Worksheetscf7qe3rd
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Si Gerald ay maagang nakapag-asawa kaya hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Labis ang suporta na kaniyang natatanggap mula sa mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito, madalas siyang lumabas, uminom ng alak at magsugal kasama ang kaniyang mga kaibigan. Ito ba ay pagpapahalaga sa makatotohanang pagkatao.
Tama
Mali
Dahil sa labis na kahirapan ay ipinangako ni Charise na siya ay magiging isang doktor balang-araw. nagsikap siya, nag-aral sa araw at nagtrabaho naman sa gabi. Ano pa at makalipas ang ilang taon ay natupad niya ang kaniyang pangarap na maging ganap na doktor. Ito ba ay pagpapahalaga sa makatotohanang pagkatao?
Tama
Mali
Madalas mag-Facebook at maglaro ng online games si Sam kung kaya’t napapabayaan na niya ng pag-aaral ng leksiyon. Dahil dito, siya ay bumagsak sa limang asignatura. Ito ba ay pagpapahalaga sa makatotohanang pagkatao?
Tama
Mali
Lumaki sa layaw si Mike. Lahat ng kaniyang naisin ay nakukuha niya. Ano pa at nagbinata siyang matigas ang ulo at walang alam sa anomang gawain. Ito ba ay pagpapahalaga sa makatotohanang pagkatao?
Tama
Mali
Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Angelo, pinili niyang ilaan ang kaniyang panahon para sa pagtulong sa mga batang lansangan. Iniwan niya ang kaniyang negosyo sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kaniyang yaman sa mga batang kaniyang inutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapuwa na walang hinihintay na anomang kapalit. Ito ba ay pagpapahalaga sa makatotohanang pagkatao?
Tama
Mali
Ito ay tumutukoy sa mga gawi ng pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas ng isang indibiduwal sa anomang kaganapan sa buhay.
Birtud
Moral
Pagpapahalaga
Karunungan
Ito ay moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kaniya: sinoman o anoman ang kaniyang katayuan sa lipunan at upang maging isang mabuting kabahagi nito.
Karunungan
Katarungan
Kalayaan
Katatagan
Ang ‘halaga’ ay salitang-ugat ng katagang pagpapahalaga. Tukuyin kung alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI totoo patungkol sa salitang halaga (value).
Ito ay nagmumula sa sarili
Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin
Ito ay nagbabago depende sa tao, sa lugar, at sa panahon.
Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan
Alin sa sumusunod ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagganap ng pagpapahalaga sa buhay?
Pamana ng kultura
Mga kapuwa kabataan
Pamilya at pag-aaruga sa anak
Guro at tagapagturo ng relihiyon
Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy patungkol sa birtud?
. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus
Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha
Ang birtud ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos ng mga pagpapahalaga ng isang tao
Ang mga sumusunod ay angkop na katangian na dapat taglayin ng ganap na halagang moral. Alin sa mga pahayag ang HINDI WASTO tungkol dito:
Ito ay nagmumula sa pagnanais na gumawa ng tama
Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatangap ng tao bilang mabuti at mahalaga
Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat ng tao
. Ito ay mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailapat sa kaniyang pang-araw-araw na buhay
Kasabay ng pagiging isang mabuting indibiduwal ang pagkakaroon ng tamang gawi at aksiyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang gawi ang higit na magpapalalim ng pagpapahalaga na mayroon ang isang indibiduwal.
Pagsunod sa nakatatanda
Pagdalo sa gawaing pampaaralan
. Pagiging matatag sa anumang problemang dumaan sa buhay
Pagsangguni sa mga nakatatanda at kinauukulan sa bawat desisyon na gagawin
Sa paanong paraan mahuhubog ng isang tao ang kaniyang Birtud upang maging isang mabuting kabahagi ng lipunan?
Makikisama ng naaayon sa ipinapakita ng iyong kapwa
Maging isang mabuting mag-aaral na huwaran ng mga kapwa mag-aaral
Gumawa nang naaayon sa kinakailangang kilos na inaasahan ng lipunan
Isabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mula sa pamilya, sa paaralan, at maging sa mga karanasan sa buhay
Si Ruben ay isa nang ganap na binata at may nililigawan na kung kayat laging pinapaalalahanan siya ng kaniyang mga magulang ng tamang gawi patungkol dito. Sa papanong paraan maipapapamalas ni Ruben ang kanyang birtud bilang isang binata patungkol sa usapin ng panliligaw?
Hindi na muna siya manliligaw sapagkat higit na mahalaga ang pag-aaral.
Pahahalagahan niya ang dalagang kanyang nililigawan higit kaninoman at anoman.
Susundin niya ang pamantayan ng panliligaw at ang paalaala ng kanyang mga magulang ukol dito.
Bibigyan niya ng panahon ang panliligaw upang maging masaya ang nilinigawan
Ang edukasyon ng isang indibidwal ay sinasabing nagsisimula sa tahanan. Kailan masasabing tunay itong naging epektibo?
