Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 10 3rd quarter exam

Total questions: 60

Worksheet time: 2hrs 49mins

Name
Class
Date
1.
Liongo Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay – ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng anumang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at Shangha sa Faza o isla ng Pate. Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na naunang napunta sa kaniyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna - unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag - awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya. - Mula sa http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htm Ano ang pangunahing suliranin sa mitolohiya?
a)
ang pagtakas ni Lionggo
b)
ang paghinto ng pag-awit
c)
ang pakikipagpaligsahan ni Lionggo
d)
ang pagkakapatay kay Liongo ng sariling anak
2.
“Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, Bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Ang pag-awit ay ________
a)

may taglay na mahika

b)

nakaaliw sa guwardiya

c)

nakapagbibigay sa kaniya ng kapangyarihan

d)

makapangyarihan ang awit na nangwasak sa tanikala

3.
Ano ang pagkakaiba ng mitolohiya ng Kenya at Persia?
a)

Ang Mito ng Kenya ay tungkol sa mga hayop at sa Persia ay tungkol sa mga halaman.

b)

Ang Mito ng Kenya ay tungkol sa kanilang sarili at ang Persia ay tungkol sa mga Diyos.

c)

Ang Mito ng Kenya ay tungkol sa pamumuno sa lugar at sa Persia ay tungkol sa pamamana.

d)

Ang Mito ng Kenya ay tungkol sa pang-araw araw na pamumuhay at ang Persia ay tungkol sa tradisyonal na kuwento na may kakaibang nilalang.

4.
Fall in line.
a)

Hulog sa linya.

b)

Ihulog sa linya.

c)

Mahulog ka sa linya.

d)

Pumila nang maayos.

5.
Ano ang salin sa Filipino ng tayutay na “Once in a Blue Moon”?
a)

palagi

b)

bihira

c)

paminsan-minsan

d)

isang beses sa asul na buwan

6.
Ano ang pagkakatulad ng mitolohiya ng Kenya at Persia?
a)

tumatalakay sa kabihasnan.

b)

tumatalakay sa sinaunang tao o pangyayari.

c)

tumatalakay sa pamumuhay ng mga nakatira sa lugar.

d)

tumatalakay sa pamumuhay ng mga nakapaligid sa lugar.

7.
“Kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo, siya rin ang sisira sa iyo”. Sinong tauhan ang tinutukoy ng pahayag?
a)

Mbawasho

b)

Haring Ahmad

c)

Anak ni Liongo

d)

Asawa ni Liongo

8.
Tama ba ang naging desisyon ng hari na gawing kapamilya si Liongo. Bakit?
a)

Oo, dahil sa pamamagitan ni Liongo ay magkakaroon siya ng kasama.

b)

Oo, dahil sa pamamagitan ni Liongo ay magiging tahimik ang kaharian nila.

c)

Oo, dahil sa pamamagitan ni Liongo ay magiging sikat siyang Hari ng kenya.

d)

Oo, dahil sa pamamagitan ni Liongo ay mas magiging malakas ang kaharian niya.

9.
“Take a sad song and make it better.”
a)

Pillin ang isang malungkot na kanta at pagandahin ito.

b)

Pumili ng malungkot na kanta at gawin itong maganda.

c)

Kunin ang isang malungkot na kanta at maging maganda ito.

d)

Gawing maganda ang mensahe ng isang malungkot na awitin.

10.
“Why did you throw your other slipper?”
a)

Bakit mo tinapon ang tsinelas mo?

b)

Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?”

c)

Bakit kailangan mong ihagis ang isa pang tsinelas?

d)

Bakit kailangan mong ihagis ang isa pang pares ng iyong tsinelas?

11.
Ano ang salin sa Ingles ng “Binilhan ako ng nanay ng bagong damit”?
a)

My mother buy a new dress for me.

b)

My mother bought a new dress for me.

c)

A dress is being bought by my mother.

d)

A new dress is given to me by my mother.

