wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 9 INVENTORY EXAM 2022-2023

Total questions: 105

Worksheet time: 53mins

Name
Class
Date
1.

Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:

a)

pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan

b)

nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig

c)

pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao

d)

pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao

2.

Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil _______________________.

a)

limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao

b)

sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman

c)

sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan

d)

likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa

3.

Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:

a)

tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon

b)

naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon

c)

sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon

d)

ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan

4.

Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?

a)

Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.

b)

Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan

c)

Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.

d)

Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.

5.

Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? Ito ay ____

a)

matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap

b)

ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon

c)

ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan

d)

ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan

6.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?

a)

Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.

b)

Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.

c)

Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kaya’t dapat ipagpatuloy ang produksiyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.

d)

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.

7.

Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?

a)

maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap

b)

maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa

c)

mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita

d)

makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa

8.

Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?

a)

dinadaluhang okasyon

b)

kagustuhang desisyon

c)

opportunity cost ng desisyon

d)

tradisyon ng pamilya

9.

May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?

a)

Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?

b)

Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?

c)

Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?

d)

Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?

10.

Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikos at nomos, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay ___________________.

a)

pamamahala ng negosyo

b)

pakikipagkalakalan

c)

pamamahala ng tahanan

d)

pagtitipid

11.

Ang salitang ekonomiks ay mula sa mga salitang Griyego na oikos na ang ibig sabihin ay bahay, ano naman ang ibig sabihin ng nomos?

a)

negosyo

b)

kabuhayan

c)

karunungan

d)

pamamahala

12.

Paano inilalarawan sa ekonomiks ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao?

a)

limitado

b)

dumadami

c)

walang saysay

d)

walang katapusan

13.

Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao?

a)

suliraning pampulitika

b)

suliraning pangkapaligiran

c)

limitadong pinagkukunang-yaman

d)

walang kaubusang pinagkukunang- yaman

14.

Sinong ekonomista ang nagsabi na ang ekonomiya at sambahayan ay may maraming pagkakatulad?

a)

Karl Marx

b)

Adam Smith

c)

John Maynard

d)

Nicholas Gregory Mankiw

15.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI napabilang sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat?

a)

Ano ang gagawing produkto o serbisyo?

b)

Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo?

c)

Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?

d)

Magkano ang inaasahang tubo sa gagawing produkto at serbisyo?

16.

Alin sa sumusunod na suliranin ang kaakibat ng buhay dahil sa pagkakaroon ng limitadong kakayahan ng tao, likas na yaman at yamang kapital?

a)

katamaran

b)

kahirapan

c)

kakapusan

d)

kamangmangan

17.

May mga isinaalang-alang tayo sa bawat paggawa natin ng desisyon. Sa ekonomiks, ano ang tawag sa halaga ng isang bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon?

a)

trade-off

b)

incentives

c)

opportunity cost

d)

marginal thinking

18.

Ano ang tawag sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isa pang bagay?

a)

incentives

b)

trade-off

c)

opportunity cost

d)

marginal thinking

19.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng marginal thinking sa paggawa ng desisyon?

a)

Inaayos ang mga suliraning maaring idulot ng napiling desisyon

b)

Inaalam kung anong produkto o serbisyo ang sikat o naaayon sa uso

c)

Sinusuring mabuti ang pakinabang, at maging ang gastos sa gagawing pagpili

d)

Inaalam kung anong dagdag na pakinabang ang makukuha sa bawat paggawa ng pagpili

20.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyong ang HINDI nagpapakita ng pagsasaalang-alang ng isang tao sa incentive na makuha niya sa paggawa ng desisyon?

a)

Nagsisikap na makatipid sa lahat ng panahon

b)

Sinusuri kung magkano ang matipid sa pagbili ng produkto

c)

Mas ginagalingan ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan

d)

Inaalam kung anong dagdag na benepisyo ang makuha sa paggawa ng desisyon

21.

