wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 7 Summative Test

Total questions: 100

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali'y nagwika, "Inay, igagalang ko ang gusto mo." Ano ang kahulugan ng salitang naumid?

a)

di-nakaimik

b)

di-nakapagsalita

c)

di-nagulat

d)

di-nabahala

2.

Lingid sa kaalaman ng marami, may kapangyarihan ang binatang makipag-usap sa mga hayop at insekto. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

hindi alam ng lahat

b)

inilihim sa tao

c)

alam na alam na ng lahat

d)

ipinagsabi sa tao

3.

Ano ang denotasyong kahulugan ng salitang bola?

a)

laruan

b)

bato

c)

pahayag

d)

nalaman

4.

Ano naman ang konotasyong kahulugan ng bola kapag ginamit sa pangungusap na: "Ayaw ko ng bola", pahayag ng dalaga sa isang manliligaw.

a)

laruan

b)

bato

c)

niloloko

d)

binibiro

5.

Ang pamimilit ni Alunsina kay Tungkong Langit na siya'y makalikha rin ng mga bagay na nalilikha ng kaniyang asawa ay nagdulot sa kanila ng di-pagkakaunawaan. Ano ang sinisimbolo ng paglikha na nais gawin ni Alunsina?

a)

pagtakas

b)

paghahanapbuhay

c)

pakikipaghiwalay

d)

pakikipagtunggali

6.

Paano naiiba ang awiting-bayan sa bulong?

a)

isang panalangin

b)

nilalapatan ng himig

c)

paulit-ulit na binubulong

d)

ginagamit sa ritwal

7.

Anong uri ng tuluyan ang nagsasalaysay na ang kariniwang paksa ay buhay ng tao na nangyayari araw-araw na nag-iiwan ng isang kakintalan?

a)

nobela

b)

maikling kuwento

c)

sanaysay

d)

dula

8.

Anong uri ng akdang tuluyan ang binubuo ng mga yugto at kailangang itanghal sa tanghalan?

a)

awiting-bayan

b)

maikling kuwento

c)

nobela

d)

dula

9.

Anong akdang pampanitikan ang nagsasalaysay ng pinagmulan ng tawag ng isang bagay?

a)

tula

b)

maikling kuwento

c)

alamat

d)

epiko

10.

Ano ang taglay na katangian ng ilang tauhan sa isang epiko na ikinaiiba nito sa iba pang akdang pampanitikan?

a)

naiibang pagkilos at pagsasalita

b)

nakikipaglaban hanggang sa mamatay

c)

nagtataglay ng kapangyarihan

d)

naglalakabay sa malayong lugar

11.

"Tabi-tabi, Ingkong kami po'y nakikiraan lamang.'' Anong kapisipan ang ipinakikita sa bulong na ito?

a)

Nagpapakita ng pagkamagalang sa taong kausap.

b)

Nagpapakita ng paggalang sa mga di nakikita.

c)

Nagpapasintabi sa mga dinaraanan.

d)

Naniniwala sa mga di nakikita.

12.

Ano ang katangiang nangingibabaw sa tauhang si Fel sa dulang Patria Amanda?

a)

pagiging matiyaga

b)

pagiging matalino

c)

pagiging mabait

d)

pagiging masipag

13.

Anong pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa pahayag ni Prinsesa Talisay na, "aking Amang Hari, kung ako na lamang ang tanging pag-asa upang matigil ang pamiminsala ng ulupong, ako po ay pumapayag na maging alay?"

a)

pagpapahalalaga sa pamilya

b)

pagpapahalaga sa kapuwa

c)

pagpapahalaga sa kalikasan

d)

pagmamahal sa sarili

14.

Katulad ng ibang akdang pampanitikan, nagpasalin-salin ang mga epiko ng iba't ibang lugar mula sa kanilang ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy ang pagbabahagi ng mga akdang pampanitikan katulad ng epiko?

a)

Nagpapakita ng kultura ng lugar na pinagmulan nito.

b)

May mga pakikipaglabang nagaganap.

c)

Magkakaroon ng pagkakataon na mabasa rin ng kabataan sa kasalukuyan.

d)

Malaman kung sino ang itinuturing na mga bayani noong unang panahon.