12.
Ang mga pahayag ay mga katangiang taglay ng isang tagapagsalin. Alin ang HINDI kabilang?
a)

Kaalaman sa kultura ng sariling bayan.

b)

Kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.

c)

Kaalaman sa paksa ng isasalin at dalawang wikang kasangkot.

d)

Kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

13.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko. Mula sa http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-anekdota.html Ano ang naramdaman ng manunulat nang nahulog ang kaniyang tsinelas sa ilog?
a)
malungkot
b)
nanginginig
c)
nanghinayang
d)
nagsisi
14.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko. Mula sa http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-anekdota.html Ang paksa ng anekdota ng ating Pambansang Bayani ay
a)
pagtulong
b)
pagbibigay
c)
pagpaparaya
d)
pagkawanggawa
15.
Itinapon ng pangunahing tauhan ang isa pang tsinelas niya sa ilog. Patunay ito na
a)

Hindi siya nanghihinayang sa tsinelas.

b)

Wala nang silbi ang naiwan niyang tsinelas.

c)

Ang pagtulong sa kapwa ay wala sa edad .

d)

Ang nawala sa kaniya ay maaaring biyaya sa iba.

16.
Anong aral ang maaaring matutuhan sa anekdota? “Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
a)

Tumulong sa di inaasahang pagkakataon.

b)

Maging mapagbigay sa nangangailangan.

c)

Magbigay nang walang hinihintay na kapalit.

d)

Kung nahulog ang tsinelas, ihulog ang isa pa.

17.
“Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.” Mula sa http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-anekdota.html Ang panimula ng anekdota na Ang Tsinelas ni Jose Rizal ay ginamitan ng isang
a)

paglalahad

b)

paglalarawan

c)

pagsasalaysay

d)

pangangatwiran

18.
Isang mahirap na tao ang tumama ng suwipstik. Siya ay maysakit sa puso kaya’t ang ahenteng binilhan niya ng tiket ay nag-isip ng paraan upang maihatid ang balita nang hindi aatakihin sa puso ang tumama. Sa kanilang pag-uusap ay tinantiya ng ahente kung ano ang magiging damdamin ng tao kung malaman na ito ay tumama sa suwipistik. Sinabi ng tao na kung siya ay tumama ay ibibigay niya ang kalahati sa ahente. Ang ahente ang inatake sa puso. Ano ang naging paksa ng binasang anekdota?
a)

tungkol sa pagkaatake ng ahente

b)

tungkol sa hatian ng napanalunan

c)

tungkol sa suwipstik na pagmamay-ari ng ahente

d)

tungkol sa kung paano sasabihin ng ahente na nanalo ang tumaya

19.
Isang mahirap na tao ang tumama ng suwipstik. Siya ay maysakit sa puso kaya’t ang ahenteng binilhan niya ng tiket ay nag-isip ng paraan upang maihatid ang balita nang hindi aatakihin sa puso ang tumama. Sa kanilang pag-uusap ay tinantiya ng ahente kung ano ang magiging damdamin ng tao kung malaman na ito ay tumama sa suwipistik. Sinabi ng tao na kung siya ay tumama ay ibibigay niya ang kalahati sa ahente. Ang ahente ang inatake sa puso. Maituturing na isang maikling kuwento ang anekdota dahil
a)

Maikli lamang at madaling mababasa.

b)

Ito’y may tauhan, taguan at pangyayari.

c)

May suliraning nangangailangan ng sagot.

d)

Ito ay nagpapabatid ng karanasan na kapupulutan ng aral.

