wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FIL 2 MAHABANG PAGSUSULIT (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina)

Total questions: 40

Worksheet time: 3570secs

Name
Class
Date
1.

Sino ang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas?

(a)  

2.

Ang ibong adarna, florante at laura, noli me tangere, at el filibusterismo ay ilan lamang sa mga halimbawa ng (a)   ?

3.

Kilala bilang lumang pamamaraan ng pagsulat ng mga Pilipino.

(a)  

4.

Isang iskolarling gawain kung saan maingat at sistematikong kinakalap ang sisiyasating datos tungo sa pagtuklas ng bagong kaalaman

(a)  

5.

ipinapaliwanag ng teoryang ito na ang pag-unlad ng teknolohiya ay tama at positibo.

(a)  

6.

Sa anong panahon itinakda ng pamahalaan na ang wikang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan.?

(a)  

7.

Tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa

(a)  

8.

Naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng Wikang Pambansa.

(a)  

9.

Isang mananaliksik na nagtataguyod sa kwalitatibong pamamaraan at naglahad ng pitong kadahilanan kung bakit mahalaga ang pananaliksik.

(a)  

10.

Ang unang diksyunaryong Tagalog na isinulat ng isang Franciscano na si Pedro de San Buenaventura.

(a)  

11.

Gumagamit ng mga pamamaraan sa pagkalap ng datos upang makabuo ng kongklusyon sa nakaraan.

(a)  

12.

Isang mabisang metodo upang maiwasan ang pangungopya o plagiarism habang isinasagawa ang rebyu ng isang pag-aaral.

(a)  

13.

Pag-aaral na ito ay nakatuon sa partikular na tao, grupo, o institusyon.

(a)  

14.

Ang paggalang sa watawat na sumisimbolo sa bansa at maayos na pag-awit ng pambansang-awit ay isang halimbawa ng                           .

(a)  

15.

Ang pakikibaka ng Tanggol Wika laban sa banta ng pagsira ng wikang Filipino ay isang halimbawa ng                                          .

(a)  

16.

“Pag-aaral sa komunidad ng mga Aeta at iba pang indigenous cultural community”. Anong uri ng klasipikasyon sa pag-aaral ang nasabing pamagat?

(a)  

17.

“Antas ng Pagkahilig ng mga Kabataan sa Paglalaro ng Dota at ang Implikasyon Nito sa Kanilang Partisipasyon sa Klase”. Anong uri ng klasipikasyon sa pag-aaral ang nasabing pamagat?

(a)  

18.

Ang ponolohiya, morpolohiya, pragmatiks, at sintaks ay mga halimbawa ng                                           .

(a)  

19.

Malawak na klase ng teknolohiya batay sa makina o machines na nagpoproseso ng mga datos at nagsasagawa ng kalkulasyon sa mataas na bilis na kilala sa tawag na computer

(a)  

20.

“Si Rizal nga ba ang Pambansang Bayani?”. Anong uri ng klasipikasyon sa pag-aaral ang nasabing pamagat?

(a)  

21.

ang unang ipinalit sa Surian ng Wikang Pambansa

(a)  

22.

Nang dumating ang mga (a)   , biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino nang itakda ng pamahalaan na ang wikang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan.

23.

Ang (a)   ay ang wikang pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang bansa.

24.

Sa pagpili ng (a)   , mainam na magtala ng mga posibleng paksa sa isang malawak na sangay ng pag-aaral

25.

Ang (a)   ang pinakakaraniwang pamamaraan ng pangangalap ng datos.

26.

Ang (a)   ay isang metodo ng sosyo-ekonomikong pagsusuri na kung saan ay tinitingnan ang ugnayan ng klase (class relations) at tunggaliang panlipunan (social conflict).

27.

Tumutukoy sa pag-aaral ng isip, diwa, at asal.

(a)  

28.

tumutukoy sa mga kasanayan ng pagsasama ng computer, sensor, at kapabilidad ng network sa pang-araw-araw na kagamitan na katulad ng infrastraktura.

(a)  

29.

inilalarawan sa pamamagitan ng mga kuwento, ideya, at mga salita na tumutulong sa atin upang maging higit na makabuluhan ang ating buhay at ang mundo.

(a)  

30.

tumutukoy sa pag-aaral sa pinagmulan ng ibat ibang lahi ng tao.

(a)  

31.

Tumutukoy sa pamamaraan ng pangangalap ng datos ng isang mananaliksik na kung saan ay personal ang pagkuha ng datos. Halimbawa nito ang pakikipanayam.

(a)  

32.

Tumutukoy sa kalkulasyon ng bilang o bigat ng kasagutan ng mga respondente ng pag-aaral. Halimbawa nito ang sarbey.

(a)  

33.

Layunin ng pag-aaral na ito ang ihambing ang anumang konsepto, kultura, bagay o pangyayari na kasangkot sa dalawang paksa ng pag-aaral.

(a)  

34.

Isang Ilustrado na may pananaw na ang sinasakop na bansa katulad ng Pilipinas ay hindi dapat na pagsamantalahan, sa halip ay nararapat itong paunlarin, gawing sibilisado, turuan, at sanayin sa siyensya ng sariling pamamahala.

(a)  

35.

Ang metodolohiyang ito ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng eksperimento sa agham ng Siyensya.

(a)  

36.

Isang metodo sa pangangalap ng datos na kung saan ang mananaliksik ay bumubuo ng isang maliit na pangkat na kinabibilangan ng magkakaibang tao.

(a)  

37.

Instrumento ng pananaliksik na kinabibilangan ng serye ng mga katanungan upang gamitin sa pangangalap ng impormasyon sa mga respondente ng pag-aaral.

(a)  

38.

Nagsisilbi itong daluyan ng komunikasyon na ang layunin ay magbigay ng kaalaman, impormasyon, diskurso, libangan, at marami pang iba.

(a)  

39.

Kalipunan ng mga impormasyon hinggil sa nakaraan na kung gagamitin sa larangan ng pag-aaral ay tumutukoy sa interpretasyon ng mga tala hinggil sa tao

(a)  

40.

tumutukoy sa mga gawain ng tao sa pamamagitan ng pagbawi at pagsusuri sa mga material na kultura.

(a)