Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 10 3rd Assessment

Total questions: 58

Worksheet time: 1hrs 5mins

Name
Class
Date
1.

Dapat na may sapat na kaalaman sa dalawang wika ang isang tagapagsalin.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Walang kasiguraduhan.

d)

Depende sa nagsasalin.

2.

Ang isang tagapagsalin ay kailangang may sapat na kaalaman sa sumusunod maliban sa

a)

gramatika ng wikang pagsasalinan

b)

paksa ng tekstong isasalin

c)

kultura ng pinagmulan ng wikang isasalin

d)

paglalahad ng opinyon

3.

Alin ang hindi kabilang sa itinuturing na mga paraan sa pagsasalin?

a)

Pagtutumbas

b)

Pagkakaltas

c)

Panghihiram

d)

Paglikha

4.

Ano ang salin sa Filipino ng idiomatikong ekspresyon na “In a nutshell”?

a)

sa loob ng man

b)

kung iisipin

c)

kung tutuusin

d)

sa madaling salita

5.

Alin sa sumusunod ang angkop na salin ng station?

a)

hintuan

b)

tambayan

c)

himpilan

d)

hintayan

6.

Isalin sa Filipino ang Department of Justice.

a)

Departamento ng Hustisya

b)

Departamento ng Katarungan

c)

Kagawaran ng Hustisya

d)

Kagawaran ng Katarungan

7.

Alin ang angkop na salin ng "Take a seat."

a)

Maupo ka.

b)

Kumuha ng upuan.

c)

Kumuha ng uupuan.

d)

Ayusin ang mga upuan.

8.

Ilang wika ang sangkot sa pagsasalin?

a)

Isa

b)

Dalawa

c)

Tatlo

d)

Marami

9.

Ano ang unang hakbang sa pagsasalin?

a)

Basahin ang ginawang salin.

b)

Kumunsulta sa talahuluganan o diksyunaryo.

c)

Unawain ang orihinal na salin.

d)

Isagawa ang pagsasalin.

10.

Ano ang salin sa Filipino ng salitang "magic?"

a)

mahika

b)

madyik

c)

magic

11.

Isalin ang pangungusap na may idyoma: The man was barking at the wrong tree.

a)

Ang lalaki ay mali ng pinagbibintangan.

b)

Mali ng tinatahulang puno ang lalaki.

c)

Hindi tama ang ginagawa ng lalaki.

d)

Walang tamang sagot.

12.

Ano ang pagsasaling wika?

4 lines
13.

Ano-ano ang mga mahahalagang dapat isaalang-alang kapag magsasagawa ng pagsasaling wika? Magbigay ng dalawa at ipaliwanag.

4 lines
14.

Isalin sa Ingles. bungang-tulog

a)

dream

b)

sleep

c)

snore

d)

long term

15.

Isalin sa Filipino. fall in line

a)

nahulog sa linya

b)

mahulog ka sa linya

c)

maayos na nahulog

d)

pumila ng maayos

16.

Isalin sa Filipino. The war between Ukraine and Russia.

a)

Ang digmaan nang Ukraine at Russia.

b)

Ang digmaan ng Ukraine at Russia.

c)

Ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

d)

Ang digmaan sa Ukraine at Russia.

17.

Magbigay ng dalawang pamamaraan sa pagsasaling-wika. Ipaliwanag ang dalawa kung papaano ito ginagawa.

4 lines
18.

Tumutukoy sa isang linya ng isang tula.

a)

saknong

b)

taludtod

c)

sukat

19.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

a)

SUKAT

b)

TUGMA

c)

TALINHAGA

20.

isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod

a)

SUKAT

b)

SAKNONG

c)

TUGMA

21.

Ilang sukat meron dito? (Isda ko sa Mariveles)

a)

Wawaluhin

b)

Lalabindalawahin

c)

lalabing-animin

22.

Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.

a)

TRADISYONAL

b)

MALAYANG TALUDTURAN

23.

Anong uri ng tugmaan ang makikita rito?


Lahing kayumanggi tayong Pilipino,

Angkan ng magiting na lahing Malayo;

May loob sa Diyos at sa kapwa tao,

Marangal, magalang, tapat, maginoo.

a)

Tugmaang Patinig

b)

Tugmaang Katinig

24.

Ilang saknong mayroon ang tulang nasa larawan?

a)

4

b)

5

25.

Anong uri ng tugmaan ang makikita rito?


Katahimikan dito mo malalasap

Kapayapaan, siya ring tumpak

Dito, habang nakatanaw sa gubat

Nasisilayan din, mga hiling at pangarap

a)

Tugmaang Patinig

b)

Tugmaang Katinig

26.

Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula.

a)

SUKAT

b)

TUGMA

c)

TALINGHAGA

27.

lsang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma.

a)

MAIKLING KUWENTO

b)

TULA

c)

DULA

28.

Ito ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuan ng tanang kariktan nakikita sa silang ng alinmang langit.

a)

TULA

b)

DULA

c)

SANAYSAY

29.

Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla.

a)

TRADISYUNAL

b)

MALAYANG TALUDTURAN

30.

Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma.

a)

ALEJANDRO ABADILLA

b)

ANDRES BONIFACIO

c)

JOSE RIZAL

31.

Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula.

a)

SUKAT

b)

TUGMA

c)

TALINGHAGA

32.

“Ang ilaw ay maaaring mabigyang-kahulugan bilang pag-asa.” Aling elemento ng tula ang tumutukoy sa mga salitang may iba pang kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa?

a)

KARIKTAN

b)

LARAWANG-DIWA

c)

SIMBOLISMO

d)

TUGMA

33.