Kung may mabuting ugnayan ang magulang at anak
Kung pinahahalagahan ng mga anak ang kanilang pag-aaral sa araw-araw
Kung may malalim na pagmamahalan sa loob ng tahanan
Kung ang kasapi ng pamilya ay may kakayahang isabuhay ang mga natutuhan sa loob ng tahanan
Ang sumusunod ay katangian ng isang taong nagsasabuhay ng gawi MALIBAN sa _______________.
Nahihiyang gawin ang anomang pinaniniwalaan niyang tama
May mataas na pagpapahalaga sa pangangalaga sa sariling kapakanan at paninindigan
May tiwalang ibahagi sa ibang tao ang kaniyang paniniwala na maaaring maging daan upang makahimok ng iba
Bukas at tapat sa pagbabahagi ng kaniyang mga binabalak, ninanais at mga bagay na nagtutulak sa kaniya upang gawin ang isang bagay
Ang sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang disiplinang pansarili at maisabuhay ang patuloy na pagsasagawa ng mabuting gawi o asal MALIBAN sa _________________.
Paggamit ng kalayaan ng walang kaakibat na responsibilidad/pananagutan
Maging mapanagutan sa lahat ng kilos
Tanggapin ang kinahihinatnan ng pasiya at kilos
Magsikap na mag-isip at magpasiya nang makatuwiran
Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na kahalagahan ng mabuting gawi kung:
Nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang panghusga sa mga prinsipyong etikal
. Sinusunod ng tao ang kaniyang likas na kakayahang gawin ang tama at iwasan ang masama
A at B
Wala sa nabanggit
Anong kakayahan ang mapalalakas kung mahuhubog mula sa pagkabata ang kakayahang maipakita at maisabuhay ang tamang gawi? Ito ay ang pagbuo ng _____________________.
moral na paghuhusga base sa napakingan
mabuting kalooban
tamang pagpapasya
pabago-bagong paghuhusga
Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na_______.
Katarungan
Responsibilidad
maingat na paghuhusga
lahat ng nabanggit
Para sa edukasyon ang paghubog ng konsensiya ng isang bata ay isang mahalagang bahaging maaaring gampanan ng mga magulang at ng mga guro. Ang sumusunod ay ang mga tungkulin na maaari nilang gampanan para sa mga mag-aaral MALIBAN sa ____________________.
maiparamdam sa mga bata ang paggalang sa kanilang pagiging tao
maging bukas sa pagtanggap sa kanilang kabuoan, sinoman sila
matulungan ang isang bata upang masuri ang lahat ng bagay na kanilang ginagawa, ninanais o hinahangad
maging kritikal sa pagtingin sa kanilang mga pagkakamali at tiyaking ituturo sa kanila ang paraan upang ito ay maitama
Kulang ang baon ng iyong kamag-aral at nakita mong siya ay nahihiya sa mga kaklase ninyo kung kaya’t nagiging dahilan ito ng kaniyang di pakikiisa sa inyong talakayan. Sa paanong paraan mo matutulungan ang iyong kamag-aral?
Sasabihin sa guro
Hahayaan na lamang
Hihikayating makilahok sa klase
Hindi papansinin
Lingid sa kaalaman ng iyong magulang ikaw ay bumagsak sa iyong pagsusulit. Labis itong nagdudulot ng kalituhan sa iyong isipan kung sasabihin mo ito sa kanila. Subalit sa huli ay nagdesisyon kang sabihin ito sa kanila. Ano ang aspekto ng iyong pagkatao ang umiral?
Birtud
Moral
Konsensya
Pagpapahalaga
Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay. Pinahahalagahan ito upang masiguro niya ang kaniyang kaayusan at mabuting kalagayan.
pambuhay
ispirituwal
pandamdam
banal
Ang pinakamataas na antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay _______
pambuhay
ispirituwal
pandamdam
banal
Kadalasang mahalaga para sa mga nagdadalaga/nagbibinata ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga gadget katulad ng cellphone. Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga?
pambuhay
ispiritwal
pandamdam
banal
Sa panahon ngayon, nauuso na ang mga instant foods na mas mabilis lutuin kumpara sa mga mas masustansiyang pagkain. Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga?
pambuhay
ispiritwal
pandamdam
banal
Kapag ang pinahahalagahan ay nasa Espirituwal na lebel, tinutukoy nito ang mga ...
Diyos, simbahan/sambahan/mosque, banal na aklat
pag-eehersisiyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
pagmamahal, kapayapaan, katarungan
gadyet, mamahaling alahas, magarang sasakyan, malaking mansion
Kung ang pagpapahalaga ay nasa pambuhay na antas, ang tinutukoy nito ay ang ...
Diyos, simbahan/sambahan/mosque, banal na aklat
pag-eehersisiyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
pagmamahal, kapayapaan, katarungan
gadyet, mamahaling alahas, magarang sasakyan, malaking mansion
Ang mga sumusunod ay mga antas ng hirarkiya ayon kay Max Scheler, MALIBAN sa...
Pambuhay na halaga
Padamdam na halaga
Makabansang halaga
Banal na halaga
