wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP7 (Q3) FINAL

Total questions: 42

Worksheet time: 41mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isa sa mga salik sa panahon ng imperyalismo kung saan ang mga bansa sa Europe ay nagnanais na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang mga karibal na bansa

a)

Nasyonalismo

b)

Kolonyalismo

2.

Dahil sa _________nahikayat ang mga mangangalakal na gamitin ang kanilang mga salapi sa panahon ng Imperyalismo

a)

Kapitalismo

b)

Piyudalismo

3.

Siya ang sumulat ng White Man's Burden

a)

Rudyard Kipling

b)

Raynard Kipling

4.

Ito ay isang prinsipyong pang-ekonomiya na nakabatay sa ginto at pilak ang kapangyarihan ng isang bansa

a)

Kapitalismo

b)

Merkantilismo

5.

Ito ay ang patakaran ng isang bansa na mamamahala sa mga nasakop na bansa upang gamitin ang likas na yaman para sa sariling interes

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

6.

Bakit mahalaga sa mga umuunlad na mga bansang Kanluranin ang pagkakaroon ng mga bagong teritoryo sa kontinenete ng Asya?

A. upang mapalawak ang kanilang impluwensya at mapalakas ang kanilang kapangyarihan

B. upang makilala bilang umuunlad na bansa at tanghaling pinakamakapangyarihang bansa

a)

Mali ang A at B.

b)

Tama ang A at B.

c)

Mali ang A. Tama ang B.

d)

Tama ang A. Mali ang B.

7.

Suriin ang dalawang pahayag. Alin ang pinakawastong kongklusyon?

A. Ang pananakop sa Silangang Asya ay epekto ng patuloy na pamumuhunan at pagpapalago ng salapi ng mga Kanluranin.

B. Ang pananakop sa Timog-Silangang Asya ay bunga ng paghahanap ng Estados Unidos ng bagong ruta ng kalalalan.

a)

Tama ang A. Mali ang B.

b)

Mali ang A. Tama ang B.

c)

Tama ang A at B.

d)

Mali ang A at B.

8.

Ano ang pangunahing silbi ng Espanya sa Pilipinas?

A. Tagapagtustos ng mga hilaw na materyales

B. Tagabili ng mga produkto ng mananakop

a)

Tama ang A at B.

b)

Mali ang A at B.

c)

Tama ang A. Mali ang B.

d)

Mali ang A. Tama ang B.

9.

Anong layunin ng pananakop ang tinutukoy o inilalarawan sa ibaba?

Ang tunay na kayamanan ng bansa ay nakabatay sa dami ng kabuuang ginto at pilak, kaya, pumasok ang kaisipang maaaring paramihin ang reserba ng ginto at pilak sa pamamagitan ng mas maraming produktong inilalabas ng bansa kaysa sa ipinapasok.

a)

dangal

b)

diyos

c)

gusali

d)

ginto

10.

Ang bawat maliit na pamayanan ay may sariling pamumuno, at ang bawat rehiyon ay may sariling kultura.

Anong paraan ng pananakop ang epektibong gamitin sa ganitong kalagayan?

a)

pang-aakit at panghihikayat

b)

paggamit ng armas

c)

paghahati at pananakop

d)

paggamit ng krus

11.

Anong bansa ang may monopolyo sa pagkontrol ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya nang isarado ng mga Turko ang tatlong ruta ng kalakalan?

a)

Pransiya

b)

Italya

c)

Espanya

d)

Portugal

12.

Ano ang tawag sa paraan ng mga makapangyarihang bansa sa pananakop ng maliliit at mahihinang bansa para mapalawak ang kanilang teritoryo at makontrol ang ekonomiya at pamahalaan nito?

a)

internasyonalismo

b)

globalisasyon

c)

imperyalismo

d)

nasyonalismo

13.

Ano ang tawag sa pagtatamo ng mga lupain para matugunan ang mga pangangailangang pangkabuhayan ng bansang nananakop?

a)

nasyonalismo

b)

kolonyalismo

c)

internasyonalismo

d)

imperyalismo

14.

Alin sa dalawa ang halimbawa ng cash crop?

a)

mais

b)

asukal

15.

