wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO: LET Exam Reviewer (From Complete Folder)

Total questions: 120

Worksheet time: 1hrs 5mins

Name
Class
Date
1.

- pasalitang simbolo na ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook at pangyayari

(a)  

2.

PANGNGALAN

Ang pagbibigay ng katuturan ay batay sa KAYARIAN at GAMIT sa pangungusap ng unit ng wika na binibigyang kahulugan.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

PANGNGALAN

Isinasaalang-alang ang kahulugang tinutukoy o binibigay ng salitang binibigyang katuturan.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

PANGNGALAN

- ito ay tumutukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng wika; ang pangngalan dito ay karaniwang nasa salitang ugat o anuman pagbabago-bagong anyo nito ayon sa kung ito ay inuulit, nilalapian, o pinagtatambal

a)

Kayarian

b)

Uring Pansemantika

c)

Panggalang Pantangi

d)

Tahas

5.

PANGNGALAN - KAYARIAN

- ang BUHAY-BUHAY ay ___ ng salitang ugat ng BUHAY

a)

pag-uulit

b)

paglalapi

c)

pagtatambal

6.

PANGNGALAN - KAYARIAN

- ang KABUHAYAN ay salitang ugat na BUHAY na

a)

inulit

b)

nilapian

c)

tinambalan

7.

PANGNGALAN - KAYARIAN

- ang BUHAY-ALAMANG ay dalawang salitang ugat na

a)

inulit

b)

nilapian

c)

pinagtambal

8.

PANGNGALAN

- ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito ay isang pangngalan o kaya ay isang salitang gumaganap ng tungkulin ng tatlong pares ng mga katagang binanggit sa katuturan ay tinatawag na

a)

pangalan

b)

panghalip

c)

pananda

d)

pasimuno

9.

PANGNGALAN

Ang ng/ni at sa/kay ay pananda ng mga pangngalang nasa kaukulang palayon

a)

TAMA

b)

MALI

10.

PANGNGALAN

Ang ang/si ay pananda ng mga pangngalang na sa kaukulang palagyo

a)

TAMA

b)

MALI

11.

PANGNGALAN

- ang salita ay nagagamit na kasunod ng alinman sa mga katagang nabanggit upang makabuo ng

a)

pangungusap

b)

parirala

c)

layunin

d)

panaguri

12.

PANGNGALAN

- ang anyong maramihan ng ang/si ay ang

a)

mga/sina

b)

mga/nina

c)

mga/kina

13.

PANGNGALAN

- ang anyong maramihan ng ng/ni ay ang

a)

mga/sina

b)

mga/nina

c)

mga/kina

14.

PANGNGALAN

- ang anyong maramihan ng sa/kay ay ang

a)

mga/sina

b)

mga/nina

c)

mga/kina

15.

PANGNGALAN - MGA KLASIPIKASYON NG PANGNGALAN

- sa ilalim ng pag-uuri ng pangngalan na ito ay may dalawang paraan ng klasepikasyon: (1) kung ang pangngalan ay may DIWANG PANLAHAT o HINDI PANLAHAT at (2) kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang bagay na TAHAS o HINDI TAHAS

a)

Uring Pansemantika

b)

Pang-instruktura

c)

Pangngalan Pantangi

d)

Pangkayarian

16.

PANGNGALAN - PAG-UURING PANSEMANTIKA

- kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook o pangyayari

a)

pantangi

b)

pambalana

c)

tahas

d)

basal

17.

PANGNGALAN - PAG-UURING PANSEMANTIKA

- ito ay mga pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang diwa

a)

pantangi

b)

pambalana

c)

tahas

d)

basal

18.

PANGNGALAN - PAG-UURING PANSEMANTIKA

- pangngalang (a)   ay sinisimulan sa malaking titik kapag isinusulat

19.

