NEW
Font size
WorksheetsAP10 Q4
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay mas kilala bilang:
karapatang pantao
pagkamamamayan
gawaing pansibiko
mabuting pamamahala
Saang bahagi ng Saligang Batas ng 1987 ipinaliliwanag ang mga probisyon ukol sa mga tunay na mamamayang Pilipino?
Artikulo 7
Artikulo 6
Artikulo 5
Artikulo 4
Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na Pilipino?
Mga naging mamamayan ayon sa batas
Ang ama ni Rachelle ay mamamayan ng Pilipinas
Mamamayan ng Pilipinas si Abdul nang pagtibayin ang Saligang Batas ng 1987
Isinilang noong Enero 15, 1995 si Mich. Ang kaniyang ina ay Pilipino. Pinili niya ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
Ang ama at ina ni Mark ay kapwa Pilipino subalit ipinanganak at lumaki siya sa California. Si Mark ay:
walang pagkamamamayan.
mamamayang Pilipino lamang.
mamamayang Amerikano lamang.
parehong mamamayang Pilipino at Amerikano.
Nakapangasawa ng isang Australian si Via at nagdesisyon silang sa Australia na manirahan. Madalas pa rin siyang umuwi sa Pilipinas upang dalawin ang kaniyang mga magulang at kapatid sa Nueva Ecija at para na rin magbakasyon. Ano ang pagkamamamayan ni Via?
Australian, sapagkat sa Australia na siya naninirahan
Australian, sapagkat nakapangasawa na siya sa Australia
Pilipino, sapagkat hindi naman niya itinakwil ang kanyang pagkamamamayan
Pilipino, sapagkat madalas pa rin naman siyang umuwi sa Pilipinas para dalawin ang kanyang pamilya at magbakasyon
Binibigyan ng pagkakataon ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa na maging mamamayang Pilipino muli sa pamamagitan ng naturalisasyon. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship). Ang batas na ito ay kilala bilang:
Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 1993
Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 1998
Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003
Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2008
Likas o katutubong Pilipino si Chris dahil:
siya ay ipinanganak sa Pilipinas
dumaan siya sa proseso ng naturalisasyon
pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino
pinagkalooban siya ng hukuman ng pagkamamamayang Pilipino
Dahil ang ama ni Marlon ay Pilipino, Pilipino rin siyang maituturing. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:
jus soli
jus civile
jus naturale
jus sanguinis
Dahil sa United States of America ipinanganak si Diego, lumalabas na siya ay mamamayang Amerikano. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:
jus soli
jus civile
jus naturale
jus sanguinis
Isa sa pinakamahalagang aspekto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang:
pagkakabit-bisig upang isulong ang mga pansariling interes
pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan
pagsasama-sama ng mga indibiduwal upang ipagtanggol ang interes ng pangulo
pagkakaisa ng mga mamamayan upang magkaroon ng isang malakas na pamahalaan
Ang aktibong pagkamamamayan ay:
nakakahon lamang sa pagsunod sa mga batas
pakikialam sa mga isyung direkta lamang na nakaaapekto sa kanila
maipakita sa pagsunod lamang sa lahat ng mga ipinag-uutos ng pamahalaan
maaaring isagawa ng mga indibiduwal sa kani-kanilang mga pamayanan sa iba’t ibang mga paraan
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan maliban sa:
pagpaparaya o tolerance
paninidigan para sa sariling kapakanan
lakas ng loob na ipagtanggol ang isang pananaw
paggalang sa katarungan, demokrasya at rule of law
Nagpalabas si Pangulong Manuel L. Quezon noong 1939 ng mga panuntunang sibiko at etika na ituturo sa lahat ng mga paaralan sa bisa ng Executive Order No. 217. Ito ay kilala sa tawag na:
Kodigo ng Pagka-Pilipino at Kabutihang Asal
Kodigo ng Pagkamamamayan at Kabutihang Asal
Kodigo ng Pagkamakabayan at Kagandahang Asal
Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal
Ang pinakamahalagang asal na dapat nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon ayon kay Pangulong Quezon ay:
mahalin at igalang ang iyong mga magulang
magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa
tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan
mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao
Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging aktibong mamamayan maliban sa:
pananagutan at gampanin natin bilang mamamayan ng bansa
pagpapabuti at pagpapa-angat ng antas ng ating pamumuhay
pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa atin ay lubhang mahalaga tungo sa kabutihang panlahat
pagsunod at pagtalima sa mga utos ng pamahalaan ang pinakakongkretong manipestasyon ng aktibong pagkamamamayan
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?
Kakambal ito ng ating mga tungkulin.
Proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso
Kailangan nating tuparin ang Saligang Batas
Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya
Ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang ay kilala bilang:
karapatang sibil
karapatang pantao
karapatang politikal
karapatang sosyo-ekonomik
Pinagtibay ang dokumentong ito noong 1948 upang kilalanin ng mga pamahalaan ang kanilang obligasyon na siguraduhing lahat ng mga tao: mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula sa anumang lahi at relihiyon, ay tatratuhin nang pantay.