Bakit kailangang isalang-alang ang trade off, opportunity cost, incentives at marginal thinking sa paggawa ng mga desisyon?

a)

dahil mahalagang pag-isipan ang maraming bagay

b)

dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao

c)

dahil maraming mga pagpipilian kaya kailangan may susunding batayan

d)

dahil maraming gustong makamtan ang mga mamimili na dapat matugunan

22.

Paano makatulong sa mga mamamayan ang kaalaman tungkol sa mga konsepto ng ekonomiks?

a)

Makakagawa ng matalinong desisyon sa pang-araw araw na pamumuhay.

b)

Makapagpatunay na mas lamang ang mga taong may maraming alam sa buhay

c)

Makahikayat ng iba na maging masinop sa buhay

d)

Maging maingat sa pagharap sa hamon ng buhay

23.

Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung mas uunahin ng tao ang kanyang mga kagustuhan kaysa mga kailangan?

a)

Makakaranas ng masaganang pamumuhay

b)

Matutugunan ang lahat ng mga pangangailangan

c)

Makakamtan ang lahat ng mga ninanais sa buhay

d)

Mahirapang tugunan ang mga mga pang-araw-araw na pangangailangan

24.

Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna, kalamidad, o pandemic? Pumili ng DALAWA mula sa mga nakasulat na sitwasyon.

a)

Pagsunod sa mga patakaran na ipinatupad ng pamahalaan upang mapadali ang sitwasyon at mapigil ang karagdagang problema, hindi lamang para sa sarili kundi para sa kabutihang panlahat.

b)

Mas pahalagahan ang sariling kaligtasan at kagustuhan bago isaalang alang ang kapakanan ng karamihan

c)

Paniniwala at pagpalaganap ng mga di kumpimadong balita (fake news) tungkol sa mga nangyayari sa paligid

d)

Pagsisikap na mapaunlad ang sariling kakayahanat maging produktibo sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin.

e)

Pagwawalang bahala sa mga patakaran dahil nababagot na sa sitwasyon

25.

Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay

a)

pamamahala ng negosyo.

b)

pakikipagkalakalan.

c)

pamamahala ng tahanan.

d)

pagtitipid.

26.

Lagyan ng tsek ang mga uri ng sistemang pang-ekonomiya na nasa sistemang command o pinag-uutos na ekonomiya.

a)

Merkantilismo

b)

Pasismo

c)

Komunismo

d)

Kapitalismo

e)

Piyudalismo

27.

Ito ang sistemang nakabatay sa kultura, paniniwala at tradisyon ng lipunan.

a)

Pinaghalong Ekonomiya

b)

Pinag-uutos na Ekonomiya

c)

Pamilihang Ekonomiya

d)

Tradisyunal na Ekonomiya

28.

Ito ay sistema ng ekonomiya kung saan ang produksyon at distribusyon ng produkto at serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng malayang pamilihan

a)

Pinag-uutos na ekonomiya

b)

Pinaghalong ekonomiya

c)

Pamilihang ekonomiya

d)

Tradisyunal na ekonomiya

29.

Ano-ano ang mga sistemang pang-ekonomiya na ginamit o ginagamit ng mga bansa sa daigdig upang tugunan ang gawaing pamproduksiyon?

a)

Pinaghalong ekonomiya

b)

Pinag-uutos na ekonomiya

c)

Pamilihang ekonomiya

d)

Tradisyunal na ekonomiya

e)

Internasyunal na ekonomiya

30.

Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan lamang ang may ganap na kapangyarihang gamitin ang mga lupa, kapital, lakas paggawa upang makamit ang pinakamataas na pag-unlad

a)

Pinag-uutos na ekonomiya

b)

Pinaghalong ekonomiya

c)

Pamilihang ekonomiya

d)

Tradisyunal na ekonomiya

31.

Sa ekonomiyang ito ay hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit ito ay pinakikialaman ng pamahalaan upang maprotektahan ang kapakanan ng mamamayan.

a)

Pinag-uutos na ekonomiya

b)

Pamilihang ekonomiya

c)

Pinaghalong ekonomiya

d)

Trdisyunal na ekonomiya

32.