15.

Alin sa mga katangian ng tauhan ng epiko ang dapat tularan ng isang kabataang tulad mo?

a)

pagkakaroon ng kapangyarihang di kapani-paniwala

b)

pagiging malakas sa pakikipaglaban

c)

pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pagharap sa mga pagsubok

d)

paggamit ng dahas upang makuha ang gusto o naisin

16.

Paano maipakikita ang pagpapahalaga ng mga akdang pampanitikan katulad ng epiko?

a)

Pagbabasa ng akda tuwing oras ng asignautrang Filipino lamang

b)

Pagbabahagi ng mga mensahe ng akda sa kapuwa

c)

Pagbubuo ng katulad na akda nang may sariling bersiyon nito

d)

Panghihikayat sa kapuwa mag-aaral na basahin at unawain ito

17.

"Gusto ko ay dito ka lang sa bahay magpaganda", ani Tungkong Langit. Ano ang masasalamin na katangian ni Tungkong Langit?

a)

mapagmahal na asawa

b)

mapagbigay na kabiyak

c)

mabilis magdesisyon

d)

mahigpit sa mga dapat gawin

18.

Basahin at unawain ang halimbawa ng awiting-bayan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong.

Sagwan, tayo'y sumagwan

Ang buong kaya'y ibigay.

Malakas ang _________

Baka tayo'y tanghaliin,

Pagsagwa'y pagbutihin.

Alin ang angkop na salita upang mabuo ang awiting-bayan?

a)

hangin

b)

akin

c)

tingin

d)

awitin

19.

Anong bahagi ng akda ang makikita sa pangungusap na: "Mula noon ang bundok ay pinangalanang Kanlaon bilang pag-alala sa katapangan ni Kan at kabaitan ni Haring Laon"?

a)

wakas

b)

resolusyon

c)

kasukdulan

d)

simula

20.

Sa pahayag na: "Di hamak na matangkad si Romeo sa kaniyang kapatid," anong uri ng pang-uri ang sinalungguhitan sa pangungusap?

a)

palamang

b)

pasahol

c)

magkatulad

d)

pasukdol

21.

Anong antas ng wika ang pinakagamitin sa kabataan na nasa paaralan o walasa paaralan?

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

masining

22.

Anong pahayag o kataga ang ginagamit upang makatulong sa pag-uugnay ng mga kaisipan o pangyayari?

a)

pahayag sa paghahambing

b)

panghalip na anaporik at kataporik

c)

pang-ugnay sa paglalahad at pagsasalaysay

d)

pang-ugnay sa mga pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

23.

Ang pahayag na: "Noong unang panahon, ang esatado ng kababaihan ay talagang naiiba sa kasalukuyan." Paano ginamit ang pang-ugnay na may salungguhit?

a)

pagkukuwento

b)

paglalarawan

c)

pagpapatotoo at panghihikayat

d)

pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

24.

Sa pahayag na "Marami sa ilaw ng tahanan ang nangingibang bansa para kumita", anong antas ng wika ang ginamit sa nakasalungguhit na mga salita?

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

pampanitikan

25.

Ano ang layon ng paggamit sa pangungusap ng mga pangatnig na: sa totoo lang, tunay, talaga?

a)

pagpapatotoo at panghihikayat

b)

pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

c)

paglalahad ng paksa

d)

pagbibigay ng buod

26.

"Siguradong matutuwa ang kabataan kung maglalagay ng free wifi sa lahat ng pampublikong lugar." Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?

a)

kung

b)

siguradong

c)

sa lahat

d)

ng

27.

Alin ang angkop na kahuluhan sa pahayag na, "maraming bata ang iniwan ng magulang."

a)

bubukod ng tirahan

b)

dahil sa hirap ng buhay

c)

dahil akala iyon ay pawang pang-aapi

d)

dahil iisa lamang sila sa mundo

28.