Anong uri ng tugmaan ang nasa larawan?

a)

A-A-A-A

b)

A-B-B-A

c)

A-B-A-B

d)

A-A-B-B

34.

Magbigay ng dalawang pamamaraan sa pagsasagawa ng muling pagpapahayag (paraphrasing).

4 lines
35.

“Dehins ko namalayan na umalis ka dahil sa loob ako kumukuha ng plato para sa bisita” ang salitang nakasalungguhit ay may katumbas na salitang pambansa na

a)

alam

b)

tulog

c)

hindi

d)

wala

36.

“Halika ipapakilala kita sa mga tropa ni Mak” ang salitang nakasulat ng nakapula ay halimbawa ng anong antas ng wika?

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

pampanitikan

d)

pambansa

37.

Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan. Makikilala ito sa kakakaibang tono o punto.

a)

balbal

b)

pambansa

c)

lalawiganin

d)

kolokyal

38.

Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat ng aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.

a)

pambansa

b)

lalawiganin

c)

balbal

d)

kolokyal

39.

Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

a)

pampanitikan

b)

lalawiganin

c)

pambansa

d)

balbal

40.

Bilang tagapagtangkilik ng wika, ano ang adbentahe ng pagkakaroon ng iba't ibang antas ng wika? Ipaliwanag.

4 lines
41.

Ang mga sumusunod ay hangarin ng talumpati, MALIBAN sa:

a)

Makapagbigay ng Kabatiran

b)

Makapagturo o Makapagpaliwanag

c)

Makapanghikayat

d)

Mangutya

e)

Manlibang

42.

Basahing Mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang


Ang ________ ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatuwiran sa paksang tinalakay.

a)

Dula

b)

Sanaysay

c)

Tula

d)

Pagtatalumpati

43.

Basahing Mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang.


Isa itong uri ng pagtatalumpati nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad ibinigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.

a)

Impromptu

b)

Isinaulong Talumpati

c)

Manuskrito

d)

Pagbasa ng papel sa panayam

44.

Basahing Mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang.


Sa talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinibigay bago ito ipahayag.

a)

Extemporaneous

b)

Manuskrito

c)

Impromptu

d)

Isinaulong Talumpati

45.

Basahing Mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang.


DITO NAKALAHAD ANG PINAKAMALAKAS NA KATIBAYAN, PANINIWALA AT KATUWIRAN UPANG MAKAHIKAYAT NG PAGKILOS SA MGA TAO AYON SA LAYUNIN NG TALUMPATI.

a)

Pamagat

b)

Katawan

c)

Katapusan

d)

Tema

46.

Basahing Mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang


NAKASAAD DITO ANG PAKSANG TATALAKAYIN NG MANANALUMPATI.

a)

Pamagat

b)

Katawan

c)

Katapusan

d)

Tema

47.

Basahing Mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang.


Binibigkas sa seremonya ng pagsisimula ng isang mahalagang tungkulin o gawain tulad ng Talumpati ng Pangulo sa pagtatalaga sa kainla sa tungkulin, talumpati sa pagsisimula ng isang proyekto ng organisasyon

a)

Pagpasok ng Pangalan o Nominasyon

b)

Inaugurasyon

c)

Talumpati ng Pagpapakilala

d)

Talumpati ng Pagsalubong

48.

Ito rin ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tungkol sa isang mahalagang paksa.

a)

Dagli

b)

Balita

c)

Talumpati

d)

Impromptu

49.

Layunin nitong makaimpluwensya sa pag-iisip at kilos na nakikinig at para makumbinsi ang nakikinig.

a)

Talumpati ng Pagpapakilala

b)

Talumpati na Nanghihikayat

c)

Talumpati ng Pamamaalam

d)

Talumpati sa Pagkakaloob ng Gatimpala

50.

Ang empasis ay ang kahalagahan ng gawaing siyang nagbigay daan sa okasyon.

a)

Talumpati na Nanghihikayat

b)

Talumpati ng Pagpapakilala

c)

Talumpati ng Pamamaalam

d)

Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala

51.

Ano ang dapat na isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati kapag kailangan iakma ang nilalaman ng paksa sa makikinig?

a)

kasarian ng makikinig

b)

edad o gulang ng makikinig

c)

bilang ng mga makikinig

d)

edukasyon o antas sa lipunan ng makikinig

52.

Sa ginawang talumpati, ano ang pinaghandaan mo talaga (hal. pagsulat ng piyesa, pagsasalita)? Masasabi mo bang nagtagumpay ka rito? Ipaliwanag.

4 lines
53.

Binubuo ito ng pangangatuwiran ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang paksang pinagkakaisahang talakayin.

a)

balita

b)

sanaysay

c)

debate

d)

tula

54.

Ito ang paksang pinagdedebatihan na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamagitan ng mga argumento

a)

oposisyon

b)

propesyon

c)

posisyon

d)

proposisyon

55.

Paano kadalasang isinasagawa ang isang pagtatalo?

a)

binibigkas

b)

inaawit

c)

tinutula

d)

isinasakilos

56.

Kung ikaw ay sasalang sa isang pagtatalo (debate), ano-ano ang dapat mong paghandaan? Ilahad.

4 lines
57.

Sa tinalakay natin patungkol sa "Kahalagahan ng Kaayusan

ng mga salita sa loob

ng pangungusap" Pumili ng apat at ipaliwanag kung papaano isinasagawa ang bawat isa.

4 lines
58.

Anong bahagi ng pangungusap ang nakasalungguhit sa ibaba?

Nagtutulungan sa paglilinis ang mga tao upang maiwasan ang sakit.

a)

Simuno

b)

Panaguri