Alin sa mga bansang nabanggit, ang gumagamit ng sistemang pang-ekonomiya na market o pamilihang ekonomiya?

a)

Pilipinas

b)

North Korea

c)

Indigenous Tribe sa Africa

d)

United States

33.

Ang mga indibidwal at pribadong sektor ang gumagawa ng desisyon ukol sa uri ng produkto, dami ng gagawin at pamamaraan ng paglikha ng produkto. Anong sistemang pang-ekonomiya ang inilalarawan nito?

a)

Pinag-uutos na ekonomiya

b)

Pamilihang ekonomiya

c)

Pinaghalong ekonomiya

d)

Tradisyunal na ekonomiya

34.

Sa sistemang ito nakasentro ang produksyon sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit, tirahan at pagkain.

a)

Tradisyunal na ekonomiya

b)

Pinaghalong ekonomiya

c)

Pamilihang ekonomiya

d)

Pinag-uutos na ekonomiya

35.

Ito ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang isang indibidwal ay may kalayaang magtayo ng kanyang negosyo, magmay-ari ng kahit gaanong yaman o kapital, magtakda ng presyo at lumikha ng produkto.

a)

Pamilihang ekonomiya

b)

Pinaghalong ekonomiya

c)

Pinag-uutos na ekonomiya

d)

Tradisyunal na ekonomiya

36.

May aktibong pakikialam ang pamahalaan sa ekonomiya

a)

Traditional Economy

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy

37.

Pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari.

a)

Traditional Economy

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy

38.

Hindi pinapayagan ang pagtitinda ng kalakal ng walang pahintulot sa pamahalaan.

a)

Traditional Economy

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy

39.

Ang lahat ng manggagawa ay may pare-parehong sahod.

a)

Traditional Economy

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy

40.

Ang paggawa ng kalakal ay batay sa nakagisnan kahit mayroong modernong paraan ng paggawa nito.

a)

Traditional Economy

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy

41.

Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?

a)

Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya

b)

Kita at gastusin ng pamahalaan

c)

Kalakalan sa loob at labas ng bansa

d)

Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal

42.

Katuwang ng bahay-kalakal at sambahayan sa mga desisyong panghinaharap

a)

Pamilihang Pampinansiyal

b)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

c)

Pamilihan ng mga salik sa produksiyon

d)

Pamilihang Panlabas

43.

Tagapaglikha ng pampublikong paglilingkod para sa sambahayan at bahay-kalakal mula sa buwis na nakolekta nito

a)

Panlabas na sektor

b)

Negosyo

c)

Pamahalaan

d)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

44.

Ginagamit ng bahay-kalakal upang maihatid sa sambahayan ang mga nalikha nitong produkto at paglilingkod

a)

Pamilihang Pinansiyal

b)

Pamilihan ng salik sa produksiyon

c)

Pamilihang panlabas

d)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

45.

Tanging may kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkod

a)

Sambahayan

b)

Bahay-kalakal

c)

Pamahalaan

d)

Panlabas na sektor

46.

Nakikipag-ugnayan sa bahay-kalakal at sambahayan sa pamamagitan ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ng produkto.

a)

Pamahalaan

b)

Panlabas na sektor

c)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

d)

Pamilihang panlabas

47.

Dito natutugunan ng bawat bansa ang kani-kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa

a)

Pamilihan ng Salik sa produksiyon

b)

Pamnilihan ng kalakal at paglilingkod

c)

Pamilihang Pinansiyal

d)

Pamilihang Panlabas

48.

Nagmamay-ari at tagatustos ng mga salik sa produksiyon

a)

Sambahayan

b)

Bahay-kalakal

c)

Pamahalaan

d)

Panlabas na sektor

49.

Katuwang ng sambahayan upang maihatid ang mga salik sa produksiyon sa bahay-kalakal

a)

Pamahalaan

b)

Pamilihang Pinansiyal

c)

Pamilihan ng mga Salik sa Produksiyon

d)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

50.