Ano ang salitang-ugat ng salitang pinagbilinan?

a)

bilin

b)

bili

c)

pinag

d)

bilinan

29.

Sa pahayag na, "Bilmoko ng bagong gamit," Anong antas ng wika ang salitang may salungguhit?

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

pampanitikan

30.

Aling pang-ugnay ang maaaring iangkop sa pangungusap na "Takot na takot si Lucy nang sumakay sa taksing nakaparada sa harap ng bahay. ________tinatambol ang dibdib niya."

a)

anupat

b)

datapuwat

c)

kundi lang

d)

palibhasa

31.

Magandang tamnan ang mangga ang lupain ng Guiamaras dahil sa mas mataba ang lupa dito. Anong pang-uri sa paghahambing ang ginamit sa pangungusap?

a)

maganda

b)

lupa

c)

mas mataba

d)

tamnan

32.

Dugtungan ng salita o parirala ang taludtod sa bawat bilang upang mabuo ang halimbawang bulong.

Batang maganda ____________.

a)

ikaw ay mag-ingat

b)

tumabi-tabi ka

c)

kumain nang mabuti

d)

maligo araw-araw

33.

Dugtungan ng salita ang o parirala upang mabuo ang halimbawang bulong.

Baka ikaw ay _________

a)

mapahamak

b)

masaktan

c)

magtagumpay

d)

magmadali

34.

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong sumulat ng isang alamat sa inyong lugar, anong uri ng teksto ang iyong isusulat?

a)

nangangatuwiran

b)

naglalarawan

c)

naglalahad

d)

nagsasalaysay

35.

Paano masasalamin ang kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan sa awiting-bayang: "Ang nuno nating lahat, sa kulog di nasndak"?

a)

nagpapahayag ng katapangan ng ating mga ninuno

b)

kahit kulog ay haharapin ng ating mga ninuno

c)

nagpapakita na kailangang makipagpaligsahan sa kulog

d)

nagpapahayag na pahalagahan ang kalikasan

36.

Ang sumusunod ay mga gabay sa pagsulat ng alamat. Alin ang HINDI dapat gawin?

a)

paggamit ng mayamang imahinasyon

b)

limitahan sa isang pangunahing tauhan lamang

c)

pagtalakay sa pinagmulan ng paksang isusulat

d)

pagkakasunod-sunod ng pangyayari

37.

Ano ang tulang nagpapahayag ng buhay ng mga tsuper at ng mga pasahero sa dyip, bus at iba pang transportasyon?

a)

tugmang padula

b)

tugmang patula

c)

tugmang tuluyan

d)

tugmang de gulong

38.

Ano naman ang sinasambit bilang pagbibigay-galang sa makapangyariang espiritu upang hindi sila magalit o manakit, gayundin bilang pagpapahalaga sa kakaibang bagay at mahalagang pook?

a)

bulong

b)

himno

c)

panalangin

d)

papuri

39.

Anong uri ng tula ang naglalarawan ng mga pang-araw-araw na gawain ng mga tao sa isang lugar?

a)

bugtong

b)

tulang dula

c)

awiting-bayan

d)

tulang panudyo

40.

Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig kapag binibigkas?

a)

antala

b)

diin

c)

hinto

d)

intonasyon

41.

Kung ikaw ay bibigkas ng tula at gagamitin ang ponemang suprasegmental sa pagmamarka kung paano ito bibigkasin, ano ang dalawang magiging pokus sa pagmamarka?

a)

damdamin

b)

antala/hinto

c)

kaisipan

d)

tono o intonasyon

42.

Ano ang ipinahahayag ng pangungusap na, "harinawa'y makapasa ka sa pagsusulit?"

a)

pagbibigay ng pag-asa

b)

paghihintay

c)

pagmamalasakit

d)

pagpapaalaala

43.

"Ang laki ng iyong pinayat!" Ano ang tono ng pangungusap na ito?

a)

nagpupuri

b)

nanunudyo

c)

nagdududa

d)

pumupuri

44.