20.
Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang anekdota?
a)

kapupulutan ng aral

b)

maikli at tungkol sa katawa-tawang pangyayari

c)

makatotohanan at batay sa tunay sa karanasan

d)

nagpapahayag ng opinyong tungkol sa karanasan ng isang tao

21.
Nagagalak ang kaniyang kaibigan nang sila ay magkita. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa panlaping panlaping ginamit
a)

naiiyak

b)

natutuwa

c)

natuwa

d)

matutuwa

22.
Narinig ko ang malakas na tawanan nang ako ay dumaan sa kanilang harapan.
a)

pang-iinsuto

b)

sabay-sabay na masaya

c)

sabay- sabay na pagkilos

d)

sabay-sabay na pagtawa

23.
Ang kanilang pagkikitang muli ay iminungkahi ng kaniyang ama. Ano ang kasingkahulugan ng may salungguhit?
a)

ipinayo

b)

ibinigay

c)

ipinahayag

d)

ipinahiwatig

24.
Isang Liham Ni: Chum Ocenar Kundi man sasapat ang bisa ng aking kalasag Upang supilin ang banta ng panganib, Ipag-antanda mo ako sa tapat ng altar At damayan sa puspos na pananalangin. Mahal, kay laking sigalot itong nilalabanan. At batid kong ang pakikipagsapalarang ito’y Isang pagsagwan sa daluyong ng alinlangan. Hindi mawari ang lalim at bagsik ng tubig. Tanging mga hampas ng alon ang tugon sa bawat daing; Niyayanig ng takot ang mga adhikain. Sa dilim, patuloy ang pag-apuhap sa mukha ng kaligtasan. Sa panaginip, ilang ulit na’ng pagyugyog ng naulila sa yumao’y Walang nakapaparam sa alingawngaw ng pagtangis. Sa sandaling lamunin ng hilakbot ang dagat, Nawa’y ibulong mo sa hangin ang pag-asang hindi maligaw Sa patuloy kong paglalakbay Patungo Pabalik Hanggang maabot-tanaw ang lunas. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na "kung hindi man sapat ang bisa ng aking kalasag”
a)

lamang-loob

b)

tibay ng loob

c)

lakas ng tibok

d)

tibay ng panagga

25.
Isang Liham Ni: Chum Ocenar Kundi man sasapat ang bisa ng aking kalasag Upang supilin ang banta ng panganib, Ipag-antanda mo ako sa tapat ng altar At damayan sa puspos na pananalangin. Mahal, kay laking sigalot itong nilalabanan. At batid kong ang pakikipagsapalarang ito’y Isang pagsagwan sa daluyong ng alinlangan. Hindi mawari ang lalim at bagsik ng tubig. "Isang pagsagwan sa daluyong ng pag-aalinlangan.”
a)

pagkilos

b)

pagharap

c)

pag-abante

d)

pakikipagsapalaran

26.
Tanging mga hampas ng alon ang tugon sa bawat daing; Niyayanig ng takot ang mga adhikain. Sa dilim, patuloy ang pag-apuhap sa mukha ng kaligtasan. Sa panaginip, ilang ulit na’ng pagyugyog ng naulila sa yumao’y Walang nakapaparam sa alingawngaw ng pagtangis. "Sa dilim, patuloy ang pag-apuhap sa mukha ng kaligtasan.”
a)

pag-asa

b)

tagumpay

c)

kinabukasan

d)

bagong umaga

27.
Sa panaginip, ilang ulit na’ng pagyugyog ng naulila sa yumao’y Walang nakapaparam sa alingawngaw ng pagtangis. Sa sandaling lamunin ng hilakbot ang dagat, Nawa’y ibulong mo sa hangin ang pag-asang hindi maligaw "Walang nakapaparam" sa alingawngaw ng pagtangis.”
a)

makapipigil

b)

makapapawi

c)

pangungulila

d)

labis na kalungkutan

28.
Kundi man sasapat ang bisa ng aking kalasag Upang supilin ang banta ng panganib, Ipag-antanda mo ako sa tapat ng altar At damayan sa puspos na pananalangin Mahal, kay laking sigalot itong nilalabanan. At batid kong ang pakikipagsapalarang ito’y Isang pagsagwan sa daluyong ng alinlangan. Hindi mawari ang lalim at bagsik ng tubig. "Mahal, kay laking sigalot itong nilalabanan.”
a)
hinanakit
b)
pag-aaway
c)
hindi pagkakasundo
d)
hindi pagkakaunawaan
29.
Ayusin ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin. pinakamababa hanggang pinakamataas 1. kagalakan 2. katuwaan 3. kaluwalhatian 4. kaligayahan
a)