Tumutukoy sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.

a)

Tubo

b)

Upa

c)

Interes

d)

Sahod

51.

Pera o kitang hindi ginamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangan

a)

Investment

b)

Stocks

c)

Asset

d)

savings

52.

Sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay maaaring isisi sa

a)

Sambahayan dahil sa kanya nagmumula ang mga salik ng produksiyon

b)

Sa bahay-kalakal dahil siya ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng lahat

c)

Sa pamahalaan dahil siya ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang-ekonomiya

d)

Sa lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay na gampanin sa isa’t-isa

53.

Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?

a)

Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproses ng bahay- kalakal

b)

Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal

c)

Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal

d)

Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa bahay-kalakal

54.

Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang makatulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?

a)

Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang nagbabayad ng buwis

b)

Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store

c)

Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis

d)

. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader

55.

Dahil ang impok o savings ay kadalasang inilalagak sa mga institusyong pampinansiyal, itinuring itong cash outflow o kitang lumalabas sa ekonomiya. Anong gawain ang muling magbabalik nito sa ekonomiya?

a)

Paggasta

b)

Pagkonsumo

c)

pagtitipid

d)

Pamumuhunan

56.

Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php21,000, magkano ang maaari niyang ilaan para sa pag-iimpok?

a)

Php 1,000

b)

Php 2,000

c)

Php 3,000

d)

Php 4,000

57.

Sa paikot na daloy ng ekonomiya, si Rey ay bahagi ng sambahayan na nangangailangan ng mga produkto at serbisyo. Ang Rebisco Corporation naman ay isa sa mga bahay-kalakal na lumilikha ng mga produktong kailangan ni Rey. Anong sektor ang magsisilbing tulay sa pagitan ni Rey at ng Rebisco Corporation?

a)

Pamahalaan

b)

Financial Market

c)

Product Market

d)

Panlabas na sektor

58.

Sa ikaapat na modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, binigyang diin ang papel ng pamahalaan. Bagama’t likas ang kapangyarihan nito na kumolekta ng buwis sa kanyang mamamayan, obligasyon niyang ibalik ito sa pamamagitan ng mga pampublikong paglilingkod gaya ng pagpapagawa ng kalsada, libreng tulong medikal at iba pa. Alin sa mga sumusunod na islogan o linya na madalas makita sa mga proyekto ng

a)

“Tuition mo sagot ko: Scholarship program by Mayor Madugas"

b)

“Construction of Multi-purpose building: Hali sa karahayang boot ni Congressman"

c)

“Proyekto para sa Nagueño hali sa buwis kan mga Nagueño”

d)

“Relief Operation sponsored by the office of the Governor”

59.

Tukuyin kung anong KATANGIAN ng matalinong mamimili ang tinutukoy sa bawat pahayag.


Ang isang mamimili ay nagsusuri sa kalidad ng produkto bago niya ito bilhin.

a)

Mapanuri

b)

Makatuwiran

c)

Hindi nagpapadaya

d)

Naghahanap ng alternatibo

60.

Hindi agad naniniwala sa mga patalastas o komersiyal ang isang mamimili.

a)

Mapanuri

b)

Makatuwiran

c)

Hindi nagpapadaya

d)

Hundi nagpapadala sa anunsiyo

61.

Sinisiguro ng mamimili na sapat ang timbang ng bigas na kaniyang binili.

a)

Mapanuri

b)

Makatuwiran

c)

Hindi nagpapadaya

d)

Humahanap ng alternatibo

62.

Pinagpaplanuhan ng mamimili ang mga gagastusin niya sa bawat linggo upang magkasiya ang kaniyang kita sa kaniyang mga pangangailangan.

a)

Hindi nagpapadaya

b)

Sumusunod sa badyet

c)

Hindi nagpapanic-buying

d)

Hindi nagpapadala sa anunsiyo

63.

