wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGBASA AT PAGSUSURI PRACTICE DRILLS #2

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Tinitingnan sa teknik na ito ang kawastuhan at katotohanan ng tekstong binabasa na magagamit nang personal upang maiangkop sa mga pag-uugali at maisasabuhay nang may pananagutan.

a)

Basang-tala

b)

Kritikal

c)

Iskiming

d)

Pamuling-basa

2.

Tinatawag din itong “inside-out o conceptual driven” sa dahilan na ang pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.

a)

Teoryang Itaas-Pababa

b)

Teoryang Ibaba-Pataas

c)

Teoryang Iskema

d)

Teoryang Interaktiv

3.

Mas mahalaga sa pananaw na ito kung paano nauunawaan ng mambabasa ang teksto sa pamamgitan ng mga estratehiyang ginawa upang lubos na maunawaan ang tekstong binasa.

a)

Interaktiv

b)

Iskema

c)

Ibaba-Pataas

d)

Itaas-Pababa

4.

Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa

a)

Iskaning

b)

Iskiming

c)

Paaral

d)

Rapid

5.

Ipinapakita sa araling ito ang kahalagahang umunawa, sumuri, at sumulat

a)

Tekstong Argumentatibo

b)

Tekstong Naratibo

c)

Tekstong Impormatibo

d)

Tekstong Prosidyural

6.

Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat

a)

Pathos

b)

Logos

c)

Ethos

7.

Tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa

a)

Pathos

b)

Ethos

c)

Logos

8.

Ito ay isa sa uri ng pagbasa na nakatuon sa pagsusuring gramatikal at estruktura na ang layunin ay mas maunawaan ang isang akda.

a)

Ekstensibo

b)

Iskaning

c)

Intensibo

d)

Iskiming

9.

Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.

a)

Deskriptib

b)

Persweysib

c)

Impormatib

d)

Prosidyural

10.

Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng teksto ang photo essay?

a)

Deskriptib

b)

Persuweysib

c)

Impormatib

d)

Prosidyural

11.

Imadyinin natin ang isang bata, tumatakbo sa kalsada, pipi siya, at tabingi ang mukha, pinagtatawanan ng ibang bata, kaya lagi siyang umiiyak at tumatakbo. (Lee, Ricky. (2018)Bahay ni Marta, Quezon City: Triprint Corporation)

a)

Argumentatib

b)

Impormatib

c)

Deskriptib

d)

Persuweysib

12.

Naglalahad ito ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang bagay.

a)

Tekstong Naratibo

b)

Tekstong Persuweysib

c)

Tekstong Prosidyural

d)

Tekstong Impormatibo

13.

ito ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin ang panahon ang petsa, oras, at taon.

a)

Paksa

b)

Panimula

c)

Tagpuan

d)

Banghay

14.

Sabihin kung ang pahayag ay tumutukoy sa katangian ng tekstong deskriptibo. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat.

a)

Tama

b)

Mali

15.

1. Siya ang Ama ng Pagbasa.

a)

William S. Gray

b)

Thorndike

c)

Aristotle

d)

Arrogante

16.

Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa

a)

Primarya

b)

Mapagsiyasat

c)

Analitikal

d)

Sintopikal

17.

Ito ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran.

a)

A. Argyumentatibo

b)

B. Deskriptibo

c)

C. Naratibo

d)

D. Persuweysib

18.

Tinatawag din itong “narrow reading” sapagkat piling babasahin lamang hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng mambabasa.

a)

A. Ekstensibong Pagbasa

b)

B. Iskaning

c)

C. Iskiming

d)

D. Intensibong pagbasa

19.

Ang _____________ ay estrukturang kadalsang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.

a)

Paglilista at klasipikasyon

b)

Sanhi at bunga

c)

Pagbibigay-depenisyon

d)

Paghahambing

20.

Ang ________ estraktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari.

a)

Paglilista at klasipikasyon

b)

Sanhi at bunga

c)

Pagbibigay-depenisyon

d)

Paghahambing

21.

Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI naglalahad ng katotohanan tungkol sa tekstong deskriptibo?

a)

A. Maaaring mabasa ang tekstong deskriptibo sa tekstong naratibo.

b)

B. Ang tekstong deskriptibo ay laging nakahiwalay sa ibang teksto

c)

C. Bihira itong magamit nang hindi kabahagi ng iba pang uri ng teksto.

d)

D. Ang pagsulat ng tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa pagpipinta.

22.

Ito ay iyong pananaw o paniniwala.

a)

Patunay

b)

Dahilan

c)

Argumento

d)

Panig

23.

Ito ay ang mga katotohanan, datos, at halimbawa na magpapatunay at magpapatibay sa iyong pananaw.

a)

Patunay

b)

Dahilan

c)

Panig

d)

Puna

24.

Ito ay paliwanag na sumusuporta kung bakit ito ang iyong pinaniniwalaan.

a)

Panig

b)

Argumento

c)

Patunay

d)

Dahilan

25.

Ito ang paraan kung paano mo inilahad ang ebidensya .

a)

Warrant

b)

Rationale

c)

Evidence

d)

Claim

26.

Ang mga sumusunod ay katangian ng Tekstong Impormatibo, maliban sa:

a)

Karaniwang makikita sa pahayagan o balita, mga magasin at teksbook.

b)

Hindi sumasalamin sa pagpapabor at pagkokontra.

c)

Hindi nakabase sa sariling opinyon kundi sa katotohanan ng mga datos.

d)

Nakatutulong sa mabibigat na kaisipan at damdamin.

27.

Ang isang tekstong persuweysib ay naglalaman ng :

a)

Malalim na pananaliksik

b)

malalim na paglalarawan

c)

Malalim na pakikitungo sa kapwa

d)

malalim na pagpapasiya

28.

Alin ang HINDI katangian ng naratibong masining?

a)

may banghay

b)

nakapanlilibang

c)

nagbibigay ng impormasyon

29.

Kapag biglang namatay ang tauhan, tapos sa huli ay buhay pala, anong paraan ito ng narasyon?

a)

ellipsis

b)

in medias res

c)

comic book death

30.

Kapag nagsisimula sa dulo ang kuwento, anong paraan ito ng narasyon?

a)

reverse chronology

b)

foreshadowing

c)

plot twist