2 1 3 4

b)

2 1 4 3

c)

1 2 4 3

d)

1 4 2 3

30.
Ayusin ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin. payak hanggang sa 1. lungkot 2. lumbay 3. dalamhati 4. pighati
a)

1 2 3 4

b)

2 3 4 1

c)

3 4 2 1

d)

1 2 4 3

31.
Ayusin ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin. payak hanggang matalinhaga 1. pagliyag 2. pagsinta 3. paghanga 4. pagmamahal
a)

1 2 4 3

b)

2 3 4 1

c)

3 2 1 4

d)

1 3 2 4

32.
Karamihan ay naapektuhan ng pandemya. ______________ ito ng mga datos na napapanood sa telebisyon, napakikinggan sa radio at nababasa sa social media.
a)

Ebidensiya

b)

Katotohanan

c)

Patunay

d)

Pinatutunayan

33.
Masalimuot na proseso ang nagaganap sa paghalal ng pinuno ng isang bansa. Sa bansang Mali noong sinaunang panahon ito ay naipapasa. Sa kasalukuyang panahon dito sa Pilipinas tayo ay nagkakaroon ng ________________.
a)

pagpili

b)

pamana

c)

eleksyon

d)

appointment

34.
Nakagigimbal ang transpormasyong naganap sa pisikal na anyo ni Mari Djata. Hindi malirip ang hiwaga na bumalot at sa isang iglap ang nakaguhit sa palad na kapalaran ay kaniyang makakamtan. Alin sa sumusunod nahahanay ang salitang hiwaga?
a)

panday, espada, kawal

b)

kaharian, kapangyarihan, reyna

c)

ermitanyo, matanda, manghuhula

d)

salamangkero, anting-anting, kapangyarihan

35.
Ayusin ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin. payak hanggang matalinhaga 1. asar 2. inis 3. poot 4. galit
a)

2 1 4 3

b)

1 2 3 4

c)

3 2 1 4

d)

1 2 4 3

36.
Ang huling pangungusap na “Napilitan ang mga ito na mamuhay na isang kahig isang tuka.” Maiuugnay natin ito sa kasalukuyang sitwasyon ng _________ sa ating lipunan.
a)
krisis
b)
kahirapan
c)
korapsyon
d)
pagsabong
37.
“Tingnan mo ang iyong sarili,” wika ng mapanghamak na si Sassouma. Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap ng mga dahon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak.” Siya’y nanunudyong humalakhak nang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa kaibuturan.” Hango sa “Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali” Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Talamak pa rin sa lipunan ang pagiging mapagmataas, at mayroon pa ring naaapi. Batay sa usapan sa talata ito ay kadalasang nangyayari sa pagitan ng ____________.
a)
ina at anak
b)
babae at lalaki
c)
mayaman at mahirap
d)
matalino at hindi nakapag-aral
38.
“Pagkatapos ay nagsimula ang nakahihindik na patayan. Ang kababaihan at kabataan na nasa kalagitnaan ng pagtakas ay nagsumamo. Napadpad sina Sundiata at ang kaniyang kabalyeriya sa harap ng kamangha-manghang palasyo ni Soumaoro.” Hango sa “Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali” Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Ayon sa talata ang kalalakihan ay napipilitang lisanin ang kanilang tahanan, iwan ang kabiyak at mga supling. Sa likod ng kaguluhan sa lipunan, sino-sino ang patuloy na naapektuhan batay sa talata?
a)
kabataan
b)
mga manggagawa
c)
ang asawa at mga anak
d)
mga estudyante o mag-aaral
39.
Apektado ang mga walang kalaban-laban na mamamayan sa lipunan. Anong batas ang nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga kababaihan at kabataan sa anumang karahasan.
a)

