wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4- AP SUMMATIVE TEST- ILANG-ILANG

Total questions: 30

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Paano inilalarawan ang prinsipyong Jus Sanguinis?

a)

Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabase sa

pagkamamamayan ng isa sa kaniyang magulang.

b)

Ang pagkamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.

c)

Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabase sa

sa lugar kung saan ipinanganak ang kanyang ina.

d)

Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa

pipiliin ng isang indibidwal kapag siya ay tumungtong na sa legal na edad.

2.

Ang mga sumusunod ay ang mga mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas, MALIBAN sa?

a)

yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas

b)

yaong mga naging mamamayan ayon sa batas

c)

yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito

d)

yaong nakatira sa bansang Pilipinas sa loob ng sampung taon

3.

Si Zoe ay ipinanganak sa Dumaguete. Ang kaniyang ina ay Pilipino at ang ama naman niya ay isang Tsino.


Ano ang pagkamamamayan ni Zoe?

a)

Filipino

b)

Dayuhan

c)

Parehas na Filipino at Dayuhan

4.

Si George ay isang Australyano na dumaan sa proseso ng naturalisasyon sa Pilipinas.


Ano ang pagkamamamayan ni George?

a)

Filipino

b)

Dayuhan

5.

Si Kim ay isang Koreano na nag-aaral sa Cebu City.

Ano ang pagkamamamayan ni Kim?

a)

Filipino

b)

Dayuhan

c)

Parehas na Filipino at Dayuhan

6.

Si Marga ay ipinanganak sa America. Parehas na Pilipino ang kanyang mga magulang.


Ano ang pagkamamamayan ni Marga?

a)

Filipino

b)

Dayuhan

c)

Parehas na Filipino at Dayuhan

7.

Paano bibigyang kahulugan ang Universal Declaration of Human Rights o UDHR?

a)

Ito ay batas na nagsasaad ng mga karapatan ng mga bata upang maiwasan ang karahasan at diskriminasyon.

b)

Ito ay isang sulat na mula sa Presidente ng Amerika na naglalaman ng mga karapatan at responsibilidad ng mga dayuhang magpupunta sa kanilang bansa.

c)

Ito dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.

d)

Ito ay isang dokumento na pinirmahan ng mga pinuno ng bawat bansa upang ipatupad ang mga karapatang pantao sa kanilang mga pinamumunuang mga bansa.

8.

Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

a)

Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.

b)

Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.

c)

Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.

d)

Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.

9.

Sa kabilan ng kakapusan at kahirapan na nararanasan ng pamilya ni Jenny, pinagsusumikapan ng kanyang mga magulang na sila ay makapasok sa paaralan araw-araw kahit pamasahe lamang ang kanilang dala.

Anong karapatan pantao ang tinatamasa ni Jenny?

a)

Karapatang maisilang

b)

Karapatan sa edukasyon

c)

Karapatang makapaglibang

d)

Karapatang maihayag ang sariling saloobin

10.

Si Mang Kiko ay isa sa mga tao napaslang ng walang paglilitis dahil siya ay inaakusahan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Anong karapatang pantao ang nalabag kay Mang Kiko?

a)

Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga kalupunang mala-panghukuman at sa sapat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan.

b)

Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.

c)

Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga kontrata.

d)

Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.

11.

Sila ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan dito sa Pilipinas.

a)

Amnesty International Philippines

b)

Philippine Alliance of Human Rights Advocates

c)

Commission on Human Rights

d)

Philippine Human Rights Information Center

12.

Anong pandaigdigang organisasyong nagbibigay-

proteksiyon sa karapatang pantao ang makikita sa larawan?

a)

Amnesty International

b)

Global Rights

c)

Asian Human Rights Commission

d)

Human Rights Action Center

13.

Ano ang motto ng organisasyong Amnesty International?

a)

"The rights of every man are diminished when the rights of one man are threatened."

b)

"To deny people their human rights is to challenge their very humanity."

c)

“It is better to light a candle than to curse the

darkness”.

d)

"All Human, All Equal"

14.

Anong pandaigdigang organisasyong nagbibigay-

proteksiyon sa karapatang pantao ang makikita sa larawan?

a)

African Commission on Human and People’s Rights

b)

Global Rights

c)

Philippine Human Rights Information Center

d)

Amnesty International

15.

Punan ang patlang ng nawawalang salita upang mabuo ang kahulugan ng acrononym na PAHRA- Philippine Alliance of Human Rights _____________________

a)

Association

b)

Advocacy

c)

Assimilation

d)

Advocates

16.

Ano ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng

mamamayan sa aspetong politikal?

a)

Pagsunod sa batas

b)

Eleksyon

c)

Pagbabayad ng buwis

d)

Pagrespeto sa opinyon ng iba

17.

