wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEW IN AP 9 Q4

Total questions: 25

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Panahon ng eleksyon. Nakita mong inabutan ng 300 pesos ang iyong nanay at tatay ng leader ng kandidato sa inyong lugar. Hindi ito tinanggap ng iyong magulang. Anong katangian ang taglay ng iyong magulang?

a)

Maalam

b)

Maabilidad

c)

Mapanagutan

d)

Makabansa

2.

Ang pagsunod sa batas trapiko ay pagiging:

a)

Maalam

b)

Maabilidad

c)

Mapanagutan

d)

Makabansa

3.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sektor ng agrikultura?

a)

Paggugubat

b)

paghahalaman

c)

pagmamanukpatura

d)

pangingisda

4.

Ayon sa Meriam Webster dictionary, ito ay ang pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.

a)

Pag-unlad

b)

Pagsulong

c)

Pag -angat

d)

Pag-ahon

5.

Ayon sa kanya, ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso.

 

a)

Stephen Smith

b)

Feliciano Fajardo

c)

Michael Todaro

d)

Amartya Sen

6.

Mahalagang salik ang ginagampanan ng yamang tao sa pagsulong ng isang bansa. Paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya?

 

a)

Ang tao ay walang direktang kontribusyon sa pagsulong ng ekonomiya

b)

  Ang tao ay itinuturing na pasanin ng gobyerno kung dadami ang populasyon

c)

Ang kasanayan ng tao ang gumaganap ng mahalagang papel upang makalikha ng mas maraming output.

d)

Nakabatay sa laki ng populasyon ang dami ng manggagawa na nagdudulot ng pag-unlad

7.

Ano ang saklaw ng Human Development Index?

a)

Kalusugan, Edukasyon, at Antas ng pamumuhay

b)

Kalusugan, Pabahay, at Pagkain

c)

Edukasyon, Hanapbuhay at Pabahay

d)

Antas ng Pamumuhay, Karangyaan at gadgets

8.

Bago mag eleksyon, kinilala muna niya ang kandidatong kanyang iboboto pagdating ng eleksyon.Si John ay:

 

a)

Maalam   

b)

Maabilidad      

c)

Matalino

d)

Makabansa

9.

Mas binibili ni Jane ang bayong kaysa signature bags bilang pagsuporta sa gawang Pinoy. Si Jane ay:

 

a)

Maalam

b)

Maabilidad

c)

Mapanagutan

d)

Makabansa

10.

Nakapulot si Mara ng wallet na naglalaman ng 6,000 pesos at Nakita nya na may ID itong kasama. Dali dali nyang tinawagan ang numero na nakalagay dito at isinauli sa may-ari. Si Mara naman ay:

 

a)

Maalam

b)

Maabilidad

c)

Mapanagutan

d)

Makabansa

11.

May mga epekto ang pagkaubos ng kagubatan. Alin sa mga ito ang hindi kabilang?

 

a)

Lumalawak ang maaaring pagtaniman ng mga magsasaka.

b)

Nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami.

c)

Nababawasan ang suplay ng hilaw na sangkap na gamit sa pabrika.

d)

Pagkaubos ng watershed na nagsusuplay ng tubig sa irigasyon.

12.

May mga programa para sa mga likas na yaman. Ano ang programa na naglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa?

 

a)

KALAHI Agrarian Reform Zone

b)

Community Livelihood Assistance Program

c)

Sustainable Forest Management Strategy

d)

National Integrated Protected Areas System

13.

Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mga batas at programang pang-agrikultural?

 

 

a)

Nagbibigay ng proteksiyon sa mga magsasaka.

b)

Nasisiguro ang kaayusan ng sektor ng agrikultura

c)

Nagiging produktibo ang sektor ng agrikultura

d)

Nagiging maayos at produktibo ang sektor ng agrikultura

14.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga layunin ng CARP 2003?

 

 

a)

Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka.

b)

Pagbibigay ng scholarship program sa mga anak ng magsasaka.

c)

Pagtatayo ng mga bahay–ugnayan para sa magsasaka.

d)

Hindi pagbabayad ng lupa ng mga magsasaka.

15.

. Ilan ang maaaring ariin na lupa ng bawat pamilya na nakasaad sa Public Land Act of 1902?

 

a)

3 ektarya    

b)

5 ektarya

c)

10 ektarya

d)

16 ektarya

16.

Ito ay isa sa mga sektor ng ekonomiya na umaalalay sa buong proseso ng produksiyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo sa loob at labas ng bansa.

a)

Sektor ng Agrikultura

b)

Sektor ng Industriya

c)

Sektor ng Paglilingkod

d)

Impormal na Sektor

17.

Ano ang pangunahing gampanin ng Sektor ng Paglilingkod?

a)

Magproseso ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng kalakal.

b)

Magkaloob ng mga hilaw na materyales para sa produksiyon.

c)

Magkaloob ng serbisyo na tutugon sa pangangilangan ng tao.

d)

Magkaloob ng buwis sa pamahalaan.

18.

Ang mga pulis, guro, sundalo at lahat ng kawani ng pamahalaan ay kabilang sa anong subsektor ng paglilingkod?

 

a)

Kalakalan

b)

Pananalapi

c)

Paglilingkod Pampribado

d)

Paglilingkod Pampubliko

19.

Sa anong subsektor ng paglilingkod kabilang ang serbisyong ipinagkakaloob ng mga bangko, sanglaan, kooperatiba at iba pang institusyong pampinansyal?

 

a)

Pampublikong Paglilingkod

b)

Kalakal

c)

Pananalapi

d)

Pampribadong Paglilingkod

20.

Ito ay ang ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa sektor ng paglilingkod na nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyunal upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong propesyunal sa bansa.

 

a)

Professional Regulation Commission (PRC)

b)

Commission on Higher Education (CHED)

c)

Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

d)

Department of Labor and Employment (DOLE)

21.

Anong ahensya ng pamahalaan ang tumutulong sa sektor ng paglilingkod ang nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas?

 

a)

Professional Regulation Commission (PRC)

b)

Commission on Higher Education (CHED)

c)

Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

d)

Department of Labor and Employment (DOLE)

22.

.Alin sa mga sumusunod ang naitatag sa bisa ng R.A.7796 (1994) na naglalayong sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa.

 

a)

Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

b)

Department of Labor and Employment (DOLE)

c)

Professional Regulation Commission (PRC)

d)

Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

23.

Ang mga sumusunod ay ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa sektor ng paglilingkod maliban sa…

 

a)

Department of Labor and Employment (DOLE)

b)

Commission on Higher Education (CHED)

c)

Department of Trade and Industry (DTI)

d)

Professional Regulation Commission (PRC)

24.

Ang Pilipinas ay kilala bilang isang bansa na hindi pahuhuli sa larangan ng industriyalisasyon. Bilang mag-aaral paano mo masasabing maunlad ang ating bansa?

a)

Maunlad ang industriya ng bansa kung nalilinang ang lahat ng hilaw na materyales na nanggagaling sa sektor ng agrikultura.

b)

Maunlad ang industriya kung natutugunan ang pangangailangan ng tao

c)

Maunlad ang industriya ng bansa kung lubos na napakikilos ang lahat ng pabrika at may mataas na bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas paggawa.

d)

unlad ang industriya kung handa itong humarap sa anumang suliranin pang-ekonomiya.

25.

Ito ay uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo?

 

   

a)

Komersyal    

b)

Munisipal  

c)

Aquaculture

d)

Wala sa nabanggit