wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 9 Q4 Summative

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring makatulong sa iyo?

a)

A. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro at kaibigan.

b)

B. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan.

c)

C. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng Negosyo.

d)

D. Pagpili ng kurso ayon sa talent, hilig at kakayahan.

2.

Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao.

a)

A. Upang mayroon siyang gabay.

b)

B. Upang siya ay hindi maligaw.

c)

C. Upang magkaroon siya ng kasiyahan.

d)

D. Upang matanaw niya ang hinaharap.

3.

Ang sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay maliban sa:

a)

A. Sukatin ang mga kakayahan 

b)

B. Tipunin ang mga impormasyon.

c)

C. Tukuyin ang mga pinahahalagahan

d)

D. Suriin ang iyong ugali at katangian

4.

Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na gamitan mo ito ng SMART. Ano ang kahulugan nito?

a)

A. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound

b)

B. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound

c)

C. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound

d)

D. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound

5.

Ano ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan?

a)

A. Misyon

b)

B. Bokasyon

c)

C. Propesyon 

d)

D. Tamang Direksyon

6.

Alin ang patunay ng “pagkamasipag na may kalakip na adhikain” para sa pag- unlad?

a)

A. Pagkamit ng mithiin sa anumang paraan.

b)

B. Pagkakaroon ng plano o blangkas ng mga gawain.

c)

C. Pagkakaroon ng mga pangarap na kayang abutin.

d)

D. Pagkakaroon ng gawain tungo sa pagkamit ng mithiin.

7.

Ang Personal na Misyon sa Buhay ng isang tao ay magagampanan sa pamamagitan ng hanapbuhay ng isang tao kapag ___________________________________.

a)

A. may natatamo siyang benepisyo mula sa kaniyang gawain.

b)

B. kasama niya ang kanyang mga kaibigan sa pagsasagawa nito.

c)

C. napapaunlad niya ang kaniyang talent sa kaniyang paghahanapbuhay.

d)

D. ginagamit niya ang kaniyang talento ayon sa layuning itinalaga sa kaniya.

8.

Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan kung:

a)

A. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa.

b)

B. nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga.

c)

C. nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.

d)

D. nagagampanan nang balance ang tungkulin sa pamilya,  trabaho at komunidad.

9.

Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?

a)

A. Sarili, simbahan, at lipunan

b)

B. Kapuwa, lipunan at paaralan

c)

C. Paaralan, kapuwa at lipunan

d)

D. Sarili, kapuwa at lipunan

10.

Ano ang ibig sabihin ng bokasyon?

a)

A. Misyon

b)

B. Propesyon

c)

C. Tamang Direksyon

d)

D. Tawag

11.

Alin sa sumusunod ang hindi  kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?

a)

A. Ito ay batayan ng tao sa kanyang pagpapasiya.

b)

B. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.

c)

C. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili. 

d)

D. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong 

mangyari sa buhay.

12.

Paano nalilinang ng pagsasanay ang kakayahan?

a)

A. pagmamasid sa mga tao sa kanilang gawain

b)

B. paggamit ng kaalaman sa aktuwal na sitwasyon.

c)

C. pagtatanong sa mga taong nagtataglay ng kakayahan na naisa linangin.

d)

D. A at C

13.

Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?

a)

A. makinig sa mga gusto ng kaibigan

b)

B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral

c)

C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano

d)

D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon.

14.

“Lahat ng tao ay nais maging matagumpay at mahusay sa anumang gawain na kanilang kinasasangkutan.” Sang-ayon ka ba sa ibig ipabatid ng pahayag?

a)

A. Hindi po, sapagkat may mga tao ayaw naman magtrabaho.

b)

B. Opo, sapagkat dito sila kumukuha ng kanilang ikabubuhay. 

c)

C. Hindi po, sapagkat may mga taong hindi gumaganap sa kanilang trabaho ng 

maayos.

d)

D. Opo, sapagkat dito nagmumula ang malaking bahagi ng kanilang buhay ay 

inilalaan ng tao sa kanilang hanapbuhay; dito rin nila nakikita ang kanilang 

kaganapan.

15.

Para sa 3 Magkakasunod na Aytem :

Ang hangarin ng iba na gamitin ang hilig sa pagnenegosyo ay hindi nawawala. Maraming Pilipino ang nagtagumpay gamit ang kanilang talento sa pamamalakad ng negosyo tulad nina Pacita “Chit” Juan ng Figaro Coffee Shop; Patsy Alejandro Paterno ng Papelmelroti; Judy Ann Santos ng Angrydobo; Julia Gandionco ng Julies Bakeshop; at marami pang iba. Nagsimula ang kanilang negosyo sa maliit, at unti-unti itong lumaki hanggang sa di nila namamalayan na kinikilala na ang kanilang negosyo sa kasalukuyan.