Si Yumi ay tatlongpung taong gulang at dalawapung taon ng naninirahan sa Pilipinas. Siya ay isang Tsino. Ano ang maaaring dahilan bakit siya ay diskwalipikado na makaboto ngayong darating na eleksyon?

a)

Siya ay gumawa ng isang krimen na labag sa batas.

b)

Siya naideklarang baliw ng eksperto

c)

Siya ay hindi mamamayang Pilipino.

d)

Siya ay wala pa sa hustong gulang upang makaboto.

18.

Si Gemma ay naideklarang "no read, no right person". Siya ba ay maaaring makaboto?

a)

Opo, dahil ito ay isinasaad ng batas.

b)

Hindi, dahil ipinagbabawal ang illiterate person na bumoto.

c)

Hindi, dahil hindi siya marunong humawak ng ballpen.

d)

Opo, dahil siya ay nasa tamang gulang na.

19.

Ang tumatakbong mayor na si Efren ay nagbibigay ng lagay sa kanyang nasasakupan upang siya ay kanilang iboto sa darating na eleksiyon. Tama ba ang kilos na ginawa ni Efren?

a)

Opo, dahil nakakatulong siya sa mga mahihirap.

b)

Hindi, dahil dapat hindi lang siya sa eleksyon magbigay ng lagay.

c)

Opo, dahil nagpapakita ito ng pagmamahal sa kanyang mga nasasakupan.

d)

Hindi, dahil hindi sa paraan ng lagay dapat kumukuha ng boto ang isang kandidato.

20.

Kaugnay sa tanong sa bilang 19, ano ang tawag sa kilos na ginawa ni Efren?

a)

Outreach Program

b)

Vote Buying

c)

Vote Donation

d)

Vote Selling

21.

Isang uri ng organisasyon na ang layunin ay makatulong sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran ng bansa.

a)

Haribon Foundation

b)

Operation Smile

c)

Sagip Kalikasan

d)

Save Nature, Save Earth

22.

Ano ang civil society?

a)

Ito ay sektor ng lipunan na hiwalay sa estado.

b)

Ito ay mga armadong grupo na nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.

c)

Ito ay mga armadong grupo na nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.

d)

Isang kilusan kung saan tumutuligsa sa mga masasamang gawain ng mga politiko.

23.

Punan ang patlang ng salitang katumbas na acrononym: Development, justice, and _____________ Non- Government Organizations

a)

Fairness

b)

Transparency

c)

Advocacy

d)

Association

24.

Punan ang patlang ng salitang katumbas na acrononym: Professional, _______________, and civic organizations

a)

Academic

b)

Genuine

c)

Autonomous

d)

Funded

25.

Ano ang layunin ng Traditonal NGO?

a)

Magbigay ng tulong pinansyal sa mga people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan.

b)

Magsagawa ng mga proyekto para sa mahihirap.

c)

Magbigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal at medikal na mga serbisyo

d)

Magtayo ng mga pabahay para sa mga mahihirap.

26.

Alin sa ibaba ang HINDI nagpapakita ng maayos na pamamahala?

a)

Mahusay na interaksyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan.

b)

Ang hindi pakikilahok ng mga mamayan sa mga gawaing politikal.

c)

Pagkakaroon ng pakialam ng mga tao sa eleksiyon, paglahok sa civil society, at pagkakaroon ng participatory governance.

d)

Paghahangad na magkaroon ng “sustainability” o pagpapanatili ng mga proyektong pinansiyal na tinustusan ng World Bank.

27.

Paano magaganap ang sustainable development ng isang bansa?

a)

Patuloy na “corruption” ng mga nasa matataas na opisyal sa gobyerno.

b)

Mga hindi natapos na programa ng gobyerno gaya ng mga di tapos na konkretong daanan.

c)

Hindi maayos na pangangasiwa sa national budget ng isang bansa.

d)

Pagkakaroon ng predictable and transparent framework of rules and institutions.

28.

Ang mga sumusunod ay mga indikasyon sa pagtataya ng good governance maliban sa:

a)

Pananagutang pinansiyal

b)

Transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory, at procurement process

c)

Weak governance

d)

Partisipasyan ng civil society sa mga pinaplano at isasagawang estratehiyang pangkaunlaran.

29.

Paano mailalarawan ang partnership bilang isa sa mga katangian ng good governance?

a)

hHndi kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala nang hindi kabilang ang lahat ng stakeholder nito, mapapubliko o pribado.

b)

Pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o mapanatili ang kanilang kagalingan.

c)

Nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatangpantao nang patas at walang kinikilingan.

d)

Nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa pagtukoy ng malawak at long term perspective para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao.

30.

Paano mailalarawan ang strategic vision bilang isa sa mga katangian ng good governance?

a)

hHndi kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala nang hindi kabilang ang lahat ng stakeholder nito, mapapubliko o pribado.

b)

Pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o mapanatili ang kanilang kagalingan.

c)

Nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatangpantao nang patas at walang kinikilingan.

d)

Nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa pagtukoy ng malawak at long term perspective para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao.