wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 10-Q3 Review

Total questions: 20

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

    1. Tumutukoy sa hindi panTumutukoy sa hindi pantay na pagtrato sa isang indibidwal o grupo dahil sa edad, paniniwala,etnisidad at  kasarian  na nagiging dahilan ng limitasyon sa pagtamasa ng serbisyong panlipunan  tulad ng edukasyon, pabahay, trabaho , karapatan o partisipasyon sa pulitika at iba pa.

a)

 a. Diskriminasyon    

b)

b. Oryentasyong seksuwal   

c)

c. Sosyalisasyon   

d)

d. Eksploytasyong seksuwal

2.

2. Anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi

        pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan ng isang indibidwal.

a)

a.  Diskriminasyon sa kasarian                               

b)

        b.  Gampaning pangkasarian                                  

c)

c. Diskriminasyong homoseksuwal

d)

d. Oryentasyong seksuwal

3.

    3. Ayon sa pag-aaral ng Jobstreet (online recruitment portal), umiiral pa rin ang gender pay gap o ang magkaibang sahod ng lalaki at babae sa parehas  na trabaho o posisyon . Ano ang dahilan nito?

a)

  a. Mas magaling ang mga lalaking empleyado kaysa sa babae

b)

b. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga babae sa paggawa ng desisyon

c)

  c. Mas malawak na karanasan sa pagtatrabaho o work experience ng mga lalaki

d)

  d. Mababa ang kasanayan ng kababaihan

4.

    4. Ito’y isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang  benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang

        babae hanggang siya ay maikasal.

a)

a.  Female Genital Mutilation   

b)

b. Female Genes Migration                               

c)

c. Female Genes Mutation

d)

d. Female Genital Mutilation

5.

5. Paano maitataguyod ng iba’t ibang institusyon ang gender equality sa ating lipunan?      

        I.Pagtuturo ng magulang na ang  gawaing bahay ay maaaring gawin ng babae at lalaki      

        II.Pagtuturo ng paaralan sa konsepto at konteksto ng pagkapantay –pantay      

        III.Pagpapalabas ng mga programa tungkol sa kontribusyon  ng LBGT sa telebisyon       

        IV.Pagpapalakas ng paniniwalang ang babae ay dapat nakatuon sa gawaing bahay

a)

a. I, II , IV                     

b)

b. I, IV, III                     

c)

c. II, III, IV                     

d)

d. I,II,III  

6.

6. Isa sa mga pangkulturang pangkat ng New Guinea na kung saan kilala rin sila sa tawag na Biwat.  Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. Ano ang tawag sa pangkat na ito ng New Guinea? 

a)

a. Arapesh

b)

B. Chambri

c)

C. Tchambuli

d)

D. Mundugamur

7.

7. Ito ay malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.    

a)

A. Gender Crisis

b)

B. Gender Identity

c)

C. Sexual Identity

d)

D. Sexual Orientation

8.

8. Ang Anti-Homosexuality Act of 2014 ay nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo. Aling bansa ang nagpapahayag nito?

a)

A. India

b)

B. China

c)

C. Uganda

d)

D. Saudi Arabia

9.

9. Anong taon tinanggal ang sistemang foot binding sa China na panahon din ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa hindi mabuting dulot ng tradisyong ito? 

a)

A. 1911

b)

B. 1912

c)

C. 1913

d)

D. 1914

10.

10. Ang sumusunod ay nagpapakita ng karahasan sa lahat ng kasarian. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng “domestic violence”?

a)

A. Patuloy na tinatanggihan ang mga saloobin, ideya at opinyon.

b)

B. Nagmumura kapag nakainom ng alak o gumagamit ng droga.

c)

C. Nagsasabi na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender.

d)

D. Nananakit o nambubugbog ng asawa dahil sa selos.

11.

11. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.

a)

A. Principle 16

b)

B. Principle 25

c)

C. Principle 2

d)

D. Principle 1

12.

12. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anomang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasyon at titiyakin, para 

      sa lahat.

a)

A. Principle 12

b)

B. Principle 2

c)

C. Principle 4

d)

D. Principle 25

13.

13.  Ang mga sumusunod ay maaring makasuhan ng pang-aabuso sa ilalim ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004. Sino ang hindi kasama?

a)

A. Ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki

b)

B. Mga kasalukuyan at dating kasintahan

c)

C. Mga kasalukuyang kinakasama o dating kinakasama

d)

D. Mga kamag-anak na may malasakit

14.

14. Si Roy ay miyembro ng isang organisasyong lumalaban at naglalayong mabigyang ng patas na pagkakataon at pagtingin ang lahat ng tao, sila man ay babae, lalaki o LGBT. Ano ang ipinaglalaban ni Roy?

a)

A. Gender Sensitivity

b)

B. Feminism

c)

C. Gender Equality

d)

D. Sexualism

15.

15. Ayon sa HeForShe.org, kinakailangan ang tulong ng mga kalalakihan upang malabanan ang di-pantay na pagtrato sa mga kababaihan. Bakit kailangan itong gawin?

a)

A. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil mas kaunti ang bilang ng kababaihan kaya hindi nila kakayanin na isulong ang kanilang karapatan

b)

B. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil higit ang kanilang bilang na may

      posisyon sa pamahalaan.

c)

C. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil sila ay mayroong direktang ugnayan sa isyung ito.

d)

D. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil magkatuwang ang babae at lalaki sa buhay.

16.

16. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa 

     mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga 

     patakarang may kinalaman sa kanyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-

     publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensiya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at 

     militar, nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pangkasariang 

     pagkakakilanlan.

a)

A. Principle 2

b)

B. Principle 12

c)

C. Principle 14

d)

D. Principle 25

17.

17. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan.

a)

A. Principle 16

b)

B. Principle 2

c)

C. Principle 4

d)

D. Principle 25

18.

18. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sakaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

A. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa

b)

   B. May pantay na karapatan ang lalaki at babae

c)

  C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa

d)

D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon 

          kaysa sa kababaihan

19.

19. Ang RA 9262 ay kilala bilang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. Alin sa sumusunod ang hindi sinasaklaw ng kahulugan ng Children sa ilalim ng batas?

a)

A. Mga anak ng babaeng inabuso

b)

B. Mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi

c)

C. Mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kanyang pangangalaga

d)

D. Mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na may kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili

20.

20. Uri ng oryentasyong seksuwal na mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking na gusto ang mga lalaki na makipagtalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha?

a)

A. Homosexual

b)

B. Heterosexual

c)

C. Bisexual

d)

D. Asexual