WorksheetsMAPEH-5
Total questions: 45
Worksheet time: 27mins
Ito ang naglalarawan sa kung anong timbre mayroon ang isang mang-aawit o instrumento.
Timbre
tone color
tenor
Maaaring ang _____ ng isang mang-aawit ay manipis, makapal, mataas o magaan.
Timbre
tone color
tenor
Ito ay natatanging katangian ng isang tunog na nagdudulot ng pagkakaiba sa tinig ng tao, tunog ng hayop at mga instrumento.
Timbre
tone color
tenor
Tinig ng babae na mataas, matining, manipis at magaan
Soprano
Alto
Tenor
Tinig ng babae na mababa, makapal, mabigat at di-gaanong mataas
Soprano
Alto
Tenor
Tinig ng lalaki na mataas at magaan
Soprano
Alto
Tenor
Tinig ng lalaki na mababa, makapal, at malalim ang boses
Soprano
Alto
Bass
Isang uri ng drum na may dalawang ulunan at kalansing. Napapatunog ito sa pamamagitan ng pagpalo sa ulunan ng isang patpat.
Snare drum
Bass drum o bombo
Tenor drum
Nakakalikha ito ng mababang tunog kapag pinapalo. Ito rin ang nagbibigay hudyat ng simula at wakas ng pagmartsa ng banda.
Snare drum
Bass drum o bombo
Tenor drum
Isang lipon ng drum na binubuo ng dalawa, tatlo, apat, lima hanggang anim na drum. Ang timbre
nito ay higit na mataas kaysa sa base drum.
Tenor drum
Snare drum
Bass drum o bombo
Pinakapangunahing instrumento ng bandang drum at lyre. Ito ay hango sa instrumentong glockenspiel na gawa sa metal.
Tenor drum
Bell lyre
Bass drum o bombo
Gawa sa maninipis na haluang metal o alloy na hugis plato. Ito ay walang eksaktong tono. Napapatunog ito sa pamamagitan nang paghampas nito sa isa’t-isa o sa paghampas ng patpat sa ibabaw nito
Tenor drum
Snare drum
Cymbals o pompiyang
Isa sa mahalagang elemento ng musika na naglalarawan sa tinig ng tao.
timbre
dynamics
tempo
Anong uri ng tinig napapabilang ang mang-aawit na si Regine Velasquez?
(isulat ang salitang sagot nang nagsisimula sa malaking titik)
(a)
Anong uri ng tinig napapabilang ang mang-aawit na si Jaya?
(Isulat ang salitang sagot na nagsisimula sa malaking titik)
(a)
Anong uri ng tinig napapabilang ang mang-aawit na si Jovit Baldivino?
(isulat ang salitang sagot nang nagsisimula sa malaking titik)
(a)
Anong uri ng tinig napapabilang ang mang-aawit na si Sarah Geronimo?
(isulat ang salitang sagot nang nagsisimula sa malaking titik)
(a)
Anong uri ng tinig napapabilang ang mang-aawit na si KC Tandingan?
(isulat ang salitang sagot nang nagsisimula sa malaking titik)
(a)
Anong uri ng tinig napapabilang ang mang-aawit na si Garry Valenciano?
(isulat ang salitang sagot nang nagsisimula sa malaking titik)
(a)
Anong uri ng tinig napapabilang ang mang-aawit na si Andrew E.?
(isulat ang salitang sagot nang nagsisimula sa malaking titik)
(a)
Isang sining na kung saan ang linya, hugis,larawan o disenyo
ay ililipat sa papel, tela o iba pang bagay sa pamamagitan ng pag-iiwan ng bakas
o marka.
Paglilimbag
Pagpipinta
Pagguhit
Ang _____ ay nagmula sa Tsina.Ito ay ginagamit nila upang
mapanatili ang kanilang kasaysayan.
Paglilimbag
Pagpipinta
Pagguhit
Anong bansa ang pinagmulan ng paglilimbag? Isulat ang iyong sagot
(a)
Ang bansang (a) ay kilala din sa larangan
ng paglilimbag. Ang paksa ng kanilang sining o paglilimbag ay ang mga pang-
araw-araw nilang ginagawa.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kagamitan sa
paglilimbag maliban sa isa.
goma o swelas ng sapatos
linoleum
clay o putik
pandikit
Ang sumusunod ay ang mga hakbang
sa paggawa o paglimbag maliban sa isa. Alin ito?
Pag-uukit ng linya, hugis o disenyo na nakaangat sa goma o
swelas ng sapatos, linoleum, clay o putik.
Lagyan ng
pintura, pangkulay o tinta, upang magkaroon ng kulay ang disenyong iniukit at
ilalapat sa papel at tela.
Idikit ang isang bagay sa papel gamit ang iyong pandikit.