Alam ng isang mamimili ang mga produktong maaaring bilhin bilang kapalit ng isang produktong hindi niya makita sa pamilihan.

a)

Makatuwiran

b)

Hindi nagpapadaya

c)

Sumusunod sa badyet

d)

Naghahanap ng alternatibo

64.

Tukuyin kung anong TUNGKULIN ng mamimili ang tinutukoy sa bawat pahayag.


Dapat isaalang-alang ng mamimili ang epekto sa kapaligiran ng mga produktong kaniyang gagamitin.

a)

Tungkuling maging maalam at mapanuri

b)

Tungkuling maksiyon o kumilos

c)

Tungkuling pangkapaligiran

d)

Tungkuling magkaisa

65.

Dapat magkaisa ang bawat mamimili upang lalong umunlad ang kanilang kabuhayan at lalong lumawak ang kanilang impluwensiya sa pagsusulong sa karapatan at kagalingan ng kapwa nilang mga mamimili.

a)

Tungkuling magkaisa

b)

Tungkuling pangkapaligiran

c)

Tungkuling umaksiyon at kumilos

d)

Tungkuling maging maalam ayt mapanuri

66.

Kung mayroong nagaganap na pandaraya, dapat itong isumbong sa awtoridad.

a)

Tungkuling magkaisa

b)

Tungkuling pangkapaligiran

c)

Tungkuling umaksiyon at kumilos

d)

Tungkuling maging maalam at mapanuri

67.

Maaaring magtanong sa mga nagbebenta tungkol sa presyo, kalidad, at paraan ng paggamit ng produkto.

a)

Tungkuling magkaisa

b)

Tungkuling pangkapaligiran

c)

Tungkuling umaksiyon at kumilos

d)

Tungkuling maging maalam at mapanuri

68.

Mahalagang isaayos ng mamimili ang wastong pagtatapon ng mga pinaglagyan ng produkto na kaniyang kinokonsumo.

a)

Tungkuling magkaisa

b)

Tungkuling pangkapaligiran

c)

Tungkuling umaksiyon at kumilos

d)

Tungkuling maging maalam at mapanuri

69.

Anong karapatan ng mamimili ang nagsasabing may karapatan tayong mag canvass muna ng gusto nating bilhin?

a)

Karaparang Pumili

b)

Karapatang Dinggin

c)

Karapatan sa Palatastasan

d)

Karapatan sa Kaligtasan

70.

Si Alyssa ay isang mag-aaral, natutunan nya sa kanyang guro ang mga karapatan at tungkulin ng isang mamimili. Kaya naman nang siya ay bumili ng sapatos ay tiningnan muna nyang mabuti ang kalidad nito at kung wala itong depekto.

Anong tungkulin ng mamimili ang ipinamalas ni Alyssa?

a)

Aksyon

b)

Pumili

c)

Mapanuring Kamalayan

d)

Pagmamalasakit sa Lipunan

71.

Sa tuwing magpapasko, ako ay bumibili ng pangdekorasyon tulad ng Christmas light. Sinisiguro kong ang aking binibili ay may tatak na ICC.

Anong karapatan ng isang mamimili ang aking natatamo sa ICC sticker na nakadikit sa aking biniling produkto?

a)

Karapatang Pumili

b)

Karapatan sa Kaligtasan

c)

Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran

d)

Karapatang Bayaran at Tumabasan sa ano mang Kapinsalaan

72.

Bago bumili ng isang produkto ay tinitiyak ni Miguel na ang kanyang binibili ay sapat lang sa kanyang pangangailangan. Nagdadala rin siya ng lalagyan ng kanyang ipinamili upang hindi na gumamit ng plastik ang kanyang pinagbilhan. Anong tungkulin ng isang mamimili ang pinapamalas ni Miguel?

a)

Pagkakaisa at Aksyon

b)

Aksyon at Pagmamalasakit na Panlipunan

c)

Mapanuring Kamalayan at Kamalayan sa Kapaligiran

d)

Pagmamalasakit na Panlipunan at Kamalayan sa Kapaligiran

73.