Ano ang isa sa matandang uri ng panitikan sa Pilipinas na ang karaniwang tauhan ay higante, duwende, ada, hari, reyna, at prinsesa at iba pang kakaibang nilikha?

a)

alamat

b)

epiko

c)

kuwentong-bayan

d)

mito

45.

Ano ang bahaging dapat pumukaw sa interes ng mga mambabasa upang maging epektib ang isang akda?

a)

katawan

b)

pamagat

c)

panimula

d)

wakas

46.

Anong kasanayan sa pagbasa ang nalilinang kapag nagpapaliwanag o nagbibigay ng kahulugan sa tulong ng pahiwatig?

a)

paghihinuha

b)

pag-uugnay ng implikasyon

c)

pagbibigay ng kongklusyon

d)

pagbibigay ng opinyon

47.

_______ malaki ang epekto nang labis na paggamit ng internet subalit sa kalaunan ay nahuhumaling na sila rito. Ano ang salitang naghihinuha ang gamit sa pangungusap?

a)

dahil sa

b)

sa simula

c)

sa aking palagay

d)

walang ano-ano'y

48.

_________ napatunayan na ang bisa ng malunggay bilang halamang-gamot. Alin ang angkop na pananda ang dapat ipuno sa patlang?

a)

sa huli

b)

kasunod

c)

pagkatapos

d)

sa simula pa lamang

49.

Anong uri ng midya ang may kapangyarihang pakilusin ang biswal na pandama at lumilinang ng pagkamalikhain sa pakikinig?

a)

pelikula

b)

radyo

c)

teatro

d)

telebisyon

50.

Ano ang tinatawag na sine totoo na matapat na inilalahad ang mga pangyayari sa ating lipunan?

a)

balita

b)

dokumentaryo

c)

investigative journalism

d)

pelikula

51.

"Lagi siyang nakadikit sa isang sulok. Nakaupo na'y tila ipinagkit." Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhiatan?

a)

idinidikit ang upuan

b)

hindi inaalis ang upuan

c)

hindi tumitigil sa kinauupuan

d)

hindi umaalis sa kinauupuan

52.

Ang tawag sa paraan ng pagsasalaysay ng isang kuwento na ginagawa sa pamamagitan ng malikhaing paraan?

a)

masining na paglalahad

b)

masining na pagsasadula

c)

masining na pagkukuwento

d)

masining na pagmomonologo

53.

Nahuli ang anunsiyo ng suspensiyon ng klase ngunit nakaalis na ako ng bahay kaya naipit _______ sa matinding baha. Ano ang angkop na panghalip na dapat gamitin sa pangugusap?

a)

ako

b)

kami

c)

siya

d)

sila

54.

Ano ang panghalip na nasa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan ay binanggit sa hulihan ng pangungusap?

a)

anaporik

b)

kataporik

c)

modal

d)

pasaklaw

55.

Ano ang tawag sa pagbabalita sa pamamagitan ng isang one-way wireless transmission mula sa mga himpilan ng radyo papunta sa mga tumatangkilik dito?

a)

print media

b)

radio broadcasting

c)

TV broadcasting

d)

internet live streaming

56.

Ano ang kahulugan ng dugong-bughaw?

a)

mayaman

b)

nakaririwasa

c)

may kaya sa buhay

d)

maharlika

57.

Namangha ang magulang ng dalaga kaya't itinakda nila ang kasal ng dalawa. Masaya ang naging buhay ng mag-asawa. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?

a)

nagulat

b)

namatanda

c)

nabighani

d)

nabigla

58.

Alin sa sumusunod na akda ang hindi maituturing na kuwentong-bayan?

a)

Si Juan Tamad at ang mga Palayok

b)

Si Pilandok at ang Batingaw

c)

Indarapatra at Sulayman

d)

Kuwento ng Ulan at Araw

59.