Optional Protocols
International Bill of Rights
Universal Declaration of Human Rights
Bill of Rights, 1987 Philippine Constitution
Mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao sapagkat:
iniiwasan nito ang diskriminasyon
itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao
pinangangalagaan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas
sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao
Ang Universal Declaration of Human Rights ay binubuo ng __ karapatang pantao.
20
30
40
50
Nakaranas ng torture si Alex dahil isa siya sa mga suspek sa pambobomba sa kanilang lalawigan. Bukod pa rito, dumanas siya ng ‘di makataong mga kaparusahan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
karapatan sa buhay
kalayaan mula sa pagpapahirap
kalayaan mula sa di makatuwirang pagdakip
karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis
Dahil sa kalagayang pinansiyal, ayaw nang pag-aralin si Irish ng kanyang mga magulang. Bukod pa rito, siya ang inaasahan ng kanyang ina na mag-aalaga sa nakababatang kapatid habang ito ay tumutulong sa kanyang asawa sa paghahanap-buhay. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
karapatan sa edukasyon
kalayaan mula sa pang-aalipin
kalayaan mula sa diskriminasyon
karapatan sa pamamahinga at paglilibang
Saang probisyon ng Saligang-Batas ng 1987 nakasulat ang Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights)?
Artikulo II
Artikulo III
Artikulo IV
Artikulo V
Ang sumusunod ay mga uri ng karapatan sa Pilipinas maliban sa:
natural rights
political rights
statutory rights
constitutional rights
Ang sumusunod ay halimbawa ng constitutional rights maliban sa:
kalayaan sa relihiyon
karapatan sa minimum wage
karapatan sa wastong kabayaran
malayang pagdulog sa mga hukuman
Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Bill of Rights sa Saligang-Batas ng 1987?
Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan
Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan
Ang lalabag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan ayon sa batas
Nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan ng isang demokratikong Estado
Ang mga akusado o nasasakdal sa isang kaso ay may mga karapatan pa rin dahil:
ito ay nakatadhana sa Saligang Batas
ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan
sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa
sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala
Ang ahensiya ng pamahalaan na pangunahing nangangalaga sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas ay ang:
Supreme Court
Department of Justice
Philippine National Police
Commission on Human Rights
Alin sa sumusunod ang hindi responsibilidad at pananagutan ng Estado at mga taong nanumpa sa tungkulin bilang mga duty bearers ng karapatang pantao ng mga mamamayan?
Tuparin ang mga ito
I-respeto ang mga ito
Angkinin ang mga ito
Proteksiyonan ang mga ito
Kanino ka dapat magrereklamo kapag bahagi ng gobyerno ang mismong nang-abuso sa mga karapatan mo?
CHR
korte
militar
pulis
Ito ang salitang ginagamit upang pormal na tukuyin ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan.
Estado
indibiduwal
kagalingan
sibiko
Ang kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapuwa ay nakapaloob sa konsepto ng:
karapatang pantao
gawaing pansibiko
kamalayang pansibiko
aktibong pagkamamamayan
Ang sumusunod ay ang mga pangunahing layunin ng social enterprises maliban sa:
kumita nang malaki
lumikha ng trabaho
mapababa ang antas ng kahirapan
mapabuti at mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga pamayanan
Ang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang legal na uri ng negosyo na nagsasagawa ng mga gawaing pangkabuhayan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap na tao ay tinatawag na:
social businesses
social enterprises
social organization
corporate social responsibility
Alinsunod sa Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang sumusunod ay halimbawa ng disadvantaged sectors maliban sa:
mga biktima ng mga kalamidad at sakuna
indigenous peoples at mga pamayanang kultural
mga manggagawa sa impormal na sektor at mga migranteng manggagawa
mga taong nahihirapang matugunan ang kanilang mga pangangailangan
Saang probisyon ng Saligang Batas ng 1987 nakasulat ang mga karapatan sa halal?
Artikulo II
Artikulo III
Artikulo IV
Artikulo V
Bakit mahalaga ang pagboto?
Naitatakda ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan
Nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang Pilipino
Nakapipili ang mamamayan ng mga matitino at mahuhusay na opisyal ng pamahalaan
Naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal
Ayon sa resulta ng International Social Survey Programme (ISSP) Citizenship Survey na isinagawa noong 2004, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino?
pagboto
wastong pagbabayad ng buwis
laging pagsunod sa batas
pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan
Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa Estado na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga voluntary organizations.
civil society
social enterprises
people’s organizations
non-governmental organizations
Saang bahagi ng Artikulo II o pahayag ng mga simulain at mga patakaran ng Estado kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga civil society sa kagalingan ng bansa?
