB. Isinasa-alang-alang ang kraytiryang SMART. Ano ang kahulugan ng R?

a)

Relative

b)

Relevant

c)

Reasonable

d)

Right

14.

Makatotohanan ba iyong nagawang PPMB? Kaya mo ba itong maisakatuparan? Ang PPMB ay dapat na:

a)

Attainable

b)

Measurable

c)

Specific

d)

Relevant

15.

Ang _____________ ay isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay kung paano mo nais na dumaloy ang iyong buhay.

a)

PPMV

b)

Bokasyon

c)

PPMB

d)

Propesyon

16.

Alin sa mga sumusunod na konsepto ang HINDI totoo tungkol sa PPMB?

a)

Ito ay maaari mong maging batayan sa pagpapasiya sa araw-araw.

b)

Ito ay nararapat na iugnay sa iyong pag-uugali at paniniwala sa buhay.

c)

Ang pagbuo ng PPMB ay madali lamang, matatapos ito sa loob lamang ng ilang oras.

d)

Ang PPMB ay maaaring magbago o mapalitan ayon sa magiging karanasan ng tao.

17.

"I am the master of my fate, I am the captain of my soul", ito ay mula sa tulang Invictus ni William Ernest Henly. Alin sa sumusunod ang mayroong katulad na mensahe nito?

a)

"begin with the end in mind"

b)

"All of us are creators of our own destiny"

c)

"The purpose of our lives is to be happy"

d)

"Life begins where fear ends"

18.

Bakit mahalagang magkaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ang tao?

a)

Upang higit na makilala ang sarili at kung anu ang patutunguhan.

b)

Upang magkaroon siya ng gabay sa mga pagpapasiya.

c)

Upang magkaroon siya ng tamang direksyon sa pagkamit ng kanyang mga layunin sa buhay

d)

Lahat ng nabanggit.

19.

Kung ang tuon lamang ng iyong propesyon ay ang iyong ikabubuhay, hindi ka magkakaroon ng ganap na kasiyahan.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Ayon kay Fr. Jerry Orbos, ang paglilingkod sa Diyos at sa kapuwa ang magbibigay sa tao ng tunay na _____________.

a)

kaligayahan

b)

kapayapaan

c)

tagumpay

d)

karangalan