R.A. 8353 (Anti-Rape Law)

b)

R.A. 9208 (Anti trafficking in Person Act)

c)

R.A. 7877 (Anti-Sexual Harrasment Law)

d)

R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004)

40.
36. Piliin ang tamang pangkat ng mga salita batay sa kaugnayan sa isa’t isa. kawal, panday, mamamana, pinuno mangangaso, mandirigma, manlalaro, manlalakbay
a)

pinuno,mandirigma, kawal

b)

panday, manlalaro, pinuno

c)

manlalakbay, pinuno, mamani

d)

mangangaso, manlalakbay, mamamana

41.
“Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.” “Hindi. Ito’y sobra na. Hindi maaari.” “Mahusay, kung gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito,” sabi ni Mari Djata. “Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal. Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko sa iyo ang buong puno?” “Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko ng puno’t ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa.” Hango sa “Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali” Batay sa masidhing nararamdaman ng ina, anong prinsipyo sa buhay ang naaayon dito.
a)
Mata sa mata, ngipin sa ngipin.
b)
Paglaban sa mga pang-aapi ng iba.
c)
Walang naaapi kung walang nagpapaaapi.
d)
Ang tunay na sikreto sa buhay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.
42.
“Nakalakad si Mari Djata. Buhat nang araw na yaon, hindi na natahimik ang kalooban ng Inang Reyna. Ngunit sino nga ba ang makasasalungat sa tadhana? Wala, ang taong nasa impluwensiya ng kahibanga’y naniniwalang kaya niyang baguhin ang itinakda ng Panginoon. Subalit ito’y binabalangkas niya sa paraang kailanman ay hindi malirip ng kamalayan ng tao. Samakatuwid, lahat ng hakbang si Sassouma laban sa anak ni Sogolon ay nawalan ng saysay.” Hango sa “Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali” Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Ano ang damdaming namamayani sa teksto?
a)
pag-aalala
b)
pananalig
c)
kawalan ng pag-asa
d)
paghihiganti
43.
Kung ang tula ay maaaring nasa anyong malaya at may tugma at sukat, ang sanaysay ay maaaring
a)

pasalita at pasulat

b)

pormal at di-pormal

c)

malaya at di-malaya

d)

tuluyan at di-malaya

44.
“Kung binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay”, ito ang nararapat gawin ni Mari Djata kay Inang Reyna na nangangahulugang ________.
a)

Patuloy na gumawa nang mabuti sa lahat ng tao.

b)

Igalang ang namumuno kahit anong mangyari.

c)

Suklian ng kabutihan ang pasakit mula sa ibang tao.

d)

Huwag dibdibin ang nakaraan sapagkat hindi na ito maibabalik.

45.
Ano ang pagkakatulad ng mga sanaysay, maikling kuwento at nobela?
a)

Malaya at tuluyang naipahahayag ang kaisipan.

b)

Binubuo ng mga pangungusap tungo sa saknong.

c)

Malalaman mo ang buong kaisipan sa isang upuang pagbabasa.

d)

Sumusunod sa tamang estruktura tulad ng sukat at pagtutugma ng mga salitang gagamitin.

46.
Alin sa mga sumusunod ang katangian ng personal na sanaysay?
a)

Ang tono nito ay mapitagan upang mapanatili ang kaayusan ng mensahe.

b)

Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda.

c)

Maingat na pinipili ang pananalitang ginagamit sa pagsulat ng impormasyon.

d)

Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa pamamagitan ng maka-agham at teknolohiya.