Ano-anong pagpapahalagang kaugnay ng paggawa ang taglay ng mga nabanggit sa talata?

a)

A. Matapat

b)

B. Masigasig

c)

C. Mapanagutan

d)

D. Wastong paggamit ng oras

16.

Anong salik ang tumutukoy sa kakayahan ng tao na malagpasan ang mga pagsubok na maaaring maranasan sa pagtatrabaho o pagkakaroon ng negosyo?


a)

A. Interes at Kakayahan

b)

B. Mga pinapahalagahan at karakter

c)

C. Kakayahang pinansiyal

d)

D. Kasanayan at kakayahan

17.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing salik kaugnay ng paggawa ang isinaalang-alang ng mga nabanggit sa talata sa pagtatayo ng kani-kanilang Negosyo

a)

A. Interes at Kakayahan

b)

B. Mga pinapahalagahan (values)

c)

C. Kakayahang pinansiyal

d)

D. A at B

18.

Sino ang nagpamalas ng pagkamasigasig?

a)

A. Sa kabila ng kahirapan sa pananahi, sinikap ni Anna na makabuo ng damit upang matupad ang pangarap na sariling dress shop.

b)

B. May maayos na iskedyul ng mga gagawin sa maghapon si Ria upang matapos niya ang lahat ng itinakdang gawain.

c)

C. Bilang lider ng pangkat, iniisa- isa ni Eloisa ang mga natapos ng kanyang miyembro at isinusumite sa guro sa takdang araw.

d)

D. Bago pa sumikat ang araw, nasa bukid na si Rafael upang magbungkal ng lupa ayon sa kagustuhan ng kanyang ama.

19.

Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang gawain sa pagpili ng kurso?

a)

A. Kilalanin ang sariling personalidad.

b)

B. Tayain ang pinansyal na kakayahan.

c)

C. Gayahin ang kursong nais ng kaibigan.

d)

D. Suriin ang mga sariling interes at kagalingan.   

20.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa paraan ng paglinang sa kakayahan?

a)

A. pag-aaral ng mabuti

b)

B. pagsusuri at pagkilala sa sarili

c)

C. pagsasagawa ng mga natutuhan

d)

D. pakikipag-usap sa mga taong may kasanayan

21.

Alin sa mga sumusunod ang hindi direktang sanhi ng pagtaas ng antas ng kawalan ng hanapbuhay sa bansa?

a)

A. patuloy na paglaki ng populasyon ng bansa.

b)

B. pag-aagawan ng maraming aplikante sa kakaunting trabaho. 

c)

C. kakulangan sa kurso na maaaring at bukas sa mga unibersidad.

d)

D. hindi pagtutugma sa kakayahan ng manggagawa at ng pangangailangan ng mercado.

22.

Paano makasasabay ang isang mag-aaral sa mga pagbabago ng merkado ng paggawa?

a)

A. Pagsunod lagi sa trend  na nakikita at nababasa sa social media.

b)

B..Sa pamamagitan ng pagsusuri at pagkilala sa sarili at kakayahan at pagsasanay.

c)

C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kamalayan sa pagbabago sa merkado ng paggawa.

d)

D. B at C

23.

“Ang pagtatagumpay sa buhay ay propesyon ay hindi mangyayari nang kusa.” Ano ang nais ipabatid ng pahayag?

a)

A. Gayahin si Juan Tamad na naghihintay lamang ng mahuhulog na prutas.

b)

B. Makabubuti sa isang tao na maging matiyaga at maghintay lamang.

c)

C. Maghanap ng taong maaaring tumulong at magbigay ng mga kailangan upang magtagumpay.

d)

D. Kailangang gumawa at kumilos kung nais mong magkaroon ng katuparan ang pangarap mo para sa iyong sarili.

24.

Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng track o kursong kukunin sa Senior High School?

a)

A. Kung ano ang gusto ng karamihan. 

b)

B. Kurso ni crush o ng paboritong idol.

c)

C. Laki ng halaga na ssuwelduhin kapag natapos ang kurso.

d)

D. Potensyal na pagtugon nito sa pangangailangan ng industriya.

25.

Para sa apat na magkakasinod na aytem :

Ang mga manggagawa sa kasalukuyan ay gumagamit ng patuloy na nagbabagong teknolohiya sa pakikipagtalastasan, pagkuha, at paggamit ng impormasyon at sa industriya at produksyon.
Alin sa mga sumusunod ang dapat gawain upang makasabay ang mga manggagawa sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at maseguro na maayos ang pagpapatakbo ng produksyon o trabaho?

a)

A. Huwag sumabay sa pagbabago ng teknolohiya.

b)

B. Pagsasagawa ng regular na pagsasanay sa organisasyon o kumpanya.

c)

C. Regular na pagpapalit ng mga manggagawa upang masiguro na mga bata eksperto sa teknolohiya ang gagawa ng trabaho.

d)

D. A at C

26.

Sa kurikulum ng K to 12, anong strand ang pinaka nangangailangan ng kasanayang teknikal o technical skills?

a)

A. ABM

b)

B. GAS

c)

C. TVL-ICT

d)

D. Sports

27.

Anong kakayahan ng skilled workers ang tinutukoy na sa talata?

a)

A. Basic Skills

b)

B. Technical Skills

c)

C. Organizational Skills

d)

D. Company Specific Skills

28.

Ano ang nais ipabatid ng talata?

a)

A. Kailangan na sa bawat upgrade ng teknolohiya ay kailangan din ang upgrade sa kasanayan ng mga manggagawa.

b)

B. Kailangan na pahalagahan ang pagkakaroon ng kakayahang teknikal upang makasabay sa patuloy na pag-unlad ng mundo ng paggawa.

c)

C. Kailangan pagtuunan lamang ng pansin ang teknikal na kakayahan at kasanayan at balewalain na lamang mga pagpapahalagang kaugnay ng paggawa.

d)

D.  A at B

29.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa paraan ng paglinang sa kakayahan?

a)

A. pagsusuri at pagkilala sa sarili

b)

B. pagsasagawa ng mga natutunan

c)

C. pakikipag-usap sa mga taong may kasanayan

d)

D. pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang kaugnay ng paggawa

30.

Mula sa aytem bilang 19, anong personalidad ang taglay ni Raul?

a)

A. Enterprising

b)

B. Social

c)

C. Artistic

d)

D. A at B

31.

Ang taong may artistic personality type ay may kakayahang gumawa o bumuo ng iba’t ibang ideya at tumingin sa mga bagay bagay mula sa ibang aspekto. Sino sa mga sumusunod ang nabibilang sa personality type na nabanggit?

a)

A. Si Rita na mahillig gumawa ng mga gamit sa bahay gamit ang mga luma o sirang kagamitan.

b)

B. Si Raul na magaling humikayat ng kapwa at magbenta ng kahit na anong maaaring ibenta.

c)

C. Si Reyshel na mahusay magkwenta at magbilang kahit na walang hawak na cellphone o calculator.

d)

D. Si Reygen na magaling umayos ng mga di pagkakaunawaan sa may mga kamag-aral siyang nag-aaway sa klase.

32.

Ayon kay Dr. Holland ang isang tao ay maaaring magtaglay ng mahigit sa isang uri ng personalidad. Ano ang nais ipabatid ng pahayag na ito ni Dr. Holland?

a)

A.  Ang lahat ng tao ay espesyal dahil sila ay may kondisyong multiple personality disorder”.

b)

B. Maraming nais maranasan at matutunan ang tao kaya naman marami siyang personalidad.

c)

C. Ang tao ay may hilig na gumaya sa kung ano ang “trend” o uso sa kapaligiran at sa napapanuod sa telebisyon at social media.

d)

D. Kapag naabot natin ang pagtatapos ng pagbibinata, ang karamihan sa mga interes ng mga tao ay kahawig ng isang kombinasyon o anim na uri kaya naman ang ang personalidad ng tao ay sinabing mahigit sa isa.

33.

Si Grace ay kumuha ng RIASEC Personality Test. Ayon sa resulta, siya ay nabibilang sa mga taong enterprising. Alin sa mga sumusunod na kurso ang maaaring pagpilian ni Grace?

a)

A. accountancy, engineering, biologist 

b)

B. architecture, interior design, fine arts 

c)

C. education, mass communication, psychology

d)

D. business management, entrepreneurship, marketing

34.

Pangarap ni Adonis na maging isang pastor. Siya ay may kakayahan na magsalita sa harap ng maraming tao at magbahagi ng kanyang mga karanasan na maaaring kapulutan ng aral o inspirasyon ng kanyang kapwa. Anong klase ng personalidad ang taglay ni Adonis?

a)

A. Conventional

b)

B. Investigative

c)

C. Realistic

d)

D. Social

35.