Lahat ay katangian ng pabula, maliban sa isa, alin ito?

a)

kapupulutan ng aral

b)

ang tauhan ay mga hayop

c)

mga pangyayaring di-makatotohanan

d)

tungkol sa pinagmulan ng mga bagay

60.

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang pinuno?

a)

magandang kumilos

b)

may matipunong pangangatawan

c)

mahusay mamuno at magdesisyon

d)

mapagkawanggawa

61.

Ano ang akdang pampanitikang may supernatural na katangian ang mga tauhan?

a)

sanaysay

b)

epiko

c)

anekdota

d)

pabula

62.

Anong akdang pampanitikan na ang karaniwang tauhan ay mga hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang mga tao?

a)

parabula

b)

pabula

c)

dagli

d)

maikling kuwento

63.

Ano ang nangingibabaw na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko?

a)

matapang

b)

nakahihigit ang lakas sa karaniwang tao

c)

bantog

d)

may mabuting kalooban

64.

Ano ang karaniwang wakas ng pabula?

a)

nagbibigay-aral

b)

nagtatanong

c)

iniiwan sa mambabasa ang pagwawakas

d)

nangangaral

65.

Pinatunayan ng binata ang kaniyang pag-ibig sa dalaga _______ nakuha niya ang matamis na oo ng dalagang sinisinta. Anong pang-ugnay ang angkop na ginamit sa pangungusap?

a)

sapagkat

b)

kaya

c)

upang

d)

dahil

66.

Ang batang naparawal sa ina ay nangungulila sa pagmamahal. Alin sa sumusunod na salita ang kasingkahuluga ng naparawal?

a)

napaaway

b)

napahiwalay

c)

napagalitan

d)

napagsabihan

67.

Hiniling ng ermitanyo na wala sanang maglilo sa kanilang magkakapatid. Ano ang KASALUNGAT na kahulugan ng maglilo?

a)

magpakabait

b)

maging matapat

c)

magpakabanal

d)

maging masunurin

68.

Ang kaharian ng Berbanya ay bayang pinanggalingan ng tatlong prinsipe. Alin ang katumbas na kahulugan ng kaharian?

a)

simbahan

b)

probinsya

c)

palasyo

d)

pari

69.

Alin sa sumusunod ang salitang-ugat ng nababagabag?

a)

aba

b)

baga

c)

aga

d)

bagabag

70.

Hindi dapat malihis ang landas ng sinumang kabataan upang makatulong sa pag-unlad ng bayan. Ano ang ibig sabihin ng malihis?

a)

maligaw ng landas

b)

matigil ng pag-aaral

c)

mawala sa sarili

d)

manisi ng mga tao

71.

Napakarikit niya kaya siya ang itinanghal na mutya ng aming paaralan. Ano ang ibig sabihin ng napakarikit?

a)

napakabait

b)

napakatanyag

c)

napakaganda

d)

napakamaunawain

72.

Nakatutulong ang pananalig sa Diyos sa pagharap ng mga sigwang dumarating. Ano ang ibig sabihin ng sigwa?

a)

bagyo

b)

panganib

c)

pagsubok

d)

kalamidad

73.

Alin sa mga salitang magkapares ang magkasingkahulugan?

a)

mayumi-matikas

b)

nagsikhay-nagsikap

c)

napawi-natigil

d)

maayos-tahimik

74.

Anong uri ng tulang pasalaysay ang may sukat na labindalawahin, mabilis na binibigkas at ang mga tauhan ay mga prinsipe at prinsesa o hari at reyna?

a)

balada

b)

awit

c)

korido

d)

epiko

75.

Ito ang kahulugan ng pag-aaral ng IBONG ADARNA sa paghubog ng pag-uugali ng mga kabataan?

a)

Naglalaman ng kultura ng lugar na pinagmulan nito.

b)

Naglalaman ng pakikipagsapalaran ng mga tauhan.

c)

Naglalaman ng paalala tungkol sa magagandang pag-uugali

d)

Naglalaman ng kahusayan ng tatlng prinsipe (Don Pedro, Don Diego, Don Juan)

76.