PANGNGALAN - PAG-UURING PANSEMANTIKA

- pangngalang (a)   ay sinisimulan sa maliit na titik kapag isinusulat maliban kung simula ng pangungusap

20.

PANGNGALAN - PAG-UURING PANSEMANTIKA

- kung ang pangngalan tumutukoy sa bagay na materyal

a)

tahas

b)

palansak

c)

di-palansak

d)

basal

21.

PANGNGALAN - PAG-UURING PANSEMANTIKA

- uri ng pangngalang tahas na tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay

a)

tahas

b)

palansak

c)

di-palansak

d)

basal

22.

PANGNGALAN - PAG-UURING PANSEMANTIKA

- uri ng pangngalang tahas na tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang

a)

tahas

b)

palansak

c)

di-palansak

d)

basal

23.

PANGNGALAN - PAG-UURING PANSEMANTIKA

- pangngalang kung ang tinutukoy ay hindi material kundi diwa o kaisipan

a)

tahas

b)

palansak

c)

di-palansak

d)

basal

24.

PANGNGALAN - URING PANGKAYARIAN

- ito ay pangngalang __ kung ito ay isang salitang-ugat lamang

- binubuo ng isang morpema lamang

a)

payak

b)

maylapi/hinango

c)

inuulit

d)

tambalan

25.

PANGNGALAN - URING PANGKAYARIAN

- ito ay pangngalang __ kung binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan

- binubuo ng isang morpemang Malaya at isang mopermang di-malaya

a)

payak

b)

maylapi/hinango

c)

inuulit

d)

tambalan

26.

PANGNGALAN - URING PANGKAYARIAN

- ang salitang-ugat

a)

tambalan

b)

maylapi/hinango

c)

morpemang malaya

d)

morpemang di-malaya

27.

PANGNGALAN - URING PANGKAYARIAN

- ito ay pangngalang __ kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulit

- may dalawang uri ito

a)

payak

b)

maylapi/hinango

c)

inuulit

d)

tambalan

28.

PANGNGALAN - URING PANGKAYARIAN

- ang panlapi

a)

tambalan

b)

maylapi/hinango

c)

morpemang malaya

d)

morpemang di-malaya

29.

PANGNGALAN - URING PANGKAYARIAN

- ito ay pangngalang __ kung binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa

- binubuo ito kaya dalawang morpemang malaya

a)

payak

b)

maylapi/hinango

c)

inuulit

d)

tambalan

30.

PANGNGALAN - URING PANGKAYARIAN

- isa sa dalawang uri ng pag-uulit kung saan ang pangalang maylapi na ang inuulit ay ang unang salita (katinig) at ang patinig ng salitang-ugat

a)

pag-uulit na di-ganap/parsyal

b)

pag-uulit na ganap

c)

morpemang malaya

d)

morpemang di-malaya

31.

PANGNGALAN - URING PANGKAYARIAN

- isa sa dalawang uri ng pag-uulit kung saan inuulit ng buong pangalan

- mga pangalang payak lamang na binubuo ng dalawanh patinig ang nauulit nang ganap

a)

pag-uulit na di-ganap/parsyal

b)

pag-uulit na ganap

c)

morpemang malaya

d)

morpemang di-malaya

32.

PANGNGALAN - URING PANGKAYARIAN

- isa sa dalawang uri ng tambalan kung saan nananatili ang kahulugan ng pinagsamang salita

- may kataga o mga katagang nawawala dito

a)

pag-uulit na di-ganap/parsyal

b)

pag-uulit na ganap

c)

malatambalan/tambalang di-ganap

d)

tambalang ganap

33.

PANGNGALAN - URING PANGKAYARIAN

- isa sa dalawang uri ng tambalan kung saan nagkakaroon ng bagong kahulugan ang mga salita kapag pinagtatambal

- ang kahulugan ng mga pinagsamang salita ay nawala

a)

pag-uulit na di-ganap/parsyal

b)

pag-uulit na ganap

c)

malatambalan/tambalang di-ganap

d)

tambalang ganap

34.