Ang _____ ay isa sa mga kasanayan o hakbang upang maisagawa ang
paglilimbag.
pag- uukit
pagguhit
pagpipinta
Ang
____ ay nagpapakita ng pagggalaw o movement sa isang likhang sining.
tekstura
rhythm
disenyo
Gamit ang ______, napapadali ng paglilimbag ang pagggawa ng mas
maraming kopya, hindi na kailangang ulitin -ulitin pa ang pagguhit para para
lamang makagawa ng mga disenyo.
tekstura
rythm
molde o ang pattern
Ang kape, sigarilyo, alak ay mga bagay na nakasanayan na ng iba na inumin
o gamitin.Ito ay nabibilang sa tinatawag na _______ dahil
ito nakahahalina at nakaaakit gamitin kung kaya’t paulit-ulit na ginagamit o
tinitikman hanggang maging bahagi na sila ng pang-araw-araw na buhay ng isang
tao.
gateway drugs o drogang gateway
caffeine
nikotina o nicotine
Ang _____ ay isang uri ng gamot na natural na matatagpuan sa mga dahon
at buto ng maraming uri ng halaman.
alkohol
nikotina o nicotine
caffeine
Ang ______ ay isang alkaloid na matatagpuan sa nightshade plants
partikular sa tabako plant na tinatawag ding Nicotiana tabacum.
caffeine
nikotina o nicotine
alkohol
Ang _____ ay nilikha mula sa katas ng prutas, o gulay na tinatawag na
fermented.
alkohol
nikotina o nicotine
caffeine
Ang pagkonsumo ng sobrang caffeine sa katawan ay nagdudulot ng hindi
kanais-nais na sintomas tulad ng mga sumusunod: Maliban sa isa.
Inosmia o kahirapan sa pagtulog
pangangasim ng sikmura o gastroenteritis
pagiging nerbiyoso
kanser sa baga, bibig, at lalamunan
Ayon sa pag-aaral at pananaliksik ang mga sakit na dulot ng paninigarilyo
ay ang mga sumusunod: Maliban sa isa
atake sa puso, stroke, at altapresyon
pangingitim o pagkabulok ng mga ngipin
sakit sa baga tulad ng bronchitis at emphysema
kakulangan sa bitaminang B1, na maaaring humantong sa isang sakit na
inilalarawan ng pagkalimot, apatiya at kalituhan
Kapag ang isang tao ay uminom ng higit pa sa makakaya ng
katawan, maaari nilang maranasan ang mga sumusunod: Maliban sa isa
mataas na presyon ng dugo, stroke, at ibang mga sakit na kaugnay sa
puso
kataraka ( cataracts)
kakulangan sa bitaminang B1, na maaaring humantong sa isang sakit na
inilalarawan ng pagkalimot, apatiya at kalituhan
Gastritis (pamamaga ng loob ng sikmura)
Ang ___ ay itinuturing na ating
pambansang sayaw.
Cariñosa
Tinikling
Sayaw sa bangko
Tukuyin ang pigura ng mga Hakbang sa Pagasasagawa ng sayaw na Cariñosa.
"Nakatayong pareho at magkaharap ang lalaki at babae. Nasa kanan
ng lalaki ang babae."
Paghahanda
Unang Pigura
Ikalawang Pigura
Ano-ano ang mga hakbang sa ikatlong pigura?
1. Humakbang patagilid, pakanan (1,2,3). Ituro ang kaliwang paa sa harap
(1,2,3), ang kanang kamay ay nasa baligtad na T posisyon habang ang
kaliwang kamay ay nasa baywang. Ikumintang ang kanang kamay kapag
itinuturo ang kaliwang paa.
2. Gawin muli ang unang hakbang na nagsisimula sa kaliwang paa, pagilid
sa kaliwa. Ang kamay ay baligtad ang posisyon.
3. Gawin ng tatlong beses ang 1 at 2.
Magkaharap parin ang babae at lalaki.
1. Gamit ang kanang paa, humakbang ng tatlo pasulong sa gitna (1,2,3).
Gamit ang kaliwang paa humakbang palapit sa kanan (1). Tumigil ng (2,3)
sumandali.
2. Mag touch step ng apat paharap, gamit ang paang pinagpapalit-palit.
Tingnan ang kapareha.
3. Humakbang pasulong gamit ang kanag paa papunta sa kanang balikat ng
kapareha (1,2,3,4). Umikot pakanan at humarap sa isa’t-isa, ilapit ang
kanang paa sa kaliwang paa (2,3).