Ano ang naging reaksiyon ng Ibong Adarna pagkakita niya kay Don Juan batay sa saknong na ito?

"Magkagayo'y ang Adarna,

namayagpagna sa hawla,

balahibong pangit niya,

hinalinhan ng maganda?"

a)

natuwa

b)

natulala

c)

nalungkot

d)

nagulat

77.

Ano ang ipinahihiwatig ng sumusunod na saknong?

"Itong bundok ng Armenya'y,

isang pook na maganda,

naliligid ng lahat na,

tanawing kaaya-aya."

a)

Malinis ang kapaligiran ng bundok Armenya.

b)

Maganda ang mga tanawing makikita sa bundok Armenya

c)

Kaaya-ayang mamuhay sa bundok Armenya.

d)

Lahat ng nanaisin mo sa buhay ay makikita sa bundok Armenya.

78.

Anong pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa kasunod na saknong?

"Sa Diyos dapat manawagan,

ang lahat ng nilallang,

ang sa mundo ay pumanaw,

tadhana ng kapalaran."

a)

katatagan

b)

pagtitiwala

c)

pananalig sa Diyos

d)

pagtulong sa kapuwa

79.

Anong damdamin ang namamayani sa kasunod na saknong?

"Nagkasakit at nakaratay,

di nagluwat at namatay,

nabigo ang karunungan

agawin ang kaniyang buhay."

a)

naiinis

b)

nalulungkot

c)

natutuwa

d)

nag-aalala

80.

Paano natalo ni Don Juan ang serpyente batay sa taludtod na?

"ulong isa ay natagpas,

ang serpyente ay nautas?"

a)

tinigpasniyaang espada

b)

ginamitan niya ng palaso at pana

c)

humingi siya ng tulong sa mga kapatid

d)

nanalangin siya sa Diyos na siya ay tulungan

81.

Anong ugali ang ipinakita niDonya Juana para sa isang kapatid na ipinahahayag ng kasunod na saknong?

"O, Don Juan aking sinta,

diyata't aalis katang,

dito ay maiiwan pa

ang bunso kung si Leonora?"

a)

pagpapakita ng pag aalala

b)

pagpapakita ng pagmamahal

c)

pagpapakita ng katapatan

d)

pagpapakita ng pagiging masunurin

82.

Anong gawi ng tao ang masasalamin sa kasunod na saknong?

"Ano pa nga't bawat hakbang

daraan sa kasunduan,

kaya iwas ang alila't

tiwasay ang pamumuhay."

a)

tapat sa mga sinasabi

b)

ibig na maayos ang lahat

c)

pinag-iisipang gwin ang lahat ng gagawin

d)

nakikipag-usap at nakikipagsundo upang tahimik ang buhay

83.

Alin sa sumusunod na elemento ang HINDI taglay ng korido?

a)

May sukat at tugma ang taluduturan

b)

Kapupulutan ng pagpapahalagang Pilipino

c)

Nagpapakita ng pinagmulan ng mga bagay-bagay

d)

May mga pangyayaring tungkol sa pakikipagsapalaran para sa pag-ibig

84.

Sa kaniyang pamamahala, ang kahariang malaya maginoo man o dukha, tumatanggap ng pagpapala. Anong klaseng hari si Haring Fernando?

a)

Sinusuri ang mayaman at mahirap

b)

Binibigyang pagpapala ang malaya

c)

Pantay sa pagbibigay ng mga biyaya

d)

Hinihiwalay ang maginoo sa pangahas

85.

Ano ang ipinakita ni Donya Leonora sa taludtod na?

"Tatlong taong paghihirap,

dusa'y sa awa ng Diyos."

a)

pag-asa

b)

pagsuko

c)

pagkainip

d)

pagtitiwala

86.

Ano ang ipinahihiwatig ni Haring Fernando sa kaniyang tinuran?

"Leonora sa iyong hingi,

walang tutol yaring budhi."

a)

pagtanggi

b)

pagsang-ayon

c)

pagbabala

d)

pagwawalang-bahala

87.