PANGNGALAN

- ayon sa kanya, apat ang KAKANYAHAN NG PANGNGALAN

(a)  

35.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- sa mga balarilang tradisyunal, ito ay natutukoy lamang sa pamamagitan ng panghalip na kasama nito o kaya'y sa pamamagitan ng konteksto ng pangungusap

a)

kausapan

b)

kailanan

c)

kasarian

d)

kaukulan

36.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

halimbawa sa kausapan: Ako, ang inyong ama, ang magpapasya.

a)

kausapang kumakausap

b)

walang kausapan

37.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

halimbawa sa kausapan: Isang Pilantropo si Don Crispin.

a)

kausapang kumakausap

b)

walang kausapan

38.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- nalalaman natin kung ang pangalan ay tumutukoy sa isa, dalawa, o higit pang tao, hayop, bagay, pook o pangyayari

- maaaring isahan, dalawahan o maramihan/lansakan

a)

kausapan

b)

kailanan

c)

kasarian

d)

kaukulan

39.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- ang kapatid na likas na isahan ay magagawang dalawahan o maramihan sa pamamagitan ng paggamit ng ___

- halimbawa: ang kapatid > ang MAGKAPATID

a)

pantukoy

b)

pang-uri

c)

pamilang

d)

panlapi

40.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- ang kapatid na likas na isahan ay magagawang dalawahan o maramihan sa pamamagitan ng paggamit ng ___

- halimbawa: mabait na kapatid > MABABAIT NA KAPATID

a)

pantukoy

b)

pang-uri

c)

pamilang

d)

panlapi

41.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- ang kapatid na likas na isahan ay magagawang dalawahan o maramihan sa pamamagitan ng paggamit ng ___

- halimbawa: isang kapatid > dalawang kapatid > LIMANG KAPATID

a)

pantukoy

b)

pang-uri

c)

pamilang

d)

panlapi

42.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- ang kapatid na likas na isahan ay magagawang dalawahan o maramihan sa pamamagitan ng paggamit ng ___

- halimbawa: kapatid > magkapatid > MAGKAKAPATID

a)

pantukoy

b)

pang-uri

c)

pamilang

d)

panlapi

43.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- ang tao, hayop, bagay na tinutukoy ng pangngalan ay maaring uriin ayon sa sekso

a)

kausapan

b)

kailanan

c)

kasarian

d)

kaukulan

44.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- ang kasarian ng mga pangngalang tumutukoy sa tao o hayop na lalaki

a)

kasariang panlalaki

b)

kasariang pambabae

c)

kasariang di-tiyak

d)

walang kasarian

45.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- dalawang uri ng sekso sa kasarian ng pangngalan

(a)  

46.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- ang kasarian ng mga pangngalang tumutukoy sa tao o hayop na babae

a)

kasariang panlalaki

b)

kasariang pambabae

c)

kasariang di-tiyak

d)

walang kasarian

47.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- mga pangngalang maaaring panlalaki at pambabae

a)

kasariang panlalaki

b)

kasariang pambabae

c)

kasariang di-tiyak

d)

walang kasarian

48.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- ang pangngalang tumutukoy sa mga bagay, pook, pangyayari na walang sekso

a)

kasariang panlalaki

b)

kasariang pambabae

c)

kasariang di-tiyak

d)

walang kasarian

49.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- kakanyahan ng pangngalang nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap

- batay sa mga gamit na ito ay mauuri natin ito sa dalawa: (1) kaukulang palagyo at (2) kaukulang palayon

a)

kausapan

b)

kailanan

c)

kasarian

d)

kaukulan

50.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- naka-ganito ang pangngalan kung ginamit ito sa simuno, pamuno sa simuno o pamuno sa kaganapang pansimuno

a)

kaukulang palagyo

b)

kaukulang palayon

c)

kaukulang padayon

d)

kaukulan

51.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGNGALAN

- sa kaukulang palagyo, ang "Si BONIFACIO ay Dakilang Filipino" ay gumagamit ng

a)

simuno

b)

pamuno sa simuno

c)

pamuno sa kaganapang pansimuno

d)

pangngalang patawag

52.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGNGALAN

- sa kaukulang palagyo, ang "Si Bonifacio, ANG BAYANI, ay Dakilang Filipino" ay gumagamit ng

a)

simuno

b)

pamuno sa simuno

c)

pamuno sa kaganapang pansimuno

d)

pangngalang patawag

53.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGNGALAN

- sa kaukulang palagyo, ang "Si MABINI ay Dakilang Lumpo" ay gumagamit ng

a)

simuno

b)

pamuno sa simuno

c)

kaganapang pansimuno

d)

pangngalang patawag

54.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGNGALAN

- sa kaukulang palagyo, ang "CZARINA, alagaan mo si Celine" ay gumagamit ng

a)

simuno

b)

pamuno sa simuno

c)

pamuno sa kaganapang pansimuno

d)

pangngalang patawag

55.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGALAN

- naka-ganito ang pangngalan kung ginagamit na layon ng pandiwa o layon ng pang-ukol, o kung pamuno sa alinman sa dalawa

a)

kaukulang palagyo

b)

kaukulang palayon

c)

kaukulang padayon

d)

kaukulan

56.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGNGALAN

- ang halimbawa ng kaukulang palayon na "Ang masipag na ina ay nagsisinop ng kanilang bakuran" ay nasa ___ ang gamit ng pangngalan

a)

layon ng pandiwa

b)

layon ng pang-ukol

57.

PANGNGALAN - KAKANYAHAN NG PANGNGALAN

- ang halimbawa ng kaukulang palayon na "Ang mga mag-aaral ay nasa palaruan" ay nasa ___ ang gamit ng pangngalan

a)

layon ng pandiwa

b)

layon ng pang-ukol

58.

- mga salita na pamalit o panghalili sa pangngalan

- makikilala dahil sa implekasyon o pagbabagong-anyo ayon sa kaukulan: (1) nasa anyong ang at (2) nasa anyong sa

a)

pangngalan

b)

pandiwa

c)

pang-uri

d)

panghalip

59.

PANGHALIP

- maaaring ihalili sa pariralang pangngalang pinangungunahan ng ANG o SI ay sinasabing nasa KAUKULANG ANG o

a)

kaukulang palagyo

b)

kaukulang palayon

60.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP

- panghalili sa ngalan ng tao

- mapapangkay sa tatlong anyo ito

a)

panghalip na panao

b)

panghalip na pamatlig

c)

panghalip na panaklaw

d)

panghalip na pananong

61.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PANAO)

- ang panghalip na panao ay mapapangkay sa tatong anyo:

a)

panghalip panao sa anyong ANG

b)

panghalip panao sa anyong NG

c)

panghalip panao sa anyong SA

d)

panghalip panao sa anyong SIYA

62.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PANAO)

- ang mga panghalip ayon sa panauhan o kung ano ang tinutukoy ay:

a)

unang panauhan (kumakausap)

b)

ikalawang panauhan (kinakausap)

c)

ikatlong panauhan (pinag-uusapan)

d)

ikatlong panauhan (usapan)

63.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PANAO)

- pinapangkat ang mga panghalip ayon sa kailanan o bilang ng tinutukoy:

a)

isahan

b)

dalawahan

c)

tatluhan

d)

maramihan

64.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PANAO)

- ang pag-iiba ng anyo ng panghalip ay naayon sa mga kaukulan ng pangngalang hinahalipan ay nasa anyong ANG, ang panghalip na maihahalili ay nasa anyong ___

a)

ang

b)

ng

c)

sa

d)

siya

65.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PANAO)

