WorksheetsPaggamit nang may pagpapahalaga at pananagutan
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Bilang isang bata, alin sa mga ito ang maaari mong gawin habang pinapatupad ang Enhanced Community Quarantine?
A. Linisin ang kanal na malapit sa bahay.
B. Gumawa ng “craft” na mula sa bote.
C. Sumama sa tree planting activity.
D. Matulog maghapon dahil walang gagawin.
2. Pagkakain mo ng paborito mong kendi, napansin mong walang basurahan sa
paligid. Ano ang dapat mong gawin sa balat ng kendi?
A. Itago muna sa bulsa o kaya sa bag.
B. Humanap ng kanal at doon itapon ang balat ng kendi.
C. Itapon habang walang ibang nakakakita.
D. Patay-malisyang itatapon na lang sa gilid ng kalsada.
3. Ang mga epekto ng gawaing ito ay pagguho ng lupa, pagbaha at pagkawala ng
tirahan ng mga hayop. Anong gawain ito?
A. Labis na pagpuputol ng mga puno.
B. Pagbuga ng maitim na usok ng sasakyan.
C. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
D. Pagtatapon ng basura sa ilog.
4. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa mga paraan upang makatulong ang iyong
pamilya sa pagbawas ng paggamit ng plastic?
A. Pagdadala ng ecobag kapag mamimili.
B. Paggamit ng plastik na kutsara’t tinidor kapag kakain sa labas.
C. Pagdadala ng sariling “tumbler” o lalagyan ng tubig.
D. Paggamit ng sariling “straw” na gawa sa metal o kawayan kapag bibili ng
milktea.
5. Habang namamasyal ka sa isang parke, Nakita mo ang isang gripo na bukas kahit wala namang gumagamit. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hahayaan ko na lang at magpatuloy sa paglalakad.
B. Kunwari ay wala akong nakita.
C. Isara ang gripo at magpatulong kung hindi ito kayang abutin
C. Isara ang gripo at magpatulong kung hindi ito kayang abutin
6. 1. Ito ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang tungkulin, obligasyon at responsibilidad.
A. pagmamahal
B. pananagutan
C. pagpapahalaga
D. pagmamalasakit
7. Ang pagbibigay ng mataas na uri na edukasyon at kaalaman ng mga kabataan sa lahat ng antas ukol sa tamang paraan sa pangangasiwa sa kabuhayan at pinagkukunang yaman ay pananagutan ng _________.
A. paaralan
B. simbahan
C. pamahalaan
D. pribadong sector
8. Alin sa mga sumusunod na mga gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pinagkukunang-yaman?
A. pagdidinamita
B. pagtitipid ng tubig
C. illegal na pagtotroso
D. patuloy na pagputol ng mga puno
9. Paano mo maipapakita na ikaw ay may pagpapahalaga sa pinagkukunangyaman sa bansa?
A. pagkaka-ingin
B. pagdidinamita
C. pagputol ng mga puno
D. panatilihing malinis ang kapaligiran
10. Bakit kailangan nating pahalagahan ang ating pinagkukunang-yaman?
A. Upang ito ay masira
B. Upang hindi matugunan ang pangangailangan ng tao.
C. Upang mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran
D. Upang ito ay hindi mapakinabangan sa susunod na henerasyon.