Paano nagtatagumpay si Don Juan sa bawat ginagawa o desisyon niya?

a)

tapat sa lahat ng ginagawa at iniisip

b)

laging taglay ang pagpapakumbaba

c)

laging humihingi ng gabay sa Panginoon

d)

ginawang gabay ang mga paalala ng mga magulang

88.

Ang dahilan kung bakit hindinagtagumpay sina Don Pedro at Don Diego sa paghuli ng Ibong Adarna?

a)

naligaw sila

b)

nakatulog sila

c)

hindi sila nagtiyaga

d)

hindi nila naabutan ang ibon

89.

Batay sa mga taludtod, sino ang tinutukoy na hari?

"Noong unang mga araw

sang-ayon sa kasaysayan,

sa Berbanyang kaharian

ay may haring hinahangaan."

a)

Salermo

b)

Conrado

c)

Fernando

d)

Bernardo

90.

Ano ang tawag sa taong lumayo at tumira sa isang liblib na lugar upang mamuhay nang tahimik at maging relihiyoso?

a)

hari

b)

reyna

c)

prinsipe

d)

ermitanyo

91.

Anong pangyayari sa kasalukuyang lipunan ang maihahalintulad sa nangyaring pagtataksil ng magkapatid kay Don Juan?

a)

pagiging makasarili

b)

di-pagkakasundo ng mga namumuno sa pamahalaan

c)

paghahangad ng isang bagay sa hindi magandang paraan

d)

pag-iral ng ugaling inggit sa magandang bagay na nagagawa ng isang tao

92.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita na walang inggit na nadarama?

a)

nagpapahamak ng kapuwa

b)

nagpapakita ng pagmamahal

c)

puwersang nakukuha ang gusto

d)

kahit kapatid ay ginagawan ng masama

93.

Ano ang layunin ng may akda sa pagdarasal bago niya isinulat ang obra maestrang Ibong Adarna?

a)

mapanatili ang kaayusan sa kapaligiran

b)

mapahalagahan ang kultura ng isang bansa

c)

maipakita ang iba't ibang pangyayari sa lipunan

d)

maipahayag nang wasto ang banghay ng kuwento

94.

Anong uri ng tauhan si Don Juan kung ang pag-uusapan ay ang kaniyang [ag-uugali mula sa simula hanggang sa katapusan ng korido?

a)

protagonista

b)

antagonista

c)

tauhang lapad

d)

tauhang bilog

95.

Paano nagwakas ang koridong Ibong Adarna?

a)

Nagkasundo ang magkakapatid

b)

Naging masaya si Donya Leonora

c)

Nagtagumpay na maging hari ang magkakapatid

d)

Nagpakasal at naging masaya sina Don Juan at Donya Maria Blanca

96.

Bilang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang malaman ang opinyon ng mga tao tungkol sa akdang Ibong Adarna?

a)

Magsasagawa ng sarbey

b)

Magsasagawa ng simposyum

c)

Magsasagawa ng pagtatanghal ng mga piling tagpo

d)

Babasahin at uunawain ang Ibong Adarna

97.

Anong pagtatanghal ang nagpapakita ng kahusayan sa pagganap bilang aktor at tagapagsalaysay?

a)

Fliptop

b)

Chamber Theatre

c)

Balagtasan

d)

Pagtatalumpati

98.

Anong pagganap ang nagpapakita ng ideya mula sa pinagsama-samang larawan na binibigyan ng pagpapakahulugan?

a)

imbentaryo

b)

scrapbook

c)

komiks istrip

d)

collage

99.

Anong gawaing pasulat ang angkop kung nais ipaliwanag ang kulturang Pilipino na matatagpuan sa isang akda?

a)

iskrip

b)

balangkas

c)

sanaysay

d)

talaarawan

100.

Sa gagawing pagtatanghal sa entablado, ano ang unang dapat isaalang-alang upang makapagtanghal nang maayos?

a)

aktor

b)

iskrip

c)

tagaganap

d)

tagapagsalaysay