Isang bagay na dapat matamasa o makamit ng isang tao.

a)

karapatan

b)

tungkulin

c)

mamamayan

d)

pamahalaan

74.

Aling karapatan ang makatitiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isinasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan?

a)

Karapatang Dinggin at Magpahayag

b)

Karapatang Pumili

c)

Karapatan sa Kaligtasan

d)

Karapatan sa Pagiging Mapanuri

75.

Saang ahensya ng pamahalaan dapat lumapit kung may reklamo ukol sa mga nagbebenta ng mga pekeng produkto?

a)

DTI

b)

FDA

c)

POEA

d)

PRC

76.

Ito ay tungkuling suriin muna ng isang mamimili ang kalidad, tamang paggamit, at presyo ng isang produkto o serbisyo bago niya ito bilhin o gamitin.

a)

Maging mapili

b)

Maging mapanuri

c)

Maging matulungin sa kapwa

d)

Magmalasakit sa kapaligiran

77.

Paano mo maiiwasang makabili ng isang huwad na produkto na nagkalat sa merkado?

a)

Bibili lang ako ng imported na produkto.

b)

Bibili lang ng isang produkto kung ito ay ginagamit o ini-endorso ng mga paborito kong artista.

c)

Bibilili lang ako ng produkto kung ito ay galing sa kilalang department store o supermarket.

d)

Bibili lang ako ng isang produkto matapos ko itong masuri at malaman ang mga impormasyon ukol rito.

78.

Ito ay kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili.

a)

R. A. 7394

b)

R. A. 8371

c)

R. A. 6809

d)

R. A. 7291

79.

Isang sikologo na nagsabing may iba’t-ibang antas ang pangangailangan ng isang tao.

a)

Abraham Harold Maslow

b)

Jean Piaget

c)

Thomas Malthus

d)

Albert Einstein

80.

Mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay.

a)

Kagustuhan

b)

Pangangailangan

c)

Luho

d)

Wala sa nabanggit

81.

Ito ang antas na tumutukoy sa pangunahing pangangailangan ng tao.

a)

Saykolohikal

b)

Sosyolohikal

c)

Pisyolohikal

d)

Medico legal

82.

Mga bagay na itinuturing na luho ng tao.

a)

Kagustuhan

b)

Pangangailangan

c)

Pangangailangan at Kagustuhan

d)

Wala sa nabanggit

83.

Mga bagay na itinuturing na luho ng tao.

a)

Kagustuhan

b)

Pangangailangan

c)

Pangangailangan at Kagustuhan

d)

Wala sa nabanggit

84.

Ito ang pinakamataas na digri ng pangangailangan.

a)

Saykolohikal

b)

Pisyolohikal

c)

Kaganapan Pagkatao

d)

Kaganapang Panseguridad

85.

Salik na nagsasabi na ang bawat tao ay may kanya kanyang hilig sa pagkain.

a)

Edukasyon

b)

Panlasa

c)

Hanapbuhay

d)

Edad

86.

Ang salaping tinanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto o serbisyo.

a)

Hanapbuhay

b)

Panlasa

c)

Kita

d)

Edad

87.

Salik na nagpapaliwanag ng pagbabago sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.

a)

Kita

b)

Panlasa

c)

Edad

d)

Hanapbuhay

88.

Salik na nagsasabing ang pangangailanagn ng tao ay nagbabago ayon sa gawain sa bahay.

a)

Kita

b)

Hanapbuhay

c)

Edad

d)

Panlasa

89.

Batay sa Maslow's Hierarchy of Needs, ang pagkakaroon ng bahay, matatag na trabaho, at malusog na pangangatawan ay kabilang sa tinatawag na . . .

a)

Esteem needs

b)

Safety needs

c)

Physiological needs

d)

Needs for self-actualization

90.

