WorksheetsQ3-PAGBASA AT PAGSUSURI SUMMATIVE EXAMINATION
Total questions: 60
Worksheet time: 5mins
Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi
direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto.
Pagpapagana ng imbak na kaalaman
Pagbuo ng hinuha
Pagkakaroon ng mayamang karanasan
Wala sa nabanggit
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi katangian at nilalaman ng
mahusay na tekstong argumentatib?
Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang
talata ng teksto.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
Kinahahantungan ng tunggalian o komplikasyon
Matibay na ebidensiya para sa argumento
Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at
instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
Deskriptib
Impormatib
Persweysib
Prosidyural
Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari
na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o dipiksyon,
maaari ding likhang-isip lamang ng manunulat o piksyon.
Argumentatib
Deskriptib
Naratib
Persuweysib
Gumagamit ang may-akda ng argumento. Ang argumento ay binubuo ng
batayan at ng kongklusyon. Ang batayan ay resulta ng obserbasyon. Ang
kongklusyon naman ay nagmumula sa obserbasyon.
Apelang Emosyonal
Apelang Etikal
Apelang Lohikal
Wala sa nabanggit
Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng
makatotohanang datos o impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang
batayan?
Obhetibo
Subhetibo
Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang imahinasyon
ng manunulat at hindi sa katotohanan?
Obhetibo
Subhetibo
Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng
elemento, ano ang tawag sa elemento kung saan may maayos na daloy o
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto upang mabigyanglinaw
ang temang taglay ng akda?
Tagpuan
Banghay
Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t
ibang pananaw, saan nabibilang ang pagsasalaysay ng pangunahing
tauhan sa mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa
kuwento?
Unang Panauhan
Ikalawang Panauhan
Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang
madaling matukoy?
Tauhang Bilog
Tauhang Lapad
Ang uring ito ng paglalarawan ay nagbibigay lamang ng kabatiran sa
inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng
naglalarawan.
Kakaibang paglalarawan
Madulang paglalarawan
Masining na paglalarawan
Pangkaraniwang paglalarawan
Ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang
buhay na buhay na larawan. Dito ay ibinibigay ng manunulat ang
isang buhay na larawan ayon sa kanyang namalas at nadama.
Kakaibang paglalarawan
Madulang paglalarawan
Masining na paglalarawan
Pangkaraniwang paglalarawan
Ang ____________________ ay ang pagpapahayag ng ating nakikita,
naririnig, at nadarama. Ang pangunahing layunin ng pagpapahayag
na ito ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga
mambabasa o tagapakinig.
Pangangatuwiran
Paglalahad
Paglalarawan
Pagsasalaysay
Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na
kaalaman ang mga mag-aaral sa paksa at ito’y palagi nilang nakikita
at may kaugnayan sa kanilang karanasan.
Pagbuo ng pangunahing larawan
Pagpili ng paksa
Pagpili ng sariling pananaw
Wastong pagpili ng sangkap
Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang
kaniyang inilalarawan.
Pagbuo ng pangunahing larawan
Pagpili ng paksa
Pagpili ng sariling pananaw
Wastong pagpili ng sangkap
Sa bahagi ng pananalita, ang siya, tayo, iyan, ito, doon, at sila ay mga
halimbawa ng ___________.
Pandiwa
Pangatnig
Panghalip
Pangngalan
Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?
Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.
Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.
Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.
Nakaaakit basahin ang isang teksto.
Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
salita
parirala
mensahe
pangungusap
Sa mga cohesive devices, saan nabibilang ang anapora at katapora?
Substitusyon
Pang-ugnay
Reperensya
Elipsis
Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at
maayos ang kaisipan ng isang teksto?
talata
estruktura
talasalitaan
cohesive devices
Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?
Pandiwa
Panghalip
Pang-abay
Pangngalan
Nasira ko ang portfolio mo. Tutulungan na lang kitang gumawa.
