WorksheetsAralin 5 - Dulang Pantelebisyon
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Kapani-paniwala ang pag-arte ni Kris Bernal bilang si Tinay sa “Little Nanay” na isang dalagitang ina na puno ng kawalang-malay at pag-asa. Tuon ng pagsusuri ang _______________.
direksiyon
sinematograpiya
musika
acting o pagganap
Naipakita sa “Ang Probinsyano” ang iba-ibang usapin tulad ng droga at korapsyon na masasabing tunay na nangyayari sa lipunan. Ang tuon ng pagsusuri ay _____.
sosyo-historikal
kahinaan
kalakasan
sosyo-politikal
Ang tele-fantasyang “Encantadia” ay nagpakita ng magandang biswal sa tulong
ng makabagong teknolohiya at animasyon. Binibigyang tuon dito ang __________.
sinematograpiya
acting o pagganap
disenyo
tunog
Lumaki sa pangangalaga ng lola ang may karamdamang dalagitang si Tinay na naging “Little Nanay” dahil sa pananamantala ng isang kaibigan. Ang elementong pinagtutuunan sa pagsusuri ay _____________.
kuwento at tauhan
sinematograpiya
acting o pagganap
direksyon
Pinagkatuwaan sa Social Media ang ilang eksena mula sa mga seryeng hindi
mahusay ang animation at special effects na ginamit. Ang tuon ng pagsusuri ay
_____________.
kahinaan
sosyo-historikal
kalakasan
aral
Katangi-tangi ang pagganap ni Sylvia Sanchez bilang si Gloria sa
“The Greatest Love” na isang inang may Alzheimer’s Disease. Ang tuon ng pagsusuri ay _____.
kahinaan
kalakasan
kapintasan
sosyo-historikal
Ang sumusunod ay mga kabutihang dulot ng pagsusuri sa ating mga
pinanonood na dulang pantelebisyon, maliban sa ___________________.
napatataas ang ating panlasa bilang manonood
napaghuhusay pa ng mga gumagawa nito ang kalidad ng palabas
naiuugnay natin ito sa mga nangyayari sa ating lipunan
napipintasan natin ang sining na ginagawa nila
“Makikita sa eksenang sinasabayan ng mga kaanak ni Cardo sa pagsigaw ng hustisya ang maraming balo at naulila ng tinatawag na extra-judicial killings.” Ipinakikita rito ang kontekstong ____________.
politikal
sosyo-historikal
romantiko
pampamilya
Bilang mag-aaral, paano mo malilinang ang iyong kasanayan sa panonood?
panonood upang maaliw at malibang lamang
panonood batay sa kung ano ang trending sa social media
pagiging mapanuri at pag-uugnay nito sa sarili at lipunan
pakikipagtalo sa iba upang ipaglaban ang sariling opinyon sa napanood
Hindi malilimutan ang magandang kuwento at mahusay na pagganap ng mga artista sa seryeng “Pangako Sa’yo”. Nakatatak na ito sa kasaysayan ng telebisyon. Ang tuon ng pagsusuri ay ______________.
elemento
sosyo-historikal
kahinaan
kalakasan