Sa iyong palagay, tama ba kung financial manager ang pipiliing trabaho ni Justin -base sa kakayahan at kasanayan na mayroon siya?

a)

A. Hindi po, sapagkat walang kinalaman ang kursong kanyang tinapos sa 

financial management.

b)

B. Sang-ayon po, sapagkat in demand din sa ngayon ang trabahong may kinalaman sa pinansiyal na pamamahala.

c)

C. Sang-ayon po, sapagkat maaari naman siyang sumailalim sa pagsasanay upang maunawaan niya kung paano ginagawa ang pinansiyal na pamamahala.

d)

D. Hindi po, sapagkat ang kanyang kakayahan at kasanayan ay may kinalaman sa pisikal na pagpapalakas ng katawan at walang kinalaman sa pinansyal na pamamahala.

36.

Para sa tatlong magkakasunod na Aytem:

Sa panahon ngayon, kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga taong nangangailangan ng ehersisyo dahil sa pagkakasakit ng diabetes, high blood pressure at iba pa. Si Justin ay isang athlete at nagtapos ng kursong may kinalaman sa therapy at orthopedic. 
Sa iyong palagay, ano ang maaaring maging epekto kapag ang trabaho na napiling pasukan ni Justin ay walang kinalaman sa kanyang kakayahan o natapos na kurso?

a)

A. Hindi magkakaroon ng kabutihang panlahat. 

b)

B. Maaaring tumaas ang bilang ng mga tao na walang trabaho.

c)

C. Maaaring tumaas ang bilang ng reklamo o aksidente sa trabaho.

d)

D. Maaaring tumaas ang kaso ng job mismatch at hindi magagampanan ng maayos at tama ang napiling trabaho na makakapekto sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga kaugnay ng paggawa.

37.

Anong trabaho ang maaari pasukan ni Justin na maaaring maging in demand sa bansa ayon sa talata sa itaas?

a)

A. Dietician

b)

B. Fitness Instructor

c)

C. Financial Manager

d)

D. Therapist

38.

Bakit mahalaga na malaman ng kabataang tulad mo ang mga in demand na trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa sa pagpili ng kurso?

a)

A. Upang makasunod sa trend o uso. 

b)

B. Upang magkaroon agad ng trabaho pagkatapos ng iyong pag-aaral.

c)

C. Upang masiguro na akma ang kakayahan at kasanayan sa maaaring maging trabaho pagkatapos mag-aral.

d)

D. A at C

39.

Ang pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyunal, sining at palakasan, negosyo o hanapbuhay na angkop sa sariling talento, kakayahan at hilig ay makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ang pangungusap ay:

a)

A. Tama, ang maling pagpili ng kurso na ayon sa iyong sariling talento, 

kakayahan at hilig ay nangangahulugang karadagang problema sa isyu sa job mismatch.

b)

B. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay responsibilidad ng pamahalaan at hindi ng kaniyang mamamayan.

c)

C. Tama, ang pagpili ng tamang kurso ayon sa sariling talento, kakayahan at hilig ay hakbang sa minimithing trabaho at buhay sa hinaharap para sa sarili, pamilya, kapwa at bansa.

d)

D. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa mga batas na gagawin at 

ipatutupad nang mga naihalal na ng taong bayan.

40.

Bakit mahalaga ang pagsusuri sa local at global na demand sa paggawa? Alin sa mga susumunod ang pinakatamang paliwanag/sagot?

a)

A. Upang maiwasan ang tinatawag na job mismatch.

b)

B. Upang maisaalang-alang ang pangangailangan ng mercado sa paggawa.

c)

C. Upang makatiyak na magiging matagumpay ang isang tao sa paghahanap ng trabaho.

d)

D. Upang tiyakin na mayroong trabahong makukuha ang isang tao matapos niyang kompletuhin ang kaniyang pagsasanay.

41.

Sa mga sumusunod na suliranin, ano ang dapat bigyan pansin ng pamahalaan na maaaring maging susi sa pag-unlad ng ekonomiya nito?

a)

A. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong mapasukan.

b)

B. Ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipinong inaabuso sa ibang bansa.

c)

C. Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis sa kita 

ng mga manggagawa.

d)

D. Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabahong local o maging sa ibang bansa na angkop sa hilig, talento, at kakayahan na ayon sa kursong natapos.

42.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kailangang isaalang-alang upang maging matagumpay ang isang tao bilang kabahagi ng mundo ng paggawa?

a)

A. Ang kaniyang hilig, talento at kakayahan.

b)

B. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa.

c)

C. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan na mayroon siya.

d)

D. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya, at lipunan.