- kung ang pangngalang hinahalipan ay nasa anyong NG, ang panghalip na maihahalili ay nasa anyong ___

a)

ang

b)

ng

c)

sa

d)

siya

66.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PANAO)

- kung ang pangngalang hinahalipan ay nasa anyong SA, ang panghalip na magagamit ay yaong nasa anyong ___

a)

ang

b)

ng

c)

sa

d)

siya

67.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PANAO)

- sa PANAUHAN malalaman kung ang panghalip ay tumutukoy SA TAONG KAUSAP, SA TAONG KINAKAUSAP, o SA TAONG PINAG-UUSAPAN

a)

TAMA

b)

MALI

68.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP

- panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na ituturo o inihihimaton

a)

panghalip na panao

b)

panghalip na pamatlig

c)

panghalip na panaklaw

d)

panghalip na pananong

69.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PAMATLIG)

- ang NITO ay may hinahalinhang pangngalang at, gayundin, nagpapahiwatig na ang tinutukoy ay itinuturo ng nagsasalita

a)

TAMA

b)

MALI

70.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PAMATLIG)

- ang bawat uri ng panghalip na pamatlig ay may apat na kategorya:

a)

malapit na malapit sa nagsasalita

b)

malapit sa nagsasalita

c)

malapit sa nakikinig

d)

malayo sa kapwa nagsasalita at nakikinig

e)

malayong-malayo sa nakikinig

71.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PAMATLIG)

- mapapangkat sa apat na uri ang mga panghalip na pamatlig:

a)

prominal

b)

panawag-pansin

c)

patulad

d)

palunan

e)

pahimaton

72.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PAMATLIG)

- uri ng pamatlig na mapapangkat din sa tatlong anyo ayon sa pagkaka-ugnay nito sa pokus ng pangungusap: anyong ANG, anyong NG, at anyong SA

a)

pamatlig na pronominal

b)

pamatlig na palunan

c)

pamatlig na patulad

d)

pamatlig na palunan

73.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PAMATLIG)

- uri ng pamatlig na pinaikling anyo lamang ng gaya at ng anyong ng upang mapahayag ANG PAGKAKATULAD NG MGA TINUTUKOY ng nagsasalita

a)

pamatlig na pronominal

b)

pamatlig na palunan

c)

pamatlig na patulad

d)

pamatlig na palunan

74.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PAMATLIG)

- ito ang gamit sa pangungusap ng ANYONG ANG

- hal: Ito ay yaring Pilipino. > Ang yaring Pilipino ay ito.

a)

simuno o kaganapang pansimuno

b)

diwang paari

c)

lunan

d)

pang-ukol

75.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PAMATLIG)

- ginagamit ang ANYONG NG na panghalili sa pariralang pang-ukol na nagpapahayag ng __

- hal: Napapanahon ang kurso ng mag-aaral na ito. > Napapanahon ang kurso nito.

a)

simuno o kaganapang pansimuno

b)

diwang paari

c)

lunan

d)

pang-ukol

76.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PAMATLIG)

- ginagamit ang ANYONG SA bilang panghalili sa pariralang pang-ukol na pinangungunahan ng pang-ukol na SA at nagsasaad ng ___

- hal: Ang klima sa pook na ito ay mabuti sa kalusugan. > Ang klima rito ay mabuti sa kalusugan.

a)

simuno o kaganapang pansimuno

b)

diwang paari

c)

lunan

d)

pang-ukol

77.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP

- panghalip na sumasaklaw sa kaisahan dami o kalahatan ng tinutukoy

- hal: isa > anuman > magkanuman

a)

panghalip na panao

b)

panghalip na pamatlig

c)

panghalip na panaklaw

d)

panghalip na pananong

78.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP

- panghalili sa ngalan ng tao at bagay na ginagamit sa pagtatanong

- KAGANAPANG PASIMUNO ang gamit ng mga ito

- mapapangkat sa dalawang kailanan: (1) isahan at (2) maramihan

a)

panghalip na panao

b)

panghalip na pamatlig

c)

panghalip na panaklaw

d)

panghalip na pananong

79.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PANANONG)

- ginagamit ang sino at kanino para sa

a)

tao

b)

bagay

c)

hayop

d)

lunan

80.