4. Gawing muli ang 1-3. Bumalik sa puwesto.
1. Magkita sa gitna ang magkapareha (1,2,3) at umikot pakanan (2,3).
2. Gamit ang kanang paa, ituro ito paharap at iwasiwas ang hintuturo sa
kapareha sa tapat ng kanang balikat, ang kamay ay nakahawak sa
baywang (1,2). Humakbang patagilid-pakanan upang magkita ang isa’t-isa
sa kaliwang balikat (3). Gawin ito ng tatlong beses na itinatama ang kaliwa,
kanan, kaliwang paa at iwasiwas ang kaliwa, kanan, kaliwang hintuturo ng
salitan sa kapareha. Nakatayo ang magkapareha na magkadikit ang
kanang balikat kung ang kanang hintuturo ay iwinawasiwas sa kapareha,
at magkadikit naman ang kaliwang balikat kung ang iwinawasiwas ay
kaliwang hintuturo.
Ilang pigura mayroon ang Sayaw na Cariñosa?
Apat
Lima
Pito
Anong pigura napapabilang ang mga hakbang na ito?
1. Magkita sa gitna ang magkapareha (1,2,3) at umikot pakanan (2,3).
2. Gamit ang kanang paa, ituro ito paharap at iwasiwas ang hintuturo sa
kapareha sa tapat ng kanang balikat, ang kamay ay nakahawak sa
baywang (1,2). Humakbang patagilid-pakanan upang magkita ang isa’t-isa
sa kaliwang balikat (3). Gawin ito ng tatlong beses na itinatama ang kaliwa,
kanan, kaliwang paa at iwasiwas ang kaliwa, kanan, kaliwang hintuturo ng
salitan sa kapareha. Nakatayo ang magkapareha na magkadikit ang
kanang balikat kung ang kanang hintuturo ay iwinawasiwas sa kapareha,
at magkadikit naman ang kaliwang balikat kung ang iwinawasiwas ay
kaliwang hintuturo.
Unang pigura
Ikalawang pigura
Ikatlong Pigura
Anong pigura napapabilang ang mga hakbang na ito?
1. Magkita sa gitna.
2. Gamit ang kanang kamay, bubuksan ng babae ang pamaypay. Ituro ang
kanang paa sa harap at takpan ng bahagya ang mukha ng pamaypay.
Humakbang gamit ang kanang paa palapit sa kaliwa, ibaba ang kanang
kamay. Ang lalaki naman ay ituturo ng salitan ang mga paa paharap at
sisilipin ang babae sa ilalim ng pamaypay.
3. Magpalitan ng puwesto.
4. Ultin ang 1-3. Bumalik sa dating puwesto.
unang pigura
ikalawang pigura
ikaapat na pigura
1. Humakbang ng 3 pasulong sa pamamagitan ng kanang paa. Ang babae
ay luluhod gamit ang kanang tuhod habang iikutan siya pakanan ng lalaki,
tatayo sa likuran ng babae at nakaharap sa direksyon ng babae.
Ilagay ang mga kamay sa baywang.
2. Ituturo ng lalaki ang kanan at kaliwang paa ng salitan sa harap at titingnan
ang babae sa kanyang kanan at kaliwang balikat. Titinganan naman siya
ng babae pasalungat.
3. Ang lalaki’y babalik pakanan. Magapapalit sila ng lugar.
4. Ulitin ng 1-3. Ang lalaki naman ang luluhod.
Anong pigura napapabilang ang mga hakbang sa taas?
Unang pigura
ikaanim na pigura
ikalimang pigura
1. Magkita sa gitna. Hahawakan nila parehas ang apat na sulok ng panyo,
ang mga kamay ng lalaki ay nasa itaas na pantay ng mukha.
2. Ituro ng salitan ang mga paa ng apat na ulit. Salitan ding iangat ang mga
kamay habang hawak ang panyo na nakapagitan sa mukha ng babae at
lalaki. Sisilipin lalaki ang mukha ng kapareha.
3. Bibitiwan ng babae ang panyo at magpapalitan sila ng lalaki ng puwesto.
4. Gawin ang 1-3, bumalik sa dating lugar. Hahawakan na ng babae ang
panyo.
Anong pigura napapabilang ang mga hakbang na ito?
Ikaapat na pigura
ikalimang pigura
ikaanim na pigura
1. Gamit ang kanang paa, gumawa ng dalawang balseng hakbang pupunta
sa gitna. Ang mga bisig ng babae at lalaki ay magka agapay sa posisyon
na papunta sa gilid pakanan at pakaliwa.
2. Gumawa ng anim na balseng hakbang pasulong at pakanan na gagawin
ng babae. Lilingunin ang lalaki sa balikat ng salitan.
3. Bumalik. Ulitin ang papuntang kaliwa na salungat sa takbo ng orasan. Una
ang lalaki. Magtapos na kaagapay. Nasa gilid sa kanan ang babae.
Anong pigura napapabilang ang mga hakbang na ito?
ikalimang pigura
ikaanim na pigura
ikapitong pigura