Alin sa sumusunod ang nakatulong upang mapabilis ang pagdadala sa sentrong pamilihan ng mga kalakal?

a)

kalsada

b)

daungan

c)

riles

d)

gusali

16.

Ano ang tawag sa paniniwalang mas maganda at mas mabuti ang sa mga dayuhan kaysa sarili?

a)

stateside

b)

kolonyalismo

c)

diwang kolonyal

d)

Amerikanisasyon

17.

Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng kolonyalismo sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

a)

pagpapatanim ng cash crops sa mga sakahan ng kolonya

b)

pagtanggap ng mga katutubo sa mga dayuhang relihiyon

c)

paggamit ng mga dayuhan sa mga likas na yaman ng mga bansa

d)

pagpapabuti ng sistema ng komunikasyon at transportasyon

18.

Alin sa sumusunod ang hindi mabuting paraan ng paglinang sa likas na yaman ng bansa?

a)

paggamit ng mga yamang tubig upang mapagkuhanan ng enerhiya

b)

pagmimina ng mga yamang mineral ng bansa kahit nangangaunti na

c)

pagpapatupad ng mga patakaran na naglilimita sa paghuli ng mga yamang dagat

d)

paglinang ng mga nakatiwangwang na lupain upang maging lupang sakahan

19.

Alin sa sumusunod ang hindi mabuting epekto ng pagkakaroon ng makabagong pamamaraan ng transportasyon?

a)

pinabilis na sistema ng komunikasyon

b)

pagdudulot ng polusyon sa kapaligiran

c)

pagbubukas ng bagong industriya

d)

pinabilis na pagbiyahe ng mga kalakal

20.

Ano ang kahalagahan ng cash crops sa mga bansang nasakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

a)

Pinaunlad nito ang sining at kultura ng mga bansa sa rehiyon.

b)

Pinaunlad nito ang ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon.

c)

Pinaunlad nito ang kalagayan ng mga magsasaka at manggagawa ng mga bansa sa rehiyon.

d)

Pinaunlad nito ang sistema ng pamahalaan ng mga bansa sa rehiyon.

21.

Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya ang pagdami ng mga relihiyon na pumasok sa mga kolonyang bansa?

A. Nagdulot ito ng hindi pagkakaunawaan sa mga mamamayan.

B. Nagdulot ito ng pagkakaisa ng mga katutubo sa bawat bansa.

a)

Mali ang A. Tama ang B.

b)

Tama ang A at B.

c)

Mali ang A at B.

d)

Tama ang A. Mali ang B.

22.

Bakit sa kabila ng pag-unlad ng ekonomiya ng mga kolonyang bansa ay hindi bumuti ang kalagayan at pamumuhay ng mga katutubong mamamayan nito?

A. Hindi pinayagan ang mga katutubo na makilahok sa kalakalan.

B. Mga dayuhang mananakop lamang ang nakinabang sa kita ng kalakalan.

a)

Mali ang A. Tama ang B.

b)

Tama ang A. Mali ang B.

c)

Tama ang A at B.

d)

Mali ang A at B.

23.

Paano naging melting pot ng mga relihiyon ang Silangan at Timog-Silangang Asya?

A. Dito umusbong ang mga pangunahing relihiyon sa mundo.

B. Dito umiral ang iba't ibang relihiyon mula sa Asya at sa Europa.

a)

Mali ang A. Tama ang B.

b)

Tama ang A. Mali ang B.

c)

Tama ang A at B.

d)

Mali ang A at B.

24.

Sino ang nakilala bilang “Ama ng Rebolusyon” sa Tsina?

a)

Mutsuhito

b)

Mao Zedong

c)

Chiang Kai-Shek

d)

Sun Yat-Sen

25.

Anong rebelyon ang naganap sa Tsina upang mapabagsak ang dinastiya sa Manchu?

a)

Rebelyong Taiping

b)

Rebelyong Boxer

c)

Rebelyong Opyo

d)

Rebelyong Manchu

26.

Anong bansa ang unang nagkaroon ng makabayang kilusan sa Timog-Silangang Asya?

a)

Singapore

b)

Pilipinas

c)

Burma

d)

Indonesia

27.