PANGHALIP - URI NG PANGHALIP (PANGHALIP NA PANANONG)

- ginagamit ang alin at ano para sa

a)

tao

b)

bagay

c)

hayop

d)

lunan

81.

- kahulugang pansemantika: salitang nagpapakilos o nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita

- pananaw na istruktural: nakikilala sa pamamagitan ng mga implekasyon nito sa iba't ibang aspeto ayon sa uri ng kilos nito

a)

pangngalan

b)

pandiwa

c)

pang-uri

d)

panghalip

82.

PANDIWA

- ang "Nagdasal na ang mag-anak," ay halimbawa ng

a)

perpektibo

b)

imperpektibo

c)

kontemplatibo

83.

PANDIWA

- ang "Nagdarasal ang mag-anak ngayon" ay halimbawa ng

a)

perpektibo

b)

imperpektibo

c)

kontemplatibo

84.

PANDIWA

- ang "Magdarasal na ang mga mag-anak," ay halimbawa ng

a)

perpektibo

b)

imperpektibo

c)

kontemplatibo

85.

PANDIWA - KAYARIAN NG PANDIWA

- ang pandiwa sa Pilipino ay nabubuo sa pagsasama ng isang salitang-ugat at ng higit sa isang panlapi

a)

TAMA

b)

MALI

86.

PANDIWA - KAYARIAN NG PANDIWA

- ang nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa

a)

salitang-ugat

b)

panlapi

c)

pangngalan

d)

parirala

87.

PANDIWA - KAYARIAN NG PANDIWA

- ang nagpapahayag ng pokus o relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap

a)

salitang-ugat

b)

panlapi

c)

pangngalan

d)

parirala

88.

PANDIWA

- ito ang tawag sa bahagi ng panag-uri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa

a)

kaganapan ng pandiwa

b)

kaganapang tagaganap

c)

kaganapang layon

d)

wala sa pagpipilian

89.

PANDIWA - KAGANAPAN NG PANDIWA

- mga naipapahayag sa pamamagitan ng PARIRALANG NG

a)

kaganapan ng pandiwa

b)

kaganapang tagaganap

c)

kaganapang layon

d)

wala sa pagpipilian

90.

PANDIWA - KAGANAPAN NG PANDIWA

Kinain NG BATA ang suman at manggang hinog.

a)

kaganapang tagaganap

b)

kaganapang layon

c)

kaganapang tagatanggap

d)

kaganapang kagamitan

91.

PANDIWA - KAGANAPAN NG PANDIWA

Kumain ANG BATA ng suman at manggang hinog.

a)

kaganapang tagaganap

b)

kaganapang layon

c)

kaganapang tagatanggap

d)

kaganapang kagamitan

92.

PANDIWA - KAGANAPAN NG PANDIWA

Bumili ako ng ilaw na lapis para sa pinsan kong nag-balikbayan.

a)

kaganapang direksyunal

b)

kaganapang sanhi

c)

kaganapang tagatanggap

d)

kaganapang kagamitan

93.

PANDIWA - KAGANAPAN NG PANDIWA

Pinunasan ko ang mga kasangkapan sa pamamagitan ng basahang malinis.

a)

kaganapang direksyunal

b)

kaganapang sanhi

c)

kaganapang tagatanggap

d)

kaganapang kagamitan

94.

PANDIWA - KAGANAPAN NG PANDIWA

Nagkasakit siya dahil sa labis na panghithit ng opyo.

a)

kaganapang direksyunal

b)

kaganapang sanhi

c)

kaganapang tagatanggap

d)

kaganapang kagamitan

95.