43.

Sa edad na anim kakikitaan na si Lyra ng kakayahan sa paggawa ng kwento. Ito ay kanyang nalinang pa ng siya pumasok sa sekundarya, lagi din siyang nananalo sa mga patimpalak na may kinalaman sa malikhaing pagkukuwento at pagsulat. Sa iyong palagay, anong kurso ang dapat piliin ni Lyra sa kolehiyo?

a)

A. Kursong may kinalaman sa ICT.

b)

B. Kursong may kinalaman sa pagtuturo.

c)

C. Kursong may kinalaman sa matematika. 

d)

D. Kursong may kinalaman sa malikhaing pagsulat.

44.

Bakit may iba’t ibang hinihinging kagalingan ang iba’t ibang hanapbuhay?

a)

A. Upang mabilis na tumaas ang posisyon.

b)

B. Upang makatanggap ng sahod ayon sa bilis ng trabaho. 

c)

C. Upang maisagawa ang mga gawain ng may kahusayan.

d)

D. Upang maisagawa ang mga gawain ng may kahusayan at maayos.

45.

Ano ang ibig sabihin ng pundasyonal o batayang kakayahan?

a)

A. Iba’t ibang interes ng tao.

b)

B. Kakayahan na kailangan sa bawat hanapbuhay.

c)

C. Iba’t ibang kakayahan ng tao na kailangan sa bawat hanapbuhay.

d)

D. B at C. 

46.

Alin sa mga sumusunod ang dapat bigyan ng pansin ng pamahalaan na maaaring maging susi sa pag-unlad ng ekonomiya nito?

a)

A. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong mapapasukan.

b)

B. Ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipinong inaabuso sa ibang bansa.

c)

C. Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabahong local o maging sa ibang bansa na angkop sa hilig, talent, at kakayahan na ayon sa kursong natapos.

d)

D. Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis sa kita ng mga manggagawa.

47.

Si George ay isang kumuha ng kursong ICT kahit di naman siya mahusay sa paggamit ng computer sa kadahilanang in demand ang mga ICT sa abroad at Malaki ang sahod. Dahil dito siya lagi nakakakuha ng mabababang marka sa mga asignatura. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawang dahilan ni George sa pagpilli ng kurso?

a)

A. Tama po, sapagkat aanhin niya ang mataas na grado kung wala naman trabaho.

b)

B. Tama po, sapagkat siguradong makakakuha siya ng magandang hanapbuhay pagkagradweyt niya.

c)

C. Hindi po, dapat ay ang kanyang talento o kakayahan ang pinagbasehan niya hindi yun pagiging in demand  ng hanapbuhay.

d)

D. Hindi po, sapagkat kung mabababa ang kanyang mga marka mahihirapan siyang makakuha ng hanapbuhay -kaya dapat talento at kakayahan ang kanyang pinagbasehan sa pagpili ng kurso.

48.

Mahilig si Carls na magpinta kahit hindi siya ganun kahusay, pero ayon sa kanyang ina mas maganda kung accountancy ang kanyang kukuhaning kurso sapagkat mahusay sa Matematika at lagi niyang inirerepresent ang paaralan sa tuwing may patimpalak sa dibisyon. Sa iyong palagay tama ano ang tamang gawin ni Carls?

a)

A. Piliin ang pagpinta sapagkat uso naman na ang mga abstrak na likha. 

b)

B. Piliin ang pagpinta kahit di siya magaling sapagkat iyon ang kanyang nais.

c)

C. Makinig sa kanyang ina, sapagkat mas alam ng mga nanay ang Mabuti para sa kanilang anak.

d)

D.Makinig sa kanyang ina, sapagkat iyon ay nakabase sa kanyang talento at kakayahan at gawin na lamang libangan ang pagpipinta.

49.

Bakit nagiging kakaiba at espesyal ang bawat tao?

a)

A. Dahil magkakaiba ang kanilang gusto sa buhay.

b)

B. Dahil ang bawat tao ay mayroong iba’t ibang pangarap. 

c)

C. Dahil ang bawat tao ay nagtataglay ng talento at kakayahan.

d)

D. Dahil magkakaiba ang taglay na talento at kakayahan at maging antas kakayahan ng bawat tao.

50.

Ano ang sukatan kung magagawa o hindi ng isang tao ang isang bagay?

a)

A. Salapi

b)

B. Kakayahan

c)

C. Talento

d)

D. A at B