Alin sa sumusunod ang hindi pangkalahatang sanhi ng nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya?

a)

pagtulong ng mga Kanluranin

b)

estilo ng edukasyon ng Kanluranin

c)

estilo ng sining ng Kanluranin

d)

mga kilusang kultural at mga kilusang batay sa relihiyon

28.

Bakit umusbong ang diwang nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

a)

dahil sa pagtulong ng mga Kanluranin sa mga mamamayan ng dalawang rehiyong ito

b)

dahil sa pang-aabuso na ginawa ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya

c)

dahil sa pagkakaisa ng mga Asyano at Kanluranin tungo sa kalayaan

d)

dahil sa mga pang-aabuso at kahirapang naranasan ng mga mamamayan sa kamay ng Kanluranin

29.

Sa paanong paraan nakatulong ang edukasyong Kanluranin sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

a)

Sa pamamagitan ng edukasyong Kanluranin ay naisip at nalaman ng mga Asyano ang kahirapang kanilang nararanasan.

b)

Ang edukasyong Kanluranin ang nagbukas ng konsepto ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at dignidad sa mga tao.

c)

Tinulungan ang mga Asyano na matutong kalabanin ang mga aral ng mga Kanluranin.

d)

Ginamit ng mga Asyano ang edukasyong Kanluranin bilang instrumento ng kapayapaan.

30.

Alin sa dalawang pahayag ang totoo?

A. Maraming kilusang pulitikal na may estilong kanluranin ang nabuo dahil sa impluwensiya ng edukasyon ng Kanluranin.

B. Maraming kilusang batay sa relihiyon ang naganap noong panahon ng pananakop.

a)

Tama ang A at B.

b)

Mali ang A at B.

c)

Mali ang A. Tama ang B.

d)

Tama ang A. Mali ang B.

31.

Ano ang implikasyon ng pagiging sarado sa una ng Japan sa dayuhang bansa ngunit sa huli ay napilitan silang buksan ang kanilang bansa?

a)

Tinanggap nila ang ideya ng Kanluranin upang paunlarin at palakasin ang kanilang bansa at hindi matulad ang kanilang bansa sa sinapit ng Tsina.

b)

Naging bukas sila sa lahat ng dayuhang bansa.

c)

Hindi nila kinaya ang kapangyarihan ng Kanluranin.

d)

Gumanda ang kanilang relasyon sa mga dayuhang bansa.

32.

Paano naging mahalaga ang impluwensiya ni Sun Yat-Sen sa Tsina?

a)

Kaniyang inimpluwensiyahan ang mga mamamayan ng Tsina na sumang-ayon sa ideya ng mga Kanluranin.

b)

Kaniyang napatalsik ang lahat ng dayuhang mananakop sa kanilang bansa.

c)

Ginamit ni Sun Yat-Sen ang ideolohiyang komunismo sa Tsina.

d)

Naging bukas ang ideya ng demokrasya at nasyonalismo sa Tsina.

33.

Paano nakatulong sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang diwang nasyonalismo?

a)

Tinulungan nito ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na mag-alsa at sakupin ang mga bansang Kanluranin.

b)

Sa pamamagitan nito ay nagkaisa ang dalawang rehiyon kasama ang Kanluranin.

c)

Sa pamamagitan ng diwang nasyonalismo, naging bukas sila sa lahat ng ideya ng mga Kanluranin.

d)

Ang paggising ng damdaming nasyonalismo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang nakatulong upang maging malaya ang kanilang bansa sa kamay ng mga dayuhang mananakop.

34.
a)

WHITE MAN’S BURDEN

b)

WHITE MAN’S GARDEN

35.
a)

MARCOS POLO

b)

MARCO POLO

36.
a)

JERUSALEM

b)

BETHLEHEM

37.
a)

KOLONYALISMO

b)

IMPERYALISMO

38.
a)

NASYONALISMO

b)

KOLONYALISMO

39.
a)

IMPERYALISMO

b)

KAPITALISMO

40.
a)

VASCO DA GAMA

b)

VASCO DE GAMA

41.

Magbigay ng limang dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya? (5pts)

(a)  

42.

Ito ay isang katangian na dapat taglayin ng isang tao. ito ay tumutukoy sa pagmamahal at pagmamalaki sa sarili mong bayan. (5pts)

(a)