PANDIWA - KAGANAPAN NG PANDIWA

Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin kong kabilang sa 'Peace Corps'

a)

kaganapang direksyunal

b)

kaganapang sanhi

c)

kaganapang tagatanggap

d)

kaganapang kagamitan

96.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa

a)

kaganapang tagaganap

b)

kaganapang tagatanggap

c)

kaganapang ganapan

d)

kaganapang kagamitan

97.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- nagsasaad kung sino ang nakikinabang ng kilos ng pandiwa

a)

kaganapang tagaganap

b)

kaganapang tagatanggap

c)

kaganapang ganapan

d)

kaganapang kagamitan

98.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- nagsasaad ng lugar na ginaganap ang kilos ng pandiwa

a)

kaganapang direksyunal

b)

kaganapang sanhi

c)

kaganapang ganapan

d)

kaganapang kagamitan

99.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- nagsasaad kung anong bagay, kagamitan o instrument ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa

a)

kaganapang direksyunal

b)

kaganapang sanhi

c)

kaganapang ganapan

d)

kaganapang kagamitan

100.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- nagsasaad kung ano ang dahilan ng pangyayari ng kilos pandiwa

a)

kaganapang direksyunal

b)

kaganapang sanhi

c)

kaganapang ganapan

d)

kaganapang kagamitan

101.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa

a)

kaganapang direksyunal

b)

kaganapang sanhi

c)

kaganapang ganapan

d)

kaganapang kagamitan

102.

 PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- Kaganapang sa tagaganap "Ipinagdiriwang ng mga kabataan ang unang anibersaryo ng kanilang samahan."

a)

ipinagdiriwang

b)

ng mga kabataan

c)

anibersaryo

d)

kanilang samahan

103.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- Kaganapang Tagatanggap sa "Nagluto sina Ingga ng halayang ube para sa aking mga panauhin."

a)

nagluto

b)

sina Ingga

c)

sa aking mga panauhin

d)

halayang ube

104.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- Kaganapang ganapan sa "Naglaro ng basketbol sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan.

a)

aming pamantasan

b)

koponan

c)

sa Rizal Stadium

d)

naglaro

105.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- Kaganapang kagamitan sa "Binungkal ng tatay ang lupa sa pamamgitan ng asarol."

a)

sa pamamagitan ng asarol

b)

binungkal

c)

ng tatay

d)

ang lupa

106.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- Kaganapang sanhi sa "Yumaman siya dahil sa mina ng ginto."

a)

yumaman

b)

siya

c)

ginto

d)

dahil sa mina

107.

PANDIWA - KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

- Kaganapang direksyunal sa "Nagtungo sila sa Bicol"

a)

nagtungo

b)

sa Bicol

c)

sila

d)

wala sa nabanggit

108.

PANDIWA

- nagpapahayag ang aspetong ito ng kilos na nasimulan na at natapos na

a)

aspetong pangnakaraan/perspektibo

b)

aspetong perpektibong katatapos

c)

aspetong pangkasalukuyan/imperpektibo

d)

aspetong panghinaharap/komplatibo

e)

pandiwang di-karaniwan

109.

PANDIWA - ASPETONG PANGNAKARAAN/PERSPEKTIBO

- ang implekasyon sa aspetong ito ay nabubuo (1) kapag ang panlaping pandiwa ay may inisyal na ponemang /m/, ito ay nagiging _

a)

/r/

b)

/l/

c)

/n/

d)

/a/

110.

PANDIWA - ASPETONG PANGNAKARAAN/PERSPEKTIBO

- ang implekasyon sa aspetong ito ay nabubuo (3) kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping -an/-han ay nananatili ngunit nagdaragdag ng unlaping -in kung ang pandiwa ay nagsisimula sa ___

- gitlaping -in- naman kung ang pandiwa ay nagsisimula sa katinig

a)

patinig; katinig

b)

katinig; patinig

c)

katinig; katinig

d)

patinig; patinig

111.