47.
Patok at sikat ang mga bulaklak sa Northern Blossom sa Atok, Benguet, ___________ ito ay dinarayo ng mga turista bago ang pandemya at ngayong may kaluwagan na.
a)

ebidensiya na

b)

sa aking pananaw

c)

sa totoo lang

d)

sa katunayan

48.
Ang panitikang ito ay natatangi at naging daan ito upang mailahad ng personal ni G. Nelson Mandela ang pagnanais ng kalayaan ng Timog Africa.
a)

Awit

b)

Dula

c)

Tula

d)

Talumpati

49.
Kung ang bulaklak: ay nasa hardin; ang aklat naman ay sa ____________
a)

mag-aaral

b)

silid-aralan

c)

eskaparate

d)

silid-aklatan

50.
Sinabi niya na ang pagtaas ng presyo ng gasolina ay ____________ maging dahilan upang magpatuloy na lumalala ang krisis sa bansa.
a)

maaaring

b)

patunay

c)

sa totoo lang

d)

isang katotohanan

51.
_______ mas epektibong mag-aral sa loob ng silid-aralan kaysa magmodyul sa loob ng bahay.
a)

ang totoo

b)

bilang patunay

c)

sa katunayan

d)

sa totoo lang

52.
“Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.” Ang bahagi ng nobela ay naglalarawan sa kalagayan ng karakter at kung ano-ano ang kanyang nagawa bilang tao. Ang bahagi ng akda ay isang halimbawa ng ____________.
a)
Teoryang Historikal
b)
Teoryang Humanismo
c)
Teroryang Moralistiko
d)
Teoryang Realistiko
53.
“Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.” “Hindi. Ito’y sobra na. Hindi maaari.” “Mahusay, kung gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito,” sabi ni Mari Djata. “Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal. Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko sa iyo ang buong puno?” “Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko ng puno’t ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa.” Hango sa “Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali” Anong damdamin ang nangingibabaw sa teksto?
a)
Pagdamay ng anak sa hinagpis ng ina.
b)
Pagtutulungan ng pamilya upang makamit ang pangarap sa buhay.
c)
Ang marubdob na pagnanais ng anak na tuparin ang hinihiling ng ina.
d)
Pagbibigay payo ng ina sa kaniyang anak upang makaahon sila sa kahirapan.
54.
espiritwal: kaluluwa: pisikal: _____________
a)

isip

b)

utak

c)

puso

d)

katawan

55.
“Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo. Upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu.” Tinuring ni Okonkwo na anak-anakan niya ang bata ngunit sa sa pansariling kapakanan tinaga niya ang bata sa harap ng kaniyang katribo.Nailalarawan sa bahagi ng nobela ang _________________.
a)
Teoryang Historikal
b)
Teoryang Moralistiko
c)
Teoryang Realismo
d)
Teoryang Sikolohikal
56.
“Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kanyang mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Manta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.” Hango sa “Paglisan” (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera Nagpakita si Okonkwo ng positibong pag-uugali. Anong teoryang pampanitikan ito?
a)
Teoryang Formalistiko
b)
Teoryang Humanismo
c)
Teoryang Moralistiko
d)
Teoryang Realismo
57.
“Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Layunin ng mga 57 misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsahin sila ngunit ito ay hindi maunawaan . Hango sa “Paglisan” (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera Anong teorya ang binasang talata?
a)
Teoryang Historikal
b)
Teoryang Moralistiko
c)
Teoryang Realismo
d)
Teoryang Sosyolohikal
58.
Ito ay ang mga orihinal na impormasyon batay sa karanasan ng mga tao, halimbawa nito ay talaarawan.
a)

Abstraktong batis

b)

Pangunahing batis

c)

Sekondaryang batis

d)

Tersyaryang batis

59.
Pangunahing batis: talaarawan :: Sekondaryang batis : _____________ :: Tersyaryang batis : abstrak
a)

Fossil

b)

Relikya

c)

Databases

d)

Diksiyonaryo

60.
“Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan. Hango sa “Paglisan” (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera Ipinahahayag ng teksto na ang pagpapakamatay ng isang Africano lalo na sa mga tanyag na tao ay ______________.
a)
kasawian
b)
pagsuko
c)
may dignidad
d)
malaking kasalanan