Elipsis
Leksikal
Pang-ugnay
Substitusyon
Ang magkapitbahay ay nag-uusap kung ano ang puwede nilang ibigay
nadonasyon sa barangay. Nagbigay si Lenie ng limang kabang bigas at si Lorry
nama’y apat.
Elipsis
Leksikal
Pang-ugnay
Substitusyon
Ang pamahaang lokal ay ginawa ang lahat para makaiwas sa sakit na
nakamamatay at ang mga mamamayan naman ay dapat sumunod sa mga
patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.
Substitusyon
Pang-ugnay
Leksikal
Elipsis
Sa gitna ng pandemya higit na apektado ang maralitang pamilya.
Naghihirap sila kaya kailangang magtiis at magtipid sa ayudang kanilang
natatanggap.
Substitusyon
Pang-ugnay
Leksikal
Elipsis
Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa?
larawan ng may-akda
pamagat ng aklat
pangalan ng may-akda
taon ng paglathala
Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o sipi.
awtor
bibliograpi
paksapaksa
talaan ng nilalaman
Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na
dokumento pampubliko man o pampribado.
e-trail
paper trail
people trail
text trail
Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa
pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan.
di-tuwiran
tuwiran
structured
unstructured
Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at
nilalaman ng buong saliksik.
datos
interbyu
sanggunian
sarbey
Ito ay tekstong nanghihikayat o nangungumbinsi sa mga mambabasa?
Deskriptibo
Impormatibo
Persuweysib
Prosidural
Alin sa sumusunod ang pahayag na naiiba?
Gumamit nang sabong brand Y. Para sa linis-kinis na walang katulad.
Mapapanood ang Rated K tuwing Linggo ng gabi.
Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018.
Anong uri ng teksto ang naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng
isang gawain upang matamo ang inaasahan?
Deskriptibo
Impormatibo
Persuweysib
Prosidural
Ang sumusonod ay mga halimbawa ng tekstong prosidyural maliban sa isa?
Hakbang sa paggawa ng parol
Pagbabasa
Pag-aaplay ng Lisensiya sa pagmamaneho
Resipi ng Kare-Kare
Anong elemento ng tekstong naratibo ang nagsasaad sa maayos na daloy o
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari?
Banghay
Paksa o tema
Tagpuan at panahon
Tauhan
Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga kaisipang nakapaloob sa isang teksto?
upang lumawak ang ating kaalaman
upang makapulot ng magagandang aral
upang mabatid ang kahalagahan ng akdang binasa
upang malaman ang nais iparating na mensahe ng teksto
Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansiyang
prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C. Ayon sa mga dalubhasa, ang
madalas na pagkain ng kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser
sa bituka (colon cancer). Ano ang pangunahing kaisipan ng pahayag?
Ang kamatis ay isang uri ng prutas.
Ang kamatis ay nagtataglay ng mga bitamina.
Mahalaga sa kalusugan ng tao ang pagkain ng kamatis.
Makatutulong ito upang maiwasan ang kanser sa bituka (colon
cancer).
Maraming kapangyarihan ng musika ang natuklasan ng mga siyentipiko. Alin
sa sumusunod na pansuportang kaisipan ang hindi angkop sa pahayag?
Kayang magpaalis ng stress sa isang tao ang pakikinig nito.
Nakapagpapagaan rin ito ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba
pa.
Nakatutulong ito upang mapalawak ang kaalaman sa iba’t ibang
larangan.
Nakagagamot ito ng problema sa puso, depresyon at insomnia o di
pagkatulog.
Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t ibang kaalaman.
Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay.
Nalilinang din nito ang bokabularyo ng mambabasa. Ano ang pangunahing
kaisipan na maaaring mahinuha mula sa pahayag?
Marami kang natututuhan na salita.
Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.
Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.
Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa.
Ang mga pahayag ay ukol sa pangunahing kaisipan, maliban sa
May mga pagkakataong hindi ito lantad sa teksto.
Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon.
Karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi ng akda.
Ito ay ang mensahe na nais ipahiwatig ng awtor sa mga
mambabasa.
Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalahad ng isang opinion o kaisipan na
maaring sumang-ayon o sumasalungat sa mga sitwasyong may kinalaman
sa gawi ng mga tao, bagay, pook at pangyayari.
Liham
Reaksyong Papel
Tekstong Naratibo
Pagsulat ng Pananaliksik
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kaibahan ng reaksyong
papel sa iba pang sulatin?
Ito ay naglalahad ng mga impormasyon.
Ito ay naglalahad ng mga argumentong paksa.
Ito ay naglalahad ng mga sulating may proseso.
Ito ay naglalahad ng mga opinyon at sariling ideya tungkol sa binasa
Anong bahagi ng reaksyong papel ang pumupukaw sa interes ng mga
mambabasa?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
Bakit kinakailangang suriin ng manunulat ang kanyang akda bago ito
ipamahagi sa mga mambabasa?
Upang hindi malito ang mambabasa
Upang magkaroon ng maayos na daloy ng ideya.
Upang maisabuhay ng mambabasa ang binasang akda
Upang matugunan ng may-akda ang kawilihan ng mambabasa.
Nabasa mo sa isang teksto ang tungkol sa busilak na pagmamahal ng isang
babae sa kaniyang kasintahang lalaki na kahit sa kamatayan ay hindi niya
siya iniwan. Alin sa sumusunod na reaksyon ang posibleng maibigay
Lalaban ang pag-ibig kung kinakailangan.
Ang tunay nap ag-ibig ay dapat pahalagahan.
Hindi nagtatagal ang tunay nap ag-ibig sa mundo.
Masakit makita na mamatay na lamang ang isang pag-ibig.
Ito ay bahagi ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling
kaisipan ukol sa pangunahing ideya.
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
Nagkaroon kayo ng isang Gawain kung saan susulat kayo ng reaksyong papel.
Nang maipasa mo ito sa iyong guro, ibinalik niya ito sapagkat kailangan mo
itong iwasto batay sa ibinigay niyang komento dito. Ano ang dapat mong
maging tugon?
Tatawanan ko na lamang ang komento ng aking guro.
Hindi ko papansinin ang mga komento niya.
Pag-aaralan ko ang mga komento at isasagawa.
Uunawain ko ang mga ito para para hindi siya magalit.
“Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya.
Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga
dumarating ang pagkakataon na nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa
buhay. Mga pagsubok na nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon
ng isang nagkaka-isang pamilya.”
Ito ay mula sa reaksyong papel na may pinamagatang Sandigan ito ay
tumutukoy sa pamilya. Sa anong bahagi ng reaksyong papel
napapaloob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
Kinukondisyon ng nalalapit na eleksyon sa Mayo ang ating kolektibong pagiisip
bilang mamamayan ng Pilipinas. Bahagyang hinuhubog nito ang ating
kilos at salita na siyang kumakatawan sa ating pag-asa at mga pangarap para
sa ating sarili at para sa ating bansa. Dahil nakatuon ang atensyon natin sa
nalalapit na eleksyon at dahil hindi maiwasang pag-usapan ang mga
pambansang isyu na kadalasa’y mga pambansang suliranin (tulad ng
kurapsyon at kahirapan), nagkakaroon tayo ng natatangi at mas malawak
nap ag-mumuni-muni sa ating sosyolohikal at political na sitwasyon, na tila
naming nambubuyo sa ating pakiramdam ng kaibigan.
Ito ay mula sa isang reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema at ang
mga Modelo ng pamumuno sa Pilipinas” mula kay Paolo A. Bolanos. Sa
anong bahagi ng reaksyong papel napaploob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
“Sigaw ni Juan ang salitang Pagkakaisa ang kailangan, pero hindi alam ni
Juan kung ano at paano gagawin ang pagkakaisa kung ang bawat Juan ay
nahahati sa kani-kanilang partido at sumisigaw ng kanya-kanyang
pagkakaisa.
