wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 9 - Ikalawang Laguman

Total questions: 49

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Basahing mabuti ang tanong at piliin ang letrang tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa Likas na Batas Moral.

a)

Pangungulit sa bata na maligo

b)

Pagpilit sa mga tao na magsimba

c)

Pagkalas ng buwis sa mga manggagawa

d)

Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doktor

2.

Paano nalalaman ang mabuti?

a)

Kung ito ay nakakatulong sa pagbuo ng sarili

b)

Kung ang ginawang desisyon ay sabay na ginamitan ng isip at puso

c)

Kung ang pagpili ay batay sa panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon

d)

Kung ang mga posibleng epekto ng pagpili ay mapanindigan niya ang mga bungang kanyang kakaharapin

3.

Dahil mahigpit ang kampanya laban sa paggamit ng ilegal na droga. Anong angkop na kilos ang gagawin mo upang maituwid mo ang bisyong ito?

a)

Panoorin ko ang kanilang ginagawa

b)

Iulat ko ang kaganapan sa mga kinauukulan

c)

Kunan ko sila ng mga larawan at ipapakita sa pulisya

d)

Pagsasabihan ko ang mga gumagamit nito.

4.

Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa sumusunod ang tunay na diwa nito?

a)

Protektahan ang ilang mayayaman at may kapangyarihan

b)

Ingatan ang interes ng nakararami

c)

Itaguyod ang karapatang-pantao

d)

Kondenahin ang mapagsamantalang sa kapangyarihan

5.

Sinasikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?

a)

Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksyon ng mga mamamayan

b)

Sa pamamagitan ng maraming mga batas

c)

Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastruktura na senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

d)

Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan

6.

Hindi perpekto ang mga batas subalit muli babalik tayo sa depinisyon ng mabuti na sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala na ipinapaliwanag ng pahayag?

a)

Umayon sa lahat ng panahont at pagkakataon

b)

Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam

c)

Angkop sa pangangailangan at kakayahan

d)

Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng ilan lamang

7.

Ang mabuti ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan. Alin sa mga nasa pamilian ang naglalarawan ng pahayag?

a)

May pagsaklolo sa iba

b)

Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos

c)

Pagiging matulungin sa kapuwa

d)

Pagkamapi sa tao

8.

Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Alin sa sumusunod ang nagpapatuany n?

a)

Maging palakaibigan

b)

Maging mapagbigay

c)

Maging makatao

d)

Maging mabuting halimbawa

9.

Pumunta ka sa bakanteng loteng inuupahan mo dahil nakita mong pinapala ito ng iba upang tabunan ang kanal nila. Nagtanong ka lang nang maayos at mapayapang umalis. Di nagtagal lumabas ang isang babae at galit na sumisigaw at pinaringgan ka upang palabasin na mali at masama ang iyong pagbisita. Paano mo aayusin ito nang hindi lulubha ayon sa Likas na Batas Moral?

a)

Hindi na lang ako kikibo

b)

Susubukan kong magpaliwanag

c)

Hahayaan ko na lang na lalamig ang kaniyang ulo

d)

Pakikinggan ko ang kaniyang panig bago ako magpapaliwanag

10.

Alin sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao?

a)

konsensiya

b)

katuwiran

c)

dignidad

d)

kilos-loob

11.

Ito ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Alin ang tinutukoy ng pahayag na ito?

a)

karapatan

b)

sinseridad

c)

konsensiya

d)

tungkulin

12.

May mga tungkulin rin ang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?

a)

pagsuot ng uniporme

b)

pagpasok sa paaralan sa takdang oras

c)

pagsuot ng Identification Card (ID)

d)

lahat ng mga nabanggit

13.

Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahing ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga criminal o nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mo ba na ibalik ang ganitong klaseng parusa?

a)

Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

b)

Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.

c)

Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman ginawa.

d)

Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay at tanging Siya lang ang may karapatang bawiin ito ayon sa Kanyang kalooban.

14.

Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya. Tama ba ng naging pagtrato sa kanya?

a)

Opo, dahil pangangaligan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob.

b)

Hindi, dahil may pambayad naman siya.

c)

Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas.

d)

Hindi, dahil hindi hadlang lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan din siya kagaya ng iba pang mamamayan.

15.

Ang alin sa sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao. Alin sa mga pamimilian ang hindi kabilang dito?

a)

terorismo

b)

pagbabayad ng utang

c)

pagpatay sa sanggol

d)

diskriminasyong pangkasarian

16.

May mga paraan kung paano napapakinabangan ng tao kanyang karapatan. Alin ang tunay na nagpapakita nito?

a)

sa paggawa ng moral na kilos

b)

dahil tao lang ang may isip

c)

dahil tao lamang ang nakagagawa ng moral na kilos

d)

dahil tao lang ang marunong kumilos

17.

May iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao. Alin ang angkop na naglalarawan dito?

a)

Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang tindyer.

b)

mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero

c)

isang Linggo ng hindi magpagtingda sa palengke dahil sa pandemya

d)

Pinagatratrabaho ang mga menor de edad sa isang minahan upang makatulong sa mga magulang.

18.

Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtaraho ng produktibo. Aling karapatan ang tinutukoy nito?

a)

pribadong ari-arian

b)

bumili ng mga ari-arian

c)

mag-impok sa bangko

d)

umangkin ng ari-arian

19.

May iba’t ibang karapatan ang tao at maaari itong malabag. Alin sa mga pahayag ang mangyayari kapag nalabag ito?

a)

pag-iisip ng pagsisisi

b)

damdamin ng pagsisisi

c)

pananagutan

d)

pagpumuni

20.

Kayong magka-kaeskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na. ano ang gagawin mo?

a)

Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.

b)

Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming grupo habang naghihintay siya ng may mabakante.

c)

Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan.

d)

Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.

21.

Ang mga sumusunod na pahayag ay nangangahulugan ng salitang paggawa maliban sa isa. Alin ito mula sa mga pahayag?

a)

Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw

b)

Isang gawain ng tao na nangangailangan ng likas na pagkukusa at pagkamalikhain

c)

Isang pagkilos na hindi batay sa kaalaman

d)

Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa ng may pananagutan

22.

Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod na pahayag. Alin ang hindi dito kasama?

a)

Suporta para sa pansariling pangangailangan

b)

Karapatang samsamin ang pag-ari ng iba

c)

Mataas na tiwala sa sarili

d)

Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba

23.

Kailan masasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, pamilya, at lipunan na kanyang kinabibilangan?

a)

Kapag iniisip ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa

b)

Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kanyang kapuwa.

c)

Kapag kinakailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.

d)

Lahat ng nabanggit

24.

Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain. Alin sa mga sumusunod ang tunay na nagpapakita ang tunay na halaga ng paggawa?

a)

Sa proseso na pinagdadaanan bago malikha ang isang produkto

b)

Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao

c)

Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto

d)

Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao

25.

Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay dito?

a)

hindi kasangkapan ang tao na kailangan para mapayaman ang paggawa bagkus kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kanyang kaganapan.

b)

hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapayaman ang paggawa bagkus ang tao ang kailangan upang mapayaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapatuloy ng paggawa

c)

ang tao gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na isa lamang ng tao ang kanyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kanyang kapuwa.

d)

ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao ang lahat ng kanyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

26.

Ang sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa _________.

a)

Kumita at ipagdamot ang bunga ng paggawa

b)

Kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangangailangan

c)

Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya

d)

Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan

27.

Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kanyang pamilya, sa lipunan na kanyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:

a)

Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.

b)

Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kanyang kapuwa.

c)

Kailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.

d)

Lahat ng nabanggit

28.

May iba’t ibang layunin ang paggawa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamataas na layunin ng paggawa?

a)

pagtugon sa mga nangangailangan.

b)

pagkamit ng kaganapan bilang tao.

c)

pag-angat ng kultura at moralidad.

d)

pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya.

29.

May dalawang uri ng paggawa, alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa isa nitong uri na tinatawag na obheto?

a)

Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto

b)

Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha

c)

Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng mga produkto

d)

Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto

30.

May mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo, alin ang nagpapakita nito?

a)

A. pagmamahal, malasakit at talento

b)

B. talento, panahon at pagkakaisa

c)

C. panahon, talento at kayamanan

d)

D. kayamanan, talento at bayanihan

31.

Ang mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bolunterismo. Alin sa mga ito ang hindi?

a)

Sumali si Jen sa isang organisasyon sa kanilang barangay na may layuning mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kanilang barangay.

b)

Si Amy ay likas na maawain at matulungin. Tuwing walang pasok lagi siyang nasa center ng kanilang lugar upang makatulong sa mga programa ng barangay lalo na sa pagtuturo sa mga batang hindi marunong bumasa at sumulat.

c)

Tuwing may programa sa eskwelahan, sinisiguro ni Axel na maayos niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin bilang pangulo ng student council.

d)

Sa mga panahon na may sunog at kalamidad sa bayan ni Cel, hindi niya nakakalimutang magbahagi ng kanyang donasyon maliit man ito o malaki bastat ang mahalaga ay makatulong siya sa kanyang kapuwa nangangailangan.

32.

Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis-tinting at sako na palagayang ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?

a)

impormasyon

b)

sama-samang pagkilos

c)

konsultasyon

d)

pagsuporta

33.

Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado kung hindi yaong iba na hindi mo tinulungan. Alin ang nagpapahiwatig dito?

a)

Maraming tao ang nangangailangan ng iyong tao.

b)

Ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.

c)

Maari kang managot sa iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon.

d)

Hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin.

34.

Kailan nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao?

a)

Kung naibabahagi niya ang kanyang sarili sa kanyang kapuwa

b)

Kung siya ay nagiging mayaman

c)

Kung nagagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin bilang tao

d)

Kung mahal niya ang kaniyang kapuwa

35.

Ito ay paraan ng pagpapakita ng paglilingkod sa kapuwa nang may pagmamahal sa kapuwa at sa kaniyang lipunan. Alin ang tinutukoy ng pahayag?

a)

pakikilahok

b)

paglilingkod

c)

bolunterismo

d)

pananagutan

36.

Ang mga magkakapitbahay ay nagtulong-tulong upang buhatin ang bahay ni Mang Nestor. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bolunterismo na nagpapakita dito?

a)

A. Bayanihan (lipat-bahay)

b)

B. Wellness program ng barangay tulad ng libreng gupit

c)

C. Pag-uugnayan ng iba't ibang ahensiya

d)

D. Dental mission ng mga militar

37.

Ito ang tawag sa pagtulong ng isang tao sa isang partikular na gawain nang naaayon sa kaniyang tungkulin upang makamit ang kabutihang panlahat. Alin ang tinutukoy ng pahayag?

a)

pakikilahok

b)

paglilingkod

c)

bolunterismo

d)

pananagutan

38.

Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangang mong gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa iyo. Anong pahayag na ito ay ________.

a)

tama sapagkat, maaari kang maapektuhan kung hindi ka tutulong

b)

mali, sapagkat hindi mo naman buhay ang nakasalalay dito

c)

tama, sapagkat makokonsensya ka sa hindi mo pagtulong sa iba

d)

mali, dahil ang pagtulong sa kapuwa ay taos puso.

39.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pakikilahok. Alin sa mga ito ang tunay na nagpapakita nito?

a)

Medical at dental outreach ng mga kilalang tao

b)

Pagpopost ng adhikain

c)

Pagbotto tuwing eleksyon

d)

Pagpapakain sa mga batang lansangan

40.

Tunay ngang naiaangat ang antas ng pagpapahalaga sa paglilingkod kung __________.

a)

May hinihintay na kapalit

b)

Ito ay pagpapalipas lamang ng oras

c)

Naglilingkod upang makilala ang sarili

d)

Nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural at moral ng lipunan.

41.

Paano mo maisasagawa ang bolunterismo at pakikilahok nang bukal sa iyong kalooban?

a)

Tumulong nang may kapalit

b)

Gawin ito upang ipakita sa iba na ikaw ay nakikilahok

c)

Tumulong sa iba upang maging sikat

d)

Tumulong nang taos-puso

42.

Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis-tinting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?

a)

impormasyong

b)

sama-samang pagkilos

c)

konsultasyon

d)

pagsuporta

43.

Alin ang taglay ng tao kaya siya ay karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa?

a)

bolunterismo

b)

dignidad

c)

pakikilahok

d)

pananagutan

44.

Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag ay ________.

a)

tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.

b)

mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.

c)

tama, sapagkat maaari kang mabagabag ng iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon.

d)

mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.

45.

Ano ang kaakibat ng karapatan na ibinibigay sa tao?

a)

Kapangyarihan

b)

Tungkulin

c)

Kayamanan

d)

Katanyagan

46.

Alin sa mga sumusunod ang hindi pagtupad sa tungkulin upang mapangalagaan ang karapatan?

a)

Paggamit sa dignidad ng bawat tao

b)

Pagsunod sa batas

c)

Paggamit ng pribilehiyo

d)

Pagmamalasakit sa lahat ng may buhay

47.

Alin sa mga sumusunod na organisasyon ang nagpatibay sa Universal Declaration of Human Rights?

a)

United Nation General Assembly

b)

World Health Organization

c)

United Nations

d)

Union of Nations Assembly

48.

Ano ang ibinibigay sa tao kahit hindi niya hinihingi na kabalikat ay tungkulin?

a)

Karapatan

b)

Kapangyarihan

c)

Kayamanan

d)

Kapanatagan

49.

Laging sinasaktan ni Raymond ang kaniyang asawa kahit sa konting pagkakamali nito. Anong karapatang pantao ang nalalabag?

a)

Pagkitil ng buhay ng sanggol.

b)

Pang-aabuso at hindi tamang pagtrato sa kababaihan.

c)

Hindi pagpansin sa mga may kapansanan.

d)

Pagmamaltrato sa mga bata.