wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga kagamitan sa pananahi.

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ginagamit sa simpleng pananahi gamit ang mga kamay tulad ng paghihilbana, pag-aayos ng mga tastas na bahagi ng damit, pagsusulsi, at pagtatagpi. Ang tinatawag na "sharps" ay may matang bilog at matulis ang kabilang dulo.

a)

KARAYOM

b)

ASPILE

c)

GUNTING

2.

Ito ay gawa sa telang koton o felt na ang laman ay pinong buhangin na sinasamahan ng dessicant. Dito itinutusok nang paulit-ulit ang karayom upang mapanatiling matulis.

a)

PIN CUSHION

b)

EMERY BAG

c)

DIDAL

3.

Katulad ng hasaan ng karayom, gawa ito sa telang koton na ang laman ay bulak. Ang mga karayom at aspileng hindi ginagamit ay dito itinutusok .

a)

PIN CUSHION

b)

EMERY BAG

c)

KAHONG PANAHIAN

4.

Ang mga ito ay walang mata ang ulo subalit matulis ang kabilang dulo. Ginagamit ang mga ito upang pansamantalang hawakan ang telang tinatahi

a)

GUNTING

b)

KARAYOM

c)

ASPILE

5.

Mahalaga ito sa pananahi gamit ang mga kamay. Ito ang nagtutulak sa karayom habang nananahi upang hindi matusok ang daliri. Sa gitnang daliri ito isinusuot kapag nananahi.

a)

DIDAL

b)

MEDIDA

c)

PANGTASTAS

6.

Gawa ito sa malambot na plastik na ang haba ay 60 pulgada. Kakikitaan ito ng sukatang pampulgada at pansentimetro. Ginagamit itong pansukat ng katawan at tela.

a)

KARAYOM

b)

SINULID

c)

MEDIDA

7.

Ito ay may iba't ibang kulay. Ginagamit itong pangmarka sa telang tinatahi. Gumamit ng tailor's chalk na hindi kakulay ng tinatahi.

a)

THREADER

b)

TAYLORS CHALK

c)

DIDAL

8.

Gawa ito sa metal na manipis. Mapabibilis ang pagsusuot ng sinulid sa butas ng karayom sa tulong nito.

a)

TAYLORS CHALK

b)

DIDAL

c)

THREADER

9.

Bahay ito ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay. Itinago sa kahong ito ang mga kagamitan sa pananahi upang maiwasan ang paghahanap, aksidente, at pagkakalat.

a)

EMERY BAG

b)

PIN CUSHION

c)

KAHONG PANAHIAN

10.

Gawa ito sa metal na may matulis na bahagi na parang hugis-kamay. Pantastas ito ng maling tahi.

a)

THREADER

b)

PANTASTAS

c)

PIN CUSHION