WorksheetsAP8 (Q3) PRE-PERIODICAL EXAM
Total questions: 35
Worksheet time: 30mins
Alin sa sumusunod ang isang uri ng imperyalismo?
imperyalismo
kapitalismo
intelektwalismo
nasyonalismo
Alin sa sumusunod ang pangunahing implikasyon ng paggalugad sa buong mundo?
katanyagan ng mga maliliit na imperyo sa Asya
kagalingan ng mga opisyales sa paggawa ng mga batas
kapakinabangan ng mga kahoy upang maging barko
kahalagahan ng karagatan bilang pangunahing daan
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng impluwensya ng mga Pranses sa Canada sa kasalukuyang panahon?
Maraming Canadians ang Katoliko
Ang mga opisyal na wika ng Canada ay Ingles at Pranses
Maraming OFW ang nakatira sa Canada
Ang migration rate ng Canada patungong Pransiya ay mataas
Itinatag ni Samuel de Champlain noong 1608 ang Quebec bilang unang kolonya ng kanyang imperyo at sentro ng kalakalan ng animal fur. Pinangunahan naman ni Rene-Robert Cavelier ang paglalakbay sa Mississippi hanggang sa Gulf of Mexico.
Alin sa sumusunod na lahi ang kinabibilangan nina de Champlain at Cavelier?
Portuges
Ingles
Pranses
Olandes
Labintatlong kolonya ang kanilang naitatag sa dalampasigan ng North Amerika. Ang mga kolonyang ito ang kalaunang bumuo sa Estados Unidos.
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa nasabing pahayag?
Pranses
Ingles
Espanyol
Olandes
Alin sa sumusunod na bansa ang nakapagtatag ng kolonya sa New York City na noon ay kanilang tinawag na New Amsterdam?
Espanya
Inglatera
Pransiya
Netherlands
Alin sa sumusunod ang dahilan ng Santo Papang si Alexander VI upang isulong ang Kasunduang Tordesillas?
upang mapalaganap ang relihiyong kaniyang pinaniniwalaan
upang maiwasan ang away sa pagitan ng Portugal at Espanya
upang lumawak ang kaniyang kapangyarihan
upang maalala ng tao ang kaniyang pangalan
Sino sa sumusunod ang pinakaunang Europeong manlalakbay?
Hernan Cortes
Christopher Columbus
Francisco Pizarro
Vasco de Gama
Ano ang panahon na tumutukoy sa unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo?
Ika-15 hanggang Ika-16 siglo
Ika-15 hanggang Ika-17 siglo
Ika-15 hanggang Ika-18 siglo
Ika-15 hanggang Ika-19 siglo
Alin sa sumusunod ang terminong tumutukoy sa pananakop ng bansa?
kapitalismo
imperyalismo
intelektwalismo
nasyonalismo
Bilang kolonya, itinuring ang Pilipinas bilang pag-aari ng Espanya.
TAMA
MALI
Ang kolonyalismo ay isang anyo ng imperyalismo.
TAMA
MALI
Parehas na nakakukuha ng benepisyo ang kolonya at bansang nananakop.
TAMA
MALI
Sa kolonyalismo, ang kontrol at kapangyarihan sa pulitikal na pamamahala at pangangasiwa sa ekonomiya ay nasa kamay lamang ng mga dayuhan.
TAMA
MALI
Nakatutulong ang kolonyalismo upang mapaunlad ang katutubong kultura ng mga tao sa kolonya.
TAMA
MALI
Malaking bahagi ang suporta ng monarkiya sa pagsisimula ng imperyalismo.
TAMA
MALI
Naging panukat ng kapangyarihan ng isang bansa ang dami ng kolonya nito.
TAMA
MALI
Biniyang pansin ng mga Pranses ang pagsakop at pagbuo ng mga kolonya sa Aprika.
TAMA
MALI
Pinangunahan ng bansang Estados Unidos ang paggalugad sa mundo.
TAMA
MALI
Maliban sa Pilipinas, nasakop din ng mga Espanyol ang Timog Amerika.
TAMA
MALI
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng hindi tuwirang kapangyarihan ng Europa sa Asya?
mataas na tourism rate
malawak na sistemang pangkalakalan
mataas na migration rate
kultura hango sa mga Europeo
Sino ang tanyag na manlalakbay na naging isa sa mga inspirasyon upang maggalugad ng mga lupain sa Asya?
Hernan Cortes
John Smith
Ferdinand Magellan
Marco Polo
Ano ang tumutukoy sa ginto o pilak at nagsilbi bilang salapi ng mga Europeo?
paper moner
pounds
sterling
bullion
Ano ang isa sa mga pangunahing dahilan sa paggalugad na ginagamit bilang pampalasa na matatagpuan sa Asya?
bullion
ginto
relihiyon
pampalasa
Relihiyon ang isa sa mga pangunahing dahilan ng paggalugad sa mundo.
Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy rito?
Maraming gamit ang naimbento ukol sa paglalayag.
Naghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal.
Maraming misyonero ang ipinadala sa mga ekspedisyon.
Ang mga sulatin ni Marco Polo ay ipinalaganap.
Alin sa sumusunod ang naging papel ng mga simbahan sa pamahalaan?
pagsasa-ayon ng mga batas na naka-ayon sa turo ng Katolisismo
pagbibigay ng indulhensya plenarya
pagiging pinuno ng mga pueblo
pagiging gobernadorcillo ng mga prayle
Ang sumusunod ay ilan sa mga naimbentong noong panahon ng pagagalugad maliban sa anong imbensiyon?
compass
satellite
caravel
astrolabe
Paano nakilala si Prinsipe Henry?
sa kaniyang magagarbong kasuotan
sa kaniyang masiyahing disposisyon
sa kaniyang galing sa pag-awit
sa terminong "The Navigator"
Sa anong paraan ginamit ang pangalan ni Columbus bilang unang mangagalugad?
Ipinapatay ang mga batang kapangalan niya.
Isinalin sa wikang Tsino ang kaniyang pangalan.
Itinalaga siya bilang hari ng Espanya.
Ipinangalan ang isang termino sa kaniya.
Alin sa sumusunod ang negatibong implikasyon ng paggalugad sa buong mundo?
mabilis na pagkalat ng mga produkto mula sa iba’t ibang kontinente
mabilis na pagkalat ng mga wika mula sa iba’t ibang kontinente
mabilis na pagkalat ng mga sakit mula sa iba’t ibang kontinente
mabilis na pagkalat ng kultura mula sa iba’t ibang kontinente
Ama ng protestanting paghihimagsik (2PTS)
(a)
Kaganapan na yumanig sa kakristyinuhan mula ika 14-17 dantaon na humantong sa pagkakahati ng simbahang kristyano. (2PTS)
(a)
Kilala sa pangalang Hilderbrand na nagpasimuno ng tatlong pagbabago sa simbahan. (2PTS)
(a)
Kapirasong papel na nagsasaad at nagpalabas na ang grasya ng Diyos ay maaaring ipagbili o bibilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao. (2PTS)
(a)
Isang samahan ng mga pari na ang hangad ay maibalik ang mga protestante sa katolisismo (2PTS)
(a)