PANDIWA - ASPETONG PANGNAKARAAN/PERSPEKTIBO

- ang implekasyon sa aspetong ito ay nabubuo (2) kapag ang pandiwa ay banghay sa -um, ang panlaping ito ay nananatili sa pangnakaraan at walang pagkakaiba

a)

TAMA

b)

MALI

112.

PANDIWA - ASPETONG PANGNAKARAAN/PERSPEKTIBO

- ang implekasyon sa aspetong ito ay nabubuo (4) kapag ang pandiwa ay banghay sa kabilang panlaping ma-an/han ay nagiging

a)

na-

b)

ka-

c)

la-

d)

ba-

113.

PANDIWA - ASPETONG PANGNAKARAAN/PERSPEKTIBO

- ang implekasyon sa aspetong ito ay nabubuo (5) dapat banggitin ang panlaping -in- na idinaragdag sa anyong pangnakaraan ng mga pandiwang may -an/-han ay nagiging NI- KUNG ANG PANDIWA AY NAGSISIMULA SA _

- opsyonal ang ganitong pagpapalit kung ang pandiwa ay nagsisimula sa ____

a)

/l/; r, w, p, y

b)

/n/; l, r, w, p

c)

/b/; r, w, p, y

d)

/h/; l, r, w, p

114.

PANDIWA

- nagsasaad ito ng kilos na kayayari o katatapos lamang bago nagsimila ang pagsasalita

- nabubuo sa pamamagitan ng unlaping KA- at pag-uulit sa unang katinig-patinig o parinig ng SALITANG-UGAT

a)

aspetong pangnakaraan/perspektibo

b)

aspetong perpektibong katatapos

c)

aspetong pangkasalukuyan/imperpektibo

d)

aspetong panghinaharap/komplatibo

e)

pandiwang di-karaniwan

115.

PANDIWA

- nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyang ipinagpapatuloy

- nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang ugat (katulad din ng aspetong pangnagdaan)

a)

aspetong pangnakaraan/perspektibo

b)

aspetong perpektibong katatapos

c)

aspetong pangkasalukuyan/imperpektibo

d)

aspetong panghinaharap/komplatibo

e)

pandiwang di-karaniwan

116.

PANDIWA

- naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan

- nabubuo sa pag-uulit ng unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat o pangngalang hango (tulad ng anyong pawatas) ang tanging taliwas ay ang banghay sa -um/-um- na nawawala sa aspetong ito

a)

aspetong pangnakaraan/perspektibo

b)

aspetong perpektibong katatapos

c)

aspetong pangkasalukuyan/imperpektibo

d)

aspetong panghinaharap/komplatibo

e)

pandiwang di-karaniwan

117.

PANDIWA

- pandiwang nagkakaroon ng mga pagbabagong morpoponemikong pagkakaltas ng ponema o mga ponema, pagpapalit ng ponema, metatesis

a)

aspetong pangnakaraan/perspektibo

b)

aspetong perpektibong katatapos

c)

aspetong pangkasalukuyan/imperpektibo

d)

aspetong panghinaharap/komplatibo

e)

pandiwang di-karaniwan

118.

PANDIWA - MGA PANDIWANG DI-KARANIWAN

- may mga halimbawa rin na ang pagbabagong nagaganap ay nagkakaroon ng dagdag na ponema

a)

TAMA

b)

MALI

119.

PANDIWA - MGA PANDIWANG DI-KARANIWAN

- may metatesis o _ ng mga ponema, mapapansin sa metatesis ay mayroon ding nawawalang ponema

a)

pagpapalit

b)

paglilipat

c)

pagdadagdag

d)

pagkakaltas

120.

PANDIWA - MGA PANDIWANG DI-KARANIWAN

- may mga pandiwang may ponema o mga ponemang di nagpapalitan ng ibang ponema sa pandiwang di-karaniwan

a)

TAMA

b)

MALI