NEW
Font size
WorksheetsPhilippiKnows Quiz Bee - JHS (EASY)
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay-tuon sa imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring piksyonal at ‘di-piksyonal ang akdang isinusulat?
akademik
malikhain
propesyonal
teknikal
2. Ano ang kahuli-hulihang akda na naisulat ni Rizal noong siya ay nasa Bagumbayan?
Awit ni Maria Clara
La Juventad Filipina
Huling Paalam
Pagmamahal sa Bayan
3. Ang pamahalaan ang namumuno ng isang bansa na nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, nagbibigay ng seguridad sa mamamayan, at nagpapatupad ng batas para sa mapayapang pamumuhay. Sa Pilipinas, nahahati ang ating pamahalaan sa tatlong sangay kung saan ang bawat isa ay mahalaga ang tungkulin. Ano ang tawag sa sangay ng pamahalaan na kung saan ay tungkulin nila na desisyunan ang mga pagtatalo hinggil sa mga karapatang ipinagkaloob ng batas sa bawat mamamayan?
Ehekutibong Sangay
Hudikaturang Sangay
Lehislaturang Sangay
Sangay ng Militar
4. Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan. Sino ang tinaguriang “Ama ng Wikang Filipino”?
Nick Joaquin
Virgilio Almario
Patrocinio Villafuerte
Manuel L. Quezon
5. Ang Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamahala at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Sino ang kasalukuyang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas na iniluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte taong 2016 bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon?
Leonor Briones
Jesli Lapus
Mona Valisno
Bro. Armin Luistro, FSC
6. Ayon sa naging payahag ni Benigno Aquino Jr. sa kanyang privilege speech, nasabi niya na ang bansang Pilipinas ay sa panunungkulan ni Marcos ay maaaring mapasailalim ng estadong ito.
Provincial state
Garrison state
Military state
Peaceful state
7. Ang mga bagyo sa Pilipinas natural lamang na tumama sa mga bansang napapaligiran ng Karagatang Pasipiko. Noong Nobyembre 8, 2013, isa sa mga hindi makakaligtaang bagyo sa kasaysayan ng Pilipinas dahil nagdulot ito nang malawakang pagkasira sa buong Bisayas kasama na rito ang ilang probinsya sa Luzon, Silangang Samar at Leyte.
Bagyong Lannie
Bagyong Salome
Bagyong Yolanda
Bagyong Yoly
8. Ano ang tumutukoy sa isang pandaigdigang organisasyon ang may tungkuling bumuo ng mga patakaran sa kalakalan sa pagitan ng mga bansa?
International Monetary Fund
International Trade Organization
World Bank
World Trade Organization
9. Noong Agosto 21, 1971, sa lugar na ito naganap ang isang pagpapasabog habang isinasagawa ang campaign rally ng partido Liberal. Ayon sa ulat ay may 2 granada na itinapon sa entablado na naging dahilan ng pagkamatay ng ilan at pagkasugat ng mahigit isang daang katao. Saang bahagi ng ito ng Maynila?
Plaza Miranda
Plaza Morga
Plaza Roma
Plaza de la Virgen
10. Noong 1970, kakahalal pa lamang ni Ferdinand Marcos sa kanyang ikalawang termino bilang pangulo, may mga balita o usap-usapan na pinag-iisipan na din niya na manatili sa kanyang katungkulan bilang pangulo matapos itong ikalawang termino. Isa sa kanyang plano ay baguhin ang sistema ng pamahalaan patungo sa pagiging parliyamento. Kung ito ay naisakatuparan, ano ang magiging posisyon o katungkulan ni Marcos sa pamahalaan?
Pangulo
Commander-in-Chief ng AFP
Punong Ministro
Punong Tagapayo ng Pangulo
