WorksheetsG8- Filipino Mahabang Pagtataya
Total questions: 40
Worksheet time: 21mins
Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa isang pangngalan(noun ) at panghalip(pronoun)
Pandiwa
Pang-uri
Pang-abay
Pang-angkop
PAng-ukol
Alin sa mga sumusunod na bahagi ng pananalita ang inilalawarawan ng pang-uri.
Pangatnig
Pantukoy
Pangngalan
Pandiwa
Panghalip
Ang pang-uring (a) ay nagsasaad ng laki, kulay, at hugis ng tao, bagay, hayop, lugar, at iba pang pangngalan. Maaaring ilarawan din ang anyo, amoy, tunog, yari, at lasa ng bagay. Ito ay karaniwang nagsasaad ng mga katangian na napupuna gamit ang limang pandama (five senses). Nailalarawan din ng mga panguring panlarawan ang mga katangian ng ugali, asal, o pakiramdam ng tao o hayop.
Ang pang-uring (a) ay binubuo ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi. Ito (na nagsisimula sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana.
Ang pang-uring (a) ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan
Ito ay kaantasan ng pang-uri na payak at mayroon lamang isang inilalarawan sa pangungusap.
Lantay
Pahambing na magkatulad
Pahambing na di-magkatulad
Pasukdol
Ito ay kaantasan ng pang-uri na gumagamit ng mga panandang -sing-, -magkasing-,-kasing- na mayroong pagkakatulad sa konseptong inilalarawan.
Lantay
Pahambing na magkatulad
Pahambing na di-magkatulad
Pasukdol
Ito ay kaantasan ng pang-uri na naglalarawan ng dalawang konsepto na mayroong magkaibang katangian. Ito rin ay gumagamit ng panandang -kaysa kay-, o -kaysa sa- sa pangungusap.
Lantay
Pahambing na magkatulad
Pahambing na di-magkatulad
Pasukdol
Ito ay kaantasan ng pang-uri na pinakamataas sa lahat ng pagbibigay-turing at paglalarawan sa isang pangungusap.
Lantay
Pahambing na magkatulad
Pahambing na di-magkatulad
Pasukdol
Tukuyin ang angkop antas ng pang-uri.
Si Maria Makiling ang (maputi, masmaputi, pinakamaputi) sa kaharian.
maputi
masmaputi
pinakamaputi
Alin sa mga sumusunod ang angkop na salita na naglalarawan sa pangngalang bahaghari?
mapait
makulay
mabaho
malalim
Tukuyin ang uri ng pang-uri ang may guhit sa pangungusap.
Si Nora ang bababeng nakasuot ng pulang bestida.
panlarawan
pamilang
pantangi
Tukuyin ang uri ng pang-uri ang may guhit sa pangungusap.
Paborito ni Kuya Kaloy ang pansit Malabon.
panlarawan
pamilang
pantangi
“Napakaganda ng mga banderitas sa mga daan tuwing Pista ng Pasay !”
Anong kaantasan ng pang-uri ang makikita sa pangungusap?
lantay
pahambing
pasukdol
“Ang buhok ni Moises ay mas mahaba kaysa buhok ni Noe.”
Anong kaantasan ng pang-uri ang makikita sa pangungusap?
lantay
pahambing
pasukdol
“Ubod ng hirap ang trabaho ng isang manggagawa sa pabrikang ito.”
Anong kaantasan ng pang-uri ang makikita sa pangungusap?
lantay
pahambing
pasukdol
“Magsintanda ang Lolo ni Tim at Lolo ni Kieth.”
Anong kaantasan ng pang-uri ang makikita sa pangungusap?
lantay
pahambing
pasukdol
Kahit ulit-ulitin mo pang mahalin siya, mahihirapan ka na dahil hindi ka na niya mahal.
inuulit
tambalan
payak
maylapi
Naiinis ako sa aming KAPITBAHAY dahil tinatapon nila ang kanilang basura at dumi ng aso sa aming bakuran.
Inuulit
Maylapi
Payak
Tambalan
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng pang-uring maylapi?
malas
mahiyain
urong-sulong
iba-iba
Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng pang-uring tambalan?
tuloy-tuloy
bigay-todo
urong-sulong
balat-sibuyas
Ano ang kayarian ng pang-uring payapa?
payak
maylapi
inuulit
tambalan
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng inuulit na di-ganap?
kabit-kabit
punit-punit
yuta-yuta
masasarap
Ano ang kayarian ng pang-uring bukas-loob?
payak
maylapi
inuulit
tambalan
Ito ay mga salitang-ugat, ito rin ay kinakabitan ng mga panlaping kasim, kasing sim at iba pa.
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.
Tambalan
Inuulit
Pang-uri
Magylapi
Ano ang tawag kapag ang dalawang salita na kapag pinagtambal ay nagkakaroon ng iba pang kahulugan?
Tambalan
Pang-uri
Maylapi
Payak
Ito naman ay salitang binubuo sa pamamagitan ng pagsasama o pagtatambal ng dalawang salita upang makabuo ng isang salita.
Inuulit
Maylapi
Payak
Tambalan
Ito ay kayarian ng salita na binubuo ng salitang-ugat lamang. Walang kasamang panlapi maging pag-uulit ng mga salita.
Inuulit
Maylapi
Payak
Tambalan
Ito ang Kayarian ng Pang-uri na nag-uulit ng salita o pantig. Halimbawa ng mga salita ay tapang-tapangan, gandang-ganda, mayayaman, at luhang-luha.
Tambalan
Inuulit
Maylapi
Payak
Ano ang kayarian ng salitang paruparu?
payak
tambalan
maylapi
inuulit
Anong uri ng panlapi mayroon ang salitang pinagpaguran.
unlapi
gitlapi
kabilaan
laguhan
Tukuyin ang pang-uri sa bawat pangungusap.
Ang magkakapatid ay bumisita sa kanilang malayong kamag-anak.
magkakapatid
bumisita
malayo
Tukuyin ang pang-uri sa bawat pangungusap.
Ang lamig ng simoy ng hangin sa labas dahil malapit na ang taglamig.
lamig
hangin
taglamig
Tukuyin ang pang-uri sa bawat pangungusap.
Masaya ako dahil nakapasa ako sa aming Mahabang pagsusulit sa Filipino.
Filipino
masaya
nakapasa
Kay bait-bait ng mga kasambahay ni Ginang Hernando!
lantay
pahambing
pasukdol
Suriin kung anong uri ng panaguri ang nasa pangungusap.
“Doktor ang Tatay ko.”
Panaguring Pang-Uri
Panaguring Panghalip
Panaguring Pangngalan
Panaguring Pang-abay
Ang panaguri ay iisang salita lamang.
Tama
Mali
Ito ang uri ng pangungusap na binubuo ng dalawang makapag-iisang sugnay.
Hugnayan
Hugnayang Langkapan
Tambalan
Tambalang Langkapan
Tukuyin ang angkop na antas ng pang-uri.
(Matangkad, Masmatangkad, Pinakamatangkad) si Lukas sa mga PCAIANS na naririto.
Matangkad
Masmatangkad
Pinakamatangkad