Kung kailangan natin ng pagbabago, at pagkakaisa tungo sa
makabagong Pilipinas na walang kurapsyon, sinimulan natin sa pagtigil ng
pagpuna at batikos ng bibig.
Kung ano man ang susunod, ikaw Juan ang nakakaalam.”
Ito ay mula sa isang reaksyon na “kurapsyon sa bansa” mula kay Tani
Michaels. Sa anong bahagi ng reaksyong papel napapaloob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
Lahat ng tao sa mundo ay may mga karanasan o naranasan na hindi
malilimutan. Sa tekstong ito napakaraming tanong ang nabuo sa aking
isipan. Una aanhin ko nga naman ang maraming salapi kung hindi ko naman
kasama ang mga mahal ko sa buhay. Masarap mabuhay sa mundong ito ng
may kasama ka sa lungkot at saya ng iyong buhay. Naantig ang aking puso
sa mga pahayag ng may akda dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Nagbigay ito ng inspirasyon sa akin para mas lalo ko pang mahalin ang aking
mga magulang at pamilya.
bansa
daigdig
komunidad
pamilya
Sino ba ang ating pambansang bayani? Ikaw, kilala mo ba siya? Siya lang
naman si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa hinahangaan kong bayani ng ating
bansa. Pero bakit parang nawalan na ng pagpapahalaga ang mga taong nasa
likod ng pagpapatayo ng Torre de Manila? Dahil ba sa pera? Dahil alam nila
na malaki ang kikitain nila sa pagtatayo nito. Kung ako ang tatanungin hindi
ako sang-ayon sa pagtayo nito. Naging pambansang photoboomer tuloy siya.
Nasan na ang kahalagahan ng ating pambansang bayani? Sana nabigyan ito
ng hustiya. Nasaan na ang ganda ng monumento ni Dr. Jose Rizal.
bansa
sarili
komunidad
pamilya
Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mga paalaala sa mga taong magkakaroon
ng panayam para sa inaapplayang trabaho. Napakahusay ng may akda nito
dahil marami akong naunawaan at natutunan sa kanya. Paniguradong
magiging maayos ang aking pananamit at maging ang aking itsura para sa
panayam. Dapat lagi tayong maghanda at mag insayo sa harap ng salamin.
Dapat maging simple lamang tayo sa ating pananamit.
bansa
sarili
komunidad
pamilya
Sa pagsasagawa ng isang reaksyong papel, lahat ay inaasahan maliban sa
__________________.
pangungusap na naglalahad ng personal na pag-atake o pagtuligsa.
isang panimula na nagtataglay ng isang pagganyak para sa
mambabasa.
pagbibigay at pag-iiwan ng isang magandang bagay na mapupulot
sa paksa.
pagtalakay na nagpapakita ng iyong malalim at makabuluhang
pananaw sa paksang tinatalakay
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang
“nabansot”. Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoý
tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng
pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng
isipan, ng puso, at ng diwa. Ano ang damdamin ang ipinakikita ng manunulat
sa reaksyong papel na ito?
matinding galit
panghihinayang
kalungkutan
kasiyahan
Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit ng mga
taong nakapaligid sa kung anong kasiya-siyang tanawin.
PAGSASALAYSAY
PAGLALARAWAN
PANGANGATWIRAN
PAGLALAHAD.
Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.
PAGSASALAYSAY
PAGLALARAWAN
PANGANGATWIRAN
PAGLALAHAD.
May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipapaliwanag kung bakit
ito nangyayari. Maaring ito’y isnang trahedyang iniiwasan nating mangyari o isang
pangyayaring ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.
PAGSASALAYSAY
PAGLALARAWAN
PANGANGATWIRAN
PAGLALAHAD.
Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang
magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.
PAGSASALAYSAY
PAGLALARAWAN
PANGANGATWIRAN
PAGLALAHAD.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa 4 milyong mga
bata ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-aral at maglaro.
PAGSASALAYSAY
PAGLALARAWAN
PANGANGATWIRAN
PAGLALAHAD.
