WorksheetsESP 10 Q1 - Summative Test
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Ano ang ibig sabihin ng “likas na batas moral”?
Batas na ginawa ng tao
Batas na itinuro ng paaralan
Batas na nagmumula sa Diyos
Batas na sinusunod ng gobyerno
Ano ang pangunahing tunguhin ng isip at kilos-loob?
Magpasaya ng ibang tao
Kilalanin at piliin ang mabuti
Magplano para sa kinabukasan
Maghanap ng yaman
Ang konsensya ay tinuturing na:
Gabay sa moralidad
Gabay sa kalusugan
Gabay sa pananalapi
Gabay sa pag-aaral
Sino ang nagbigay ng apat na pinakamahalagang aksyon para sa dangal pantao?
Pope Francis
Pope John Paul II
Mother Teresa
Santo Tomas de Aquino
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa prinsipyong nagpapakita ng dignidad?
Pag-aalaga ng buhay
Paggalang sa kapwa
Pagmamaliit sa mahihirap
Pagmamahal sa kapwa
Ang kalayaan ay may kaakibat na:
Pera
Pananagutan
Kapangyarihan
Kasayahan
Ayon sa aralin, ano ang pangunahing sanggunian upang masanay ang konsensya sa tama?
Batas ng tao
Bibliya
Social Media
Balita
Ang pagkilala sa mabuti at masama ay bunga ng:
Pagsasanay
Likas na batas moral
Opinyon ng karamihan
Balitang napapakinggan
Ang paggawa ng mabuti ay nagpapakita ng:
Kalayaan
Karahasan
Pagwawalang-bahala
Pagsuway
Bakit mahalaga ang konsensya sa paggawa ng pasya?
Gabay ito upang mapili ang tama
Gabay ito upang maging masaya
Gabay ito para makuha ang gusto
Gabay ito upang sumunod sa iba
Bakit mahalagang igalang ang kapwa kahit hindi sila kapareho ng relihiyon?
Dahil sa batas ng tao
Dahil sa pantay na dignidad
Dahil sa takot sa kaparusahan
Dahil sa utos ng magulang
Ano ang ibig sabihin ng mapanagutang paggamit ng kalayaan?
Paggamit ng kalayaan para sa sariling kapakinabangan
Paggamit ng kalayaan nang walang pananagutan
Paggamit ng kalayaan ayon sa kabutihan at batas moral
Paggamit ng kalayaan kahit makasakit ng iba
Ano ang ipinapahiwatig ng utos na “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili”?
Dapat mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal sa Diyos
Dapat tratuhin ang kapwa tulad ng pagtrato sa sarili
Dapat magbigay sa kapwa kapag sobra ang yaman
Dapat makipagkapwa kahit walang gusto
Ano ang layunin ng prinsipyong “pag-aaruga ng buhay”?
Protektahan ang buhay mula sa kapanganakan hanggang kamatayan
Tulungan ang may sakit lamang
Magbigay ng trabaho
Mag-aral ng mabuti
Bakit hindi sapat na alam lang ng tao ang mabuti?
Dahil dapat niya rin itong isagawa
Dahil dapat niya rin itong itago
Dahil dapat niya itong ipasa sa iba
Dahil hindi ito mahalaga
Paano natutulungan ng Bibliya ang konsensya?
Tinuturuan kung paano magdasal
Nagbibigay ng tiyak na pamantayan ng tama at mali
Nagbibigay ng kasaysayan
Nagpapakilala ng mga bayani
Ano ang ibig sabihin ng “dangal pantao”?
Pagkakaroon ng mataas na posisyon
Likas na karangalan at halaga ng tao
Pagiging tanyag
Pagiging matalino
Paano maipapakita ang paggalang sa dignidad ng manggagawa?
Bigyan ng tamang pasahod at kondisyon sa trabaho
Bigyan ng maraming trabaho
Bigyan ng libreng pagkain
Bigyan ng mas mahabang oras ng trabaho
Bakit pantay-pantay ang lahat sa harap ng Diyos?
Lahat ay may parehong karapatan at dignidad
Lahat ay may parehong edukasyon
Lahat ay may parehong trabaho
Lahat ay may parehong lahi
Kung makakakita ka ng kaklase na niloloko ang isa pang kaklase dahil sa kanyang lahi, ano ang nararapat mong gawin?
Sumali sa pang-aasar
Tawanan na lang
Awatin at ipagtanggol ang biktima
Manahimik
May nakita kang nawawalang pitaka sa hallway ng paaralan. Ano ang gagawin mo ayon sa likas na batas moral?
Itago ito
Ibigay sa kaibigan
Isauli sa may-ari o sa guro
Iwan lang sa mesa
Kung alam mong mali ang desisyon ng iyong grupo ngunit pipiliin nilang gawin ito, ano ang dapat mong gawin?
Sumunod na lang para walang gulo
Magpahayag ng iyong opinyon at ipaliwanag ang tama
Lumabas ng grupo
Manahimik
May kaklase ka na palaging binabagsak sa quiz. Ano ang dapat mong gawin bilang pagpapakita ng dignidad pantao?
Tulungan siya sa pag-aaral
Tawanan siya
Sabihin sa iba ang kanyang mga mali
Baliwalain siya
Sa paggamit ng social media, paano mo maipapakita ang mapanagutang kalayaan?
Mag-post ng anumang gusto mo
Magbahagi ng impormasyon na totoo at nakabubuti
Mag-share ng tsismis
Magkomento ng masama sa iba
Kung ikaw ay inutusan ng magulang na maglinis ng bahay pero may assignment ka, ano ang pinakamainam na gawin?
Balewalain ang utos
Linisin muna ang bahay bago mag-aral
Mag-aral lang
Tumakas
Sa isang grupo, may miyembro na palaging wala sa meeting ngunit umaangkin ng kredito sa proyekto. Ano ang isyu dito?
Pagkakaibigan
Kawalan ng pananagutan
Kasipagan
Katapatan
May kaklase kang inaapi ng iba. Ano ang pinakamahusay na paraan ng pagtulong?
Sumali sa pang-aasar
Tawagin ang guro at ipagtanggol siya
I-post sa social media
Umiwas na lang
Gumawa ng simpleng plano para makatulong sa mga katutubo sa inyong lugar.
Mag-organisa ng cultural awareness program
Magbenta ng kanilang mga gamit nang walang pahintulot
Balewalain ang kanilang kultura
Pagsabihan na sumunod sa modernong buhay
Kung may mag-aaral na sinaktan ang kanyang kaklase, ano ang tamang desisyon?
Parusahan ayon sa patakaran ng paaralan
Tawanan ang nangyari
Ibalewala
Ipagmalaki
Paano mo masasabing tama ang paggamit ng kalayaan?
Kapag ito ay nakabubuti sa sarili at sa kapwa
Kapag ito ay nakalalamang sa iba
Kapag ito ay walang limitasyon
Kapag ito ay para lamang sa sarili