Seksiyon 13
Seksiyon 18
Seksiyon 23
Seksiyon 28
Ito ang uri ng voluntary organization na naglalayong isulong at pangalagaan ang interes ng mga kasapi nito kung saan nahahanay ang mga cause-oriented group at sectoral group.
civil society
social enterprises
people’s organizations
non-governmental organizations
Ang sumusunod ay halimbawa ng people’s organizations maliban sa:
Bantay-Kalikasan
Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas
Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators
Samahan ng mga Magsasaka, Kababaihan at Kabataan sa Burgos
Ito ang uri ng voluntary organization na naglalayong suportahan ang mga programa ng mga sectoral at cause-oriented group.
civil society
social enterprises
people’s organizations
non-governmental organizations
Mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga non-governmental organizations ang pagkonsulta sa kanila ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mga programang ilulunsad nito. Isa ito sa mga mahahalagang probisyon ng:
Saligang Batas ng Pilipinas
Local Government Code of 1991
Social Reform and Poverty Alleviation Act
Poverty Reduction through Social Entrepreneurship
Bakit mahalaga ang mga civil society sa Pilipinas?
Mas napaghuhusay ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.
Binibigyan nito ang mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng bansa.
Nasisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin
Mas nakatutugon ang pamahalaan sa mga suliranin at problemang kinakaharap ng mga mamamayan sa tulong ng iba’t ibang samahan
Ito ay tumutukoy sa interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations at mga partido politikal.
administrasyon
gobyerno
pamahalaan
pamamahala
Upang mapag-aralan ang estado ng demokrasya sa 167 na bansa sa mundo, ginagamit ang panukat na ito.
political index
democracy index
consumer price index
corruption perceptions index
Sa isinagawang 2019 Democracy Index, ang Pilipinas ay lumabas na nasa:
49th sa buong mundo
54th sa buong mundo
59th sa buong mundo
64th sa buong mundo.
Sa kabila ng pagkakaroon ng demokrasya sa Pilipinas, itinuturing na flawed democracy ang umiiral sa bansa dahil sa:
hindi nagkakaroon ng malayang halalan
mahinang politikal na pakikilahok ng mga tao
hindi matalinong pagboto ng mga mamamayan
mababang pagpapahalaga sa karapatan ng mga tao
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng posisyon sa pamahalaaan upang palaganapin ang pansariling interes.
korapsiyon
pagnanakaw
pandarambong
pang-aabuso
Sa isinagawang Corruption Perception Index noong 2019, lumabas na ang bansang may pinakamababang marka sa buong mundo pagdating sa pamamahala ng katiwalian ay ang:
Kenya
Pilipinas
Senegal
Somalia
Noong 2019, nakakuha ang Pilipinas ng markang 34/100 sa Corruption Perception Index. Sa buong mundo, tayo ay nasa:
103rd na puwesto
113rd na puwesto
123rd na puwesto
133rd na puwesto
Ang sumusunod ay maituturing na dahilan ng mababang ranggo ng mga bansa sa Asya-Pasipiko pagdating sa laganap na katiwalian maliban sa:
lumiliit na espasyo para sa civil society
hindi pagiging accountable ng pamahalaan
hindi pagiging transparent ng pamahalaan
kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan
Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
governance
civic governance
good governance
participatory governance
Ang sumusunod ay bunga nangg maayos na ugnayan at interaksiyon ng pamahalaan, civil society organizations at corporate sector maliban sa:
mahusay na makagawa ng mga polisiya
matukoy ang mga nararapat na prayoridad
mailaan nang mabuti ang mga pinagkukunang-yaman
makalikom ng sapat na pondo para sa iba’t ibang proyekto
Ito ay isang pandaigdigang institusyong pinansiyal na nagpapautang sa mga papaunlad na bansa o developing countries kagaya ng Pilipinas.
World Bank
Asian Dvelopment Bank
International Monetary Fund
Development Bank of the Philippines
Ang mabuting pamamahala ang isa sa mga salik na nakaaapekto sa mabuting paggamit ng mga resources upang mabawasan ang antas ng kahirapan sa isang bansa. Ang sumusunod ay indikasyon ng good governance maliban sa:
partisipasyon ng mga civil society
pagkakaroon ng financial accountability
paggalang sa mga karapatang pantao
transparency sa mga prosesong pampamahalaan
Isa ito sa mga katangian ng mabuting pamamahala na nakaugat sa malayang pagdaloy ng mga impormasyon para sa mga tao.
accountability
participation
responsiveness
Transparency
Ito ay tumutukoy sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng transaksiyon, proseso, desisyon, at ulat ng pamahalaan.
katapatan
katarungan
kapanagutang sibiko
kapanagutang politikal
Binigyang-diin ang kapanagutan at katapatan ng mga pampublikong opisyal ng pamahalaan sa Saligang Batas ng 1987 partikular sa:
Artikulo VIII
Artikulo IX
Artikulo X
Artikulo XI