Alin sa mga sumusunod na pangangailangan ang pinataas sa herarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow?

a)

Panlipunan

b)

Kaganapan sa saliri

c)

Kaligtasan

d)

Pisyolohikal

91.

Ito ay ang paggamit ng iba't ibang mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan?

a)

Produksiyon

b)

Pagkonsumo

c)

Alokasyon

d)

Kapitalismo

92.

Anong uri ng pagkonsumo ang siyang nagdudulot ng kasiyahan para sa isang indibidwal?

a)

Maaksaya

b)

Tuwiran

c)

Produktibo

d)

Mapanganib

93.

Anong uri ng pagkonsumo ang siyang makapagdudulot ng panganib sa isang tao at sa kanyang kapaligiran?

a)

Maaksaya

b)

Tuwiran

c)

Produktibo

d)

Mapanganib

94.

Anong uri ng pagkonsumo ang siyang nakapaokus sa pagbuo ng mga bagong produkto at serbisyo?

a)

Maaksaya

b)

Tuwiran

c)

Produktibo

d)

Mapanganib

95.

Ito ay ang salik na siyang nakapokus sa kakayahan ng isang tao na bumili ng isang produkto at serbisyo.

a)

Presyo

b)

Kita

c)

Okasyon

d)

Pagpapahalaga ng Tao

96.

Ito ay ang salik na siyang nakapokus sa halaga ng isang produkto at serbisyo.

a)

Presyo

b)

Kita

c)

Pag-aanunsiyo

d)

Pagpapahalaga ng Tao

97.

Ito ay ang salik na nakapokus sa personal na interes ng isang tao at kanyang mga kagustuhan.

a)

Presyo

b)

Okasyon

c)

Kita

d)

Pagpapahalaga ng Tao

98.

Ito ay ang salik na siyang nagbibigay daan upang malaman ng isang tao ang mga impormasyon ukol sa isang produkto o serbisyo.

a)

Okasyon

b)

Presyo

c)

Pag-aanunsiyo

d)

Pagpapahalaga ng Tao

99.

Ito ay ang salik na siyang nagbibigay daan upang malaman ng isang tao ang mga impormasyon ukol sa isang produkto o serbisyo.

a)

Presyo

b)

Kita

c)

Pag-aanunsiyo

d)

Pagpapahalaga ng Tao

100.

Ito ay ang mekanismo ng pagbabaha-bahagi ng mga pinagkukunang yaman bilang solusyon sa problema ng kakapusan.

a)

Produksiyon

b)

Pagkonsumo

c)

Alokasyon

101.

Ano ang tawag sa sistemang pang ekonomiya kung saan ang mga tradisyon ang siyang batayan ng pagbuo ng desisyon para sa isang bansa?

a)

Sistemang Tradisyunal

b)

Sistemang Market

c)

Sistemang Command

102.

Ano ang tawag sa sistemang pang ekonomiya kung saan ang mga tao ay may kalayaang makibahagi sa pagbuo ng desisyon para sa alokasyon ng isang bansa sa pamamagitan ng pagpasok sa mga pamilihan?

a)

Sistemang Tradisyunal

b)

Sistemang Market

c)

Sistemang Command

103.

Alin sa mga sumusunod na sistema ang siyang umiiral kung saan ang mga mamamayan ay may kalayaang magtayo ng sariling negosyo?

a)

Sosyalismo

b)

Kapitalismo

c)

Pasismo

d)

Komunismo

104.

Alin sa mga sumusunod na sistema ang siyang umiiral kung saan ang mga tao ay pantay-pantay at ang lahat ng pinagkukunang yaman ay nasa ilalim ng pamamahala ng estado?

a)

Sosyalismo

b)

Kapitalismo

c)

Pasismo

d)

Komunismo

105.

Alin sa mga sumusunod na sistema ang siyang umiiral kung saan may isang diktador na siyang nagtatakda ng mga kautusang pang-ekonomiya para sa bansa?

a)

Sosyalismo

b)

Kapitalismo

c)

Pasismo

d)

Komunismo